SINTAHANG ROMEO AND JULIET Ni: William Shakespeare SA BALCONY
Pasukin natin ang daigdig ng panitikan ng england Panimula : LAYUNIN: Nailalarawan ang mga katangian ng wagas na pag-ibig ng isang babae / lalaki sa kanyang minamahal 2. Nasusuri at maibibigay ang mga tradisyunal na kultura ng pagmamahalan noon at ngayon 3. Nagagamit sa pagsulat ng mga sanaysay ang wastong gamit ng Pokus sa pinaglalaanan at pokus sa kagamitan na makatutulong sa pagsulat ng damdamin at saloobin Gawain pang- klase : 1. Pagsulat ng isang diyalogo o skrip na magpapahayag ng sariling damdamin o saloobin gamit ang pandiwang nasa Pokus na kalaanan / tagatanggap sa inyong pagpapahayag .
TUKLASIN: Paglakbayin ang isipan : ipaliwanag ang mga nakakakiliti o nakakakilig na pahayag tungkol sa pag-ibig
TAYO NA’T MAGKWENTUHAN Magsalaysay ng kwentong nabasa , napanood , narinig , at nasaksihan na humantong sa trahedya ang wakas. Gamitin ang grapikong representasyon Sa pagsagot
PUNAN MO: PANUTO: Punan ng angkop na pandiwa Ang patlang upang mabuo ang diwang Ipinapahayag ng bawat pangungusap . Piliin sa kahon ang sagot . 1. _____________ ni Romeo ang matatamis na pananalitang binitiwan niya kay Juliet. 2. _____________ ng tapat na pag-ibig si Juliet ng isang binatang hindi niya kaangkan . 3. Ang prinsesa’y ______________ ng kapatawaran at ang prinsipe’y __________ ng kaparusan . 4. _____________ ni Tybalt kay Romeo ang bantang kamatayan ang kapalit ng pag-ibig sa prinsesa . 5. _____________ ni Romeo ng lason ang apatnapung ducado sa isang butikaryo . Tumanggap ipinatakot ipinang-akit ipinambili ginawaran inalayan itinapon pinalayas Ipinang-akit Tumanggap Ipinantakot tumanggap itinapon Inalayan
1. Magkakatulad na Salita (Synonyms) 👉 Ito ay mga salita na magkahawig o pareho ang kahulugan . Maaari silang gamitin bilang pamalit sa isa’t isa depende sa pangungusap . Mga Halimbawa : Maganda – marikit – kaakit-akit Masaya – maligaya – kuntento Malungkot – malumbay – mapanglaw Matapang – palaban – walang takot
2. Magkakaugnay na Salita (Related Words) 👉 Ito ay mga salita na may kaugnayan o koneksiyon sa isa’t isa ngunit hindi eksaktong magkasingkahulugan . Karaniwan , kabilang sila sa iisang paksa , ideya , o larangan . Mga Halimbawa : Paaralan – guro – estudyante – silid-aralan (lahat ay kaugnay sa edukasyon ) Pamilya – ama – ina – anak – tahanan ( kaugnay sa pamilya ) Kalikasan – bundok – ilog – puno – hangin ( kaugnay sa kapaligiran ) Pagkain – ulam – kanin – prutas – tinapay ( kaugnay sa pagkain )
Magkakatulad na salita → halos pareho ang ibig sabihin . Magkakaugnay na salita → hindi pareho ang kahulugan , pero may kaugnayan sa isang paksa .
TRIVIA 101: Ang dula ay isang uri ng panitikan . Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo . Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado . Gaya ng ibang panitikan , ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan . samantala , ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan . Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang wakas. Nagsimula ang ganitong uri ng drama mula sa sinaunang Gresya . Kabilang sa maagang mga bantog na tagapagsulat ng trahedya sa Gresya na sina : AESCHYLUS, SOPHOCLES at EURIPIDES. Halimbawa ng dula sa paksa natin: Ang Romeo at Juliet ito ay isang dulang sinulat ni William Shakespeare, tungkol sa dalawang maharlikang angkan nag- ibigan ngunit nagkaroon ng alitan ang mga angkan kung kaya’t naging magkaaway .
