Panukalang proyekto is all about on the issue and you will give some ideas to solve this kind of problem and to reach the succesfull
Size: 100.64 KB
Language: none
Added: Sep 04, 2025
Slides: 14 pages
Slide Content
PANUKALANG PROYEKTO
PANUKALANG PROYEKTO RENANTE D. MALAGAYO ANG PANUKALANG PROYEKTO Ang panukalang proyekto ay isang proyekto na iminumungkahing isagawa dahil nakitang kinakailangan ng pagkakataon . Upang makamit ang inaasam , kinakailangan kung minsan ang paghingi ng tulong na pinansyal para maisagawa ang isang proyekto . Ang pagbuo ng isang panukala ay hindi basta-basta . Ito ay nangangailangan ng ibayong pagpaplano at pananaliksik dahil dapat na mapatunayan nito ang kahalagahan ng pagsasagawa ng proyekto . Napakahalaga na maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng proyekto .
PANUKALANG PROYEKTO RENANTE D. MALAGAYO Higit sa lahat , ang pagsasatitik ng panukala ay nangangailangan ng kaalaman at pag-eensayo . Kailangang idetalye kahit ang pinakamaliit na bagay kaugnay ng panukala . Kailangang maipakita sa panukala ang pangangailangan ng komunidad nang sa gayon ay mapatunayan na nararapat itong bigyan ng pansin .
PANUKALANG PROYEKTO RENANTE D. MALAGAYO Narito ang mga bahaging kinakailangan sa paglalahad ng anumang panukalang proyekto . Ang mga ito ay esensyal na bahagi ng isang panukalang proyekto at palaging makikita sa mga ganitong uri ng dokumento . Pangalan ng Proyekto Makikita sa pangalan ng proyekto ang malinaw na isinasagawang proyekto , kung saan isasagawa at kung sino / alin ang mga tagatanggap . Dapat ito ay tiyak at maikli hangga’t maaari . Isa- isahin dito ang mga baryabol ng proyekto .
PANUKALANG PROYEKTO RENANTE D. MALAGAYO 2. Proponent ng Proyekto Sa bahaging ito ay ipinakikilala kung sinong indibibwal o aling organisasyon ang nagmungkahi ng proyekto . Ibabahagi rin dito ang tirahan , telepono at tungkulin ng utak ng proyekto . Tiyakin na lahat ng sangkot sa pagpapanukala ng proyekto ay maitatala .
PANUKALANG PROYEKTO RENANTE D. MALAGAYO 3. Klasipikasyon ng Proyekto Ilarawan sa kung anong gawain kabilang ang panukalang proyekto . (Ito ba ay pang- agrikultura , pang- edukasyon , pangkalusugan o iba pa?) Suriing mabuti ang proyekto , mas mainam na iba-ibang proyekto taun - taon ang isagawa .
PANUKALANG PROYEKTO RENANTE D. MALAGAYO 4. Kabuuang Pondong Kailangan Isa-isang itala ang lahat ng mga kagastusan at ang kabuuang pondong kinakailangan upang matagumpay na maisakatuparan ang proyekto. Magsaliksik ng mga ahensya ng gobyerno , mga foundation, pribado at boluntaryong ahensya na maaaring maging donor. Maaari rin maging malikhain upang makapangalap ng pondo at dapat ay praktikal ang buong proyekto . Ang badyet ay dapat na makatotohanang estimasyon ng lahat ng gastos sa pagsasagawa at pagpapalakad ng proyekto .
PANUKALANG PROYEKTO RENANTE D. MALAGAYO 5. Rasyonale ng proyekto Ito ang batayan sa pagsasagawa ng proyekto. Ipapakita rito ang kahalagahan ng panukalang proyekto. Ang bahaging ito ang susuporta kung bakit kailangan ang proyekto. Sa madaling salita, ito ang pagkilala sa proyekto. Makatutulong din na ilahad kung paano nabuo ang panukalang proyekto . Ibig sabihin nito ay dapat na pangalanan ang problema at isaad kung saan ang problema . Isinasaad dito ang pakay na grupo ( mga makikinabang ), ang sektor , ang lawak o laki at iba pang mga kasama sa paglunas sa problema . Tandaan na lahat ng nakasulat dito ay magpapatunay sa pangangailangan ng tulong o pondong inyong hinihingi .
PANUKALANG PROYEKTO RENANTE D. MALAGAYO Deskripsyon ng Proyekto Ang proyekto ay ilalarawan nang malinaw. Makatotohanang ilarawan ang kaligiran ng proyekto . Huwag haluan ng kasinungalingan o pagyayabang .
PANUKALANG PROYEKTO RENANTE D. MALAGAYO 7. Layunin ng Proyekto Isinasaad din ang layunin sa pagsasagawa ng gawain at ilalahad ang kalendaryo ng mga gawain. Dapat na ang pangkalahatang layunin ng inyong proyekto ay lunasan ang problema o mga problema na isinaad sa background. Unahin ang mga tunguhin na pangkalahatan , pangmahabang panahon at malawak na adhikain . Mula dito , bumuo ng mga tiyak na layunin o “objectives” na mapatutunayan , masusukat , may katapusan at may tiyak na petsa ng pagkakamit .
PANUKALANG PROYEKTO RENANTE D. MALAGAYO 8. Mga Kapakinabangang Dulot Ilalahad kung sino ang makikinabang at isinasaad din ang mga kapakinabang makukuha matapos ang proyekto. Makikita dapat kung gaano matutulungan ang mga makikinabang sa proyekto .
PANUKALANG PROYEKTO RENANTE D. MALAGAYO 9. Kalendaryo ng Gawain Ang bahaging ito ay magpapakita ng lahat ng sunud-sunod na gawain tungo sa pagsasakatuparan ng mga layunin. Dapat ito ay sunud-sunod at may kaakibat na mga petsa at mga taong kasangkot .
PANUKALANG PROYEKTO RENANTE D. MALAGAYO 10. Lagda Lahat ng taong kasangkot sa panukalang proyekto ay lalagda, upang mapagtibay ang panukalang proyekto. Makikita dapat kung gaano matutulungan ang mga makikinabang sa proyekto . Ang bahaging ito ang magpapatunay na pinagtibay na ang pagsasagawa ng proyekto .
PANUKALANG PROYEKTO RENANTE D. MALAGAYO GAWAIN Bumuo ng 4 APAT na grupo na may 5 at 6 na miyembro . Mag- isip at magpanukala ng isang proyekto na ang makikinabang ay: out-of-school-youth 8. Mga indibidwal na Aged individual walang hanapbuhay Mga mag- aaral sa elementarya 9. Kapwa guro Mga mag- aaral sa sekundarya 10. Mga nangangalakal Mga magsasaka ng basura Mga mangingisda Mga batang kulang sa nutrisyon