Ang pang-abay (adverb) ay mga salita na naglalarawan sa pandiwa (verb), pang-uri (adjective), at kapuwa nito pang-abay.
Halimbawa Blg. 1 “Malayang namumuhay ang mga mamamayan.”
Halimbawa Blg. 1 “ Malayang namumuhay ang mga mamamayan.” namumuhay – pandiwa malaya – pang-abay
Halimbawa Blg. 2 “Sobrang napakaganda ng palabas sa TV!”
Halimbawa Blg. 2 “ Sobrang napakaganda ng palabas sa TV!” napakaganda – pang-uri sobra – pang-abay
Halimbawa Blg. 3 “Totoong lubhang nagulat sila sa iyong balita.”
Halimbawa Blg. 3 “ Totoong lubhang nagulat sila sa iyong balita.” nagulat – pandiwa lubha – pang-abay totoo – pang-abay
Mga Uri ng Pang-abay
Mga Uri ng Pang-abay Ingklitik Pamanahon Panlunan Pamaraan Pang-agam Kondisyonal Panang-ayon Pananggi Pampanukat Benepaktibo
① Pang-abay na Ingklitik (adverb of enclitic) Ito ay maiikling salita na isinisingit sa pangungusap.
Mga Pang-abay na Ingklitik ba / ga / baga kasi kaya na sana daw / raw din / rin naman yata pala tuloy nga lamang / lang / laang man muna pa
Mga Halimbawa sa Pangungusap Ano ba ang nalalaman mo dito? Darating kaya ang mga panauhin? Bawal daw magtapon ng basura dito. Ikaw naman ang maghugas nito! Ako pala ang ipapadala sa pagpupulong. Ikaw lamang ang mamahalin ko.
Mga Halimbawa sa Pangungusap Ano ba ang nalalaman mo dito? Darating kaya ang mga panauhin? Bawal daw magtapon ng basura dito. Ikaw naman ang maghugas nito! Ako pala ang ipapadala sa pagpupulong. Ikaw lamang ang mamahalin ko.
② Pang-abay na Pamanahon (adverb of time) Isinasaad nito kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
Mga Pang-abay na Pamanahon kanina kahapon mamaya / maya-maya bukas ngayon saglit sandali noong / nang tuwing buhat simula umpisa segu-segundo minu-minuto oras-oras araw-araw gabi-gabi linggo-linggo buwan-buwan taon-taon deka-dekada
Mga Halimbawa sa Pangungusap Kanina pa akong naghihintay sa iyo. Isusumite itong proyekto bukas ng umaga. Saglit lamang at ako’y magpepresenta na. Sandali na lang at matatapos na rin ako. Sumasaya ako tuwing nakikita ka. Buwan-buwan akong magpapadala ng pera.
Mga Halimbawa sa Pangungusap Kanina pa akong naghihintay sa iyo. Isusumite itong proyekto bukas ng umaga. Saglit lamang at ako’y magpepresenta na. Sandali na lang at matatapos na rin ako. Sumasaya ako tuwing nakikita ka. Buwan-buwan akong magpapadala ng pera.
③ Pang-abay na Panlunan (adverb of place) Tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan, o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa. Pinangungunahan ito ng mga salitang sa , kay , at kina .
Mga Halimbawa sa Pangungusap Maraming masasarap na ulam ang itinitinda ng mag-ina sa kantina. Nagpunta siya kay Leonor upang mangumusta’t makipagkuwentuhan. Nagpaluto ako ng mga puto, kaldereta, at dinuguan kina Aling Pimeng.
Mga Halimbawa sa Pangungusap Maraming masasarap na ulam ang itinitinda ng mag-ina sa kantina . Nagpunta siya kay Leonor upang mangumusta’t makipagkuwentuhan. Nagpaluto ako ng mga puto, kaldereta, at dinuguan kina Aling Pimeng .
④ Pang-abay na Pamaraan (adverb of manner) Naglalarawan ito kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa.
Mga Halimbawa sa Pangungusap Luhaan siyang dumating kanina. Mabagal na tumatakbo ang bata. Nakatulog siya nang bukas ang bibig. Niyakap ako ni ama nang napakahigpit. Tumawa siya na parang nababaliw na.
Mga Halimbawa sa Pangungusap Luhaan siyang dumating kanina. Mabagal na tumatakbo ang bata. Nakatulog siya nang bukas ang bibig . Niyakap ako ni ama nang napakahigpit . Tumawa siya na parang nababaliw na.
⑤ Pang-abay na Pang-agam (adverb of doubt) Nagbabadya ito ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Mga Pang-abay na Pang-agam marahil siguro tila baka wari parang
Mga Halimbawa sa Pangungusap Ito na marahil ang katapusan ko! Marami na sigurong bahay sa Ilaya. Ang paningin ko’y tila nawawala na. Wari ko’y naliliwanagan na siya. Parang nasusunog na ang sinaing.
