ANG WIKANG FILIPINO FIVAVA130 MA. BEATRIZ H. LAZARTE, LPT, MAED
NILALAMAN Kahulugan ng Wika Pandaigdigang Katangian ng Wika Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika Barayti ng Wika
NILALAMAN Antas ng Wika Pahapyaw na Kasaysayan ng Wikang Pambansa Mga Pamomosong Filipino na Nagpahalaga sa ating Wika Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika
NILALAMAN Ang Ortograpiya
Kahulugan ng Wika
KSAF, 2012 ni Pearl S. Carpio et. al, Kung walang wika , walang mabubuong lipunan . Kung walang lipon ng tao o lipunan , walang uusbong na kultura . Kahulugan ng Wika Pamela Constantino at Galileo Zafra Sa diksyunaryo ni Webster Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao . Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat at pasalitang simbolo .
Austero et al, 2009 Gamit sa komunikasyon na binubuo ng mga simbolo o letra at mga panuntunan . Ang mga simbolong ito ay maaaring pagsama-samahin upang makalikha ng mga salita na bumubuo ng isang wika Kahulugan ng Wika Zeus Salazar Alfred Whitehead Ayon sa aklat ni Austero at. Al, (2009), naipapahayag sa wika ang mga kaugalian , isip at damdamin ng bawat grupo ng mga tao at maging sa larangan ng kaisipan kung kaya’t ang wika pa rin ang impukan – kuhanan ng isang kultura . Ang wika ang gamit ng tao upang magkaroon ng ugnayan sa bawat isa at ipinapalagay na ang wika ay salamin ng lahi at ng kanyang kalagayan .
Cindie B. Almeda Ang wika ay halaw o bunga ng larawang pangkaisipan at instrumento sa pagpapahayag ng ating imahinasyon o nararamdaman . Ito rin ang nagsisilbing repleksyon ng ating pagkatao at kaluluwa ng isang bansa . Kahulugan ng Wika Henry Gleason Ang wika ay masistemang balangkas nang sinasalitang tunog , na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura ( Tumangan et al., 2000).
Pandaigdigang Katangian ng Wika
Pandaigdigang Katangian ng Wika
Pandaigdigang Katangian ng Wika Halimbawa : Toyo sa Tagalog – patis sa Hiligaynon Sitaw sa Tagalog – latoy sa Bisaya at utong sa Ilokano Nafe sa Ibanag – kanin sa Tagalog
Pandaigdigang Katangian ng Wika Halimbawa : Kano at Pinoy ( Paraan ng Pagsasalita ) Kano: Tayo na ? Pinoy : Pwede ba ko manligaw ? Halimbawa : Ingles at Filipino (ice formation) Ingles – glacier, hailstorm, icebergs, frost at iba pa. Filipino – yelo at nyebe lamang
Pandaigdigang Katangian ng Wika Halimbawa : Salitang kanto ( balbal ) – gaylingo , ilang grupo ng tao batay sa trabaho ; drayber , guro , magsasaka , barber, reporter at iba pa.
Pandaigdigang Katangian ng Wika
Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika
Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika
Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika
Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika
Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika Sa larangan ng Sikolohiya , ang mga sumusunod na teorya ay may malaking impluewensiya sa proseo ng pagkatuto :
Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika Dr. Ronaldo A. Bernales ( teorya ng wika )
Barayti ng Wika
Barayti ng Wika DAYALEK Wikang ginagamit ng isang partikular na rehiyon na may natatanging tono, punto bokabularyo at estraktura ng pangungusap. Ang punto ay may kaugnayan sa paraan ng pagbigkas ng isang tao gamit ang kanyang wika. Halimbawa: (Laguna) Nakakain ka na ba? (Manila) Kumain ka na ba? (Batangas) Ala! Kay banas naman dine eh! (Manila) Hay! Ang init naman!
Barayti ng Wika IDYOLEK Nakabatay sa nakasanayang gawi o katangian sa pagsasalita ng isang indibidwal. Pagkakaiba ng paraan ng pagsasalita, maaaring depende sa edad, kasarian o antas sa lipunan. Halimbawa ang paggamit ng “siya” imbes na “ito” o ang madalas na paggamit ng “bale” o “aba!” sa tuwing magsasalita.
