2. Mga Isyu at Hamong Pangkasarian_FINAL (1).ppt

EulogioLamputi 0 views 44 slides Oct 14, 2025
Slide 1
Slide 1 of 44
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44

About This Presentation

Mga isyung Pangkapaligiran sa Pilipinas


Slide Content

Mga Isyu at Hamong
Pangkasarian
1

Daloy ng Sesyon
2
Aralin 2
•11:15 – 11:30
Aralin 1
•10:15 – 11:15
Aralin 3
•11:30 – 11:45

Layunin
Matalakay ang tatlong aralin
kasama ang konsepto ng kasarian
(at sex) sa lipunan, mga isyu sa
kasarian sa lipunan at mga tugon
dito
3

4
CHECHNYA

#chechen100
•Mahigit 100 pinaghihinalaang gay Chechen ang inaresto at
ikinulong sa mga “concentration camp”; marami ay biktima
ng EJK
•Sila ay binubugbog at sumasailalim sa electric shock
torture
•Pinipilit silang “umamin” bilang gay at isumbong ang iba
pang kakilala nilang gay o may kaibigang gay
•Masasabing nag-uugat ito sa pananaw na may kinalaman
sa sex, kasarian, at gender roles

SEX
GENDER ROLES
KASARIAN
6
ARALIN 1: KASARIAN SA
LIPUNAN
Tumutukoy sa biyolohikal o
pisyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng
babae sa lalaki (WHO)
Tumutukoy sa panlipunanng
gampanin, kilos, at gawain na
itinatakda ng lipunan para sa
mga babae at lalaki (WHO)
Tumutukoy sa pamantayang panlipunan
(norms) na nagtatakda sa mga kilos o
gawaing mainam, katanggap-tanggap at
kanais-nais para sa isang tao batay
sa kanyang sex

Pag-iba ng kahulugan ng sex
at kasarian
•Dati ay walang pinagkaiba ang kahulugan ng sex
at kasarian
•Nagsimula noong 1950s sa mga sikolohista sa
Estados Unidos at Inglatera
•Sex ay tumutukoy sa katangiang pisikal; kasarian
sa katangiang sikolohikal o pagkilos
•Sex ay biyolohiya; ang kasarian ay impluwensya
ng kultura

Sex Gender/
Kasarian
•May bayag ang lalaki
•Mas malaki ang buto ng
lalaki
•Sa Vietnam, mas maraming
lalaki ang naninigarilyo
•Sa maraming bansa, ang
gawaing bahay ay ginagawa ng
babae
•Ang babae ay may
buwanang regla
•Sa Estados Unidos, mas
mababa ang kita ng babae
kaysa lalaki
•Ang babae ay may suso at
ang suso nila ay may gatas
•Sa Saudi Arabia, hindi
maaaring magmaneho ang
babae

Sex
GENDER/
Kasarian
•Panlahat (universal)
•Medyo hindi nababago
•Kategorya - babae o lalaki
•Katangiang pantay na
pinahahalagahan
•Kultural/nakatali sa kultura
•Nababago
•Kategorya - feminine o
masculine
•Katangiang may tatak ng
inekwalidad o di-pagkakapantay-
pantay
•Biyo-pisyolohikal •Sosyo-sikolohikal

ORYENTASYUNG
SEKSUWAL
•Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang
oryentasyong seksuwal(Sexual
orientation)Tumutukoy sa kakayahan ng isang
isang tao na makaranas ng malalim na
atraksyon
10

PEMENISMO
-- ang organisadong pagkilos upang itaguyod ang
pagkakapantay pantay ng mga babae at lalaki sa
pulitikal, ekonomik, at kultural na larangan
-- layunin ng pemenismo ay ang pantay na karapatang
pantao ng lahat at proteksyon sa ilalim ng batas para sa mga
kababaihan
-- ito ay batay sa paniniwalang ang pang-aapi sa kababaihan
sa lipunan ay dulot ng patriyarka. Layunin ng peminismo na
wakasan ang patriyarka upang palayain ang mga kababaihan,
kalalakihan, at mga minorya (LGBT, PWD, IPs, etc.)

