MAIKLING PAGSUSULIT #2 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Panuto : Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na pahayag at isulat sa iyong papel ang wastong titik ng iyong napiling sagot .
1. Alin sa mga sumusunod ang gamit ng wika na masasalamin sa pahayag na : “Nais kong libutin ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas ”? A. Regulatori B. Personal C. Heuristik D. Instrumental
2. Ang pahayag na “ Tumawid sa Tamang Tawiran ” ay halimbawa ng anong gamit ng wika ? A. Personal B. Instrumental C. Regulatori D. Heuristik
3. Ang pahayag na “Dito sa Jollibee, Bida ang Saya” ay halimbawa ng anong gamit ng wika ? A. Personal B. Heuristiko C. Instrumental D. Regulatori
4. Alin sa gamit ng wika ang masasalamin sa pahayag na : “ Nagkamit ng gintong medalya si Hidilyn Diaz sa 2020 Olympics dahil sa ipinamalas niyang kahusayan ”? A. Personal B. Instrumental C. Regulatori D. Impormatibo
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa ng imahinatibong gamit ng wika ? A. “ Pumunta ka sa barangay hall upang kumuha ng barangay clearance.” B. “Ayon sa ulat , tataas ang singil sa kuryente ngayong buwan .” C. “Sa kaharian ng ulap , ako’y lumilipad kasama ng mga bituin .” D. “Anong oras po nagsisimula ang klase natin bukas ?”
6. Ang hugot line na “Kaya pala hindi ako pinili , kasi may mahal ka nang iba ” ay halimbawa ng anong gamit ng wika ? A. Impormatibo B. Interaksyonal C. Instrumental D. Heuristik
7. Ang pahayag na “ Maglabas ng isang buong papel at sagutan ang ika-labing limang pahina ” ay halimbawa ng anong gamit ng wika ? A. Interaksyonal B. Dokumentaryo C. Regulatori D. Instrumental
8. Alin sa mga sumusunod ang patalastas na gumagamit ng conative na gamit ng wika ? A. “ Subukan mo na ang bagong JolliFries —crispy sa labas , malambot sa loob !” B. “Ang JolliFries ay gawa sa 100% tunay na patatas.” C. “Maraming tao ang pumipila araw-araw para sa JolliFries !” D. “Ang JolliFries ang pinakabagong produkto ng Jollibee.”
9. “Hello? Nandiyan ka pa ba ?” ay isang halimbawa ng anong gamit ng wika ? A. Conative B. Emotive C. Phatic D. Informative
10. “Grabe, ang bigat ng pakiramdam ko ngayon .” ay isang halimbawa ng anong gamit ng wika ? A. Emotive B. Phatic C. Conative D. Informative
11. Kailan unang ginamit ang alpabetong Romano bilang hakbang sa pormalisasyon ng mga wika sa Pilipinas ? A. Panahon ng Pangkasalukuyan B. Panahon ng Amerikano C. Panahon ng Hapon D. Panahon ng Kastila
12. Sa anong panahon nagsimulang manamlay ang paggamit ng wikang Tagalog sa bansa ? A. Panahon ng Hapon B. Panahon ng Kastila C. Panahon ng Amerikano D. Panahon ng Rebolusyon
13. Saang panahon nagkaisa ang mga paring dayuhan na pag-aralan ang mga katutubong wika sa Pilipinas ? A. Panahon ng Hapon B. Panahon ng Kastila C. Panahon ng Amerikano D. Panahon ng Rebolusyon
14. Ano ang unang wikang itinakda bilang batayan ng Wikang Pambansa noong 1937? A. Pilipino B. Ilokano C. Tagalog D. Filipino
15. Anong layunin ang pangunahing isinulong ng mga propagandista sa kanilang mga sinulat sa wikang Tagalog? A. Maisulong ang negosyo sa kolonyal na panahon B. Magturo ng bagong alpabeto sa masa C. Gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino D. Palitan ang relihiyon ng mga katutubo
16. Aling kautusan ang nagtatakda na ang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa? A. Kautusang Tagapagpaganap Blg . 96 B. Kautusang Tagapagpaganap Blg . 134 C. Kautusang Tagapagpaganap Blg . 60 D. Kautusang Tagapagpaganap Blg . 87
17. Aling proklamasyon ang nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagtatakda ng Agosto bilang Buwan ng Wika? A. Proklamasyon Blg . 1041 B. Proklamasyon Blg . 570 C. Proklamasyon Blg . 186 D. Proklamasyon Blg . 12
18. Alin sa sumusunod ang isinasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 tungkol sa wikang pambansa ? A. Ang wikang Ingles lamang ang dapat gamitin sa pamahalaan . B. Dapat lumikha ang Kongreso ng isang bagong wika na hiwalay sa umiiral na mga wika . C. Gagawa ng hakbang ang Kongreso tungo sa pagkakaroon ng wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika , habang Ingles at Espanyol ang mananatiling opisyal hangga’t walang bagong batas. D. Itinatakda na agad ang Pilipino bilang opisyal na wika ng bansa .
19. Ayon sa Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987, aling seksyon ang nagsasaad na ang Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas ? A. Seksyon 2 B. Seksyon 6 C. Seksyon 11 D. Seksyon 12
20. Aling kautusan ang nagtatakda na ang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa? A. Kautusang Tagapagpaganap Blg . 96 B. Kautusang Tagapagpaganap Blg . 134 C. Kautusang Tagapagpaganap Blg . 60 D. Kautusang Tagapagpaganap Blg . 87