Barayti ng Wika SOSYOLEK Batay sa katayuan ng nagsasalita sa lipunan, sa grupo na kanyang kinabibilangan at ayon sa antas ng kanyang pamumuhay. Hindi lamang ang mga estudyante ang gumagamit nito kundi pati matatanda, mga kababaihan, mga bakla at pati ang mga nasa piitan. Ang lenggwaheng sinasalita ay nadebelop mula sa kanilang pagsilang, nakagawian, at nakalakihan.
Barayti ng Wika Halimbawa SOSYOLEK Wititit! Di ko feel ang fes niya! Dihins akon nagyuyusi ano. Naka “wheels” at maraming “bread” ang classmate ko. Mag “bonding” naman tayo pag “weekends”. Napaka “weird” ng “attire” ng komedyante na iyan.
Barayti ng Wika REHISTRO NG WIKA Sa pamamagitan ng estilo at “code” na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon. Ang mga taong kapwa gumagamit nito ay walang duda na nagkakaunawaan lalo na kung may kinalaman sa propesyon, gawain at hilig. “Jargon” ang tawag sa mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat.
Barayti ng Wika HALIMBAWA NG REHISTRO NG WIKA Legal Jargon ng mga Abogado: (Amicable Settlement, Pleadings, Pre-trial, justice, appeal, complainant) Jargon sa larangan ng accountancy: (Account, Credit, Revenue, Assets, Depreciation, debit, balance, gross income, liabilities, auditor) Jargon sa larangan ng medisina: (Diagnosis, Therapy, Emergency, Ultrasound, Surgeon, x-ray, prescription, symptom, cholesterol, uric acid)
Antas ng Wika
Antas ng Wika PORMAL Ang wika kung kinikilala/ginagamit ng nakararami lalo na ng mga taong may mataas na pinag-aralan, may mataas na katungkulan sa iba’t ibang ahensyang pampubliko o pampribado, gayundin, kung ang usupan ay lubhang seryoso. Pinipili ang mga kaukulang salita para angkop doon sa taong pagsasabihan o kakausapin. a. Pambansa Ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat, pambalarila para sa mga paaralan at gayundin sa pamahalaan at para sa mga usaping patungkol sa batas. Halimbawa: Manananggol, Ekonomiya, Tahanan Aklat, Edukasyon, Pandiwa, Politika Paaralan, Talumpati, Takdang-Aralin
Antas ng Wika IMPORMAL Antas ng wika na karaniwa’y palasak, pang-araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan. a. Lalawiganin Ito ay ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook o lalawigan, makilala ito sa kakaibang tono o punto. Halimbawa: Papanaw ka na? (Aalis ka na?) Nakain ka na? (Kumain ka na?) Nagawi ka na ba sa kabisera kung saan gaganapin ang pulong?
Antas ng Wika IMPORMAL Antas ng wika na karaniwa’y palasak, pang-araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan. b. Kolokyal Pang-araw-araw na salita, maaaring may kagaspangan ng kaunti. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita. Halos nahahawig din ito sa lalawiganin. Halimbawa: Nasan (nasaan) Meron (Mayroon) pa’no (paano) Kelan (Kailan)
Antas ng Wika IMPORMAL Antas ng wika na karaniwa’y palasak, pang-araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan. c. Balbal Sa lahat ng antas ng wika, sinasabing ito ang pinakamababa, karaniwang kilala sa salitang kalye o salitang kanto. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “slang o jargon”. Halimbawa: Erpat (tatay) Haybol (bahay) Bato (shabu) Lespu (pulis) Tom Jones (gutom) Datong (pera) Ermat (nanay)
Mga Paraan sa Paglikha ng mga Salitang Balbal 1. Pagbabaliktad ng mga Salita Halimbawa: bata - atab bakla - alkab pulis - lispu kita - atik bente - etneb pare - erap goli - ligo astig - tigas 2. Kombinasyon ng Tagalog at Ingles Halimbawa: San na you? Dito na me. Type mo siya? Di ko feel ang porma niya.
