Paglalakbay sa Cebu Isa sa pinakilalang lugar sa Pilipinas ang Cebu. Sa katotohanan nga kapag pinag-uusapan ang Visayas, hindi lalayo na mapag-usapan ang Cebu kung kaya nagdesisyon kami ng aking pamilya na magbakasyon sa Cebu ng apat na araw . Pagdating namin sa Mactan International Airport mainit na salubong ang natanggap naming mula sa kamag-anak naming na nainirahan sa Cebu.Sinundo nila kami at dinala sa suking hotel ng aking lol ana Elegant Hotel. Pagdating dito nagpahinga lang kami saglit at kumin ng masarap na hapunan kasama ang iba pa naming kamag-anak .
Sa pagsapit ng umaga ay agad kaming naghanda para sa pamamsyal sa kamangha-manghang Magellan”s Cross. Ramdam na ramdam ko ang kabanalan ng lugar . Bawat isa ay tahimik na nag- oobserba sa kagandahan ng paligid . Nakikita ko rin ang ngiti sa bawat tao at ang kanilang pagiging magalang . Nakapg pictorial kami maghapon . Nang makaramdam na kami ng gutom at pagod ay bumalik na kami sa hotel at nagpahinga .
Sa sumunod na araw ay bumiyahe naman kami papunta sa pinakakilalang shrine sa Pilipinas , ang Simala Shrine sa Sibonga Cebu. Nakatulog ako sa sobrang haba ng biyahe . Sulit naman ito dahil napakaganda ng lugar at napakalinis . Maghapon naming nilibot ang lugar at masaya kaming kumuha ng mga larawan dito . Ilan lamang iyan sa magagandang lugar na napuntahan naming sa Cebu. Kulang ang apat na raw para malibot naming at masaksihan ang buong kagandahan ng Cebu kaya naman dalangin ko na makabalik kaming muli dito .
Tungkol saan ang talata ? Paano isinulat ang pamagat ng talata ? Ano ang nilalaman ng panimula ? Ano-ano ang nilalaman ng katawan ng talata ? Paano winakasan ang talata ? Ano-ano ang mga pang- uring ginamit sa talata ? Tama ba ang format o paraan ng pagkakasulat ng talata ?
Sumulat ng maikling talata na naglalarawan sa lugar na hindi mo malilimutan . Lagyan ito ng sariling pamagat . Sundin ang tamang format sa pagsulat ng talata . Sundin ang rubrik sa pagsulat ng talata .
Pamantayan / 1. Nasunod ang tamang format sa pagsulat ng talata 2. Wastong baybay 3. Wastong bantas 4.Wastong gamit ng malaking titik 5. Malinis at maayos ang pagsulat 6. Kaakit - akit at wasto ang pagkakasulat ng pamagat 7. Kaakit-akit ang panimula at wakas ng talata 8. Magkakaugnay ang nilalaman ng talata . 9. Maayos ang pagkakabuo ng mga pangungusap sa bawat talata . 10. Gumamit ng iba’t ibang pang- uri sa pagbuo ng talata .
Saang lugar ito ? Sino ang ngangarap makarating sa Korea? Bakit? Sumulat ng maikling talata tungkol sa lugar o bans ana pangarap mong marating o mapuntahan . Ilarawan ito . Sundin ang rubrik sa pagsulat ng talata .
Sumulat ng maikling talata tungkol sa iyong barangay o kumunidad . Isulat sa Sulating Di- Pormal Notebook ang uyong talata . Sundin ang rubrik sa pagsulat ng talata .
Takdang Aralin Sumulat ng maikling talata tungkol sa paborito mong libangan .