PATRIYARKA
•Isang hirarkikal na panlipunang sistema ng pag-iisip
kung saan ang dominasyon o pangingibabaw ng
kalalakihan sa kababaihan sa lipunan ay nagdudulot
ng lantarang di pagkakapantay-pantay sa pulitikal,
ekonomik, at kultural na aspeto ng buhay. Nasa
kamay ng mga kalalakihan ang kapangyarihan sa
lahat ng mahahalagang institusyong panlipunan at
mahirap itong makamtan ng mga kababihan. Hindi ibig
sabihin nito na ang mga kababaihan ay lubos na
walang kapangyarihan, o lubos na walang karapatan,
impluwensya o pagkukunang yaman.

MGA LINALABANAN NG
PEMENISMO
-- tutol sa biological determinism o ang kaisipang ang gawi o
kilos ng tao ay likas at ipinapasiya ng kanyang genes,
sukat at laki ng utak, o iba pang katangiang biyolohikal
-- Geddes at Thompson (1889) – ang mga babae ay nagiimbak ng
enerhiya (anabolic) habang ang mga lalaki ay gumagamit ng enerhiya
(katabolic) kaya’t mas angkop sa pulitika at pagtugon sa isyung panlipunan
-- 1970s, dahil sa buwanang regla, nagiging emosyonal ang mga babae;
hindi sila maaring maging piloto
-- dahil sa mas malaki ang corpus callosum ng babae, mas mahina siya
sa gawaing visual-spatial katulad ng pagbasa ng mapa

SABI NG PEMENISTA
Simone de Beauvoir,
Pranses na
intelektwal, pilosopo,
at manunulat. May
akda ng librong “The
Second Sex” na
nalimbag noong 1949.
“One is not born a
woman, but
becomes one.”
14

PEMENISMO SA IBA’T IBANG PANAHON
Uri ng
Peminismo
Panahon Adhikain
First Wave huling bahagi ng
ika-19 siglo at
simula ng ika-20
siglo;
industriyalismo
pantay na kontrata; karapatan sa ari-
arian; paglaban sa pag-aari sa babae
bilang asawa; karapatan sa pagboto o
Women’s Suffrage Movement
Second Wave 1960s – 1990skalayaan ng kababaihan o Women’s
Liberation; pagwakas sa diskriminasyon
at sexismo; pagtaguyod ng karapatang
sibil at pulitikal ng kababaihan; CEDAW;
karapatang reproduktibo
Third Wave Gitnang bahagi
ng 1990s
postmodern o kritikal at interseksyunal
na pagtingin sa kasarian at sekswalidad
at ang kaugnayan nito sa lahi, uri,
sexual orientation, etc.
Fourth Wave Huling bahagi ng
1990s pataas
pagwakas sa karahasang sekswal, di-
pantay na sahod, iba’t-ibang uri ng
opresyong panlipunan, etc.

GENDER ROLES SA PILIPINAS
Panahon Lalaki Babae
Pre-kolonyal
(Boxer Codex)
Maraming asawa;
maaaring makipag
hiwalay
Pagmamayari ng lalaki;
maaaring patayin pag
sumama sa ibang lalaki;
maaaring makipag
hiwalay
Espanyol Mas malawak ang mga
karapatan
Limitado ang mga
karapatan; maaaring
sumama sa pag-aalsa
Amerikano Pareho sa itaas Hindi lang para sa bahay
at simbahan; karapatang
bumoto (plebesito noong
Abril 30, 1937)
Hapones Pareho sa itaas Bahagi ng pag-aalsa
Kasalukuyan Pareho sa itaas Maybahay o may karera;
mas malawak ang mga
karapatan

