505706445-EsP10-Quarter3-Module-2-WEEK-3-4.docx

GenesisDumalaga1 36 views 16 slides Jan 16, 2025
Slide 1
Slide 1 of 16
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16

About This Presentation

505706445-EsP10-Quarter3-Module-2-WEEK-3-4.docx


Slide Content

10
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
QUARTER 3 – MODULE 2
WEEK 3 & 4
PAGMAMAHAL SA DIYOS
1

Modyul 2: Ang Pagmamahal sa Diyos
Unang Bahagi
“ Ang nagsasabing iniibig ko ang Diyos subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay
isang sinungaling. Kung ang kapatid na kaniyang nakikita ay hindi niya magawang
ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita”. – Juan 4:20
Masasabing pagmamahal sa Diyos ang anumang espiritwal at matalik na pakikipag-
ugnayan sa Kaniya. Natatanging karanasan mula sa inspirasyon ng Diyos upang mahinuha ng
bawat isa ang karunungan at kaloobanng Diyos sa buhay ng tao. Itinuturing ang pagmamahal
ng Diyos bilang pangunahing daan upang mapasimulan ng tao ang kaalaman ukol sa Diyos.
Sa tulong ng pagmamahal ng Diyos, nauunawaan ng tao ang kailangan niyang gawin upang
mapalapit sa Diyos at maisagawa ang Kaniyang kalooban.Ngunit paano ba natin mamahalin
ang Diyos na di nating nakikita o nahahawakan?
Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang tanong na ito at maipamamalas mo ang
mga sumusunod na Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa:
9.3 Napangangatuwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa
(EsP10PB-IIIb-9.3)
9.4 Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos.
(EsP10PB-IIIb-9.4)
Ang Pagmamahal sa Diyos at Kapuwa ang Tunay na Pananampalataya
Paano ka ba magmahal? Naitanong mo na ba ito sa iyong sarili? Paano mo minamahal
ang Diyos at ang iyong kapuwa? Pamilyar ka ba sa dalawang pinakamahalagang utos? Ito ay
ang: Ibigin mo ang Diyos nang buong isip, puso, at kaluluwa at ibigin mo ang iyong kapuwa
tulad ng iyong sarili. Ang magmahal ang pinakamahalagang utos. Sinasabi sa Juan 4:20, “Ang
nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang
sinungaling. Kung ang kapatid na kaniyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya
maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?”
Tunay nga ang sinasabi ng pahayag na ito. Masasabi lamang ng tao na siya ay
nagmamahal sa Diyos kung nagmamahal siya sa kaniyang kapuwa. Hindi ito madali, ngunit isa
itong hamon para sa lahat dahil kung anuman ang ginawa natin sa ating kapuwa ay sa Diyos
natin ginagawa. Kilala mo ba si Mother Theresa ng Calcutta? Nakita sa kaniya ang maIalim na
ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga tao na hindi katanggap-tanggap sa
lipunan tulad ng mga pulubi sa lansangan, mga may sakit na ketong, mga matatandang
maysakit na iniwan ng kanilang pamilya, at marami pang iba. Sila ay inalagaan at tinulungan,
pinakain at minahal ni Mother Theresa na walang hinihintay na anumang kapalit. Sinabi ni
Mother Theresa: Paano mo nalalaman na nagmamahal ka? Ito ang tunay na pagmamahal,
ang magmahal na walang hinihintay na anumang kapalit kahit na nahihirapan o
nagsasakripisyo ay nagmamahal pa rin. Ganiyan ang ipinakitang pagmamahal ni Mother
Teresa - isang pagmamahal na ang hinahanap ay makita ang Diyos sa piling ng kapuwang
pinaglilingkuran. Kaya’t mapatutunayan lamang ng tao na minamahal niya ang Diyos kung
minamahal niya ang kaniyang kapuwa.
2

