2ND WEEK.................................. (1).pptx

MidtungokIntegratedS 7 views 68 slides Oct 20, 2025
Slide 1
Slide 1 of 68
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65
Slide 66
66
Slide 67
67
Slide 68
68

About This Presentation

PPTX


Slide Content

Unang Markahan Ikalawang Linggo Filipino 6

Quarter 1, Week 2 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kwento Unang Araw

Pagbabaybay

Pagganyak Ano ang nakikita ninyo sa larawan ? Saan ito ginagamit ?

Pagbabahagi ng Karanasan

Balsa Paghawan ng Balakid Nakatuwaan ng mga bata na gumawa ng kani-kaniyang balsa na yari sa pinagtabi-tabing katawan ngpuno ng saging .

Sagwan Paghawan ng Balakid Ang iba ay gumamit ng tukod bilang sagwan .

Nakakakilabot Paghawan ng Balakid Nakakakilabot ang mga huni ng hayop tuwing gabi ..

Bumalikwas Paghawan ng Balakid Bumalikwas siya ng biglang may narinig na ungol ng aso .

Sa kwentong ating babasahin ngayon , ating alamin kung ano ang nangyari kay Juan Tamad nang magpunta silang magkaibigan sa ilog .

Ano kaya ang nangyari kay Juan Tamad ?

Juan Tamad Basahin ng Malakas Isang araw , nagtungo sa ilog si Juan Tamad at ang kanyang mga kaibigan . Ang ilog ay umaagos pababa . Karaniwang naglalaro ng mga bangkang papel ang mga bata sa mababaw na bahagi ng ilog . Tuwang-tuwa sila sa pagbabantay kung kaninong bangka ang pinakamabilis. Nakatuwaan ng mga bata na gumawa ng kani-kaniyang balsa na yari sa pinagtabi-tabing katawan ng puno ng saging . Nagtungo sila sa malalim na bahagi ng ilog at doon nagsimulang magkarerahan .

Ang iba ay gumamit ng tukod bilang sagwan . Lahat sila ay gustong manalo . Si Juan Tamad ? Naku , nahiga siya sa balsa.Tinawanan niya ang mga kaibigan nang makita silang nagpapakahirap sa pagsagwan . At si Juan ay nagsimulang matulog . Tinulungan ng tatlong bata ang kanilang balsa upang mabilis na makarating sa takdang lugar. Ang balsa naman ni Juan ay umayon lamang sa agos ng ilog . Hindi namalayan ni Juan na ang balsa niya ay naharang ng mga sanga ng kawayan at natigil sa gilid . Alam ng mga kaibigan na mahuhuli si Juan ng dating sa kanilang tagpuan pagkat di ito gumamit ng sagwan . Hindi nila inalam kung nakarating ito o hindi . Umalis na sila .

Sa kabilang dako , si Juan Tamad ay tulog pa rin sa natigil na balsa. Inabutan siya ng gabi . Nang nagising siya , wala siyang makita kundi puro kadiliman . At nakarinig siya ng mga nakakakilabot na mga huni . Natakot siya . Nagsisisi siya kung bakit siya natulog . Bumalikwas siya at kumalas sa makapal na mga sanga ng kawayan . Pagdating niya sa bungad ng palayan , kumaripas siya ng takbo sa abot ng bilis ng kanyang mga paa . Kawawang Juan, tayo ang mga buhok sa laki ng takot .

Tama ba ang inyong mga hinuha sa nagyari kay Juan Tamad ? Nangyari ba sa kwento ang mga panyayaring naitala natin kanina ?

Sino- sino ang mga tauhan sa napakinggang kwento ? Sagutin Natin Saan nagpunta ang magkaibigan ? Ano ang ginawa nila sa kanilang pinuntahan ?

Ano ang ginawa ni Juan? Sagutin Natin Ano ang ginawa ng kanyang mga kaibigan ? Ano ang nagyari kay Juan?

Pangkatang Gawain Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit ang pinakapaboritong bahagi sa kuwentong narinig . Unang Pangkat Ikalawang Pangkat Gumawa ng awitin tungkol sa inyong natutunang aral sa kuwento .