ROMEO AT JULIET Ni: William Shakespeare Ang dula ay patungkol sa dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon ng alitan kung kaya’t naging magkaaway Ang mga malalapit sa kanila at maging mga tagapaglingkod ay naging mga magkaaway . Ang mga kabataang lalaki Na mga naglilikod sa pamilya Montague at mga Capulet ay di rin napalampas sa kaguluhan ng dalawang angkan . Nagkaroon ng mga gang ang mga kabataan at nag- aaway -away sa kalye . May nagdadala ng mga espada upang maprotektahan , ang kanilang mga grupo may sakitan at kung ano ano pang mga mapupusok na Gawain. Ang Verona ay pinamumunuan ni Prinsipe Escalus. Sinabi niya sa mga Montaque at Capulet na dapat matapos na ang paglalaban-laban , dahil kung hindi ay magbabayad sila na hahantong sa kaparusahan . Subalit napakahirap ng kontrolin ang mga kabataan lalaki . Sa mga Montaque , mayroon nag- iisang pansalinglahing supling , isang lalaking nasa kanyang kabataan at kapusukan ito ay si Romeo. Ganoon din naman ang pamilya Capulet na pansalinglahing supling na babae , maganda at kahali-halina , Ito ay si Juliet. May idad na 13 binansagang Julieta. Hindi magkakilala ang dalawang kabataan na ito . Si Julieta ay hindi lumalabas ng bahay at kung umalis man at laging kasama ang kanyang yaya. Sa hindi inaasahang tagpo ng may maganap na handaan sa Pamilya Capulet si Romeo ay palihim na dumalo , doon niya Nakita si Julieta at humanga siya sa ganda ng dalaga . Ang dalawa ay aksidenteng nagkatinginan at palihim na nagtagpo sa madilim na bahagi ng bahay . Parehas silang nakaramdam ng kakaibang damdamin at ito’y kanilang tinanggap na isang pag-ibig . Naging lihim ang kanilang bawat pagtatagpo . Dahil sa alitan ng kanilang pamilya , lihim silang nagpakasal , dahil sa di inaasahang pangyayari at kawalang ng tamang usapan at komunikasyon ang dalawa ay nagpakamatay . Si Juliet ay nagpanggap na patay dahil sa pag inom ng lason . Nadatnan siya ni Romeo na hindi na humihingi kaya inakala ng binata na patay na ang kanyang kasintahan . Dahil sa matinding kalungkutan nagpakamatay si Romeo sa pag inom ng lason . Pagkaraan ng ilang sandali nagising si Juliet ngunit huli na ang lahat , patay na ang kanyang kasintahan at kaya para makasama sa kabilang buhay ang kanyang mahal nagsaksak siya ng sarili hanggang sa malagutan ng hininga . Natagpuan ng dalawang pamilya ang kanilang mga anak na patay , sila din ang magkasamang naglibing sa dalawang nagmamahalan . Huli na ang lahat dahil sa kanilang mga away dalawang taong nagmamahalan ang nagbuwis ang buhay .
TALASALITAAN: Ibigay ang pinag – ugatan ng mga salitang may salungguhit . Tingnan ang mga halimbawa . Salita:susundin Pinagmulan : su ( pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat ) + sunod+in = susundin Ang ganitong panghihimasok mapait na lubos . Sa ngalan ng buwang matimtiman . Mabait na mamamakay . O, gabing pinagpala , ako’y nangangamba . Sa tulong ng isang susuguin ko. Salita Pinagmulan Nabuong salita at kahulugan 1. 2. 3. 4. 5.
Mga Tanong sa Akda : Sagutan ang mga sumusunod na tanong mula sa Nobelang : Romeo At Juliet Ano ang damdaming namayani kay Romeo nang makita si Juliet? 2. Ilarawan ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet. Ano ang Nakita nilang balakid sa kanilang pag-iibigan ? Bakit humantong sa masaklap na trahedya ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet? 4. Paano pinaglaban nina Romeo at Juliet ang pag-ibig nila sa isa’t isa ? 5. Kung ikaw si Juliet at alam mong magkagalit ang inyong pamilya sa lalaking iniibig mo , ipaglalaban mo ba ang pag-ibig ninyo ? Bakit ? Pangatuwiranan ? 6. Ano ang nadama ni Romeo nang malaman ang sinapit ni Juliet? Ano ang nadama ni Juliet sa sinapit ng kanyang kasintahan ? 7. Bakit umiiral ang gayong pamantayan o kalakaran sa pag-ibig sa panahon ni Shakespeare? 8. Ano ang mga iniigatan ng mga pamantayang ito ? Magbigay ng 2 mga dahilan .
PAGHAHAMBINGIN MO: Sa pamamagitan ng double cell diagram, ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kulturang nakapaloob sa dulang Romeo at Juliet sa iba pang dula na iyong nabasa .
PERFORMANCE TASKS 4 Role-Play / Panuto: Pumili ng eksena at mga karakter sa Romeo at Juliet na gustong –gusto niyoatgawin Ninyo ito sa klase . Pamantayan : 1. Pagganap : Buong damdamin , kapani-paniwala ( 10 ); Kulang ( 6 ); Hindi kapani-paniwala ( 1 ) 2. Pag- unawa sa Eksena : Malinaw ( 10 ); Medyo malinaw ( 6 ); Hindi malinaw ( 1 ) 3. Boses at Aksiyon : Malinaw ( 10 ); Katamtaman ( 6 ); Hindi marinig (1) Pagkakaisa ng Grupo: Maganda ( 10 ); May kulang ( 6 ); Walang koordinasyon (1) Mga ibang miyembro sa grupo : Magkakasama bilang background sa bawat eksena . 10 KABUUAN----------------------------------------------50 PUNTOS Friday-Practice – sa school kasama ang Student Teacher Monday- Final na pagpapanood ng inyong Roleplay. Note! Walang magpraktis sa labas . Minus 10 ang may malaman kong magpraktis sa labas .
Magaling ang ipinakita mong sipag Sa pagsagot sa ating mga gawain Sa muling pagkikita . SALAMAT Ma’am Menil