2nd QA filipino grade seven Reviewer and review test
agatonjohn0
77 views
5 slides
Nov 17, 2024
Slide 1 of 5
1
2
3
4
5
About This Presentation
Review for filipino 7 2nd quarter
Size: 159.55 KB
Language: none
Added: Nov 17, 2024
Slides: 5 pages
Slide Content
Subject: Filipino
Lesson:
-Unlocking Learning Beyond the Bell -
Lopez St., Libis, Calapan City, Oriental Mindoro | 0908 139 5236
Alamat
Kahulugan at Pinagmulan:
Ang alamat ay bahagi ng panitikang oral ng Pilipinas, at umiiral na noong panahon bago pa
dumating ang mga kolonyalista.
Ayon kina Panganiban et al. (1982), ang alamat ay isa sa dalawang pangunahing anyo ng
katutubong panitikan bago pa man dumating ang mga dayuhan.
Ayon kay Eslit (2017), ang alamat ay karaniwang may mga himala o sumpa na mula sa isang
makapangyarihang nilalang.
Ayon naman kay Eugenio (1985), ang alamat ay isang salaysay tungkol sa pinagmulan ng mundo,
tao, kamatayan, hayop, heograpiya, at mga penomena ng kalikasan.
Mga Katangian ng Alamat:
Naglalarawan ng mga paniniwala at pananaw ng isang pamayanan.
Nagtataglay ng elemento ng hiwaga o kagila-gilalas na mga pangyayari.
Nagpapahiwatig ng kahulugan at kabuluhan sa pangkat na pinagmulan nito.
Mga Bahagi ng Alamat
Simula:
Tauhan: Mga karakter o tauhan sa kwento.
Tagpuan: Lugar kung saan nagaganap ang mga eksena sa kwento.
Suliranin: Problema na kinakaharap ng pangunahing tauhan.
Gitna:
Saglit na Kasiglahan: Ang kasiyahan sa kwento na biglang nawawala dahil sa isang
masamang pangyayari.
Tunggalian: Paghaharap o paglalaban ng mga tauhan.
Kasukdulan: Ang pinakamataas na bahagi ng kwento.
Wakas:
Kakalasan: Ang unti-unting pagbuti ng takbo ng kwento patungo sa katapusan.
Katapusan: Ang pagtatapos o resolusyon ng kwento.
Pabula
Kahulugan ng Pabula:
Ang pabula ay isang uri ng panitikan na laganap noong panahon ng pre-kolonyal.
Layunin nito na punahin ang mga hindi kanais-nais na kilos at ugali ng tao sa pamamagitan ng mga
hayop na nagsasakatawan sa mga tao.
Ayon kay Patrocinio Villafuerto et al. (2009), ang pabula ay mga kwento na kung saan ang
pangunahing tauhan ay mga hayop, halaman, o mga walang buhay na kumikilos at nagsasalita tulad
ng tao.
Subject: Filipino
Lesson:
-Unlocking Learning Beyond the Bell -
Lopez St., Libis, Calapan City, Oriental Mindoro | 0908 139 5236
Elemento ng Pabula:
Tauhan: Karaniwan ay mga hayop na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng tao.
Tagpuan: Lugar o panahon kung saan nagaganap ang kwento.
Banghay: Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento, kasama ang tunggalian at resolusyon.
Layunin ng Pabula:
Ang pabula ay naglalayong magbigay ng aral at gisingin ang kamalayan ng mga mambabasa o
tagapakinig sa tamang asal at pakikitungo sa kapwa.
Mahalaga rin ito sa paghubog ng wastong pag-uugali ng mga bata.
Mga Aral sa Pabula:
Kadalasan, ang mga pabula ay nagtuturo ng aral tungkol sa katarungan, patas na pakikitungo, at
mabuting pakikisalamuha sa iba.
Ano ang Pabula?
Panitikan noong pre-kolonyal: Layuning ituro ang tamang asal.
Mga Hayop bilang Tauhan: Pagsasatao ng mga hayop na sumasalamin sa ugali ng
tao.
Ayon kina Patrocinio Villafuerto et al. (2009): Kwento ng mga hayop, halaman, o
bagay na may human-like qualities.
Mga Tauhan sa Akda
1.Haring Kuliglig: Simbolo ng maliliit at mahihinang nilalang na may tapang. Siya ang
naghamon kay Haring Leon upang patunayan na ang tapang ay hindi nasusukat sa
laki.
2.Haring Leon: Simbolo ng may kapangyarihan at mayabang na mga hayop. Naging
hambog siya at hinamon ni Kuliglig para sa patas na labanan.
3.Maliliit na Hayop: Tumutulong kay Haring Kuliglig sa labanan bilang simbolo ng
pagkakaisa.