Mayroon tayong tinatawag na Apat na Uri ng Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis.
1. Affection – Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga magkakapamilya o
maaaring sa mga taong nagkakilala at naging malapit o palagay na ang loob sa isa’t isa.
2. Philia – Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon silang iisang tunguhin o nilalayon
na kung saan sila ay magkakaugnay.
3. Eros – Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Kung ano ang
makapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang sarili. Halimbawa: Mahal mo siya dahil maganda
siya. Ito ay tumutukoy sa pisikal na nais ng isang tao.
4. Agape – Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ay ang pagmamahal na walang
kapalit. Ganiyan ang Diyos sa tao. Patuloy na nagmamahal sa kabila ng mga pagkukulang at
patuloy na pagkakasala ng tao ay patuloy pa rin Niyang minamahal dahil ang TAO ay
mahalaga sa Kaniya.
Isang dalisay na halimbawa ay ang pagmamahal ng Panginoong Hesus sa Kaniyang
hinirang kung saan ginamit Niya ang Kaniyang dugo at buhay upang ipantubos sa ating mga
kasalanan. Mahalaga na matukoy natin ang mga pamamaraan kung saan naisasabuhay natin
ang pagmamahal sa Diyos upang mabatid natin kung paano ito mapahahalagahan.
Bilang pagmamahal ng Diyos binigyan tayo ng talino at lakas. Gamit ito, makakamit
natin ang ibibigay Niyang buhay na walang hanggan. Paano natin gagamitin ang mga binigay
Niyang talino at lakas sa atin upang makamit ang buhay na walang hanggan?
Ang tao ay nilikha ng Diyos na may misyon na dapat na gawin. Sinasabi sa Biblia na
ang tao’y kamangagawa ng Diyos upang maisagawa ang Kaniyang plano para sa
sangkatauhan. Pinagkalooban Niya tayo ng talino at lakas upang makagawa hindi lamang
para sa pansariling pag-unlad kundi pati na rin sa pagkakamit ng kabutihang panlahat.
Upang maisagawa ang misyong ito gagamitin natin ang ipinagkaloob Niyang talino at
lakas upang maisabuhay ang paggawa.Upang mas higit na maunawaan, ang pagmamahal ay
isa sa sa mga pagpapahalagang maaring taglayin ng tao. Dahil ang pagmamahal ay ispiritwal,
mahirap itong ipakita kung hindi lalapatan ng gawa.
Importante ang paggawa dahil hindi lamang upang matugunan ang ating mga
pangangailangang materyal kundi upang maisakatuparan natin ang ating misyon dito sa lupa.
Ang misyong maghahatid sa atin sa pagiging kamanggagawa ng Diyos sa kaniyang mga plano
sa sangkatauhan.
Mga Pamamaraan ng Pagpapahayag ng Pagmamahal sa Diyos at sa Kapuwa
1. Ang pagtalima sa mga utos ng Diyos gaya ng pagmamahal sa mga magulang at
nakatatanda.( Ika-5 utos ng Diyos, Exodus 20:2-17).
2. Pangingilin o pagdalo sa banal na misa kasabay ng taimtim na pananalangin sa Diyos.
3. Pagbibigay ng pasasalamat sa Kaniyang walang hanggang mga biyaya na ipinagkakaloob
sa atin.
4. Paghinigi ng kapatawaran at pagsisisi sa mga nagawang kasalanan sa Diyos at sa ating
kapwa. Gayundin naman ang pagpapatawad sa mga kasalananang ginawa sa atin ng ating
kapuwa. Isa ito sa mga maitutring na mahirap gawin ngunit ito ay nakapagpapalaya ng poot at
sama ng loob.
5. Ang pagbibigay ng abuloy o tulong sa ating simbahan para sa pagpapatuloy ng
pagsasagawa ng mga gawaing pangsimbahan. Gayun din naman ang ating pagbibigay ng
tulong sa ating mga kapuwa na nangangailangan ng walang pag-aalinlangan at naghihintay ng
3