Mga Paraan sa Paglikha ng mga Salitang Balbal 3. Paghango sa mga salitang katutubo Halimbawa: gurang (Bikol, Bisaya) - matanda dako (Bisaya) - malaki baket (Ilokano) - matandang babae masiken (Pangasinense) - matandang lalake bafe (Ibanag) - kanin ibon (Kapampangan) - itlog 4. Paghahalaw sa Wikang Banyaga Halimbawa: tisoy, tisay (Kastika) - mistiza/o tsimay, tsimoy (Kastila) - muchacha/o orig (Ingles) - original dedbol (Ingles) - dead ball kosa (Russian Mafia) - Cosa Nostra
Mga Paraan sa Paglikha ng mga Salitang Balbal 5. Pagpapaikli ng Salita Halimbawa: sikyo - Security Guard Kana - Amerikana Amboy - American Boy Syano - Probinsyano Munti - Muntinlupa OMG - Oh! My God Cops - mga Pulis DOM - Dirty Old Man 6. Paggamit ng Akronim Halimbawa: gg-galunggong hp-hindi pansin Mm-mangmang ksp-kulang sa pansin tl-true love pg-patay gutom hd-hidden desire kkb-kanya-kanyang bayad sc-social climber syl-see you later hkg-hindi ko gets tdh-tall,dark&handsome
Mga Paraan sa Paglikha ng mga Salitang Balbal 7. Pagbibigay ng Bagong Kahulugan sa Salitang Filipino Halimbawa: bata (child/young/fiancee) Ube (purple yam/P100) Lagay (put/grease money) Toyo (soy sauce/mental problem) Bato (stone/shabu) Durog (powdered/drugged) Alat (salty/police) Taga (hack/commision) 8. Paghahalo ng Wika Halimbawa: bow na lang ng bow feel na feel mag-bonding ma-gets bad trip ma-take
Pahapyaw na Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Pahapyaw na Kasaysayan ng Wikang Pambansa Ayon sa kasaysayan ng Pilipinas, bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa, ang ating mga ninuno ay maalam nang sumulat at bumasa. Ang sistema ng kanilang pagsulat ay tinatawag na Alibata, na ngayon ay tinatawag natin na Alpabetong Filipino.
Pahapyaw na Kasaysayan ng Wikang Pambansa Nagtagumpay ang mga Kastila sa pananakop ng ating bansa at pinalitan nila ang Alibata ng alpabetong Romano na siyang itinuro ng mga Kastila sa mga Filipino, ang Abecedario. Abecedario ng mga Kastila A B C CH D E F G H I J K L LL M N E N YE O P Q R RR S T U V W X Y Z
Pahapyaw na Kasaysayan ng Wikang Pambansa Bukod sa kaalamang sumulat at magbasa, ang ating mga ninuno ay may sariling kultura at isa sa mga ito ang pagkakaroon ng kaalaman at kakayahan sa pag pahayag maging pasalita o pasulat.
Pahapyaw na Kasaysayan ng Wikang Pambansa Natuklusan ng mga Kastila noong 1521, na may 200 dayalekto ang mga Pilipino at ang pinakalaganap sa lahat ay ang Tagalog. Sina Padre Cherino at Padre Colin ang gumagawa ng pag-aaral sa wika na siyang dahilan ng pag pagpapadala nila ng ulat sa Roma noong 1613, sapagkat hinangaan nila ang wikang Tagalog.
Pahapyaw na Kasaysayan ng Wikang Pambansa Para mapalaganap ang kristiyanismo, napagkaisahan ng mga banyaga na gawing Wikang Pambansa ng mga Pilipino at wikang opisyal na wika ng kapuluan ang Tagalog.
Pahapyaw na Kasaysayan ng Wikang Pambansa Nang mapailalim ang bansang Pilipinas sa Amerika noong 1901, pinalaganap ang Ingles, subalit kinailangang ituro pa rin ang wikang Pilipino, kaya nang balangkasin ang saligang Batas ng Komonwelt o Malasariling Pamahalaan, nagkaroon ng pagpapapasya na tagalong ang batayan ng Wikang Pambansa. Pinili ang Tagalog dahil sa ito ang pinakamadaling pag-aralan, madaling maunawaan, may pinakamayaman na talasalitaan, panitikan, at pinakamalaganap sa buong kapuluan.
Pahapyaw na Kasaysayan ng Wikang Pambansa Ang Batas Komonwelt blg 184 ang batayan ng pagkakatatag ng Surian ng Wikang Pambansa, at pinag-aralan ang mga dayalekto o mga wikain sa Pilipinas para piliin ang karapat dapat na gawing wikang Pambansa, napili ang wikang Tagalog dahil ito ang wikang ginagamit ng mas nakararaming mamamayan sa kapuluan.
