Aralin-2-3-Pagbasa.pptx pagbasa at pagsusuri

ongloot 9 views 44 slides Sep 17, 2025
Slide 1
Slide 1 of 44
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44

About This Presentation

shs


Slide Content

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK KEYNOTE PRESENTATION deskriptibo Impormatibo

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES 2 MELCS 3 1 Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa (F11PS – IIIf – 92) Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa (F11PS-IIIb-91) Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-llla-88)

layunin sa pampagkatuto 2 3 Naiisa - isa ang mga salitang naglalarawan sa tekstong deskriptibo  Naipaliliwanag ang ugnayan ng paglalarawan sa nais ipakahulugan ng may-akda ng teksto Nakasusuri ng tekstong deskriptibo batay sa mga salitang ginamit 1

Ilarawan ang iyong sarili batay sa bawat letra ng iyong pangalan Indibidwal na gawain

Tekstong Deskriptibo Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay , tao , lugar , karanasan , sitwasyon at iba pa. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan .

Tekstong Deskriptibo Dagdag pa, nagbibigay ang sulatin na ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining na pagpapahayag. Layunin ng sining ng deskripsyon na magpinta ng matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa

Tekstong Deskriptibo Dahil ang deskripsyon ay isang uri din ng paglalahad at naisagawa rin sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon, madalas na nahihirapan ang mga manunulat na gumawa ng sulating purong paglalarawan lamang ang nilalaman Hal. isang tekstong naratibo, pinatingkad nang mahusay na paglalarawan ang kulay ng isang lugar kung saan nangyari ang kuwento. Ipinakilala nito ang hitsura, ugali at disposisyon ng mga tauhan.

Paano magagamit ang tekstong deskriptibo sa pagsulat ng tekstong prosidyural ?

Tekstong Deskriptibo Sa isang prosidyural na teksto, natitiyak ng mambabasa ang hitsura, katangian at kalikasan ng yaring produkto sa pamamagitan ng deskripsyon. Pinatatatag ng paglalarawan ang anomang porma ng sulatin kung mahusay at angkop ang pagkagamit nito. Sumakatuwid, mahalagang gamit ng deskripsyon ang pagkuha sa atensyon ng mambabasa upang maipaliwanag ang oryentasyon ng isang malikhaing akda.

Basahin ang tekstong “Dugo sa Bukang-Liwayway” na isinulat ni Rogelio Sicat. Sagutin ang mga gabay na tanong: 1. Sino ang tauhan sa kuwento? 2. Paano inilarawan ang tauhan? 3. Paano inilarawan ang tagpuan?

Tekstong Deskriptibo

Tekstong Deskriptibo

1. Sino ang tauhan sa kuwento? 2. Paano inilarawan ang tauhan? 3. Paano inilarawan ang tagpuan?

Katangian ng Tekstong Deskriptibo Ito ay mahalagang maging espisipikong at maglaman ng mga konkretong detalye. Ito ay maaaring maging obhektibo at subhektibo. Ito ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa 2 3 1

Tekstong Deskriptibo Ang obhektibong paglalarawan ay mga direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at di’ mapapasubalian Hal. kung ilalarawan ang isang kaibigan, maaaring ibigay ang taas, haba ng buhok, kulay ng balat o kursong kinukuha.

Tekstong Deskriptibo Ang subhektibong paglalarawan ay maaaring nakapaloob ng matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsiyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilarawan. Hal. maaaring ilarawan ang kaibigan bilang hingahan ng sama ng loob, madalas na nakapagpapagaan ng mga suliranin o kaya’y bukas na libro sa lahat dahil sa maingay at liberal nitong katangian

Gawaing pasulat blg. 2 Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer, ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng katangiang obhektibo at subhektibo na paglalarawan PAGKAKAIBA OBHEKTIBO SUBHEKTIBO PAGKAKATULAD

Gawaing Pagganap blg.2 Panuto : Basahin ang tekstong “Mabangis na Lungsod”. Suriin at isa-isahin ang mga pahayag kung ito ay obhektibo o subhektibong paglalarawan PAMANTAYAN 30 - 35 - Lubos na nasuri at naisa-isa ang mga pahayag na may paglalarawang obhektibo at subhektibo. 25-29 -Naisa-isa ang mga pahayag na may paglalarawang obhektibo at subhektibo ngunit may uunlad pa ito kung ito ay nasuri nang mabuti. 24 pababa - Kulang ang mga naitalang pahayag na may paglalarawang obhektibo ang subhektibo.

Sanggunian Sicat-De Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Rex Book Store.

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK KEYNOTE PRESENTATION deskriptibo Impormatibo

layunin sa pampagkatuto 2 3 Natutukoy ang iba’t ibang estruktura ng pagkakasulat ng tekstong impormatibo Natutukoy ang kahalagahan ng tekstong impormatibo sa lipunan Nakapagsusuri ng tekstong impormatibo batay sa natalakay na estruktura nito 1

Tekstong Impormatibo Ito ay tinatawag ding ekspositori. Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.