4.Malalaking Hayop: Kakampi ni Haring Leon, simbolo ng mga may kapangyarihan
ngunit madaling mapagod.
Mga Retorikal na Pang-ugnay
Pang-ugnay: Mga salitang nag-uugnay ng dalawang bahagi ng pangungusap upang
maging malinaw at masining ang pagpapahayag.
1.Pagpuno o Pagdagdag (at, pati) – ginagamit kapag may nais idagdag na
impormasyon o detalye.
Halimbawa: Ipinagtanggol ni Kuliglig ang kanyang kaharian at
ipinanalo ang laban.
2.Pagbubukod o Paghihiwalay (o, ni, maging) – ginagamit upang ipakita ang
alternatibo o pagpipilian.
Halimbawa: Ang mga hayop o mga halaman ay simbolo ng iba’t ibang
personalidad.
3.Pagbibigay ng Kondisyon (kapag, kung, basta) – nagpapahayag ng
kondisyon na dapat matupad upang maganap ang isang pangyayari.
Halimbawa: Kapag nagkaisa ang mga hayop, tiyak na magtatagumpay
sila.
Subject: Filipino
Lesson:
-Unlocking Learning Beyond the Bell -
Lopez St., Libis, Calapan City, Oriental Mindoro | 0908 139 5236
4.Pagtukoy sa Bunga o Resulta (kaya, kaya naman) – ginagamit upang ipakita
ang sanhi at bunga.
Halimbawa: Ang pagkakaisa ng mga hayop kaya nanaig sila sa
labanan.
5.Pagbibigay ng Dahilan (dahil, sapagkat) – nagpapaliwanag ng sanhi ng isang
pangyayari.
Halimbawa: Tinalo ni Kuliglig si Leon dahil sa tapang at pagkakaisa
ng kanyang mga kakampi.
6.Pagsalungat (ngunit, subalit, datapwat) – ginagamit upang ipakita ang
pagtutol o kontradiksyon.
Halimbawa: Naging matapang si Kuliglig ngunit natakot ang mga
malalaking hayop.
7.Paglalahad ng Pagkakasunod-sunod (samantala, saka) – nagpapakita ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Halimbawa: Samantala, naghanda ang mga hayop bago ang laban.
1. Ayon kay Eugenio (1985), ang alamat ay nagsasalaysay tungkol sa:
A. Kasaysayan ng Pilipinas B. Pinagmulan ng mundo at kalikasan
C. Buhay ng mga bayani D. Tradisyon ng isang komunidad
1. Ang alamat ay bahagi ng:
A. Makabagong Panitikan B. Panitikang Oral
C. Pabula D. Epiko
3. Ang tauhan sa isang alamat ay tumutukoy sa:
A. Lugar ng kwento B. Pangunahing tema
C. Mga karakter sa kwentoD. Problema ng kwento
4. Ang suliranin ay karaniwang matatagpuan sa:
A. Gitna B. Simula
C. Wakas D. Kasukdulan
5. Ang kakalasan ay tumutukoy sa:
A. Pagtatapos ng kwento B. Pinakamataas na bahagi ng kwento
C. Panandaliang saya sa kwento D. Paghaharap ng mga tauhan
6. Alin sa mga sumusunod ang nagtataglay ng elemento ng hiwaga?
A. Kuwento ng katatawananB. Alamat
C. Epiko D. Sanaysay
7. Ano ang tawag sa lugar kung saan naganap ang kwento?
A. Suliranin B. Tagpuan
C. Tauhan D. Kasukdulan
8. Ang alamat ay karaniwang naglalarawan ng:
A. Katotohanan B. Misteryo at Himala
C. Pamahalaan D. Paglalakbay
9. Ang tunggalian ay tumutukoy sa:
A. Pagbabago ng karakter B. Pag-aaway o paghaharap ng mga tauhan
C. Simula ng kwento D. Kasukdulan ng kwento
10. Ano ang kahulugan ng kasukdulan?
A. Pagsisimula ng kwento B. Pinakamataas na bahagi ng kwento
C. Resolusyon ng kwento D. Pagtatapos ng mga eksena
11. Ano ang layunin ng pabula?
A. Magbigay ng aliw B. Magturo ng aral tungkol sa tamang asal
C. Magpatawa D. Magkwento ng kasaysayan
12. Sino ang karaniwang tauhan sa isang pabula?
A. Tao B. Halaman
C. Hayop D. Diyos
13. Ano ang simbolo ng mga hayop sa pabula?
Subject: Filipino
Lesson:
