Pamamaraan at Patakarang Kolonyal sa mga Bansang Cambodia, Myanmar, at Vietnam
Gawain: PARES Panuto : Hanapin ang kapareha . Kinakilangan na wasto ang larawan ng watawat sa
1.Anu-anong mga bansa ang inyong makikita sa mga larawan ? 2.Sa anong rehiyon ng Timog Silangang Asya kabilang ang mga bansang ito ? 3.Batay sa mga sumusunod na nakaraang aralin , ilarawan ang sinaunang pamumuhay ansa : -Vietnam -Cambodia -Myanmar -Thailand
4.Paano napanatili ng bansang Thailand ang kalayaan nito sa kabila ng mga banta ng pananakop ? 5.Sa inyong palagay , nanatili din ba na malaya katulad ng Thailand ang mga bansang Myanmar, Vietnam at Cambodia?Ipaliwanag .
Pamamaraan at Patakarang Kolonyal sa mga Bansang Cambodia, Myanmar, at Vietnam Ang mga bansang Cambodia, Vietnam, at Myanmar ay nakaranas ng kolonyalismo at imperyalismo sa iba't ibang panahon at mula sa iba't ibang mga kapangyarihan .
Sinakop ng Bansang France Dahilan : Sagana sa Palay at mais Ito ay Bansang Cambodia
Cambodia: Kolonyalismo ng Pransiya : Ang Cambodia ay naging kolonya ng Pransiya noong 1863 at nanatili hanggang sa kalayaan nito noong 1953. Ang Pransiya ay nagpatupad ng mga patakaran na naglalayong kontrolin ang ekonomiya at politika ng Cambodia, at nag- ambag sa pagkawala ng mga tradisyon at kultura ng mga Cambodian.
Imperyalismo sa Cambodia π Mananakop : France ( Pransiya ) π°οΈ Panahon: Kalagitnaan ng ika-19 na siglo Naging bahagi ng French Indochina noong 1863 . Pinilit ng France na magbukas sa kalakalan at edukasyong Kanluranin . βοΈ Epekto : Pag- unlad ng imprastruktura ( kalsada , riles, paaralan ) Pagbabago sa relihiyon at kultura Pagsibol ng nasyonalismo sa pamumuno ni Norodom Sihanouk
Imperyalismo ng Thailand: Bago ang pananakop ng Pransiya , ang Cambodia ay nakaranas ng imperyalismo mula sa Thailand, na nagresulta sa pagkawala ng mga teritoryo at impluwensya .
Vietnam: Kolonyalismo ng Pransiya : Ang Vietnam ay naging kolonya ng Pransiya noong 1858 at nanatili hanggang sa kalayaan nito noong 1954. Ang Pransiya ay nagpatupad ng mga patakaran na naglalayong kontrolin ang ekonomiya at politika ng Vietnam, at nag- ambag sa pagkawala ng mga tradisyon at kultura ng mga Vietnamese.
Imperyalismo ng Tsina : Bago ang pananakop ng Pransiya , ang Vietnam ay nakaranas ng imperyalismo mula sa Tsina , na nagresulta sa pagkawala ng mga teritoryo at impluwensya .
Myanmar: Kolonyalismo ng Britanya: Ang Myanmar ay naging kolonya ng Britanya noong 1885 at nanatili hanggang sa kalayaan nito noong 1948. Ang Britanya ay nagpatupad ng mga patakaran na naglalayong kontrolin ang ekonomiya at politika ng Myanmar, at nag- ambag sa pagkawala ng mga tradisyon at kultura ng mga Burmese.
Imperyalismo sa Myanmar (Burma) π Mananakop : Britain (United Kingdom) π°οΈ Panahon: 1824 β 1948 Natalo ng Britain sa Tatlong Digmaang Anglo-Burmese . Ginawang kolonya ng British India . βοΈ Epekto : Pagbabago sa ekonomiya : ginawang taniman ng palay at goma Pagpasok ng mga Indian at Chinese na manggagawa Pag- alsa ng mga Burmese laban sa mga Briton π₯ Resulta : Naitatag ang kilusang Anti-Fascist Peopleβs Freedom League Nakamit ang kalayaan noong 1948
Imperyalismo ng Thailand: Bago ang pananakop ng Britanya , ang Myanmar ay nakaranas ng imperyalismo mula sa Thailand, na nagresulta sa pagkawala ng mga teritoryo at impluwensya .
Ang kolonyalismo at imperyalismo ay nagkaroon ng malaking epekto sa mga bansang ito , na nagresulta sa pagkawala ng mga tradisyon , kultura , at teritoryo . Ang mga bansang ito ay nagpupumilit pa rin upang malampasan ang mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismo , at naghahanap ng mga paraan upang maitaguyod ang kanilang sariling pagkakakilanlan at kalayaan .
Tanong : Bago ang pagdating ng mga Kanluraning kolonyalista , aling mga bansa ang nakaranas ng imperyalismo mula sa mga kalapit-bansa ?
Imperyalismo sa Vietnam π Mananakop : France (at kalaunan Japan, U.S.) π°οΈ Panahon: 1858 β 1954 Ginawang bahagi ng French Indochina . Ipinatupad ang sistemang edukasyon at Kristiyanismo . Pinilit ang mga magsasaka na magtrabaho sa mga plantasyon . βοΈ Epekto : Lumaganap ang kahirapan at kawalan ng karapatan Nabuo ang kilusang makabayan sa pamumuno ni Ho Chi Minh Itinatag ang Vietnamese Communist Party Kalayaan matapos ang Digmaang Indochina (1954)
Bansa Mananakop Panahon Epekto Cambodia France 1863β1953 French Indochina, kulturang Kanluranin Myanmar Britain 1824β1948 Ekonomikong kolonisasyon , nasyonalismo Vietnam France 1858β1954 Pag- aalsa , komunismo , kalayaan 1954 Paghahambing ng mga Bansa
Ano ang naging epekto ng kolonyalismo ng Britanya sa Myanmar?
Ano ang mga kasalukuyang hamon na kinakaharap ng Cambodia, Vietnam, at Myanmar bilang resulta ng kolonyalismo at imperyalismo ?
Panuto : Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan . Isulat ang sagutang papel . 1. Ano ang pangunahing layunin ng mga kolonyalistang Kanluranin sa pagkontrol sa mga bansang Cambodia, Myanmar, at Vietnam? 2. Paano ipinakita ng mga kolonyalista ang kanilang kapangyarihan sa mga bansang sinakop nila , partikular sa Cambodia, Myanmar, at Vietnam? 3. Anong mga pamamaraan at patakaran ang ipinairal ng Pransiya sa Cambodia at Vietnam upang makontrol ang ekonomiya ng mga bansang ito ?
Ano ang Kahalagahan ng Kultura ? 2. Kung mayroong bansang gusting baguhin ang inyong kultura , papaya ba kayo o hindi ? Bakit?