GENDER ROLES SA IBANG PARTE NG MUNDO
Rehiyon Bansa Babae
Kanlurang Asya Lebanon (1952)
Syria (1949, 1953)
Yemen (1967)
Iraq (1980)
Oman (1994)
Kuwait (1985, 2005)
Nito lamang ikalawang bahagi ng
ika-20 siglo nang payagang
makaboto
Saudi Arabia Walang karapatang bumoto;
hindi maaaring magmaneho,
magbanko, makipagkita sa mga
lalaking di kapamilya, at lumabas
ng di takip ang buong katawan
maliban sa mata’t kamay
Afrika Egypt (1956)
Tunisia (1959)
Mauritania (1961)
Algeria (1962)
Morocco (1963)
Libya (1964)
Sudan (1964)
Nito lamang ikalawang bahagi ng
ika-20 siglo nang payagang
makaboto; maraming nabibiktima
ng female genital mutilation o
ang pagbabgo sa ari ng babae
na walang benepisyong medikal

SEX, KASARIAN AT PEMENISMO
-- sex ay ang biyolohikal na batayan (nature) ng
gender roles (nurture/culture); hindi nababago ang sex
pero maaring magbago ang gender roles (Gender is
socially constructed.)
-- ang sex (chromosomes, ari, hormones, katawan ng babae o
lalaki) ay ang pinagmumulan ng kultura sa pagbuo ng gampanin,
kilos, gawain, at mithiin ng tao na pinalalaganap sa pamamagitan ng
edukasyon, sosyalisasyon, media, at iba pa
-- ang kasarian ay pagkakakilanlan (identity), o grupo ng katangian
o gawain na tinataglay ng isang tao dahil sa kalikasan o kasanayan o
pagkatuto na pinagmumulan ng di-pagkakapantay-pantay
(inekwalidad), diskriminasyon, o panlipunang opresyon o pang-aapi.

b) gay
d) transgender
a) lesbian/lebyana
c) bisexual
MGA TAONG LGBT SA LIPUNAN

ALPABETO NA SOPAS
•LGBT/LGBTIQA
•Inisyalismo para sa
Lesbian Gay Bisexual
at Transgender
(LGBT) or Lesbian
Gay Bisexual
Transgender Intersex
Questioning/Queer at
Allies

LESBIAN O LESBYANA
•Isang babae na may
emosyonal at pisikal na
atraksyon sa kapwa
babae at kinikilala ang
sarili bilang lesbian;
•Jane Lynch, Amerikanang
artista sa Glee, isang
palabas sa telebisyon

GAY
•Isang lalaki na may
emosyonal at pisikal na
atraksyon para sa
kapwa lalaki at kinikilala
ang sarili bilang gay.
Ginagamit din ang
salitang ito para sa mga
lesbyana sa labas ng
Pilipinas.
•John Amaechi,
retiradong manlalaro ng
NBA

BISEXUAL
•Isang tao na may
emosyonal at pisikal
na atraksyon para sa
lalaki o babae at
kinikilala ang sarili
bilang bisexual.
•Lady Gaga

TRANSGENDER
•Salitang naglalarawan sa mga
taong ang gender identity o
gender expression ay hindi
tradisyunal na kaugnay ng
kanilang sex assignment
noong sila ay pinanganak at
kinikilala ang sarili bilang
transgender;
•Sila ay maaaring transsexual,
cross-dresser, o genderqueer
•Justine Ferrer, ang unang
babaeng transgender sa
palabas na Survivor
Philippines

MGA TAONG TRANSGENDER
•Cross Dressers o CD—mga
taong nagbibihis gamit ang
damit ng kabilang kasarian.
Hindi nila binabago ang
kanilang katawan. Hal.Victoria
Prince, isang aktibistang CD sa
Amerika.
•Genderqueers—mga taong
itinatakwil ang gender binary o
ang konsepto na dalawa lang
ang kasarian. Minsathoseere are
only two genders. Naniniwala
ang ibang genderqueer na sila ay
walang kasarian (agender) o
kombinasyon ng kasarin
(intergender). Hal. Riki
Wilchins, isang manunulat.

