Alamat-FIL6.presentatsyon sa Baitang ng 6

chichaongcas 4 views 61 slides Sep 01, 2025
Slide 1
Slide 1 of 61
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61

About This Presentation

Alamat


Slide Content

ALAMAT

LAYUNIN  natatalakay ang katuturan ng alamat;  nababasa ang alamat ng Pinya; at  nakapagbibigay ng sariling repleksyon kaugnay sa nabasang alamat.

ALAMAT ay kuwentong bayan na naglalahad kung saan nagmula ang mga bagay sa mundo. Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na nagdulot ng pagkabuo ng mga tunay na tao, pook o bagay sa mundo. Ang mga alamat ay nagpasalin-salin sa bawat hene-rasyon.

Ang mga alamat ay may naibabahaging magandang asal, katulad ng pagiging masipag, matapat, mapagmahal, at iba pa .

Elemento ng Alamat 1. Simula A. Tauhan – karakter sa kwento B. Tagpuan – lugar na pinagganapan ng mga eksena sa kwento. C. Suliranin – problemang kinaharap ng mga karakter sa kwento ngunit biglang papawiin ng isang masamang pangyayari.

Elemento ng Alamat 2. Gitna A. Saglit na kasiglahan – kasiglahan sa kwento. B. Tunggalian – paghaharap o pag-aaway ng mga karakter. C. Kasukdulan – pinakamagandang parte o bahagi ng istorya.

Elemento ng Alamat 3. Wakas A. Kakalasan – unti-unting pagbuti ng kwento o papalapit sa katapusan. B. Katapusan – kung saan nagtatapos ang isang kwento.

Mga Halibawa ng Alamat sa Pilipinas

BASAHIN NATIN Ang Alamat ng Pinya Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak.

Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw.

Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.

Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo.

Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya ́t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.

Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap.

Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.

Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.

Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga.

Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga.

Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.

Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak.

Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.

Gintong Aral Dapat tayong maging masunurin at matulungin sa ating mga magulang dahil ang pagsuway at katigasan ng ulo ay may hindi magandang kapalit.

GAWAIN Sagutin ang gawain sa Module pahina 24, na may kaugnayan sa kwentong binasa.

ARALIN 7

LAYUNIN nakagagamit ng magagalang na pananalita sa iba‘t ibang sitwasyon; sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin, pagbabahagi ng obserbasyon sa paligid, pagpapahayag ng ideya, pagsali sa isang usapan, pagbibigay ng reaksiyon.

1/ 4 na bahagi ng papel: Tama o Mali 1. Iniwasan ni Eryll ang mga kaibigang nagbigay puna sa kaniyang gawa.

Tama o Mali 2. Nakangiting pinakikinggan ni Jyle ang mga ideya ng kaniyang kapangkat.

Tama o Mali 3. Hinihikayat ni Sh ee n a ang kaniyang miyembro na magbigay ng kanilang mga opinyon.

Tama o Mali 4. Pinagtawanan si Danica ng mga kamag-aral niya nang magkamali siya sa pag-sagot.

Tama o Mali 5. Tinanggap nang maluwag ni Mark na hindi maisasama ang kanyang ideya sa plano ng kanilang klase.

TALAKAYAN

ALAM MO BA? Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba‘t ibang paraan. Sa kabuoan, ang paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng paggalang sa kausap.

Paggamit ng Magagalang na Salita 1. Pagbati Magandang Umaga po! Magandang Tanghali po! Magandang Gabi po!

Paggamit ng Magagalang na Salita 2. Paghingi ng Paumanhin Pasensya na po kayo sa nangyari. Humingi po ako ng tawad sa lahat. Paumanhin po sa nagawa kong gulo.

Paggamit ng Magagalang na Salita 3. Paghingi ng Pahintulot at Pakiusap Makikiusap po sana ako na unawain ninyo ang aming pakiusap. Pasensya na po at ngayon lang kami nakarating. Maari po bang palitan ang binili.

Paggamit ng Magagalang na Salita 4. Pagpapakilala Nais ko pong ipakilala ang aking ina na si Ginang Abegail Sapdin. Ako po si Anjie, kamag-aral ng anak ninyo. Si Melvin po ang tutulong sa inyo sa mga gawaing bahay.

GAWAIN 1 Panuto: I sulat ang PG kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at HP kung hindi nagpapahayag ng paggalang.

PG-paggalang HP-hindi paggalang 1. Hindi ko kailangan ang iyong opinyon. 2. Nabasa ko sa libro na hindi iyan totoo.

PG-paggalang HP-hindi paggalang 3. Mali ka, hindi ganyan ang paggawa nito. 4. Ipagpaumanhin po ninyo nahuli ako sa klase.

PG-paggalang HP-hindi paggalang 5. Hindi namin kailangan ang tulong galing sa iyo. 6. Ma s maganda ang ideya ko kaysa sayo .