-Unlocking Learning Beyond the Bell -
Lopez St., Libis, Calapan City, Oriental Mindoro | 0908 139 5236
A. Mga tao na may iba't ibang katangianB. Mga ordinaryong hayop
C. Mga Diwata D. Mga superhero
14. Ayon kay Patrocinio Villafuerto, ano ang pangunahing tema ng pabula?
A. Pag-ibig B. Hayop at pagsasatao
C. Mahika D. Kalikasan
15. Anong elemento ng pabula ang tumutukoy sa lugar ng mga pangyayari?
A. Tauhan B. Tagpuan
C. Banghay D. Mensahe
16. Anong layunin ng pabula ang pinakagusto ng mga bata?
A. Makatotohanang pangyayari B. Pagbibigay ng aral tungkol sa wastong pag-
uugali
C. Makapagkwento ng nakakatawa D. Magbigay ng matinding damdamin
17. Anong bahagi ng pabula ang nagpapakita ng tunggalian?
A. Simula B. Gitna
C. Wakas D. Resolusyon
18. Alin sa mga sumusunod ang maaaring tema ng isang pabula?
A. Katarungan B. Pag-aaral
C. Paghahanap ng kayamanan D. Kalayaan
19. Bakit karaniwan ang mga hayop sa mga tauhan ng pabula?
A. Upang madaling makilala ang mga tao B. Dahil hindi pwedeng gumamit ng tao
C. Para ipakita ang pag-uugali ng tao D. Para maging masaya ang kwento
20. Ano ang pangunahing layunin ng mga pabula?
A. Magbigay-aral sa tamang asal at ugali B. Magsalaysay ng kasaysayan
C. Magpatawa D. Magbigay ng inspirasyon sa mga bata
Tama o Mali
_________1. Ang pabula ay kwento ng mga hayop na kumikilos at nagsasalita na parang tao.
_________2. Ang mga pabula ay walang aral na itinuturo.
_________3. Karaniwang gusto ng mga bata ang pabula dahil sa mga aral nito.
_________4. Ang banghay ng pabula ay hindi mahalaga sa kwento.
_________5. Ang tagpuan ng pabula ay maaaring maging kahit saan at kahit anong panahon.
_________6. Ang layunin ng pabula ay punahin ang mga maling asal ng tao.
_________7. Lahat ng tauhan sa pabula ay mga tao.
_________8. Ang pabula ay nagsimula noong panahon ng kolonyalismo.
_________9. Ang tauhan sa pabula ay simbolo ng iba't ibang uri ng tao.
_________10. Ang pabula ay gumagamit ng personipikasyon o pagsasatao ng mga bagay na walang
buhay.
Punan ng tamang pang-ugnay ang bawat patlang.
1.Si Kuliglig ay nagpakita ng tapang __________ maliit siya.
2.Pinaghandaan ng mga hayop ang laban, ___ nagtagumpay sila sa kanilang layunin.
3. Kailangang magtulungan ang lahat ___ magtagumpay ang plano.
Subject: Filipino
Lesson:
-Unlocking Learning Beyond the Bell -
Lopez St., Libis, Calapan City, Oriental Mindoro | 0908 139 5236
4.Nag-isip nang mabuti si Leon, ___ nagkamali pa rin siya sa kanyang desisyon.
5. Ang mga daga ay umalis sa pugad, ___ ang mga ibon naman ay naghanda sa paglipad.
6. Naging matatag si Kuliglig ___ sa suporta ng kanyang mga kasama.
7. Kakampi ba ng mga hayop ang tao, ___ kalaban nila ito?
8. Tumakbo nang mabilis ang usa, ___ hindi siya naabutan ng leon.
9.Magkaisa tayong lahat, ___ huwag hayaang manaig ang kasamaan.
10. Magsipag kayo sa inyong mga gawain ___ magtatagumpay kayo balang araw.
Multiple Choice
1.B. Pinagmulan ng mundo at kalikasan
2.B. Panitikang Oral
3.C. Mga karakter sa kwento
4.B. Simula
5.A. Pagtatapos ng kwento
6.B. Alamat
7.B. Tagpuan
8.B. Misteryo at Himala
9.B. Pag-aaway o paghaharap ng mga tauhan
10.B. Pinakamataas na bahagi ng kwento
11.B. Magturo ng aral tungkol sa tamang asal
12.C. Hayop
13.A. Mga tao na may iba't ibang katangian
14.B. Hayop at pagsasatao
15.B. Tagpuan
16.B. Pagbibigay ng aral tungkol sa wastong pag-uugali
17.B. Gitna
18.A. Katarungan
19.C. Para ipakita ang pag-uugali ng tao
20.A. Magbigay-aral sa tamang asal at ugali
Tama o Mali
1.Tama
2.Mali
3.Tama
4.Mali
5.Tama
6.Tama
7.Mali
8.Mali
9.Tama
10.Tama
Punan ng Tamang Pang-ugnay
1.kahit maliit siya
2.kaya
3.upang
4.ngunit
5.samantala
6.dahil
7.o
8.kaya
9.o
10.at