Sino sa inyo rito ang nakaranas na kinakailangang pumunta sa isang lugar subalit hindi mo alam kung nasaan ito ? Ano ang iyong ginawa ?
Joshua 3:2-4 1 Maagang-maaga pa'y gumising na si Josue at ang buong Israel. Umalis sila sa Sitim patungong Ilog Jordan, at nagkampo sila sa pampang nito bago tumawid . 2 Pagkalipas ng tatlong araw , naglibot sa kampo ang mga pinuno
3 at sinabi sa mga tao , “ Kapag nakita ninyong dala ng mga paring Levita ang Kaban ng Tipan ng Diyos ninyong si Yahweh, lumakad na kayo at sumunod doon. 4 Sa kanila ninyo malalaman kung saan kayo daraan , sapagkat hindi pa kayo nakakarating dito kahit minsan . Ngunit huwag kayong masyadong lalapit sa Kaban ng Tipan ; paunahin ninyo ito nang mga 900 metro.
“ Paglalakbay kasama ang Diyos ” Joshua 3: 3-4
PRAY
Sino si Joshua Si Joshua ay isinilang na isang alipin sa Ehipto ngunit naging isang mananakop sa Canaan. • Naging pinuno ng Israel sa edad na 85. Pinamunuan ang Israel sa loob ng 25 taon , • Namatay sa edad na 110. Isa sa 12 espiya na ipinadala ni Moises mula sa Kadesh Barnea.
Katangian ni Joshua matatag sa kanyang pananampalataya at matapang , handang tumulong sa iba , isang taong mapanalanginin , taos -puso at mapagpakumbaba , ginagawa niyang gabay ang Diyos habang pinamumunuan niya ang mga Israelita at ang kanyang pamilya .
Joshua 3: 3-4
3 at sinabi sa mga tao , “ Kapag nakita ninyong dala ng mga paring Levita ang Kaban ng Tipan ng Diyos ninyong si Yahweh, lumakad na kayo at sumunod doon. Joshua 3: 3 I. Ang Tagubilin– Sumunod at Magtiwala
Ang “ kaban ng tipan ” ay simbolo ng presensya ng Panginoon . Sa loob ng “ arko ng tipan ”— na isang malaking kahon na gawa sa kahoy na nababalutan ng ginto —ay may tatlong bagay:
A rko ng T ipan
1) ang mga tapyas ng bato ng tipan — simboliko ng batas at mga utos ng Diyos sa atin ; 2) ang banga ng manna — simbolo ng pagpapala ng Diyos para sa atin ; 3) ang tungkod ni Aaron na Mataas na Saserdote na namumulaklak — simbolo ng itinalagang espirituwal na pamumuno ng Diyos para sa Kanyang mga tao .
PRINSIPYO: Sapat na ang nakita tungkol sa Diyos para malaman niyang magtiwala sa kanya. Ang Pagsunod At Pagtitiwala
Bakit mas mabuting maging masunurin at sundin ang Panginoon sa unahan mo — kahit na ang daan ay maaaring mahirap — kaysa lumiko umalis at pumunta sa sarili mong paraan sa ibang direksyon mula sa kung saan ka pinangungunahan ng Panginoon ? ITANONG SA SARILI : Paano, o sa anong mga paraan , sinusubok ng Diyos ang iyong kahandaang sumunod sa Kanya sa paglalakbay ?
- Ang talagang nakalulugod sa Diyos sa mga landas na pinipili nating tahakin sa ating pang- araw - araw na paglalakbay sa buhay - ANG PAGSUNOD AT PAGTITIWALA TANDAAN: Ang hamon na hinarap ng mga Israelita , ay sundin ang “ kaban ng tipan ” sa kabila ng baha sa ilog ng Jordan. “ 11 Ang Kaban ng Tipan ng Panginoon ng buong mundo ay mauunang itatawid ng Ilog Jordan.” (NIV, Joshua 3:11).
4 Sa kanila ninyo malalaman kung saan kayo daraan , sapagkat hindi pa kayo nakakarating dito kahit minsan . Ngunit huwag kayong masyadong lalapit sa Kaban ng Tipan ; paunahin ninyo ito nang mga 900 metro. Joshua 3: 4 2 – Ang pamamaraan - Itutok ang paningin kay Hesus
Sa kanila ninyo malalaman kung saan kayo daraan ; b. Ngunit huwag kayong masyadong lalapit sa Kaban ng Tipan ...
Nilalayon ng Diyos na tawirin ng Israelita ang Jordan kasama Niya ! Ngunit ito ay magagawa lamang kung sila ay tumutok o itutuon ang paningin at sumunod sa Kanya ( Hesus ). Punto:
Paano natin pinatutunayan o ipinakikita na tayo ay naglalagay ng ating pananampalataya sa Diyos upang gabayan tayo sa mga landas na dapat nating gawin sa ating pang- araw - araw na paglalakbay sa buhay ? Kawikaan 3:5-6 5 Kay Yahweh ka magtiwala , buong puso at lubusan , at huwag kang mananangan sa sariling karunungan . 6 Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin , upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin .
Awit 119:105 Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay , sa landas kong daraanan , liwanag na tumatanglaw . Awit 32:6 Kaya ang tapat sa iyo ay dapat manalangin , sa oras ng kagipitan , ikaw ang tawagin , at sa bugso ng baha'y di sila aabutin .
Awit 32: 8-9 8 Ang sabi ni Yahweh, “ Aakayin kita sa daan , tuturuan kita at laging papayuhan . 9 Huwag kang tumulad sa kabayo , o sa mola na walang pang- unawa , na upang sumunod lang ay hahatakin pa ang renda .”
Kapag ang daan na pinapatahak ng Diyos sa atin ay hindi yung inaasahan o gusto natin, sa anong kaparaanan tayo natutukso na umasa sa ating sariling kaalaman / karunungan ? Itanong sa sarili
2 Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan . Hebreo 12:2a
Conclusion/Application Makinig sa mga tagubilin – Huwag manguna Itutok ang paningin sa Diyos sa mga galaw ng ating Panginoon , upang kung saan Siya patungo , tayo ay susunod . Sumunod sa tagubilin ng Diyos – Sumunod at magtiwala . Anuman ang nasa ating harapan basta nasa harap natin ang Diyos at gumagabay – Huwag tayong matakot humakbang