Guhitan ng arrow ang direksiyon ng iyong gagawing desisyon sa nakalahad na kaganapan sa pamilihang iyong napuntahan .
BATAS NG DEMAND Ayon sa Batas ng Demand, kapag mababa ang presyo , mataas ang demand. Kapag mataas ang presyo , mababa ang demand.
KONSEPTO NG SUPLAY
LAYUNIN a. Natutukoy ang kahulugan ng konsepto ng suplay ; b. Napahahalagahan ang kaalaman ukol sa konsepto ng suplay sa pang araw-araw na pamumuhay .
KILALANIN NATIN!
Pamprosesong Tanong : 1.Sinu-sino ang mga personalidad na nasa larawan ? 2. Ano ang ginampanan ng mga personalidad na nasa larawan ? 3. Sa iyong palagay , bakit kaya sila pumasok sa pagnenegosyo ? 4. Ano sa palagay ninyo ang gampanin ng mga negosyante sa ating lipunan ?
Pamprosesong Tanong : 1.Sinu-sino ang mga personalidad na nasa larawan ? 2. Ano ang ginampanan ng mga personalidad na nasa larawan ? 3. Sa iyong palagay , bakit kaya sila pumasok sa pagnenegosyo ? 4. Ano sa palagay ninyo ang gampanin ng mga negosyante sa ating lipunan ?
Isinasaad sa Batas ng Supply na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto . Kapag tumataaas ang presyo tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na kaya nilang ipagbili . Kapag bumababa naman ang presyo bumababa din ang dami ng produkto na kayang ipagbili . BATAS NG SUPLAY/SUPPLY
Ayon sa Batas ng Supply, sa tuwing ang mga prodyuser ay magdedesisyonna magprodyus ng produkto o magkaloob ng serbisyo , ang presyo ang kanilang pangunahing pinagbabatayan . Dahil dito , higit ang kanilang pagnanais na magbenta nang marami kapag mataas ang presyo . BATAS NG SUPLAY/SUPPLY
Ang supply schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t-ibang presyo . SUPPLY SCHEDULE
Ang supply curve ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied SUPPLY CURVE
Ang su pply function ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. SUPPLY FUNCTION
Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba : Qs= a +bP Kung saan ang: Qs= dami ng supply P= presyo a = intercept (ang bilang ng Qs kung ang presyo ay 0) b= slope
Panuto : Gamit ang supply schedule, gumawa ng supply curve at sagutan ang mga bilang na nasa supply function. Sagutan sa kwaderno . Presyo QS 8 1600 7 1400 6 1200 5 1000 4 800 3 600 2 400 1 200 A. Supply Schedule B. Supply Curve C. Supply Function Qs= a+b (P) a = ___ b = ___ Qs=? P=8 Qs=? P=7 Qs=? P=5 Qs=? P=4 Qs=? P=3 Qs=200 P=? Qs=400 P=? Qs=600 P=? Qs=800 P=? Qs=1000 P=?
PAGTATAYA
Panuto : Basahin at sagutan ang mga sumusunod na mga tanong . Isulat sa papel ang letra ng tamang sagot .
Alin sa sumusunod ang tamang kahulugan ng supply? A. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handang ipagbili ngprodyuser sa iba’t-ibang presyo . B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handang bilhin ngmamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon . C. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayangbilhin ng mammimil sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon . D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at k ayang ipagbili ng prodyuser sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon .
2. Ano ang mangyayari sa produksiyon ng supply at kalagayan nito sa pamilihankung magpasyang gumamit ng makabagong makinarya ang prodyuser ? A. Magkakaroon ng unti-unting pagbaba sa supply. B. Bibilis ang produksiyon at darami ang ibebentang supply. C. Tataas ang supply sa pamilihan at tataas rin ang presyo . D. Bababa ang supply sa pamilihan dahil sa gastusin sa produksiyon .
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng direktang ugnayan ng presyo at supply? A. Kapag tumaas ang presyo , nananatili ang dami ng supply ng produkto atserbisyo . B. Kapag tumaas ang presyo , kokonti ang supply ng produkto o serbisyonghanda at kayang ibenta . C. Kapag tumaas ang presyo , dadami rin ang supply ng produkto o serbisyonghanda at kayang ibenta . D. Ang pagtaas ng presyo ay walang epekto sa dami ng supply ng produkto atserbisyo .
4. Alin sa mga sumusunod ang pinaka - angkop na pahayag hinggil sa konsepto ng suplay ? A. Si Rica na nagsabing ang mga prodyuser sa ating lipunan ang nagdedesisyon kung ano ang kayang isuplay na mga produkto o serbisyo na ating kailangan sa araw-araw . B. Si Ana na nagsabing ang mga prodyuser sa ating Lipunan ang nagkokontrol ng presyo ng mga produkto sa mga pamilihan . C. Si Danica na nagsabing ang mga prodyuser ang nagsusuplay ng mga produkto o serbisyo na kayang ipagbili sa takdang presyo at panahon na ating kailangan sa araw-araw . D. Si Tristan na nagsabing ang mga prodyuser ang nagsusuplay ng mga produkto o serbisyo sa lipunan na hindi natin kailangan sa pang araw-araw na pamumuhay .
5. Inaasahang darami ang bibili ng mga produktong pasta para sa pasko . Ano angmangyayari sa supply ng pasta pagdating ng buwan ng Disyembre ? A. Bababa ang supply dahil inaasahan lamang at hindi tiyak na bibili ang mgatao . B. Mananatili ang dami ng supply dahil pansamantala lamang ang pagtaas ngkita ng mga tao . C. Tataas ang supply sa buwan ng Disyembre dahil sa inaasahang pagdami ngbibili nito . D. Walang pagbabago sa supply dahil karaniwan lang naman na tumataas angkita ng mga tao.