TULA Isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng ideya o kaisipan . Mayroong taludtod at saknong . Ginagamit ito upang malikhaing maiparating ang damdamin sa pamamagitan ng mga salita at tugma . Naglalarawan ng mga pangyayari sa buhay .
TULA Isang akdang pampanitikang naglalarawan sa buhay , hinango sa guniguni , pinaparating sa ating damdamin , at ipinahahayag sa pananalitang may angking kariktan o aliw-iw . Ito ay nagtataglay ng mahahalagang elemento o sangkap upang higit na maging masining ang paglalahad .
ELEMENTO NG TULA Tugma Sukat Saknong Larawang-diwa Simbolismo Kariktan Taludtod Persona Tono o Indayog
1. TUGMA Ang pare- pareho o halos magkakasintunog na dulum-pantig ng bawat taludtod ng tula . Ang dulumpantig na ito ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig .
Bahagi ng Tulang “SA HULING SILAHIS” Inaabangan ko roon sa Kanluran , Ang huling silahis ng katag-arawan , Iginuguhit ko ang iyong pangalan , Sa pinong buhangin ng dalampasigan .
Ang TUGMA ay may dalawang uri : TUGMANG PATINIG TUGMANG KATINIG
TUGMANG PATINIG Mga salitang nagtatapos sa iisang patinig na may pare- pareho ring bigkas na maaaring mabilis o malumay ( walang impit ) at malumi o maragsa (may impit ).
TUGMANG PATINIG Ang mga patinig na pwedeng magkakatugma ay mahahati sa tatlong lipon : a, e- i , at o-u. Malayang nagpapalitan ang e- i at o-u.
Tugmang Patinig Sa loob at labas ng bayan kong sawi , Kaliluha’y siyang nangyayaring hari , Kagalinga’t bait ay nalulugami , Ininisa hukay ng dusa’t pighati . (Francisco Balagtas , Florante at Laura, 1838)
Tugmang Patinig Ang salita natin ay huwad din sa iba , Na may alpabeto at sariling letra , Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa , Ang lunday sa lawa noong dakong una . (Jose Rizal, Sa Aking Mga Kababata , 1869)
TUGMANG KATINIG Mga salitang nagtatapos sa mga katinig . Ito ay may dalawang uri .
DALAWANG URI NG TUGMANG KATINIG a. Tugmang malakas ay ginagamitan ng pare- parehong patinig tulad ng a,e-i , o-u at nagtatapos sa mga katinig na b,k,d,g,p,s,at t.
Tugmang Katinig ( Malakas ) Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad , Sa bait sa muni’t sa halot ay salat , Masaklap na bunga ng maling paglingap , Habag ng magulang sa irog na anak . (Francisco Balagtas , Florante At Laura, 1838)
DALAWANG URI NG TUGMANG KATINIG b. Tugmang mahina naman ay ginagamitan din ng pare- parehong patinig tulad ng a, e- i , o-u at nagtatapos sa mga katinig na l, m, n, ng, r, w, at y.
HALIMBAWA TUGMANG MAHINA GAMIT ANG a: halal, alam , bayan , halang , asar , araw , at away banal, kasal , bawal , dangal , bayan , kawan , larawan , laman
Tugmang Katinig ( Mahina ) Isang hakbang pasulong , Ang usad ay paurong , Sa haba ng panahon , Ang baya’y nagugutom .
Tugmang Katinig ( Mahina ) Ang pangarap aking tangan , Sa ‘di tiyak na pagsugal , Iaalay itong buhay , Alang-alang sa ‘king buhay .
2. SUKAT Ito’y isa pang mahalagang elemento ng tula . Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong . Ang karaniwang sukat na gamitin ay wawaluhin , lalabindalawahin , lalabing-animin , at lalabingwaluhing pantig .
Basahin ang halimbawa sa ibaba : Tu-ngo - sa -la- ra - ngan -/, a- ko’y -nag- su -mag-sag/ 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 Ang - na – ta- ta- naw - ko’y /, i - mor - tal - na - si - nag/ 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
2. SUKAT Ang bawat taludtod ng tula ay may sukat na labindalawang (12) pantig . Mapapansin ding pagkatapos ng ikaanim na pantig o sa kalagitnaan ng taludtod ay may saglit na tigil sa pagbasa o pagbigkas at nilagyan ng panandang (/) .
