Ang dula ay isang kathang ang layunin ay maitampok sa tanghalan ang isang kawil ng mga pangyayaring nahahayag ng isang kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao .
Kombensyon sa Panahon Kombensyon sa ikaapat na Dingding Kombensyon ng Pananalita o Wika Kombensyon ng pagsasalita sa Sarili
Kombensyon sa Panahon – Naniniwala o kaya’y ang manonood sa loob ng ilang oras ay nabubuhay siya sa loob ng isang araw , lingo o buwan o taon , na kasa-kasama ng mga tauhang kanyang pinapanood sa tanghalan .
Kombensyon sa Ikaapat na Dingding – Tinatanggap ng manonood na tulad sa isang tanghalan , sa totoong buhay ay may tatlong dingding lamang ang isang bahay . Ang ikaapat na dingding ay bukas kayat namamalas at naririnig niya ang lahat ng sinasabi at kinikilos ng mga nasa loob ng bahay na nasa kanyang harapan .
Kombensyon ng Pananalita o Wika – Tinatanggap ng manonood na kung ano ang pananalitang binigkas ng tauhan sa dula ay ganyon ding pananalita ang kanilang binigkas at ginagamit sa tunay na buhay .
Kombensyon ng pagsasalita sa Sarili – Ang pag sasalita na parang sa sasarili lamang ng tauhan , ay tinatanggap ng manonood na kailangan o mahalaga upang malaman niya ang iniisip ng isang gumaganap sa tanghalan at upang maunawaan niya ang ilang pangyayaring hindi maaring ipakita o itanghal .