anumang kapalit.
6. Pagmamahal sa ating kaaway.( Lukas 6:27 ). Napakahirap tumalima sa nasabing kautusan
lalo at ang ating naging kaaway ay nagdulot ng napakalaking pinsala sa ating pagkatao.
Ngunit batay nga sa tagubilin ng Diyos sa atin na mahalin natin ang ating kapuwa maging ang
ating mga kaaway, dahil kung ano ang ginawa natin sa ating kapuwa ay nagawa na rin natin
sa kaniya.
7. Ang pagsuporta at pagtugon sa mga itinatakda ng batas ng Diyos at ng tao.
Ang pagtupad ng mga dakilang utos ng Diyos gaya ng ilan sa mga nabanggit ay ilan
lamang sa mga paraan kung paano natin maipadarama ang pagmamahal sa Diyos sa
pamamagitan ng pagmamahal sa ating kapuwa na ating nakikita at nakakasalamuha sa araw-
araw ng ating buhay. Higit na biyaya at pagpapala ang tatanggapin ng nilalang na nagbibigay
halaga at pagmamahal sa Diyos at sa kaniyang kapwa.
Kung gayon, ang bawat isa sa atin ay inaanyayahan na tularan ang Diyos. Sikapin natin
na mahalin ang ating kapuwa dahil ito ang palatandaan ng pagmamahal natin sa Diyos na
Lumikha.
Ikalawang Bahagi
Gawain 1.1 : Pagsusuri ng Sitwasyon
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang sitwasyon kung ito ay paraan ng pagpapakita ng
pagmamahal sa Diyos at Kapuwa, lagyan ng simbolo + at kung hindi naman, lagyan ng
simbolong X ang patlang sa bawat bilang.
____1. Pagpunta sa simbahan dahil may bagong damit at sapatos.
____2. Pagbibigay ng limos sa mga pulubi at batang lansangan.
____3. Pagpapautang sa mga nagigipit sa salapi na may ipinapataw na interest.
____4. Paglalaan ng oras para sa pananalangin.
___ 5. Pagbibigay ng donasyon sa simbahan sa kabila ng kasalatan sa pananalapi.
___ 6. Pinipili lamang ang pagbibigyan ng tulong.
___ 7. Pagbibigay galang sa mga magulang at nakatatanda sa lahat ng oras o pagkakataon.
___ 8. Pag iwas sa mga bisyo sa kabila ng panunukso ng mga barkada.
___ 9. Pagbibigay ng panibagong pagkakataong magbagong buhay sa isang taong nagkasala
sa batas.
___ 10. Nagpapakuha ng larawan para i-post sa facebook habang nagbibigay ng tulong sa
mga nasalanta ng bagyo.
Gawain 1.2. Pagsusuri sa mga larawan: Picture Perfect
Panuto: Bigyan ng interpretasyon ang isinasaad ng larawan. Ano ang ipinapakita ng larawan?
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. 2.

google.com/clipart https://bulacandeped.com./wp
4

3. 4.

https://bulacandeped.com./wp Depositphotos
google.com/search?
5. 6.

https://bulacandeped.com./wp https://bulacandeped.com./wp
7. 8.

gograph.com/clipart https://bulacandeped.com./wp
google.com./search?
9. 10.

clipart library flyclipart
google.com./search? google.com./search?
5

Gawain 2. 1. Pagsusuri ng Sitwasyon: “Anong say mo?”
Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon, sagutin ang mga tanong sa iyong papel.
( 15 puntos )
6
Madalas makita si Mang Romy na namumuno sa mga gawain sa simbahan. Siya ang
tumutugtog ng gitara para sa Choir ng simbahan. Siya rin ang namumuno sa pagbibigay ng
komunyon sa oras ng banal na misa. Aktibong miyembro rin siya ng mga organisasyon ng
simbahan. Sa kanilang tahanan siya ang batas, lahat lamang ng kaniyang ninanais ang
dapat lamang sundin ng kaniyang pamilya. May kapalit na malupit na parusa ang naghihintay
sa sinumang lalabag sa kaniyang mga tagubilin. Kinalulugdan o nasisiyahan kaya ang Diyos
sa ginagawa ni Mang Ruben?
Sagot:
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
Araw- araw ay nagsisimba si Aling Melba at hindi kinakaligtaan ang magdasal ng rosayo tuwing
sumasapit ang orasyon. Madalas din siyang makikita na nagbabasa ng Biblia. Ngunit si Aling
Melba ay sadyang mainitin ang ulo, palamura at malupit sa kaniyang kasambahay.
Naisasabuhay ba niya ang pagmamahal sa Diyos?
Sagot:
____________________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Si Nadia ay biktima ng pang-aabuso ng tatlong kabataang lalaki na lulong sa
ipinagbabawal na gamot. Sa kasawiang palad siya ay nagdalang-tao. Hindi nawalan ng
pananampalataya si Nadia sa kabila ng mga masamang nangyari sa kaniya bagkus mas
lalong tumibay ang kaniyang paniniwala at pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng
kaniyang taimtim na panalangin. Hindi nagtagal nahuli ang mga umabuso sa kanya at
nakulong. Kinausap sila ni Nadia at sinabi niya na sa kabila ng kanilang mga nagawang
kasalanan, sila ay kaniyang pinatawad na ngunit kailangan nilang panagutan sa batas ang
kanilang ginawang kasamaan. Makatuwiran ba ang ginawa ni Nadia na pagbibigay ng
kapatawaran sa mga umabuso sa kanya?
Sagot:
________________________________________________________________________
__
________________________________________________________________________
__
________________________________________________________________________