Ang saglit na tigil na ito ay tinatawag na SESURA. 2. SUKAT
2. SUKAT •Ito ay tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtud . • Ang mga pantig - ay ang paghahati ng salita o “syllable” na nakabase sa paraan ng pagbasa . • wawaluhin -8 • lalabindalawahin -12 Lalabing-animin- 16 Lalabingwaluhin -18
WAWALUHIN (8) Halimbawa : Isda ko sa Mariveles -8 Nasa loob ang kaliskis-8
LALABINDALAWAHIN (12) Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad -12 Sa bait at muni , sa hatol ay salat-12
LALABING-ANIMIN (16) Hahanapin ang iyong magandang ngiti sa pagtulog-16 Sa pagkauhaw man o sa pagkagutom tanging ikaw-16
LALABINGWALUHIN (18) • Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay-18 • Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na matapon-18
3. SAKNONG Ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula . Nakapagdaragdag ito sa ganda at balanse ng tula bukod pa sa nakapagbibigay rin ng pagkakataon para sa makata na magbago ng tono o paksa sa kanilang tula .
3. SAKNONG Iba’t iba ang bilang ng taludtod sa isang saknong tulad ng sa susunod na slide.
3. SAKNONG 2 Taludtod sa isang saknong – COUPLET 3 Taludtod sa isang saknong - TERCET 4 Taludtod sa isang saknong - QUATRAIN 5 Taludtod sa isang saknong - QUINTET 6 Taludtod sa isang saknong - SESTET 7 Taludtod sa isang saknong - SEPTET 8 Taludtod sa isang saknong - OCTAVE
3. SAKNONG Sa mga bilang na ito , pinakakaraniwang ginagamit ang saknong na may dalawa (couplet), tatlo ( tercet ), at apat (quatrain).
4. LARAWANG DIWA (Imagery) Ito ay mga salitang binabanggit sa tula na nag- iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa .
HALIMBAWA: “ Pumula sa dugo ng kalabang puksa , Naglambong sa usok , bangis ay umamba .”
Sa mga taludtod na ito malinaw na ipinakikita ang kulay ng dugong dumadanak sa isang digmaan gayundin ang lambong ng usok ng mga baril at bombang pinasasabog na pagkatapos ay nag- iiwan ng bakas ng bangis na karaniwang mga bangkay na nagkalat sa pinangyarihan at mga ari-ariang natupok na lamang .
HALIMBAWA: Kung ang bayang ito’y mapapasa-panganib , ang anak,asawa , magulang , kapatid , isang tawag niya’y tatalikdang pilit .
Sa mga taludtod na ito malinaw na ipinakikita ang larawan ng isang pamilya .
5. SIMBOLISMO (Symbolism) Ito ang mga simbolo o mga bagay na ginamit sa tulang may kinakatawang mensahe o kahulugan at nagpapalalim sa diwa o esensiyang taglay ng tula .
6. KARIKTAN Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga mambabasa . Ang kariktan ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa .
6. KARIKTAN Ayon kay Julian Cruz Balmaceda , maaaring bigkasin ang isang hanay-hanay ng mga talatang tugma-tugma ang mga dulo at sukat-sukat ng mga bilang ng pantig ngunit ‘di pa rin matatawag na tula kung hindi nagtataglay ng kariktan .
6. KARIKTAN May mga tulang walang sukat at tugmang sinusunod subalit matatawag pa ring tula sapagkat pilimpili ang mga salita , kataga , at mensaheng taglay na siyang lalong nagpapatingkad sa katangian nito bilang tula at pumupukaw sa mayamang imahinasyon ng bumabasa .
7. TALUDTOD Ito ay linya sa loob ng tula.
HALIMBAWA: Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais , Kayo’y mga paru-parong sa ilawan lumiligid . Kapag kayo’y umibig na , hahamakin ang panganib , At ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig .
8. PERSONA Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula . Kung minsan , ang persona at ang makata ay iisa .
9. TONO O INDAYOG Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula . Ito ay karaniwang pataas o pababa .
Marguerite annie johnson o mas kilala bilang Si maya angelou Lumaki sa panahong laganap ang diskriminasyon sa mga tulad niyang African-American subalit napagtagumpayan niya ang lahat ng pagsubok . Siya ay kinilala at iginalang bilang isang makata , manunulat , artista , mang-aawit , at aktibistang tagapagtaguyod ng karapatang sibil .