Pahapyaw na Kasaysayan ng Wikang Pambansa Noong Disyembre 30, 1937, ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 134 na nagsasaad na Tagalog ang kikilaning Wikang Pambansa ay nilagdaan ni Pangulong Quezon at sa loob ng dalawang taon ay dapat makapagpalimbag ang Surian ng isang aklat na Balarila ng Wikang Pambansa.
Pahapyaw na Kasaysayan ng Wikang Pambansa Si Manuel Luis M. Quezon ang nagsumigasig na magkaroon ng wikang Pambansa kaya ipatupad nya ang Sec.6 art 14 ng Saligang - Batas 1935, siya ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.
Mga Pamomosong Filipino na Nagpahalaga sa ating Wika
Mga Pamomosong Filipino na Nagpahalaga sa ating Wika Naging masigasig at walang pag-atubili sa pagpupunyagi sa upang magkaroon ng Wikang Pambansa. Ipinahayag niya na: "Ang isang baying bumubuo sa isang kabanaan at isang estado aymagkakaroon ng isang wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat. Ito'y isa sa pinakamatibay buklod na bumibigkis sa bayan at nagpapaunlad sa ipagkaka-isa sa mithiin, lunggati at damadamin. Pangulong Manuel Luis M. Quezon
Mga Pamomosong Filipino na Nagpahalaga sa ating Wika Siya ang nagsabi na: "Ang wika ang siyang kaluluwa ng bansa. Ang wikang Filipino ay pambansang kaluluwa at nagpapakilala na tayo ay tunay na Filipino". Isa't isa sa inyo ay nakakalimot na samantalang napapanatili ng isang bayan ang kanyang wika, ay napapanatili rin ang hiyas ng kanyang kasarinlan habang napapamalagi ang sariling isip." Dr. Jose P. Rizal
Mga Pamomosong Filipino na Nagpahalaga sa ating Wika Ipinahayag niyang, "Tayo'y mayroong kalayaang pampulitika, ngayon nama'y kailangan nating magkaroon ng kalayaang pangkabuhayan. Dapat na din tayong lumaya sa pag-iisip, hangga't hindi tayo makalalaya sa pag-iisip hangga't hindi tayo nagkakaroon ng wikang pambansang angkop sa ating sikolohiya bilang isang lahi. Isakatuparan natin ang itinatadhana n gating Saligang Batas, tungkol sa pagkakaroon ng wikang pambansag Piipino sa lalong medaling panahon. Pangulong Manuel P. Roxas
Mga Pamomosong Filipino na Nagpahalaga sa ating Wika Ayon sa kanya, "Huwag ikahiya ang ating wika sapagkat iyan ang kaluluwa ng ating bansa." Pangulong Ramon Magsaysay
Mga Pamomosong Filipino na Nagpahalaga sa ating Wika Siya ang nagpahayag na: "Ang wikang Pilipino ay para sa ating pambansang pangangailangan bilang buklod sa pagkakaisa at tatak ng ating kaangkinang pambansa at ang Ingles ay para sa ating pakikipagtalastasang pandaigdig." Pangulong Ferdinand E. Marcos
Mga Pamomosong Filipino na Nagpahalaga sa ating Wika paano iisa tayo sa lahi ay nararapat namang maging isa sa wika, at ang Siya ang nagbanggit ng ganito: "Dapat itanim sa isip tuwina na kung wikang ito'y hindi ang dayuhan kundi ang katutubo, ang sariling atin, ang Wikang Pambansang Pilipino. Dating Senador Claro M. Recto
Mga Pamomosong Filipino na Nagpahalaga sa ating Wika mapadali ang pagpapalaganap n gating wika. Bilang isang Repblika, dapat Ayon sa kanya, "Kailangan gumawa ng mahigit na mga pagsisikap upang tayong magkaroon, hindi lamang ng isang Bansa at isang Watawat kundi din ng isang Wika" gayon Pangulong Elpidio Quirino
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Ayon sa Konstitusyon noong 1935, isinasaad sa Artikulo XIV, Sek.3 Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong Wika." Iyon ang unang hakbang tungo sa pagkakaroon natin ng Wikang Pambansa.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Batas Komonwelt Blg. 184 (1936) Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan nito ang pagpili ng isang katutubong wika na siyang pagbabatayan ng Wikang Pambansa.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Batas Komonwelt Blg. 184 (1936) Ipinatupad ng Batas Komonwelt Blg. 184 ang pagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa na siyang mangangasiwa na pag-aralan ang wikain sa Pilipinas at napili ang Tagalog para gawing Wikang Pambansa, dahil ito ang pinakamalaganap sa buong kapuluan.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Batas Komonwelt Blg. 184 (1936) Ang mga naging kasapi ng Surian ng Wikang Pambansa ay sina: Jaime C. de Veyra (Hiligaynon), Santiago Fonacier (Ilocano), Casimiro Perfecto (Bicol), Felix S. Rodriguez (Tagalog), Hadji Butu (Maranao-Maguindanao), Isidro Abad (Cebuano), Zoilo Hilario (Pampanga), Jose Zulueta (Pangasinan), Lope K. Santos (Tagalog).
