Kadalasang isinasama sa kalakip (appendix) ang mga liham na ginamit para sa pagpapahintulot o pagpapatibay ng panukala , ang detalye ng badyet tulad ng pinanggalingan ng pondo o donor, at iba pa.
Maaring idagdag ang mga bahaging ito kung sa tingin mo ay kinakailangan itong gamitin . Ngunit para sa higit na payak na balangkas para sa pagsulat ng panukalang proyekto ay maaring gamitin ang sumusunod .
1 . Pamagat ng panukalang Proyekto - Kadalasan ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin . 2. Nagpadala- Naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto . 3 . Petsa - o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel . Isinasama rin sa bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto .
4. Pagpapahayag ng Suliranin -Dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan . 5. Layunin - Naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala . 6. Plano ng Dapat Gawin -Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod sunod ng mga gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
7 . Badyet - ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto . 8. Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan / Samahan ang Panukalang Proyekto - kadalasan , ito rin ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at benipisyong makukuha nila mula rito .
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong PapelAng pagsulat ng posisyong papel ay hindi lamang sining ng paglalahad ng mga argumento at pangangatwiran kundi ito rin ay isang agham na kinapapalooban ng mga katibayang kinalap sa pamamagitan ng pananaliksik . Kaya naman, napakahalagang mapag-isipan at mapaghandaang mabuti ang paggawa nito . Narito ang mga hakbang na maaaring sundin sa pagsulat ng posisyong papel .
1 . Pumili ng paksang malapit sa iyong puso. Ang posisyong papel ay kadalasang naglalaman ng mga paniniwala at paninindigan ng may- akda . Makatutulong nang malaki kung ang paksang tatalakayin ay malapit sa iyong puso at lubos na nakaaantig ng iyong interes at maging ng maraming makababasa nito .
2 . Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa . Ang pagsasagawa ng panimulang pananaliksik ay naglalayong malaman kung may sapat na ebidensiyang makakalap hinggil sa nasabing paksa . Magsaliksik sa mga aklatan , maging sa mga web mapagkakatiwalaang site tulad ng educational at government sites upang makahanap ng mga propesyonal na mga pag-aaral at pananaliksik at mga estadistika tungkol sa iyong napiling kaso o isyu . Kung makalipas ang ilang oras ng pananaliksik sa Internet ay wala kang makitang sapat na datos na magsisilbing mga patunay at ebidensiya para sa iyong napiling posisyon , mas makabubuting pumili na lamang ng ibang paksa .
3 . Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis . Ayon kina Pamela Constantino at Galileo S. Zafra (1997) sa kanilang aklat na Kasanayan sa Komunikasyon II, ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentrong ideya ng posisyong papel na iyong gagawin . Isa itong matibay na pahayag na naglalahad ng pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksa na handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos o ebidensiya . Kadalasang ito ay maikli lamang na binubuo ng isa o dalawang pangungusap . Sa pamamagitan ng pahayag ng tesis ay malalaman ng mga mambabasa kung tungkol saan ang posisyong papel . Dito rin nakasalig ang gagawing pangangalap ng mga ebidensiyang magpapatunay ng argumento .
4 . Subukin ang katibayan a kalakasan to ay napakahalagang bahagi ng iyong pahayag ng tesis o posisyon sa pagsulat ng posisyong papel , Ka mong maaaring harapin sa giving mahatid ang mga posibleng hamong papdeponsa sa iyong napiling tesis ang mga kahinaan ng pinasusubaliang o posisyon hinggil sa isyu latag d ang posisyon sa pamamagitan ng pag iharap dito upang mapagtibay ang iisa -isa sa mga argumentong maaaring kahinaan at kakulangan nito
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailangan ebidensiya . Kapag ganap nang napatunayan na ang napiling posisyon malakas na laban sa pinasusubaliang posisyon ay maaari nang magsagans nang mas malalim na pananaliksik . Maaaring isaalang-alang ang sumusunod na mga sanggunian sa pangangalap ng mga katibayan batay sa kakailanganing impormasyon .