Samot saring suliranin ang kinakaharap ng bansa sa ekonomiya.
malaking utang panlabas ng Pilipinas, kawalan ng trabaho ng napakaraming Pilipino, di-mabilang na pamilyang lubog sa kahirapan, mababang bilang ng kabataang nakapag-aaral, mataas na presyo ng mga bilihin,
polusyon, pagkaubos ng likas na yaman, pagbaha, pag-init ng daigdig, pagguho ng lupa, pagkamatay ng mga hayop,
Isang mabuting paraan ang likas-kayang pag-unlad upang matugunan ang mga suliranin nang hindi naisasakripisyo ang kalikasan at kapakanan ng susunod na salinlahi
Ano ang likas kayang pag-unlad?
Kahulugan at Pagkabuo ng Likas kayang Pag-unlad
Nakasanayan na ng mga tao na abusuhin ang kalikasan upang makamit lamang ang kaunlaran Kinalbo nila ang kagubatan. Inubos ang mga yamang mineral sa mga minahan Nagsagawa rin sila ng mga ilegal na pamamaraan sa pangingisda at pagsasaka
Sa pagdami ng mga pabrika para sa iba't ibang produkto ay lumala ang polusyon.
Nalimutan ng mga tao na nauubos ang likas na yaman at nasasaid ang mga bagay na nanggagaling sa kalikasan. Nakalimot sila na hindi lang sila ang mabubuhay sa mundo. Kailangan nilang magtira para sa mga susunod henerasyon. Ang lahat ng ito ay nakalimutan na ng mga tao dahil sa pagiging makasarili.
Iba't ibang suliraning pangkalikasan ang umusbong dulot ng hindi wastong paggamit at pangangasiwa sa likas na yaman
Nakalbo ang kagubatan, gumuho ang mga lupa, bumaha sa mga kapatagan, maraming hayop ang namamatay, dumami ang polusyon, dumami ang nagkakasakit, at uminit ang mundo.
Upang mapigilan ang tuluyang pagkasira ng kalikasan at upang mailigtas ang susunod na mga salinlahi, nagsimulang magplano ang UN. UNITED NATION
Noong 1987 , binuo ng UN ang World Commission on Environment and Developmen t (WCED). WCED - Layunin ng komisyon na pag-aralan ang suliraning pandaigdigan ukol sa kalikasan at kung paano matutugunan ang mga ito.
Noong 1992, idinaos ng komisyon ang pandaigdigang pagpupulong sa Rio de Janeiro, Brazi l, upang magsagawa ng pagpaplano. Sa makasaysayang pagpupulong na ito nabuo ang programa ng likas-kayang pag-unlad.
Likas Kayang Pag-unlad - pagtugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon nang hindi naisasakripisyo ang kalikasan para sa susunod na salinlahi.
Nakiisa ang Pilipinas sa pagsasagawa ng likas-kayang pag-unlad na pinasimulan ng WCED. Sa pamamagitan ng Memorandum Order no. 399 ni Pangulong Fidel V. Ramos, nabuo ang Philippine Council for Sustainable Development (PCSD). Naglatag ang PCSD ng Philippine Agenda 21. Ito ang kabuuang plano para sa implementasyon ng likas- kayang pag-unlad sa bansa.
Sagutin : Page:150
Mga Hamon sa Likas -kayang Pag-unlad
Paglobo ng populasyon na mahirap pigilan. Ang mabilis na paglaki ng populasyon ay nangangailangan ng malawakang pagpaplanong pampamilya ng bansa. Habang dumarami ang populasyon, mas maraming pangangailangan ang dapat ding tugunan
Kaya naman malaking hamon para sa tagumpay ng likas-kayang pag- unlad ang paglobo ng populasyon. Sa Pilipinas, hindi totoong sobra-sobra na ang populasyon sa buong bansa. Bagkus, ang talagang may sobrang populasyon lamang ay ang Metro Manila. Dahil ito sa pagdami ng mga taga-probinsiya na nagtutungo sa Maynila upang maghanap ng trabaho at mag-aral.
Sapagkat ang Metro Manila ang sentro ng mahahalagang bagay sa bansa, mataas ang tingin dito ng mga Pilipino. Iniisip ng marami na kapag sa Maynila na sila nananahan ay uunlad na ang kanilang mga buhay. Dulot nito, mas nagiging mataas ang indeks ng polusyon sa Metro Manila
Kailangan din nitong gumamit ng mas maraming likas na yaman. Isa sa mga dapat gawin para masolusyonan ito ay paunlarin din ang ibang mga lalawigan. Sa ganitong paraan ay matutugunan ang sobrang populasyon sa Metro Manila.
Pagiging ganid sa salapi ng mga negosyante Malaking bahagi ng likas na yaman ng Pilipinas ay napupunta lamang bilang dagdag na tubo o kita ng mayayamang negosyante. Dahil dito, hindi nagagamit ang likas na yaman alinsunod sa orihinal na layunin nito na matugunan ang pangangailangan ng mga tao. Sa halip na tugunan ang pangangailangan ng mahihirap na Pilipino, napupunta lang ito bilang dagdag na kita ng mga negosyante.