Gawain 2.2. ANG PAGMAMAHAL SA DIYOS AY PAGMAMAHAL SA KAPWA
Panuto: Maraming panuntunan ang ipinapatupad ng pamahalaan hinggil sa pagkalat ng sakit
na COVID-19 sa ating bansa.Sa tsart sa ibaba ay nakasulat sa kolum A ang tatlong
panuntunang ito, sa kolum B isulat kung paano ito sinusunod ng mga mamamayan, kung
paano ito sinusuway sa kolum C, at ang epekto ng pagsunod o pagsuway sa nasabing
panuntunan sa kolum D. ( 15puntos )
Mga panuntunan na
ipinatupad ng
pamahalaan sa
paglaban sa COVID-
19
Paano ito
sinusunod ng mga
mamamayan?
Paano ito
sinusuway ng mga
mamamayan?
Epekto ng
pagsunod o
pagsuway rito sa
bawat mamamayan
o sa kapwa tao
1. Social Distancing
2. Pagsusuot ng face
mask at face shield
3. Pagbabawal sa
pagdalo sa mga
social gathering
Gawain 3.1. BAWAL JUDGMENTAL, CARRY KO ‘TO!
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon at ibigay ang nararapat na
kilos na pagmamahal sa Diyos at Kapuwa. ( 15 puntos )

1. Paano mo ipaliliwanag na mahal ng Diyos ang iyong kapwa kung siya ay
nahaharap sa mga sumusunod na sitwasyon:
A. Naubos ang kabuhayan nila Rommel sa pagpapagamot sa kaniyang asawa na may
sakit na kanser, sa kabila ng kaniyang pagsisikap na ito ay malunasan ito ay sinawing palad
pa rin at namatay. Sinisisi niya ang Diyos sa nangyari sa kaniyang buhay.
Sagot:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
7

_________________________________________________________________________

B. Isang bata ang nagtanong sa iyo kung mahal ba talaga siya ng Diyos sapagkat siya ay
isinilang na walang mga kamay at paa.
Sagot:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Paano mo maipakikita na mahal mo ang iyong kapuwa kung siya ay:
A. May sakit na AIDS
Sagot:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
B. Kapatid na may kakulangan sa pag-iisip
Sagot:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Gawain 3.2. PAGHINUHA NG KONSEPTO
Panuto: Gamit ang Garaphic Organizer buuin ang mahalagang konsepto na natutunan mula
sa aralin. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. (20 puntos)
8

Sanggunian
A. Inilimbag ng Pamahalaan
Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung Baitang
Modyul para sa Mag-aaral.Unang Edisyon.Pasig City
B. Biblia
Lumang Tipan
Bagong Tipan
9
PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN 1.2-3.2
MGA KRAYTIRYA
1.Nailalahad nang maayos ang sariling pagpapahalaga sa pagbibigay ng sagot.
2. Malinaw at organisadong naipahahayag ang ideya sa kabuuan ng sitwasyon.
3. Gumamit ng mga salitang angkop at may paggalang sa bawat sitwasyon.
Nasunod lahat ang
pamantayan
5 Puntos
Kulang ng 1 pamantayan4 Puntos
Kulang ng 2 pamantayan3 Puntos
May nagawa 2 Puntos

Mula sa Internet
uttps:www.youtube.com/watch?v=y-414Erjfig&features=share
https://bulacandeped.com./wp
google.com./search?
. https://www.shutterstock.com/image-vector/pray-simple-desires-young-poor-
man-771131773
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1.1 Pagsusuri sa Sitwasyon
1. x
2. +
3. x
4. +
5. +
6. x
7. +
8. +
9. +
10. x
Gawain 1.2 Malayang pagsagot
Gawain 2.1 Malayang pagsagot
Gawain 2.2 Malayang pagsagot
Gawain 3.1 Malayang pagsagot
Gawain 3.2 Malayang pagsagot

10

Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan
WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 10
QUARTER 3, WEEK 3 & 4
MELC: 9.3 Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa
(EsP10PB-IIIb-9.3)
9.4 Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos.
(EsP10PB-IIIb-9.4)
Pangalan:____________________________________ Petsa:_____________________
Baitang at Seksiyon:________________________ Iskor:_____________________
GAWAIN I. ITAPAT MO AKO:
Panuto: Hanapin sa HANAY B ang tinutukoy sa HANAY A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
HANAY A HANAY B
______1. Ito ay pagmamahal ng
magkakaibigan. Mayroon silang iisang
tunguhin o nilalayon na kung saan sila ay
magkakaugnay.
A. AFFECTION
______2.Ito ang pinakamataas na uri ng
pagmamahal. Ito ay ang pagmamahal na
11

