aralin 1 pagsulat ng replektibong sanaysay.pptx

janemorimonte2 5 views 24 slides Sep 23, 2025
Slide 1
Slide 1 of 24
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24

About This Presentation

.................................


Slide Content

Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Bakit ka gumagamit ng salamin ? Para sa iyo , ano ang kabuluhan ng pagtingin ng iyong sarili sa salamin ? Bakit mahalaga na marunong tayong tumingin o mag- eksamin ng ating sarili ?

ANG SINING NG PAGLALAHAD

Ayon sa UP Diksiyonaryong Pilipino ( Binagong Edisyon , 2010), ang paglalahad ay isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay, pook , o ideya . Ayon naman kay Jose Arrogant sa kanyang aklat na Filipino Pangkolehiyo : Kasiningan , Kakayahan , at Kasanayan sa Komunikasyon , “Sa Ingles, ang paglalahad ay tinatawag na expository writing . Madalas makita ang anyong ito sa pagtalakay sa karaniwan nating binabasa sa araw-araw gaya ng mga aklat, mga editoryal sa diyaryo , ng mga artikulo sa mga magasin , at iba pa. Ito ay hindi nagsasalaysay ng isang kuwento. Ito ay hindi rin naglalarawan ng isang bagay. Ito ay hindi rin nagpapahayag ng isang paninindigan . Bagkus , ito ay nagpapaliwanag . ANG SINING NG PAGLALAHAD

Ito ay isang pagpapaliwanag na obhetibo , walang pagkampi , at may sapat na detalye na pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang pinibigyang-linaw nang lubos na maunawaan ng may interes (2000:217).” Ilan sa malimit na paggamitan nito ay ang pagbibigay -kahulugan, pagsunod sa panuto , pangulong-tudling , suring-basa , ulat , balita , at sanaysay . ANG SINING NG PAGLALAHAD

ANG SINING NG PAGLALAHAD Upang maging mabisa o epektibo ang paglalahad , ayon sa aklat na Sining ng Pakikipagtalastasan na ginawa ng Kagawaran ng Filipino (TUP, Manila), ito ay dapat na magtaglay ng sumusunod na mga sangkap o elemento : Sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang tinatalakay Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan. Malinaw at maayos na pagpapahayag Paggamit ng larawan , balangkas , at iba pang pantulong upang madali ang pag-unawa sa ipinaliliwanag . Walang pagkiling na pagpapaliwanag ng anumang bagay na nasasaklaw ng tao

SANAYSAY

Ang salitang sanaysay ay hango sa salitang Pranses na essayer na ang ibig sabihin ay “ sumubok ” o “ tangkilikin ”. Ito ay nagsimulang yumabong sa mga sulatin ni Michael de Montaigne (1533-92). Bago pa man isilang si Kristo, ay nagsimula na rin ito sa Asya sa pangunguna ni Confucius na sumulat ng Analects at ni Lao-Tzu na sumulat naman ng Zao Te Ching . Noon namang ika-14 na dantaon , nakilala si Yushida Kenko ng Hapon na may katha ng “ Tsurezuregusa ” o “Mga Sanaysay sa Katamaran .” Sanaysay

Ayon kay Francis Bacon, ang sanaysay ay isang kasangkapan upang isatinig ang maikling pagbubulay-bulay at komentaryo sa buhay. Ayon naman kay Paquito Badayos sa kanyang aklat na Retorika Susi sa Masining na Pagpapahayag (2001:111), naglalahad ang sanaysay ng matalinong kuro at makatwirang paghahanay ng kaisipan . Naglalahad din ito ng mga personal at pansariling pananaw ng manunulat tungkol sa isang paksa . Sa madaling salita , ito ay isang paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro ng sumulat tungkol sa isang bagay o paksa . Sanaysay

Ayon kay Alejandro Abadilla, ang salitang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay . Ito’y isang akdang pampanitikang nasa anyong paglalahad . Ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang pagpapahayag ng may-akda sa kanyang sariling pananaw . Ipinahahayag niya ang sarili niyang pangmalas , kuro-kuro , at damdamin. Ang pagiging malinaw , mabisa , at kawili -wiling paglalahad ay makakamtan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin ng kaisahan , kaugnayan, at diin . Kailangan din dito ang pagpili ng angkop na pananalita , sariling estilo o pamamaraan ng may-akda. Sanaysay