PG-paggalang HP-hindi paggalang 7. Maraming salamat po sa ibinigay ninyong tulong sa aming pamilya. 8. Naniniwala po ako na mas makabubuti sa lahat ang desisyon ng pangulo.

GAWAIN 9. Hindi po ako sumasang-ayon dahil nakasasama po ito sa a ti ng kalusugan. 10. Magandang umaga po, Gng. Luces, ako na po ang magdadala ng mga gamit ninyo.

GAWAIN 2 Panuto: Unawaing mabuti ang mga sitwasyon at pagkatapos ay isulat ang iyong ideya at reaksiyon kung sumasang-ayon ka o hindi. Gamitin ang magagalang na pananalita sa pagpapahayag ng iyong ideya at reaksiyon.

Ating Iwasto Panimulang Gawain 1-5 1.Mali 2. Tama 3. Tama 4. Mali 5. Tama

Ating Iwasto Ikalawang Gawain 1-10 1. HP 6. HP 2. HP 7. PG 3. HP 8. PG 4. PG 9. PG 5. HP 10. PG

1. Pagtatapon ng basura sa kalye 2. Pagbili ng magagara at mamahaling gamit 3. Pagsusubaybay ng mga magulang sa kanilang mga anak

4. Pagiging materyalista o mahilig sa mga kagamitan ng mga Pilipino 5. Pagkalulong ng kabataan sa masamang bisyo dahil sa mga kaibigan

ARALIN 8

LAYUNIN nakakikilala at nakagagamit ng panghalip sa pakikipag-usap sa iba‘t ibang sitwasyon; nagagamit ng wasto ang panghalip na panao, paari, pananong, pamatlig, pamaklaw sa pakikipag-usap sa iba‘t ibang sitwasyon; at nakikilala at nagagamit ang kaukulan ng panghalip panao sa pakikipag-usap sa iba‘t ibang sitwasyon.

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at piliin ang panghalip na ginamit. 1.Ang aking pangalan ay si Dingdong. 2.Mahalin natin ang wikang Filipino.

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at piliin ang panghalip na ginamit. 3.Ito ang paboritong pagkain ng bata. 4.Hayun sa sanga ng kahoy ang pugad ng ibon. 5.Ganito ang paghalo ng ginataang kamoteng kendi.

TALAKAYIN NATIN Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod ng pangungusap. AKO, SIYA, IKAW, TAYO, SILA at marami pang iba

Uri ng Panghalip 1. Panghalip na Panao - mula sa salitang " tao ", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o "pangtao" . Ito ay panghalili sa ngalan ng tao. ( ako, akin, amin, kami, atb). Halimbawa: Ako ay aalis bukas ng umaga. Nasa akin ang bolang kristal.

Uri ng Panghalip 2. Panghalip na Pananong- mula sa salitang "tanong" , kaya't may pakahulugang "pantanong" . Pinaghahalili sa pangngalan sa paraang patanong. (sino, ilan, ano-ano, sino-sino, atb. Halimbawa: Sino ang pangulo ng Pilipinas? Ano ang binili mo sa palengke

Uri ng Panghalip 3. Panghalip na Panaklaw -mula sa salitang "saklaw" , kaya't may pahiwatig na " pangsaklaw" o " pangsakop ". Literal na panghalip na walang katiyakan o hindi tiyak. ( lahat, sinuman , alinman, anuman , atb.) Halimbawa: Lahat ng parusa ay haharapin ko. Alinman sa mga prutas na ito ay masarap.

Uri ng Panghalip 4. Panghalip na Pamatlig - ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na tinuturo o inihihimaton . (ito, iyon, iyan, doon,diyan, niyan , atb. Halimbawa: Iyon ang kaibigan ni Ana. Iiwan niya ang bag doon.

PANGHALIP NA PANAUHAN 1. Unang Panauhan - tumutukoy sa taong nagsasalita o kasama ang kanyang sarili. Halimbawa: Ako ay pupunta sa Cebu. Kami ay may parehong suot.

PANGHALIP NA PANAUHAN 2. Ikalawang Panauhan - tumutukoy sa taong kausap o kinakausap. Halimbawa: Pupunta ka sa hospital ngayong umaga. I kaw ang bagong lider ng grupo.

PANGHALIP NA PANAUHAN 3. Ikatlong Panauhan - tumutukoy sa taong pinag-uusapan. Halimbawa: Siya ang sumampal sa akin. Binigyan niya ako ng pagkain.

Punan ang patlang ng wastong panghalip at isulat sa patlang ang iyong sagot. 1. _______ SIYA ay ang aking kapatid 2. _______ SAAN MAN sa mundo maraming taong nangangailangan ng tulong. 3. _______ GAANO kalayo ang biyahe patungo sa probinsya niyo. 4. _______ ALIN sa dalawang bag ang iyong paborito? 5. _______ GANITO ang tamang pagluto ng isda.
Tags