walang kapalit. Gaya ng Diyos sa tao. B. PHILIA
_____3. Ito ay ang pagmamahal bilang
magkakapatid, lalo na sa mga
magkakapamilya o maaaring sa mga taong
nagkakilala at naging malapit o palagay na
ang loob sa isa’t isa.
C. EROS
_____4. Ito ay pagmamahal batay sa
pagnanais lamang ng isang tao. Kung ano
ang makapagdudulot ng kasiyahan sa
kaniyang sarili.
D. AGAPE
____ 5. Ito ay matalik at taimtim na pakikipag-
ugnayan sa Diyos.
E. LUKAS 6:27
____ 6. Siya ay halimbawa ng taong
nagpakita ng walang katumbas na
pagmamahal at paglilingkod sa kapwa na
walang hihintay na kapalit.
F. EXODUS 20: 2-17
____ 7. Sa aklat na ito ng Biblia makikita ang
ika-limang utos ng Diyos.
G. ABULOY O ALAY
____8. Aklat sa Biblia na nakapaloob na
dapat mahalin ang kaaway.
H. MOTHER THERESA NG CALCUTTA
___9. Ito ay tulong na ibinibigay sa simbahan
upang maipagpatuloy ang mga gawaing
pangsimbahan.
I. PAGMAMAHAL SA DIYOS
___10. Ito ay ang paraan ng pakikipag-
ugnayan sa Diyos. Daan din ito sa
pagpapatibay ng pagmamahal at relasyon sa
Diyos.
J. PAGDARASAL/PANANALANGIN
Gawain II: KAPWA KO, MAHAL KO!
Panuto: Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa Diyos sa pamamagitan ng
pakikipagkaupwa?
Magtala ng anim (6) na mahahalagang gawain o paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa
12

kapuwa.( 6 na puntos )
1.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.
3.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.
4.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.
5.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.
6.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.
Gawain III: Lead Me Lord!
Panuto: Basahing mabuti at suriin ang talata na ito na hango sa Biblia. Ano ang mensahe na
ibig nitong ipahiwatig sa iyo? Ipaliwanag ang iyong sagot. (4 na puntos )
“ Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos subalit napopoot naman sa kaniyang
kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kaniyang nakikita ay hindi
niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita”. –
Juan 4:20
Sagot:_____________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.
13

Gawain III B. Performance Task: Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto.
May kakilala ka ba na may sakit, mga kapuspalad, mga nalulungkot o mga nahihirapan sa
buhay? Ano ang nararamdaman mo? Nararamdaman mo rin ba ang kanilang kalagayan? Nais
mo ba silang tulungan? Ipagdarasal mo ba sila?
Gawan mo ng panalangin ang mga sumusunod at tukuyin kung paano mo sila
matutulungan.
1. Matalik na kaibigan na may taning na ang buhay
2. Kamag-aral na nawawalan na ng pag-asa sa buhay dahil sila ay nasunugan
3. Kapatid na nakakaranas ng sobrang lungkot o depresyon dahil sa pandemya

Gabay para sa pagwawasto ng Gawain:
Batayan Napakahusay
(5)
Mahusay
(4)
Di-gaanong
mahusay
(3)
May
malaking
kakulang
an
(2)
Pag-
aralan
pa
mabuti
ang
paksa
(1)
Pagbuo ng
panalangin at
mga hakbang
sa
pagsasagawa
ng gawain
Sapat,
wasto,kongkreto
at makabuluhan
ang
impormasyon.
Wasto ang mga
Sapat,wasto
ang ginamit na
impormasiyon
maliban sa
kaunting
kalituhan upang
maipaliwanag
Angkop ang
salitang ginamit
ngunit hindi
sapat ang
impormasyon.
Ang mga
imporma-
syon ay
hindi
sapat.
Hindi
alam
ang
paksa
at hindi
maka-
pag-isip
14
MGA KRAYTIRYA SA PAGWAWASTO
1.Nailalahad nang maayos ang sariling pagpapahalaga sa pagbibigay ng sagot.
2. Malinaw at organisadong naipahahayag ang ideya sa kabuuan ng sitwasyon.
Nasunod lahat ang
pamantayan
2 Puntos
Kulang ng 1 pamantayan1 Puntos
Kabuang puntos 4

salitang ginamit
at angkop upang
maipahayag ng
tama ang
pagpapahalaga.
ng maayos. ng
tamang
salita.
15
SUSI SA PAGWAWASTO:
Gawain A.
1. B 6. H
2. D 7. F
3. A 8. E
4. C 9. G
5. I 10. J
GAWAIN II - Malayang Pagsagot
GAWAIN III – Malayang Pagsagot

Inihanda ni:
MA. MIRASOL Q. VILORIA
Master Teacher I
Division of Pangasinan II
Cipriano P. Primicias National High School
Alcala, Pangasinan
16
Tags