Mga Halimbawa sa Pangungusap Ito na marahil ang katapusan ko! Marami na sigurong bahay sa Ilaya. Ang paningin ko’y tila nawawala na. Wari ko’y naliliwanagan na siya. Parang nasusunog na ang sinaing.
⑥ Pang-abay na Kondisyonal (adverb of condition) Nagsasaad ito ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa.
Mga Pang-abay na Kondisyonal kung kapag kapagka pag pagka
Mga Halimbawa sa Pangungusap Magtatagumpay ka kung ikaw ay magsisikap. Lalamig sa silid kapag binuksan ang bintana. Makukuha mo iyan kapagka ako’y patay na. Aalis na kami pag lumubog na ang araw. Mag-aambag ako pagka nagbigay rin kayo.
Mga Halimbawa sa Pangungusap Magtatagumpay ka kung ikaw ay magsisikap. Lalamig sa silid kapag binuksan ang bintana. Makukuha mo iyan kapagka ako’y patay na. Aalis na kami pag lumubog na ang araw. Mag-aambag ako pagka nagbigay rin kayo.
⑦ Pang-abay na Panang-ayon (adverb of affirmation) Nagsasaad ito ng pagsang-ayon.
Mga Pang-abay na Pang-ayon oo oho opo tunay talaga sadya
Mga Halimbawa sa Pangungusap Oo, mahal na mahal kita. Oho, mahal na mahal ko siya. Opo, mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko siyang tunay. Talagang mahal na mahal ko siya. Sadyang mahal na mahal ko siya.
Mga Halimbawa sa Pangungusap Oo , mahal na mahal kita. Oho , mahal na mahal ko siya. Opo , mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko siyang tunay . Talagang mahal na mahal ko siya. Sadyang mahal na mahal ko siya.
⑧ Pang-abay na Pananggi (adverb of negation) Nagsasaad ito ng pagtanggi.
Mga Pang-abay na Pananggi hindi di ayaw bawal
Mga Halimbawa sa Pangungusap Hindi na kita gustong makasama! Di ko na matiis ang pag-uugali mo! Ayaw na kitang makita kahit kailan! Bawal ka nang makipagkita sa kaniya!
Mga Halimbawa sa Pangungusap Hindi na kita gustong makasama! Di ko na matiis ang pag-uugali mo! Ayaw na kitang makita kahit kailan! Bawal ka nang makipagkita sa kaniya!
⑨ Pang-abay na Pampanukat (adverb of measurement) Nagsasaad ito ng timbang o sukat. Pinangungunahan ito ng nang .
Mga Halimbawa sa Pangungusap Tumaas pala si Choy nang dalawang pulgada. Tumagal nang apat na oras ang operasyon niya.
Mga Halimbawa sa Pangungusap Tumaas pala si Choy nang dalawang pulgada . Tumagal nang apat na oras ang operasyon niya.
⑩ Pang-abay na Benepaktibo (adverb of negation) Nagsasaad ito ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkaganap sa kilos ng pandiwa. Pinangungunahan ito ng mga salitang para sa .
Mga Halimbawa sa Pangungusap Magluto ka na ng hapunan para sa maysakit. Magbago ka na para sa mga nagmamahal sa iyo.
Mga Halimbawa sa Pangungusap Magluto ka na ng hapunan para sa maysakit . Magbago ka na para sa mga nagmamahal sa iyo .
Here comes the Riddle
Hanapin sa mga sumusunod na bugtong ang pang-abay , alamin kung anong uri nito, at ibigay ang sagot sa bugtong.
May sungay na ang bisiro, wala pa ang toro. ①
May sungay na ang bisiro, wala pa ang toro. ① Pang-abay na Ingklitik
Bituing buto’t balat, kung Pasko lamang kumikislap. ②
Bituing buto’t balat, kung Pasko lamang kumikislap. ② Pang-abay na Ingklitik Pang-abay na Kondisyonal
Isda kong nagpunta sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis. ③
Isda kong nagpunta sa Mariveles , nasa loob ang kaliskis. ③ Pang-abay na Panlunan
Dalawang magkapatid, tila nag-uunahan ng bait. ④
Dalawang magkapatid, tila nag-uunahan ng bait. ④ Pang-abay na Pang-agam
Mayroon akong tapat na alipin, talagang sunod nang sunod sa akin. ⑤
Mayroon akong tapat na alipin, talagang sunod nang sunod sa akin. ⑤ Pang-abay na Panang-ayon
⑥ Binili ko nang hindi kagustuhan, ginamit ko nang hindi nalalaman.
Binili ko nang hindi kagustuhan , ginamit ko nang hindi nalalaman. ⑥ Pang-abay na Pananggi Pang-abay na Pamaraan