maya angelou Isinilang noong Abril 4, 1928 sa St. Louis, Missouri. Naghiwalay ang kanyang mga magulang noong bata pa kaya tumira siya sa kanyang lola sa Stamps, Arkansas kung saan siya nakaranas ng matinding diskriminasyon dahil sa kanyang balat at lahi . Nang pitong taong gulang siya’y pinagsamantalahan ng kasintahan ng kanyang ina at dahil dito’y napatay ng kanyang mga tiyuhin ang lalaki . ( Trauma – napipi ng ilang taon )
Maaga siyang naging ina sa edad na 16 at kailangang magtrabaho upang masuportahan ang pangangailangan nilang mag- ina . Kalaunan ay nakapag-asawa siya ng isang Griyego na si Anastasios Angelopulos . Maya = ang kanyang palayaw noong bata pa siya Angelou = mula sa pinaikling apelyido ng kanyang asawa
Kauna-unahang di piksyon ng isang babaeng African-American na naging “ New York Best Seller ” sa loob ng 2 taon . Tulang binigkas niya sa inagurasyon ni Pangulong Bill Clinton noong 1993 at nanalo ng Grammy Award sa pagbigkas . Talambuhay Tula
Namatay ang kanyang matalik na kaibigan na si Martin Luther King Jr. matapos mabaril sa mismong kaarawan niya noong Abril 4, 1968 dahilan ng paghinto niya ng pagdiwang ng kanyang kaarawan sa loob ng halos 30 taon . Namatay si Maya Angelou noong Mayo 28, 2014. Ikinalungkot at ipinagluksa ng maraming tao sa mundo ang kanyang pagpanaw . Maging ang dating Pangulong Obama ay nagsabing , “ siya ay isang napakahusay na manunulat , mabuting kaibigan , at isang kahanga-hangang babae . Ipinaalala ni Maya Angelou na tayong lahat ay mga anak ng Diyos ; at tayong lahat ay may maaaring ialay para sa ating kapwa .”
TULA Ang Ibong Nakahawla ni Maya Angelou .
Ang Ibong Nakahawla ay isang tula ni Maya Angelou . Ito ay nagsisilbing salamin sa kanyang naranasan at naramdaman habang siya’y lumalaki . Sa pamamagitan ng tula , ipinahayag niya ang kanyang buhay na puno ng kapihan at pagsasakripisyo . Isa itong mahalagang kontribusyon sa feminismong pagsusulat noong 1970
Mensahe ng Ibong Nakahawla : Ang mensahe ng tulang “Ang Ibong Nakahawla ” ay tungkol sa pagkakakulong ng isang ibon na nagnanais makaalpas mula sa kulungan o hawla na kanyang kinalalagyan . Ang pagnanais niyang makalipad nang malaya katulad ng ibang ibon . Na kung saan ay inihalintulad ni Maya Angelou ang tulang ito sa kanyang sarili , isinalaysay niya ang kanyang naging buhay bilang isang African- American.Gumamit siya ng mga simbolismo : Ang Malayang ibon na kumakatawan sa mga puti at nakahawlang ibon na kumakatawan naman kay Maya Angelou at sa mga taong may itim na balat tulad niya . Siya ay gumamit rin ng hawla upang ipakita ang diskriminasyon .Ang diskriminasyon ang nagsilbing rehas sa mga itim . Bagama’t hindi sila pisikal na nakakulong , hindi lamang nila ramdam ang kalayaan .
"Ang Ibong Nakahawla " By: Maya Angelou Isang ibon ang umigpaw sa likod ng hangin at nagpalutang pababa sa may ilog hanggang sa magwakas ang agos at nag tawtaw ng kanyang mga pakpak sa kahel na silahis ng araw at nangahas angkinin ang langit .
Ngunit ang isang ibong nanlilisik sa kanyang makitid na hawla ay bihirang makasilip sa mga rehas ng kanyang pagngingitngit mga paa'y tinalian kaya't siya'y nagbuka ng tuka upang makaawit .
Ang ibong nakahawla'y umaawit nang may kasindak-sindak na tinig ng tungkol sa di- batid na mga bagay ngunit minimithi ang kapayapaan at ang kanyang himig ay naririnig sa malayong burol sapagkat ang ibong nakahawla'y umaawit ng kalayaan .
Ang malayang ibon namay nag- iisip ng ibang simoy ng hanging malamyos sa mga punong nagbubuntonghininga ng matatabang uod na naghihintay sa damuhang sinisinagan ng umaga at ang langit ay itinuturing na kanyang sarili .
Ngunit ang isang ibong nakahawla'y nakatayo sa puntod ng mga pangarap anino niya'y sumisigaw sa tili ng isang bangungot mga pakpak niya'y pinutulan at mga paa'y tinalian kaya't siya'y nagbuka ng tuka upang makaawit .
Ang ibong nakahawla'y umaawit nang may kasindak-sindak na tinig ng tungkol sa di- batid na mga bagay ngunit minimithi ang kapayapaan at ang kaniyang himig ay naririnig sa malayong burol sapagkat ang ibong nakahawla'y umaawit ng kalayaan
Isang ibon na nakahawla Ay ibig ay lumaya ; Parang taong nasa bilangguan Ang lungkot ay walang hanggan .