ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano , pag-oorganisa , pagtukoy ng mga kasapi , pamumuno at pagkontrol . Kabilang din dito ang iba’t ibang organisasyon na dapat magtulungan at magkaisa upang maiwasan , maging handa , makatugon , at makabangon ang isang komunidad mula sa epekto ng sakuna , kalamidad at hazard. Disaster Management
Hazard - ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao . Kung hindi maiiwasan , maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay , ari-arian , at kalikasan
1.1 Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao . Ang maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan 1.2. Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan .
2 . Disaster/ Kalamidad – ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao , kapaligiran , at mga gawaing pang- ekonomiya . Maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo , lindol , at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon
Ilang halimbawa sa mga ito ay… Lindol ay isang biglaan at mabilis na pagyanig o pag-uga ng lupa na dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa kapag pinakakawalan nito ang puwersang naipon sa mahabang panahon .
Ito ay paggalaw ng lupa dulot ng pagkikiskisan ng TECTONIC PLATE. Karaniwang nagiging EPICENTER ng lindol ang mga FAULT LINES, kung saan nagsasalubong ang dalawang magkasalunggat na tectonic plates.
Bagyo ay ang namumuong sama ng panahon , may isang pabilog o spiral na sistema ng marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan , karaniwang daan-daang kilometro o milya sa diyametro ang laki .
Kadalasang nabubuo ang BAGYO sa gitna ng karagatan kung saan nagtatagpo ang mainit at malamig na hangin . Ang mainit na hangin ay pumapailanlang dahil sa init ng dagat at habang ito ay umaakyat , nagkakaroon ng Low Pressure Area (LPA) sa paligid . Dahil sa low pressure na nabuo sa paligid , naaakit nito ang iba pang malamig sa hangin sa ibang lugar hanggang sa ang malamig na hangin ay iinit din at bubuo ng mga ulap .
Ang TYPHOON o BAGYO ay isang ganap na TROPICAL CYCLONE na nabubuo sa Karagatang Pasipiko 20 hanggang 26 ng bagyo ang pumasok na PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY taon – taon . PHILIPPINE ATMOSPHERIC, GEOPHYSICAL and ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION (PAGASA) – naatasang magbantay at mag- aral tungkol sa mga bagyo .
Storm Surge o dalúyong-bagyo ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin . Nakaaapekto sa tindi ng dalúyong-bagyo ang lalim at oryentasyon ng katubigan na dinaraanan ng bagyo at ang tiyempo ng kati ( mababa ang tubig sa dagat ).
Tsunami Isang uri ng sakuna na nangyayari sa katubigan . Ang madalas na sanhi nito ay mga lindol , lalo na ang lindol na nangyayari sa ilalim ng tubig
Pagsabog ng Bulkan Ito ay likas na pangyayari na maaring maging sakuna kung ito magkakaroon ng malawak at negatibong epekto sa mga tao .
Nakakaranas ng mas malakas na lindol sa mga epicenter kaya itinuturing geohazard ang mga lugar na malapit sa fault lines. Ang pagsabog ng bulkan ay isa ring sanhi ng paglindol . PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY o PHILVOLCS – ang nagmomonitor sa mga lindol at pagsabog ng bulkan sa bansa . Mayroong sampung (10) sukat ang lakas ng lindol kung saan INTENSITY 1 ang pinakamahina at INTENSITY 10 ang pinakamalakas
3 pangunahing salik upang sumabog ang bulkan BOUYANCY NG MAGMA o pagiging magaan nito ayon sa kanyang volume kaya ito umaakyat palabas sa bulkan . ANG TINDI NG PRESYON MULA SA MGA VOLCANIC GASES. PAGKAKAIPON NG LAHAT NG ITO SA LOOB NG MAGMA CHAMBER.
Ang pinakamalubhang pagsabog ng bulkan sa kasaysayan ay ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo sa Zambales noong 1991 at naging malawak ang pinsalang idinulot nito . Umabot sa Brunei, Cambodia, Malaysia, Singapore at Vietnam ang abong ibnuga nito .
Ilang araw matapos ang pagsabog ng Pinatubo ay tumama naman ang isang malakas na bagyo . Maraming bayan sa Pampanga ang natabunan ng abo dahil sa pag agos ng lahar. LAHAR ay pinaghalong abo mulasa pagsabog ng bulkan , bato at putik na rumaragasa dala ng ulan o bagyo .
Pagbaha ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng malakas at walang tigil na pag-ulan sa komunidad . Man-made Disaster
Sunog Isa sa pinakamadalas na sakunang nagaganap sa Pilipinas dulot ng iba’t-ibang salik . Ito ay nagiging sakuna lamang kung ito ay makakaapekto sa maraming tao o malawak na kapaligiran .
