Panungkulan ni Pangulong Elpedio Quirino Unang Grupo: Basahin ang talata sa iba patungkol kay Pangulong Elpidio R. Quirino (1948-1953) at sagutan ang mga katanungan at ipresenta ito sa pamamagitan ng readers theater. Pangalawang grupo : Basahin ang talata sa iba patungkol kay Pangulong Elpidio R. Quirino (1948-1953) at sagutan ang mga katanungan at ipresenta ito sa pamamagitan ng pag Tula.
Noong Nobyembre 8, 1949 si Elpidio Quirino ay tumakbo at nahalal bilang Pangulong ng Pilipinas . Siya ay may dalawang pangunahing layunin . Una , maipanumbalik ang tiwala ng mamayan sa pamahalaan . Pangalawa , maibalik ang kaayusan at kapayapaan ng bansa . Si Elpidio R. Quirini ay tinaguriang ‘AMA NG INSDUSTRIYALISASYON ” sa Pilipinas . Narito ang kanyang Ipinatupad na Programa : 1. Pagtatag ng PACSA (Presidential Action Committee On Social Amelioration) upang tulungan ang mahirap na pamilya lalo na sa panahon ng kalamidad 2. Pagpapaunlad sa Sistema ng patubig sa buong bansa . 3. pagpapagawa ng mga lansangan upang mapabilis ang kalakaran ng transportasyon lalo sa farm-to-market road. 4. pagsasagawa ng linggohang pag-uulat sa taumbayan sa radio. 5. Pagpapatayo ng bangko rural na nagpapautang ng kapital sa magsasaka . 6. Pagtatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas 7. Paglabas ng Magna Carta of Laborat Minimum Wage Law para sa manggagawa .
Mga tanong : 1. kailan nagging pangulo si Elpidio R. Quirino ? 2. Ano-ano ang dalawang pangunahing layunin ni pangulong Quirino ? 3. Si Pangulong Quirino ay tinaguriang “AMA NG _____________? 4. Ang pagtatag ng _____________ upang tumulong sa mga mahihirap na pamilya lalo na sa panahon ng kalamidad . 5. Ibigay ang anim na Prgramang Ipinatupad ni Pangulong Elpidio Quirino .
Panungkulan ni Pangulong Ramon F. Magsaysay (1953-1957) Unang Grupo: Basahin ang talata sa iba patungkol kay Pangulong Ramon F. Magsaysay at sagutan ang mga katanungan at ipresenta ito sa pamamagitan ng pag-uulat. Pangalawang grupo : Basahin ang talata sa iba patungkol kay Pangulong Ramon Magsaysay at sagutan ang mga katanungan gamit ang fish bone organizer.
Panungkulan ni Pangulong Ramon F. Magsaysay (1953-1957) Si Ramon F. Magsaysay ay tinaguriang pangulo sa Masa ito dahilang inilapit niya ang pamahalaan sa mga karaniwang tao. siya ay tanyag din bilang T agapagtanggol ng Demokrasya. sya ang tanging pangulong nagbukas ng Malacanang para sa lahat. pinalaganap niya ang nasyonalismo sa pagitang ng pagsoot ng barong tagalog. Itinatag niya ang Presidential Complaint and Action Committee (PCAC) -upang mabigyan ng solusyon ang problema ng mamayan. “Kaligayahan at katatagan ng karaniwang tao ” ito ang kanyang palatuntonan. Ang kanyang mga Programa: 1. Pagpapagawa ng daan at tulay upang maidugtong ang baryo sa kabayanan. 2. pagpapatubig 3. Pagpapatayo ng Farmers Cooperative Marketing Association (FACOMA) 4. Pagpapatayo ng Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration para sa magsasaka. 5. Pagtatag ng SEATO - South East Asian Treaty Organization
Mga Tanong: Siya ay tinaguriang “Ama ng Tagapagtanggol ng Demokrasya, sino siya? Paano niya pinalaganap ang nasyonalismo? Bakit itinatag niya ang Presidential Complaint and Action Committee (PCAC)? Ano ang kanyang palatuntunan? Magbigay ng dalawang programa ni Pangulong Ramon F. Magsaysay
Pangkatang gawain Panuto: Pahalagahan ang mga Programang ipinatupad ng administrasyon nina Pangulong Elpidio Quirino at Ramon Magsaysay at ipakita ito sapagitan ng pagsasadula.