•Transsexuals—mga taong ang
gender identity ay direktang
salungat sa kanilang sex
assignment noong sila ay
pinanganak. Marami pero hindi
lahat ng mga taong transsexual
ay binabago ang kanilang gender
expression at katawan sa
pamamagitan ng hormone
replacement therapy (HRT) ay
iba’t ibang operasyong na parte
ng prosesong tinatawag na
transition. Hal. BB
Gandanghari, artista at Balian
Buschbaum, atletang Aleman.
MGA TAONG TRANSGENDER

SA PILIPINAS
•Marami nang mga Pilipino ang tumatawag sa
kanilang sarili bilang
Lesbian/Gay/Bisexual/Transgender
•Mayroong mga katutubong salita para sa sexual
orientation at gender identity katulad ng “bakla”,
“bayot”, “bantut”, “tomboy”, “lesbyana”, “tibo”,
“vakler” “beki”, “bekimon,” atbp.
•Mahalagang respetuhin ang pagtawag sa sarili

MAHALAGANG TANDAAN:
Gender identity (pagkakakilanlang pangkasarian): malalim na
damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng
isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex
niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na
pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi,
kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano
ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera,
gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng
kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos
(Ang Mga Prinsipyo Ng Yogyakarta)
Sexual orientation (oryentasyong sekswal): kakayahan ng
isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring
katulad ng sa kanya (homosexual), iba sa kanya
(heterosexual), o kasariang higit sa isa (bisexual) (Ang Mga
Prinsipyo ng Yogyakarta)

TRADISYUNAL NA PAGTINGIN
Sex
Assignment
Lalaki Babae
Gender
Identity
Lalaki Babae
Gender
Expression
MasculineFeminine
Sexual
Orientation
Sa babae
lamang
Sa lalaki
lamang
•Sexismo—pagtinging ang
isang kasarian ay
nangingibabaw sa iba
•Heterosexismo–ang
pagakalang lahat ng tao
ay heterosekswal at
pagtalaga dito na likas at
normal na sekswalidad
ng lahat
•Homophobia/biphobia
transphobia—pagturing
o pagtingin sa mga
taong LGBT ng masama

ARALIN 2: MGA ISYU SA KASARIAN
AT LIPUNAN
•Diskriminasyon - ang anumang pag-uuri, eksklusyon,
o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng mga karapatan o kalayaan
•Karahasan – karahasang nangyayari dahil sa di-
pantay na relasyong kapangyarihan at batayang
inaasahan base sa kasarian; mga gawaing nagdudulot
ng pisikal, mental, o sekswal na sakit kasama ang
pagbabanta, pamimilit, at pagsikil kalayaan. Ito ay
paglabag sa karapatang pantao at isang uri ng
diskriminasyon.
30

Ayon sa GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality,
Leadership, and Action), ito ang Seven Deadly Sins Against Women:
•Pambubugbog/pananakit
•Panggagahasa
•Incest at iba pang sekswal na pang-aabuso
•Sexual harassment
•Sexual discrimination at exploitation
•Limitadong access sa reproductive health
•Sex trafficking at prostitusyon
MGA ISYU SA KASARIAN AT
LIPUNAN

Istadistika nga karahasan sa kababaihan:
•Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng
pananakit na pisikal simula edad 15, anim na porsyento ang nakaranas ng
pananakit na pisikal.
• 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal
•Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ng
emosyonal, pisikal at/o pananakit na sekswal mula sa kanilang mga
asawa.
• Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng
pisikal/seksuwal na pang-aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang sarbey,
65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit.
MGA ISYU SA KASARIAN AT
LIPUNAN

MGA ISYU SA KASARIAN AT
LIPUNAN
-- kalayaang makapag-aral (Hal. Malala Yousafzai)
-- oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong
medikal, pabahay at maging sa edukasyon
-- panggagahasa laban sa mga lesbian; pagpatay sa
mga taong LGBT
-- domestic violence o karahasan sa loob ng tahanan