5 madalas pagmulan ng sunog Pangunahing sanhi ng sunog ay OVERLOADING sa saksakan ng outlet, at short circuit. ELECTRICAL
Nakaligtaang sinaing o lutuin . Pagtagas ng gas mula sa LPG
Hindi dapat itatabi ang kandila sa mga bagay na madaling magliyab at dapat laging may bantay . Itinatapon ang sigarilyong may sindi
3. Vulnerability – tumutukoy ang vulnerability sa tao , lugar , at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan . Halimbawa , mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa hindi matibay na materyales .
4. Risk – ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao , ari-arian , at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad . Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad .
5. Resilience – ang pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad . Ang pagiging resilient ay maaaring istruktural , at pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa hazard ay maaaring makatulong upang sila ay maging ligtas sa panahon ng kalamidad .
5.1 MITIGATION ay ang mga kilos o hakbang na naglalayong bawasan ang mga elementong nakapagpapalala sa negatibong epekto ng sakuna .
5.2 ADAPTATION ay mga kilos o hakbang na ginagawa upang maaangkop ang mga tao sa mga negatibong epekto ng sakuna .
Gawain: Situational Analysis
Walang kakayahan ang tao na pigilan ang mga sakuna , subalit maaring paghandaan ang mga epekto . Ang tawag sa paghahanda ng mga pamahalaan para sa sakuna ay “ DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT “ O DRRM Ang DRRM ay isinasagawa sa lokal , pambansa , rehiyunal at pandaigdigang saklaw .
Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 (1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad ; at (2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at hazard.
National Disaster Risk Reduction Management Framework (NDRRMF) Gampanin a. Magkaroon pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa pamamagitan nito , ang pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring mapababa o maiwasan - Naatasang ang ahensyang ito na mamahala sa mga hakbangin upang tumugon sa mga sakuna lalong-lalo na sa pagtatapos nito .
b. Isinusulong ang kaisipan na ang lahat ay may tungkulin paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng ating pamahalaan , pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan , private sector, business sector, NGOs, at higit sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad sa paggawa ng Disaster Management Plan. c. Isinusulong ang Community-Based Disaster Management Approach sa pagbuo ng mga plano at polisiya sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran .
Community-Based Disaster and Risk Management Approach (CBDRM) ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy , pagsuri , pagtugon , pagsubaybay , at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan . Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian - Abarquez at Zubair (2004)
ay isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao . Binibigyan nito ng kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang pamayanan . -Shah at Kenji (2004) “ napakahalaga ng partisipasyon ng mga mamamayan sa komunidad ” Magiging matagumpay ang CBDRM Approach kung magtutulungan ang pamahalaan , iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng mga mamamayan , NGO, at business sectors
Kahalagahan ng CBDRM Approach Ang pinakasentro ng CBDRM Approach ay ang aktibong partipasyon ng mga mamamayan upang magamit ang kanilang kaalaman sa pagbuo ng DRRM plan. Makatutulong ang CBDRM Approach sa paglutas ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran dahil hinihikayat nito ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan , mamamayan , business sectors, at NGO.
Magkaugnay ang National Disaster Risk Reduction and Management Framework at ang Community-Based Disaster Risk Management Approach dahil kabilang sa framework nito ang paghihikayat sa aktibong partisipasyon ng mga mamayan at paggamit ng lokal na kaalaman sa pagbuo ng DRRM Plan. Pinakamahalagang layunin ng ay ang pagbuo ng disaster-resilient na mga pamayanan .
Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran 1. Bottom-up Approach -kung saan ay nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy , pag-aanalisa , at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan . - ang konsepto nito ay ginagamit sa CBDRM. - binibigyang pansin dito ang maliliit na detalye na may kaugnayan sa mga hazard, kalamidad , at pangagangilangan ng pamayanan .
a. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang komunidad b. Bagama’t mahalaga ang tungkulin ng lokal na pamahalaan , pribadong sektor at mga NGOs, nanatiling pangunahing kailangan para sa grassroots development ang pamumuno ng lokal na pamayanan . c. Ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon para matagumpay na bottom-up strategy. Katangian ng Bottom-Approach
d. Ang responsableng paggamit ng mga tulong-pinansyal ay kailangan e. Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng matagumpay na bottom-up approach ay ang pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad nito f. Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan . g. Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may magkakaibang pananaw sa mga banta at vulnerabilities na nararanasan sa kanilang lugar .
- maisaalang-alang ang pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa mga sistemang ipatutupad ng disaster risk management. 1. Top-down Approach -ay tumutukoy sa situwasiyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan .
National Disaster Risk Reduction Management Council (NDDRMC) - Layunin ng programang ito na maturuan ang mga lokal na pinuno sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk Management Plan. Mahalaga ang proyektong ito sapagkat binibigyan nito ng sapat nakaalaman at hinahasa ang kakayahan ng mga lokal na pinuno kung paano maisasama ang CBDRM Plan sa mga plano at programa ng lokal na pamahalaan .