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937) Ipinahayag na ang Tagalog ang siyang magiging batayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Nilagdaan ni Pangulong Manuel L Quezon noong Disyembre 30, 1937 na nagsasaaad na Tagalog ang kikilalaning Wikang Pambansa. Kaya siya'y itinuturing na "Ama ng Wikang Pambansa."
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937) Tagalog ang ginawang batayan ng Wikang Pambansa sapagkat ito'y nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Bukod sa pagkakahawig sa maraming wikain sa Pilipinas, ang Tagalog na siyang batayan ng Wikang Pambansa ay nagtataglay ng humugit- kumulang na 5,000 salitang hiram sa Kastila, 1,500 sa Ingles, 1,500 sa Intsik, at 3000 sa Malay (Rolando A. Bernales, Komunikasyon sa Modernong Panahon, 2011, p.62)
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940) Nagbigay ng pahintulot sa pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika o Balarila ng Wikang Pambansa,at itinakdang mula sa Hunyo 19, 1940, ay pasimulan nang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilpinas sa laha t ng pa t arakang-bayan at pribado sa buong bansa. Inatasan din ang Kalihi ng Pagtuturong Pambayan na maglagda kalakip ang pagpapatibay ng pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at patakaran sa pagpapaunlad sa kautusang ito.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Batas Komonwelt Blg. 570 (1946) Pinagtibay na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay maging isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Proklama Blg. 12 (1954) Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang batas na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, mula Marso 29, hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang batas na nagpapahayag ng pagdiriwang Wikang Pambansa.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Proklama Blg. 12 (1955) Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang batas na nagsususog hinggil sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Proklama Blg. 186 (1959) Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay at sinusugan ang proklama Blg. 12 (1954). Itinakda ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula ika-13 ng Agosto hanggang 19 taon.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959) Nilagdaan ni Kalihim Jose Romero at itinagubilin na kailanman at tinukoy ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang itatawag.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962) Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at iniutos na simula sa Taong Aralan "63- 64", ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag sa Wikang Pilipino.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 (1963) Nilagdaan ni Pangulong Macapagal ang pag-uutos na awitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas sa titik nitong Pilipino.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967) Nilagdaan ng Pangulong Marcos at itinadhana na ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan at pamahalaan at pangngalan sa Pilipino.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968) Nilagdaan ni Kalihim Rafael Salas at ipinag-utos na ang mga letterheads ng mga tanggapan at pamahalaan ay isulat sa Pilipino.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Memorandum Sirkular Blg. 187 (1969) Itagubilin ang pagbuo ng seminar sa Pilipino ng mga kawani ng pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba't-ibang pook panlingwistika ng kapuluan.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1969) Nilagdaan ng Pangulong Marcos at inutos sa lahat ng kagawaran, kawanian, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga't maaari sa lahat ng opisyal na transaksyon at komunikasyon ng pamahalaan.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Memorandum Sirkular Blg. 384 (1970) Ipinalabas ni Kalihim Taga-pagpaganap Alejandro Melchor ang pagtatalaga ng may kakayahang tauhan upang mamahala sa lahat ng komunikasyon sa Filipino sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Tagapagpalaganap Blg. 304 Nilagdaan ng Pangulong Marcos Ang pagpapanauli sa dating kayarian ng ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Artikulo XV, Seksyon 3 (1973) Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng hakbang sa pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng panlahat ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Artikulo XV, Seksyon 3 (1973) Batas Blg. 73 (1974) Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-atas sa Surian ng Wikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong mamamamayan alin sunod sa provision ng Saligang Batas Artikulo XV, Seksyon 3.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974) Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ang pagpapatupad sa patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga Paaralan. Noong Hulyo 21, 1978, ipinatupad din niya ang Kautusang Pangministri, na isama ang Filipino sa lahat ng kurikulum ng pandalubhasaang antas. Magsimula sa unang semester ng taong 1079-1980, ang lahat ng edukasyong institusyon ay magbubukas ng anim (6) na yunit sa Pilipino sa kanilang programang aralin sa lahat ng kurso, maliban sa mga kursong pagtuturo, ay labindalawang (12) yunit.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Artikulo XIV, Seksyon 6-9 (1987) Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino, Samantalng nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamainin sa salig ng umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika..."
