Ito ay tungkol sa Globalisasyon. Ito ay paksa sa Araling Panlipunan na asignatura tungkol sa iba't ibang kontemporaryong isyu.
Size: 257.74 KB
Language: none
Added: Oct 11, 2025
Slides: 15 pages
Slide Content
GLOBALISASYON
Si Roland Robertson ay isa sa mga sosyolohistang unang naglabas ng teorya ukol sa globalisasyon . Gumawa si Robertson ng pagtutukoy sa kasaysayan ng globalisasyon sa limang pangunahing yugto na kilala bilang Roland Robertson’s Mapping of Globalization History. PANGKASAYSAYANG PINAGMULAN
U nang Yugto: Ang Pag-usbong o Germinal Phase- Europa (1400-1750) Ito ang simula ng mga internasyonal na relasyong pangkalakalan sa Europa. Sa mga panahong ito , ang mga simbahan ay itinuturing na global o pang- internasyonal , dumating ang tinatawag na Enlightenment .
Ikalawang Yugto: Ang Pagsisimula o Incipient Phase- Europa (1750-1825) Nagkaroon ng biglaang pagkiling tungo sa ideya ng waring iisang estado . Ang mga pormal na relasyong internasyonal ay nagpasimulang magkaroon ng anyo .
Ikatlong Yugto: Ang Take-off Phase(1875-1925) Ito ang panahon nang mga ideya ukol sa katanggap-tanggap na pambansang lipunan ay lumitaw . Nagkaroon din ng mga pandaigdigang kompetisyon , gaya ng Olympics at Nobel Prize, naganap ang pagpapatupad ng world time, sumiklab ang U nang Digmaang Pandaigdig , nabuo ang League of Nations at iba pa.
Ikaapat na Yugto: Ang Pakikibaka para sa Dominasyon(1925-1969) Ang mga alitan at digmaang may kaugnayan sa marurupok na tuntunin ng prosesong globalisasyon ay naganap sa may dulo ng take-off phase. Nagkaroon ng mga global o internasyona l na hindi pagkakaunawaan .
Ikalimang Yugto: Ang Kawalan ng Katiyakan (1925-1969) Nagkaroon ng pandaigdigang kamalayan sa mundo bilang isang komunidad . Gayundin , nagkaroon ng pagkiling sa tinatawag na post-materialist values at paglago ng mga pandaigdigang institusyon at mga pagkilos .
MGA INSTITUSYONG MAY BAHAGING GINAGAMPANAN SA GLOBALISASYON
GOBYERNO Sa globalisasyon , ang mga gobyerno ay natural na nakatutok sa pagprotekta sa mga interes ng kani-kaniyang nasasakupang mamamayan . Ang mga gobyerno ay gumawa ng mga batas at nakikisapi sa mga internasyonal na kasunduan laban sa halimbawa sa Cyber-Bullying, Identity Theft, Copyright Infringement, at iba pa.
PAARALAN Ilan sa naunang halimbawa ng pang- edukasyon g globalisasyon ay ang pagkalat ng mga global na relihiyon . Gampanin ng mga paaralan ngayon na magkaloob ng edukasyon , kaalaman at mga kasanayang tumutugon sa tawag at hamon ng bahagi ng kurikulum sa maraming paaralan at kurso .
MASS MEDIA Facebook Youtube Instagram Twitter (X)
MULTINASYONAL NA KORPORASYON Ang multinasyonal na korporasyon ay isang corporate enterprise na namamahala sa produksiyon o naghahatid ng mga serbisyo sa higit sa isang bansa .
NON-GOVERNMENTAL ORGANIZATIONS (NGO’s) Ang NGO’s ay may impresyong tumulong sa mga gutom na bata sa sub-Sahara Africa, magbigay ng malinis na tubig sa mga masang dukha sa mg rural na lugar sa mahihirap na bansa .
MGA INTERNASYONAL NA ORGANISASYON 1. OPEC- Organization of Petroleum Exporting Countries itinataas ng OPEC ang presyo ng langis at ito ay nagkaroon ng napakalaking epekto sa maraming bansa . 2. IMF- International Monetary fund 3. WB- World Bank dito nakadepende ang mga bansa sa kolektibong pamamahala ng mga internasyonal na organisasyon .