Gayumpaman, hindi naman nangangailangan ng sobra-sobrang likas na yaman ang mga negosyante. Ginagamit lang ito ng ilan upang makipagkompetensiya sa iba pang negosyante. Dahil sa pagiging ganid sa salapi, handa nilang abusuhin ang mga likas na yaman ng bansa. Ilan sa mga negosyanteng ito ang may-ari ng mga korporasyon at pabrika
Sila rin minsan ang nakapagsasagawa ng pang-aabuso tulad ng ilegal na pagtotroso, malabis na pagmimina, pagtatapon sa mga ilog ng dumi o kemikal galing sa mga pabrika.
Kagustuhan ng iba sa mabilisang pag-unlad Upang mabilis na makamit ang pag-unlad, hindi inaalintana ang magiging dulot nito sa kalikasan. Hindi ito totoong pag-unlad dahil sa hinaharap, makapagpapadami lamang ito ng suliranin. Ang tunay na pag-unlad ay pangmatagalan at tuloy-tuloy sa pagbibigay ng benepisyo Makikinabang sa tunay na pag-unlad hindi lamang ang kasalukuyang henerasyon kundi pati ang susunod na mga salinlahi.
Sagutin : Page:151
Mga Hakbangin ng likas kayang pag-unlad
1. Pagsasaalang-alang sa usaping pangkalikasan tuwing gumagawa ng mga polisiya. Hindi maaaring kapag gumagawa ng mga desisyon ay isipin lamang ang laki ng salaping kikitain at pag-inam ng ekonomiya. Matapos sagutin ang tanong na "Makapag-aambag ba ito sa ating kaunlaran?" "Hindi ba ito makasasama sa kalikasan?" Isang magandang halimbawa rito ang pagsisikap noon ni dating Kalihim Gina Lopez ng DENR
Gina Lopez ng DENR - . Siya ang nanguna sa pagpapasara ng maraming minahan at pagtigil sa kontrata ng ilang mga korporasyon sa pagmimina. Maraming naggiit na makabubuti ang industriya ng pagmimina sa Pilipinas
Ayon sa kanila, tataas ang kita ng Pilipinas mula sa mga produktong gawa sa yamang mineral na ikinakalakal sa ibang bansa. Ngunit nangatwiran ang pangkat nina Gina Lopez na balewala ang pagtaas ng ekonomiya kung mas maraming suliraning pangkalikasan ang magiging kaakibat nito. Ilan lamang sa negatibong epekto ng labis na pagmimina ay pagguho ng mga lupa , pagkaubos ng yamang mineral , pagdami ng polusyon, at pagkamatay ng mga hayop.
2. pagtataguyod ng edukasyong pangkalikasan. Ito ay tumutukoy sa pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa likas-kayang pag-unlad. Isa sa mga hakbang ng pamahalaan ay ang isama ang paksa ng likas-kayang pag- unlad sa aralin ng mga mag- aaral. Mahalaga ito upang ang mga mag-aaral ay maging mga responsableng mamamayan sa hinaharap. Ngunit hindi lamang sa loob ng silid-aralan natatapos ang pagpapalaganap ng laalaman ukol sa likas kayang pag-unlad
Nagkakaroon din ng pagkakataon ang mga dalubhasa na tumungo sa mga komunidad upang turuan ang mga tao ukol sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.
3. Pagdedeklara ng mga protektadong lugar kung saan bawal ang pagsasagawa ng mga ekonomikong gawain tulad ng pagtotroso , pangingisda , at pagmimina . Kailangan ito upang mapreserba ang kagandahan ng mga partikular na lugar. Hindi nasasayang ang mga protektadong lugar nang dahil lamang hindi nakukuhanan ng mga likas na yaman
Dahil sa kagandahan ng mga protektadong lugar, maraming mga turista ang dumadayo. Kaakibat ng paglago ng turismo ay ang pag-usbong ng negosyo sa mga protektadong lugar.
4. pag-aayos ng mga napinsalang bahagi ng kalikasan. Ito ay ang pagbabalik sa dating kaayusan ng mga bahagi ng kalikasan na pinagkunan ng likas na yaman. Maihahalintulad ito sa pagsasalin ng tubig sa isang lalagyan matapos na gamitin upang mainuman din ng iba pang miyembro ng pamilya Pagpapalit ng punong pinutol upang mapadami ang naitatayo na bahay.
5. Pagpigil sa polusyon. Sa pangmalawakang usapin, isinasagawa ng pamahalaan ang pagkontrol sa mga kalat na inilalabas ng mga pabrika at mga korporasyon. Nagpapataw ito ng multa at kaparusahan sa mga pabrika na nagiging sanhi ng malaking polusyon sa paligid ng komunidad.
Tapat ko linis ko - Ibig sabihin lamang na bawat tahanan ay magiging responsable sa kanilang sariling kalat. Kung bawat tao ay magiging responsable sa sarili niyang kalat, malaking kabawasan ito sa polusyon sa lupa sa bansa
6. paghimok sa partisipasyon ng taumbayan. Walang magtatagumpay na proyekto ng likas-kayang pag-unlad kung hindi makikisangkot ang mamamayan