2 Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas.pptx

NelsonLacay 179 views 20 slides Sep 12, 2025
Slide 1
Slide 1 of 20
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20

About This Presentation

Kompan week 1 q2


Slide Content

Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

Ang mga sitwasyong pangwika sa Pilipinas ay tumutukoy sa paraan kung paano ginagamit , nililinang , at pinangangalagaan ang iba't ibang wika sa bansa sa iba’t ibang larangan ng buhay at lipunan . Dahil multilinggwal ang Pilipinas , maraming isyu at dinamika ang nauugnay sa paggamit ng wika .

A. Multilinggwal at Multikultural ang Pilipinas Ang ating bansa ay isang arkipelago kung kaya’t ang katangiang heograpikal nito ang nagdudulot ng pagkakaiba-iba ng wika at kultura . Mahigpit na magkaugnay ang wika at kultura kung kaya’t masasalamin sa wika ang anomang katangiang pisikal at kultural ng bansa .

Ayon sa pag-aaral ni McFarland (2004), may lagpas isang daang magkaibang wika ang Pilipinas samantalang sa tala ni Nolasco (2008) ay mayroong humigit - kumulang 170 iba’t ibang wika sa sa iba’t ibang pulo ng Pilipinas . Ayon din kay Nolasco (2008), batay sa sensus noong 2008 , ang pinakalaganap na mga wika sa Pilipinas batay sa dami ng taal na tagapagsalita ay: Tagalog- 21.5 milyon Cebuano – 18.5 milyon Ilocano- 7.7 milyon Hiligaynon – 6.9 milyon Bicol – 4.5 milyon Waray – 3.1 milyon Kapampangan- 2.3 milyon Pangasinan – 1.5 milyon Kinaray -a – 1.3 milyon Tausug – 1 milyon Maranao 1 milyon Maguindanao- 1 milyon .

Ang mga nabanggit ay ang itinuturing mayoryang wika sapagkat relatibong mas malaking bilang ng tao ang nakakuunawa at gumagamit nito kaysa sa iba pang rehiyonal na wika sa bansa . Bukod sa mga rehiyonal na wika sa Pilipinas , laganap na rin ang paggamit ng Filipino bilang lingua Franca ng bansa . Ipinakita sa datos na 65 milyon mula sa kabuuang 76 milyong Pilipino o 85.5 % ng kabuuang populasyon ay may kakayahang magsalita ng pambansang wika (Gonzales, 1998) . Social Weather Station- ayon dito sa (Gonzales , 1998) noong 1994 , 74% ang nagsabing nakaitindi sila ng wikang Ingles kapag kinakausap sila gamit nito .

Sa kalagayang higit sa isang daan ang mga rehiyonal na wikang ginagamit sa bansa , malaki ang hamon na makabuo ng pangkalahatang polisiyang pangwika na makatutugon sa pangangailangang tuparin ang atas ng Konstitusyon na paunlarin at payabungin ang isang wikang pambansa , salig sa mga umiiral na wikang katutubo sa Pilipina ( Bernales,et al.pp.103-104).

B. Lehitimong Wika sa Pilipinas Nanatiling makapangyarihang wika sa ating lipunan sa kabila ng pagkakaroon ng pambansang wika sa Pilipinas . Social Weathers Station (SWS)- noong 2008 ( sa Nolasco 2008) halos: 76 % ng mga Pilipino na nasa sapat na gulang ang nakapagbabasa sila sa wikang Ingles. 61% nakapagsusulat sa wikang Ingles 38 % nagsabing nag- iisip sila gamit ang wikang Ingles. Bilang pinakamapangyarihang wika sa mundo,patuloy na lumalaganap ang wikang Ingles bilang wikang panturo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig . Ayon kay Macaro (2014) ng British Council at Direktor ng University of Oxford , lalong dumarami ang mga akademikong institusyon sa buong mundo na gumagamit ng Ingles upang ituro ang mga akademikong asignatura dahil sa kagustuhang isabay sa internasyunal na estandard ang propayl ng mga unibersidad . Sa pagpasok ng Pilipinas sa sosyo-kultural at ekonomikong integrasyon sa ASEAN, ganito rin ang naging tunguhin ng mga pangunahing unibersidad ng Pilipinas .

Ayon kay Gonzales (2003), dating Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon , kapansin-pansin na hindi akma ang polisiyo at aktwal na implementasyon nito . Ayon sa kanya, bilang pambansa at opisyal na wika nararapat na paunlarin ang paggamit ng Filipino sa mga paaralan ngunit hindi ito nangyayari . Malinaw na tinutukoy sa mga polisiyang pangwika ang pagpapaunlad ngFfilipino mula sa Konstitusyong 1935 hanggang 1987 ngunit hindi pa rin naipatupad .