Gumawa ng sulat na nagbibigay ng payo kay Juan. Ikatlong Pangkat Ikaapat na Pangkat Iguhit si Juan at isulat ang kanyang mga katangian sa ibaba .

Talakayan Ano-ano ang mga pangyayari sa kwento ? Presentasyon ng unang pangkat

Ikalawang pangkat Ipakita ang inyong awitin . Ano ang magandang asal na natutunan ninyo sa kwento ? Ikatlong pangkat Group 3, Basahin ang sulat . Ano – anong payo ba ang maibibigay natin kay Juan? Bakit hindi mabuting ugali ang pagiging tamad ?

Ikaapat na Pangkat Ipakita ang guhit . Ano-anong katangian ni Juan ang dapat ninyong tularan ? Ano-anong katangian naman ang hindi dapat tularan ng isang batang katulad mo?

Quarter 1, Week 2 Nakapagbibigay ng panuto na may higit sa limang hakbang Ikalawang araw

Pagbabaybay

Dugtungan Mo…… Isang araw , nagtungo sa ilog si Juan Tamad at ang kanyang mga kaibigan . Ano ang sumunod na nangyari ?

Pagganyak Ano ang nilalaro ng magkaibigan sa ilog ? Alam niyo ba kung paano gawin ang bangkang papel ?

Paggawa ng Bangkang Papel Kumuha ng isang buong papel .

Paggawa ng Bangkang Papel 2. Tupiin ito sa dalawang magkapantay na bahagi .

Paggawa ng Bangkang Papel 3. Tupiin sa tagiliran ng upang makabuo ng hugis tatlsulok ..

Paggawa ng Bangkang Papel 4. Tupiin ang sobrang bahagi .

Paggawa ng Bangkang Papel 5. Buklatin upang makabuo ng hugis diamond.

Paggawa ng Bangkang Papel 6. Tupiin upang makabuo ng hugis tatsulok .

Paggawa ng Bangkang Papel 7. Ulitin ang panuto bilang 5.

Paggawa ng Bangkang Papel 8 . Buklatin upang makabuo ng isang bangkang papel ..

Nagawa mo ba nang wasto ang mga panuto na ibinigay ? Bakit ? Bakit hindi ? Ano ang ginawa mo upang makasunod nang wasto sa panutong ibnigay ? Nakatulong ba ang aking ginawa upang makasunod ka nang wasto ? Ano ang napansin ninyo ng magbigay ako ng panuto ?

Pangkatang Gawain Bawat pangkat ay maghahanda ng panuto tungkol sa paggawa ng isang laruan . Pagkatapos ng 5 minuto , ang unang pangkat ang magbibigay ng panuto sa Pangalawang pangkat . Ang Pangalawang Pangkat ang siyang gagawa sa panutong ibinigay . Ang Pangalawang pangkat naman ang siyang magbibigay ng kanilang panuto sa pangatlong pangkat ,at ang pangatlong pangkat ang siyang magbibigay ng kanilang panuto sa unang pangkat .

Pagtatalakay sa Pangkatang Gawain Nagawa mo ba nang maayos ang mga gawaing ibinigay ng ibang pangkat ? Bakit ? Bakit hindi ?

Paresang Gawain Pumili ng kapareha . Maghanda ng panuto na siyang ipapagawa mo sa iyong kapareha at siya rin ay maghahanda ng panuto na ipapagawa sa iyo .

Ano-ano ang panuto na lagi mong naririnig sa bahay ? Sa paaralan ? Sa kalsada ? Sa mga pampublikong lugar ? Sa pagsagot sa mga pagsusulit , ano ang mangyari kung hindi mo susundin anang maayos ang mga panutong ibinigay ?

Paglalahat Ano – ano ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng panuto ?

Pagtataya Kung bibigyan mo ng marka ang iyong kapareha sa natapos na Gawain, ano ang ibibigay mo ? Bigyang katwiran ang ibinigay na marka . 5-pinakamataas 4-mataas 3-mataas-taas 2 mababa 1 - pinakamababa

Takdang-aralin Magbigay / Magsulat ng panuto na may lima o higit pang hakbang .