ARALIN 3: TUGON SA MGA ISYU
SA KASARIAN AT LIPUNAN
•Ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta – ay ang
aplikasyon ng mga batayang karapatang
pantao sa sexual orientation at gender identity.
Binuo ang 29 na karapatang pantao ng mga
eksperto noong Nobyembre 2006 sa
Yogyakarta, Indonesia.
•Ito ay batay sa kaisipang LGBT rights are
human rights. (Ban Ki-Moon, dating Secretary
General ng United Nations)
34

Ang Mga Prinsipyo ng
Yogyakarta
•Prinsipyo 1
ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG
PANTAO
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa,
anuman ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat
na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
•Prinsipyo 2
ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA
DISKRIMINASYON
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang
walang diskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksiyon
nito, nang walang anumang diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang
karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang ganoong diskriminasiyon at titiyakin,
para sa lahat.
35

•Hunyo 2011 – nagkaroon ang UN
Human Rights Council (UNHRC)
ng resolusyon para sa isang pag-
aaral ng mga paglabag sa
karapatang pantao base sa sexual
orientation at gender identity
•2013 – inilunsad ang kampanyang
UN Free and Equal
•2014 – nagkaroon ang UNHRC ng
resolusyong suportahana ang
pagkaka-pantay pantay ng mga
taong LGBT
•June 2015 – nagdesisyon ang US
Supreme Court para sa marriage
equality
•2016 – Nagtakda ang UN na isang
independent expert sa sexual
orientation at gender identity

CONVENTION ON THE ELIMINATION OF
ALL FORMS OF DISCRIMINATION AGAINST
WOMEN (CEDAW)
•International Bill for Women
•Inaprubahan ng United Nations noon Disyembre 18,
1979, niratipika noong Agosto 5, 1981 at ipinatupad
noong Setyembre 3, 1981
•Internasyunal na kasunduan na tumatalakay sa
karapatang pantao ng mga kababaihan sa aspetong
sibil, political, kultural, pang-ekonomiya, panlipunan, at
pampamilya.
37

RESPONSIBILDAD NG PILIPINAS BILANG
STATE PARTY
1.ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang
nagdidiskrimina;
2.ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon
at maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan
maaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilan
karapatan;
3.itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang
hakbang kondisyon at karampatang aksiyon; at
4.gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga
isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa
kasunduan. 38

TUGON NG PILIPINAS SA ISYU NG
KARAHASAN AT DISKRIMINASYON
Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay
isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan
at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga
biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga
lumalabag dito
Ang Magna Carta of Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008
upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan
at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at
lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga
pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the
Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o
CEDAW.
39

TUGON NG PILIPINAS SA ISYU NG
KARAHASAN AT DISKRIMINASYON
40
Nobyembre kada taon ay
isinasagawa ang 16 Days of
Activism to End Violence Against
Women habang kada Marso ay
ipinagdiriwang ang National
Women’s Month Celebration.
Sa iba’t ibang lugar naman ay may mga Anti-
Discrimination Ordinance o mga lokal na batas na
pinagbabawal ang diskriminasyon base sa sexual
orientation at gender identity.

http://pages.upd.edu.ph/ejmanalastas/policies-ordinances
41

Pagpasa Ng Anti-Discriminatin Bill
1999 – Unang paghain ng
panukalang batas (18 taon)
Inihain muli sa ika-17
Kongreso
Maraming mambabatas na
sumusuporta nito sa
Kongreso habang ito ay
ihinain sa Senado ni Sen.
Risa

Huling mungkahi
•Aralin ang mga isyung pang-kasarian; maaaring mag-
imbita ng eksperto at gumamit ng iba’t ibang kagamitang
panturo tulad ng bidyo, awit, balita, etc.
•Buksan ang isip at puso sa mga isyung pang-kasarian
dahil may kinalaman ang kasarian sa lahat ng aspeto ng
buhay
•Ang pag-aaral sa mga isyung pang-kasarian ay parte ng
hakbang tungo sa mapagpalayang batayang edukasyon!

44
Maraming
Salamat po!