Ayon kay Bourdieu (1991) , sa kanyang aklat na Language and Symbolic Power, tinutukoy niya ang lehitimong wika sa isang lipunan bilang wikang ginamit sa pag - unlad ng sistema ng edukasyon at pagpapagana ng sistema ng paggawa . Ibig sabihin , pinag-iisa at pinatatag ng wikang ito ang ekonomiya at politika ng isang bansa . Lehitimong wika - ay resulta ng kompleks na prosesong historikal ; na may madalas ay kinasasangkutan ng matinding tunggalian . Halimbawa ay lumilitaw na dominanteng wika , at ang iba pang wika at dayalekto ay nawawala o kaya ay napapailalim dito.Kung ilalapat sa karanasan ng Pilipinas ang ideya ni Bourdieu masasabing nanatiling Ingles ang lehitimo at makapangyarihang wika sa Pilipinas kung ilalapat natin ang ideya ni Bourdieu.

C. Mga Hamon sa Polisiyang Pangwika sa Edukasyon Bilang pagtupad sa pangkalahatang layunin ng edukasyon sa Pilipinas , ilang polisiyang pangwika ang ipinatupad at patuloy na ipinapatupad upang umagamay sa pangangailangan ng lipunan . Kapansin-pansin ang ilan sa mga ito ay nakatulong sa pag-unlad ng pambansang wika sa kabuuan habang ang iba naman ay naging mapanghamon .

Noong 2003 , ipinatupad ang Executive Order 2010 (Establishing the Policy to Strenghten the use of English in the Educational System) na may pangkalahatang layunin na palakasin ang pagtuturo at pagkatuto gamit ang wikang Ingles sa batayang edukasyon ng Pilipinas . Nilagdaan ito ni dating Pang.Gloria Macapagal Arroyo (Mayo 17, 2003), Ang ilan sa mahahalagang probisyon ng kautusan ay:

Pagtuturo sa Ingles bilang ikalawang Wika , simula Grade 1. Paggamit sa Ingles bilang wikang Panturo sa asignaturang Ingles, Matematika,Siyensiya mula grade III. Ingles ang magiging pangunahing wikang panturo sa hayskul at hindi bumaba sa 70% ang total oras sa pagtuturo . Filipino , wikang panturo sa asignaturang Filipino at Araling Panlipunan .

Upang suportahan ang kautusang ito,ilang panukalang batas ang tinangkang ipasa sa kongreso sa ilalim ni dating Pang.Arroyo . Isa sa naging pinakapopular ang House Bill No.4701 (An Act Providing for the Use of English as a Medium of Instruction in the Philippine Schools) o mas nakilala bilang English Bill na ipinamukha ni Rep. Eduardo Gullas mula sa Cebu

Sa paunang paliwanag sa batas,pinangatwiranan ang pagpapalakas ng wikang Ingles bilang pangunahing wikang panturo sapagkat hindi naging matagumpay ang bilinggwal na polisiya sa edukasyon sa hinahangad na pagkatuto ng mga mag- aaral . Gayon din, binibigyang diin ng panukalang ito ang magiging susi upang makakuha ng mas magandang trabaho rito at sa ibang bansa ang mga mag- aaral sapagkat ayon sa sa mga nagpanukala , Ingles ang wika ng pananaliksik , siyensya at teknolohiya , mga larangang binigyang-diin ng pandaigdigang negosyo .

Sa kabuuan , nilalayon ng panukulang batas na : Ingles, Filipino o ano mang katutubong wika ang maaring gamitin bilang wikang panturo mula preschool hanggang Grade 2; Ituturo ang asignaturang Ingles at Filipino bilang magkahiwalay na asignatura sa antas primarya at sekondarya . Ingles lamang ang magiging wikang panturo sa lahat ng asignatura mula sa Grade III hanggang Grade VI at sa lahat ng antas sa paaralang sekondarya .

Taong 2013 nang opisyal na ipatupad ng Commision on Higher Education (CHED) ang CHED Memorandum Order 20,s. 2013 na naglalaman ng bagong listahan ng mga kurso sa General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo . Dahil sa pagdaragdag ng dalawag taon sa batayang edukasyon dahil sa K-12 Curriculum, binago rin ang mga asignaturang itinadhana ng CHED. Mula sa dating 60 units na kurso sa GEC, ginawa itong 36 units na lamang .

Nagiging kritikal ang ilang organisasyong pangwika sa pag-aalis ng Filipino sa GEC sa kolehiyo . Sa CMO No. 4, s. 1993, anim hangggang siyam na unit ng Filipino ang orihinal na itinuturo sa kolehiyo . Anim na unit ng Filipino ang itinuturo para sa mga programang hindi HUSOCOM. Ang orihinal na anim hanggang siyam na unit ng asignaturang Filipino ay Filipino 1 ( Komunikasyon sa Akademikong Filipino). Filipino 2 ( Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik ) at Filipino 3 ( Retorika ), ay aallisin na sa bagong GEC (General Education Curriculum) ng kolehiyo (Bernales, et al., pp.106-108).

1. Sa inyong palagay , bakit patuloy ang paggamit at pagbibigay-halaga sa Ingles bilang pangunahing wika sa edukasyon at trabaho sa kabila ng pagkakaroon natin ng wikang pambansa ? 2.Ano ang inyong mungkahing solusyon o hakbang upang mapanatili at mapaunlad ang paggamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa gitna ng modernisasyon at globalisasyon ?
Tags