“Ang pamilyang nagkakaisa ay palaging masaya habang ang pamilyang may gusot ay lagi na lang malungkot .” -Anonymous
Suriin ang mga larawan at pagnilayan ang mga gabay na tanong .
Gabay na tanong : Ano-ano ang ginagawa ng pamilya sa mga larawan ? Anong klase ng pamilya ang ipinapakita sa larawan ? Nasasalamin mo ba ang iyong sariling pamilya sa larawan ?
Ano ang ipinapakita ng pamiya ni Ana? “Si Ana ay may proyekto sa paaralan . Tinulungan siya ng kaniyang mga magulang at kapatid upang matapos ito . Dahil nagkaisa sila , mabilis nilang natapos ang proyekto .”
Pagkakaisa Pagtutulungan at pakikipagkaisa ng bawat miyembro ng pamilya .
Pagbubuklod Ang pagiging malapit , nagmmamahalan , at nagtutulungan sa lahat ng oras .
Pakikiisa at pagbubuklod sa pamilya : Sama- samang kumakain
Pakikiisa at pagbubuklod sa pamilya : Pagtutulungan sa gawaing bahay
Pakikiisa at pagbubuklod sa pamilya : Pagdarasal ng magkasama
Pakikiisa at pagbubuklod sa pamilya : Pagsuporta sa pag-aaral ng bawat isa.
AKTIBIDAD: Pamilya Naming Nagkakaisa Gumuhit ng inyong pamiya na gumagawa ng isang gawain nang magkakasama ( hal . Paglilinis , pagkain , pagdarasal ). Ibahagi sa klase kung bakit mahalaga ang ginagawa ng inyong pamilya .
Paglalahat : Ang pamilya ay mas nagiging masaya kung may pagkakaisa at pgmamahalan . Ang pagbubuklod ay nagbibigay ng lakas upang malampasan ang mga problema .