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusan Blg. 52 (1987) Pinalabas ni Kalihim Lourdes Quisimbing ang pag-utos sa Wikang Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa paaralan kaalinsabay ng Ingles.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusan Blg. 52 (1987) Tungkulun ng patakarang edukasyong billingal na pahusayin ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika (Filipino at Ingles), upang matamo ang mataas na uri ng edukasyon gaya ng hinihingi ng Konstitusyong 1987; Palaganapin ang Filipino bilang wika ng leterasi; paglinang at pagpapayabong ng Filipino bilang linggwistikong sagisag ng pambansang pagkaka-isa at pagkakakilanlan; at patuloy na itelektwalisasyon ng wikang Filipino.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusan Blg. 52 (1987) Sa isang banda, panatilihing wikang internasyunal para sa Pilipino ang Ingles at di bilang eksklusibong wika ng agham a teknoohiya. CHED Memorandum Blg. 59 - nagtatadhana ng siyam (9) nay unit na pangangailangan sa Filipino ng pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa diskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba't Ibang Diiplina) at Filipino 3 (Retorika).
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Proklama Blg. 1041 (1997) Iniutos ni Kalihim Isidro Carino na gamitin ang Wikang Filipino sa pagbibigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa bayan natin. Matapos ang rebulosyong EDSA 1, tuluyan nang natiyak ng Kostitusyon/Saligang ng 1987 (Artikulo XIV, Seksyon 6-9), ang kasalukuyang ngalan ng pambansang wika ng Pilipinas, ang Filipino.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Proklama Blg. 1041 (1997), Sek. 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa na salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Proklama Blg. 1041 (1997), Sek. 6 Alinsunod sa nakatadhana ng batas at sangayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa nng hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng wikang Filipino bbilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Proklama Blg. 1041 (1997), Sek. 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong s mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Proklama Blg. 1041 (1997), Sek. 8 Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles; at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Proklama Blg. 1041 (1997), Sek. 9 Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan sa iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod na mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilangpagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Proklama Blg. 1041 (1997), Sek. 9 Noong Hulyo 15,1997, nilagdaan ni Pangulong Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na ilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Sa halip na lingo, ginawang isang buong buwan ng Agosto ang pagdiriwang ng Wikang Pambansa.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Proklama Blg. 1041 (1997), Sek. 9 Nilagdaan ng dating Kalihim Isagani Cruz ng Kagawaran ng Edukasyon Kultura at Isports, ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 45 noong 2001 na mas kilala na Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Proklama Blg. 1041 (1997), Sek. 9 Ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 104 s. 2009, ay nilagdaan ni Kalihim Jesli A. Lapus ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalaman ng Gabay sa Ortograpia ng Wikang Filipino.
Ang Ortograpiya
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika 1987 Sa rekomendasyon ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (ang dating Surian ng Wikang Pambansa at tinawag na KWF ngayon) nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisombing ng Departament ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 na nagtatakda ng bagong alpabeto at patnubay sa pagbabaybay ng Wikang Filipino.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika 2001 Tungo sa mabilis na istandardisiasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika 2006 Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino, ipinagbigay- alam ng Komisyon ng Wikang Filipino ang pagsususpende sa 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at samantalang nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at hangga't walang nababalangkas na mga bagong tuntunin sa pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng taong 1987.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, sek. 1987
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, sek. 1987
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, sek. 1987
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, sek. 1987
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pamamagitan ng Batas Pangwika Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, sek. 2013