Tekstong Impormatibo Pangunahing layunin nito ay magpaliwanag sa mga mambabasa ng anumang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Ang ilang tiyak na halimbawa nito ay biyograpiya, diksyunaryo, encyclopedia o almanac, pananaliksik, siyentipikong ulat at mga balita sa diyaryo.

Tekstong Impormatibo Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri at pagpapakahulugan ng impormasyon.

Tekstong Impormatibo Ang kakulangan sa pagtuturo ng tekstong impormatibo ay nagdudulot ng pagbaba sa komprehensyon o kakayahang umunawa ng ganitong teksto ng mga mag-aaral. Ayon kina Jeanne Chall, Vicki Jacobs at Luke Baldwin (1990) sa kanilang pananaliksik na “The Reading Crisis: Why Poor Children Fall Behind”

Tekstong Impormatibo Upang mas madaling maunawaan ang anumang tekto, kadalasang gumagamit ang manunulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan ang mga mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang impormasyon. -talaan ng nilalaman glosatyo mga larawan -ilustrasyon -kapsyon o iba pang uri ng palataandaan para sa mga larawan, graph at talahanayan

Tekstong Impormatibo Mahalaga ang katumpakan ng nilalaman at mga datos sa isang impormatibong teksto. Bukod sa katumpakan, mahalaga rin na napapanahon ito at makatulong sa pag-unawa tungkol sa isang mahalagang isyu o usaping panlipunan. Upang masiguro ang katumpakan ng datos, mahalagang sumangguni sa mga babasahin at iba pang pinagmulan ng datos na mapagkakatiwalaan

Tekstong Impormatibo May iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo depende sa estraktura ng paglalahad nito. Ang mga estrukturang ito ay sa pamamagitan ng pagtalakay ng sanhi at bunga, paghahambing, pagbibigay-depinisyon, paglilista ng klasipikasyon.

Pangkatang Gawain Suriin ang tekstong impormatibo ayon sa estraktura ng paglalahad nito.

Tekstong Impormatibo Ito ay estraktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga nauunang pangyayari. Sanhi at Bunga

Sanhi at Bunga

Tekstong Impormatibo Ang tekstong nasa ganitong estraktura ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konsepto, o pangyayari. Paghahambing

Paghahambing

Tekstong Impormatibo Ipinapaliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang termino o konsepto. Maaring ang paksa ay tungkol sa konkretong bagay gaya ng uri ng hayop, puno, o kaya naman ay mas abstraktong mga bagay gaya ng katarungan, pagkapantay-pantay o pag-ibig Pagbibigay-depinisyon

Pagbibigay-depinisyon

Tekstong Impormatibo Ito naman ay kadalasang naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema sa pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang kategorya at pagkatapos ay bibigyang depinisyon at halimbawa ang iba’t ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim nito. Paglilista ng Klasipikasyon

Paglilista ng Klasipikasyon

Tatlong Kakayahan ng isang Mahusay na Mambabasa Pagbuo ng hinuha Pagkakaroon ng mayamang karanasan Pagpapagana ng imbak na kaalaman 2 3 1

Tekstong Impormatibo Ito ay may kinalaman sa pag-alala ng mga salita, konseptong dati nang alam na ginamit sa teksto upang ipaunawa ang mga bagong impormasyon sa mambabasa. Pagpapagana ng imbak na kaalaman

Tekstong Impormatibo Ito naman ay may kinalaman sa pagbasa ng mga bahagi ng teksto ng hindi gaanong malinaw sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa iba pang bahagi na malinaw. Ito ay matalinong paghula ng maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi direkta o tahasang ipinaliwanag sa teksto Pagbuo ng hinuha

Tekstong Impormatibo Hal. Kung ang isang mambabasa ay may malawak na karanasan at pag-unawa sa iba’t ibang uri ng hayop, mas magiging madali na sa kaniya ang pagbuo ng mga kategorya at pag-unawa sa iba’t ibang grupo nito batay sa kaniya nang nasaksihan Pagkakaroon ng mayamang karanasan

Paglalahat Ano ang kahalagahan ng tekstong impormatibo sa ating lipunan?

Gawaing Pagganap 3 Panuto: Magsaliksik ng tekstong impormatibo at suriin ito batay sa natalakay na estruktura nito PAMANTAYAN 30 - 35 - Lubos na naisa-isa nang detalyado ang estraktura ng babasahing napili batay sa bawat bahagi ng babasahin 25-29 Naisa-isa ang estraktura ng babasahing napili batay sa bawat bahagi ng babasahin ngunit may iuunlad pa ang pagsusuri kung dinagdagan pa ng detalye 24 pababa - Kulang sa paglalahad ng batay sa bawat bahagi ng babasahin na tumugma sa estraktura

Sanggunian Sicat-De Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsususri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Rex Book Store.