Sa kaanyuan at kayarian nito , ang ideya o ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya ay inilalahad nang mabisa at maayos upang makapagtalastas , makalibang , makapaglarawan ng isang bagay, o makakuha ng anumang pagbabago . Sa pangkalahatan , may dalawang uri ng sanaysay : Pormal Impormal Sanaysay

Pormal - Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayayari at mga kaisipan . Kung minsa’y tinatawag din itong impersonal o siyentipikp , sapagkat ito’y binabasa upang makakuha ng impormasyon . Impormal- Tinatawag din itong pamilyar o personal , at nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may-akda. Karaniwan itong may himig na parang nakikipag-usap o nais magpakilala ng isang panuntunan sa buhay. Ito’y naglalarawan ng pakahulugan ng may-akda, sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagbubulay-bulay , at naglalahad ng kanyang kuro-kuro o pala-palagay . Sanaysay

Labindalawang natatanging uri ng sanaysay : nagsasalaysay , naglalarawan, mapag-isip o di praktikal, kritikal o mapanuri , didaktiko o nangangaral , nagpapaalala , editoryal , makasiyentipiko , sosyo - politikal , sanaysay na pangkalikasan , sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan, at mapagdili-dili o replektibo .

Karaniwang hinahati naman ang kabuoan ng sanaysay sa tatlo : panimula , katawan , at wakas. Sa pagsulat ng simula , tandaang ito dapat ay nakatatawag ng pansin o nakapupukaw sa damdamin ng mga mambabasa . Samantalang ang katawan o ang pinakanilalaman ng akda ay kinakailangang maging mayaman sa kaisipan . Kailangan ding nagtataglay ng kaisahan ang mga detalye nito . Sa wakas ng sanaysay , karaniwang nababasa ang pangkalahatang impresyon ng may-akda. Maaaring ilahad sa bahaging ito ang buod o kongklusyon ng sumulat .

Replektibong Sanaysay

Ang replektibong sanaysay , ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat, ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon na pagsasanay . Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip , nararamdaman , pananaw , at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito . Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal kung saan nangangailangan ito ng pagtatala ng mga kaisipan at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari. Replektibong Sanaysay

Maiuugnay rin ito sa pagsulat ng mga academic portfolio kung saan nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-akda kung paano siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o pangyayaring binibigyang-pansin sa pagsulat. Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaysa mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat . Replektibong Sanaysay

Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University of Akron, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari. Ibinabahagi nito sa mga mambabasa ang kalakasan at kahinaan ng sumulat batay sa mga karanasang natutuhan o nakuha . Madalas , ibinabahagi rin ng sumulat ang kanyang mga natutuhan at kung paano ito gagamitin sa buhay sa hinaharap o kaya naman ay kung paano pa pauunlarin ang mga kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspekto ng buhay. Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan, malayang makapipili ng paksa o pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ang manunulat. Replektibong Sanaysay

Narito ang halimbawa ng mga paksa na maaaring gawan ng replektibong sanaysay : Librong katatapos lamang basahin Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik Pagsali sa isang pansibikong gawain Praktikum tungkol sa isang kurso Paglalakbay sa isang tiyak na lugar Isyu tungkol sa pagkagumon sa pinagbabawal na gamut Isyu tungkol sa mga pinag-aawayang teritoryo sa west philippine sea Paglutas sa isang mabigat na suliranin Isang natatanging karanasan bilang mag- aaral At marami pang iba

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay . Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip . Tanggap nang gamitin ang mga panghalip na ako, ko, at akin sapagkat ito ay kadalasang nakasalig sa personal na karanasan. Tandaan na bagama’t nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito . Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito . Tandaang ito ay kabilang sa akademikong sulatin .

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay 5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito . Gawing malinaw a madaling maunawaan ang gagawing pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga babasa . 6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay . introduksiyon , katawan , at kongklusyon . 7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata .

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay Pumili ng paksang nais mo. Ilista ang lahat ng iyong naiisip o ideya tungkol sa paksa . Gamitin ang iyong mga inilista upang ika’y matulungang matalakay ito Magsagawa ng pagbabasa , pagsasaliksik o mag- isip pa ng mahahalagang bagay upang mapalawak ang kaalaman sa paksang napili . Sumulat ng paunang burador . Basahing muli ang burador . Maaaring magdagdag o magbura ng mga detalye kung kinakailangan . Isulat ang unang rebisyon ng iyong sulatin . Bigyang-pansin ang panimula at pagwawakas ng talata . Isulat ang pinal na dokumento

Katanungan ?

M araming salamat!
Tags