Quarter 1, Week 2 Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon Ikatlong Araw

Pagbabaybay

Balik-aral Ano ang pinag-aralan natin kahapon ? Sino ang gustong magbahagi ng kanyang panuto sa kaklase ?

Igalaw ko Pangngalan Mo! Magmasid sa silid aralan . Pumili ng isang bagay . Pahulaan sa mga kaklase ang napiling bagay sa pamamagitan ng pagsasakilos nito .

Ano ang tawag sa mga salitang naitala natin sa pisara ? Ano ang pangngalan ?

Ipabasa nang malakas ang Pangungusap . 1. Nagpunta sina Juan sa ilog . 2. Gumawa sila ng balsa gamit ang pinagtabi-tabing katawan ng puno ng saging 3. Habang naglalaro ang magkakaibigan , natulog naman si Juan sa balsa.

Ano-ano ang pangngalan sa bawat pangungusap ? Gamitin sa sariling pangungusap ang mga pangngalang nabanggit .

Pagsasanay Itala ang mga pangngalang ginagamit sa kuwentong “Juan Tamad .” Gamitin ito sa pangungusap .

Pangkatang Gawain Kung makakausap mo si Juan Tamad , ano ang nais mong sabihin sa kaniya ? Gumamit ng iba’t abang pangngalan .

Pagtatalakay sa Pangkatang Gawain Ano-ano ang mga pangngalang ginamit ? Tama ba ang pagkakagamit ng bawat pangkat ? Pag-uulat ng bawat pangkat .

Pumili ng larawan na nais mong gawan ng isang maikling talata na may 4-5 pangungusap.Isulat ito sa papel . Bilugan ang mga pangngalang ginagamit mo sa iyong talata . Paglalapat

Ano ang pangngalan ? Paglalahat Ang pangngalan ay ngalan ng tao , bagay , hayop , lugar o pangyayari .

Gumawa ng buod sa kwentong “Juan Tamad ”. Bilugan ang mga pangngalang ginamit . Pagtataya

Gamit ang iba’t ibang pangngalan gumawa ng maikling talata tungkol sa iyong pamayanan . Bilugan ang pangngalang ginamit . Takdang-aralin

Quarter 1, Week 2 1.Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas . 2.Nakasusulat ng idiniktang talata . Ikaapat na araw

Paghawan ng Balakid Dumungaw si Angela nang marinig ang malakas na tahol ng aso . Sabihin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap . Nakita niya ang dalawang pulis at mga tsuper ng jeep na may nilulutas na problema sa banggaang naganap . Naroroon din ang kaniyang lolo , mahilig kasi itong maglagi sa may bakuran kaya kitang-kita niya ang pangyayari .

Paano mo ipinapakita ang pagmamahal mo sa mga kaibigan ?

Basahin : Tanda ng Pagmamahalan

Talk about it Gumawa ng komik istrip upang ipakita ang pagkasunod sunod ng mga pangyayari sa binasang kuwento . Pangkatang Gawain

Talk about it Pag-uulat at talakayan

Talk about it Sagutan ang balangkas upang maipakita ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento . Pagsasanay :: Ano ang unang pangyayari ? Ano ang suliranin ? Ano ang sumunod na pangyayari ? Ano ang naging katapusan ng kuwento ?

Isulat ang ididiktang talata . Pagkatapos ay ipasa ang inyong mga papel upang mabigyan ko nang puna ta isulat ninyo itong muli ayon sa ibibigay kong puna . Ano-ano ang mga dapat tandaan Upang maisulat muli ang idinidiktang talata ng guro ?

Talk about it Paano mo pahahalagahan Ang iyong kaibigan ?

Talk about it Paglalahat Ano-ano ang mga dapat Tandaan upang matukoy Muli ang mga pangyayari Sa binasang kuwento ?

Talk about it Paglalahat Ano-ano ang mga dapat Tandaan upang maisulat Nang wasto ang talatang Idinidikta ng guro ?

Quarter 1 Week 2 Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian Ikalimang araw
Tags