ARALIN 21- UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN [Autosaved].pptx

lykadelrosario2214 0 views 41 slides Oct 14, 2025
Slide 1
Slide 1 of 41
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41

About This Presentation

Panahon ng paggalugad


Slide Content

Araling Panlipunan 8 Bb. Lyka T. Del Rosario Guro

Pagganyak na Gawain Paper Boat Racing

Sa bahaging ito, iyong tutuklasin ang bagong aralin sa pamamagitan ng isang paper boat race gamit ang bangkang papel.  Panuto: Hatiin ang klase sa triads (tatlong miyembro bawat grupo). Isang miyembro ang gagawa ng bangkang papel, habang ang dalawang miyembro naman ay magpapaypay o iihip upang itulak ito papunta sa itinakdang finish line. Bago magsimula, kailangang makuha ng bawat grupo ang kanilang mga instrumentong gagamitin sa paglalakbay (hal. mapa, kompas, talaan ng ruta). Makakakuha lamang ng mga instrumentong ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang jumbled picture na may kaugnayan sa paglalayag o pananakop. Kapag nabuo na ang larawan, ipakita ito sa guro upang matanggap ang mga instrumento.  

Sa mga ruta ng karera, magkakaroon ng mga tanda (markings) na sumisimbolo sa mga lupain na masasakop. Kailangang dumaan sa mga ito upang matagumpay na matapos ang paglalayag. Kung malaki ang bilang ng klase, maaaring gawin ang karera sa dalawa o tatlong leg upang magkaroon ng mas maraming pagkakataon ang bawat grupo na lumahok. Ang unang grupong makarating sa finish line habang nasusunod ang itinakdang ruta at dala ang kailangang instrumento ang siyang mananalo.

Pamprosesong Tanong : Batay sa inyong ginawang activity, ano sa inyong palagay ang ating tatalakayin ngayong araw na ito ?

Bb. Lyka T. Del Rosario Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Krusada Relihiyon (God) Layunin ng Simbahang Katoliko na bawiin ang Jerusalem at Banal na Lupain mula sa mga Muslim. Politika at Kapangyarihan Gusto ng Papa ( hal . Pope Urban II) at ng Simbahan na palakasin ang impluwensiya sa Europa. Para sa mga hari at maharlika , pagkakataon ito upang mapalawak ang kanilang kapangyarihan at teritoryo . Ekonomiya ( Kayamanan at Kalakalan ) Ang mga kabalyero at maharlika ay umaasa na makakakuha ng lupa , yaman , at prebilehiyo . Pakikipagsapalaran (Glory) Para sa maraming kabalyero at sundalo , ang pagsali sa Krusada ay paraan upang magkaroon ng karangalan at dangal .

Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo. Bagama’t ang kanilang kaalaman tungkol sa Asya ay limitado lamang sa mga tala ng mga manlalakbay tulad nina Marco Polo at Ibn Battuta. “The T r avels of MARCO POLO” Marco Polo Ibn Battuta

Kolonyalismo - Pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa mahinang bansa Imperyalismo - Panghihimasok , pag-impluwensiya , o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa . Maaari itong tuwiran o di- tuwirang pananakop .

Motibo/Salik sa Eksplorasyon Katanyagan Relihiyon Kayamanan 01 02 03

Kayamanan BULLION - Ginto at Pilak Bago ang ika-15 siglo , ang pagdadala ng mga produkto sa Europeo mula sa Asya ay hawak ng mga mangangalakal mula sa Venice. Bilang resulta , ang ibang mga Europeo , particular ang mga Portuguese, ay nagnais na makatuklas ng bagong ruta ng kalakalan sa dagat upang makibahagi sa nasabing kalakalan at makaiwas sa mga lupaing kontrolado ng mga Muslim.

Relihiyon Reconquista- inulunsad ng mga Portuguese at Espanyol sa panahong ito upang mabawi ang mga lupain sa Iberian Peninsula na nasakop ng mga Muslim. Ninais ng mga Europeo na palaganapin ang kristiyanismo sa mga lupaing narating at sinakop . “NEW WORLD”- mga teritoryong lampas sa kinagisnang daigdig kabilang dito ang North America at South America.

Katanyagan Malaki ang bahaging ginampanan ng Renaissance sa paghahangad ng mga manlalakbay na Europeo na makarating sa mga bagong lupain .

Pag-unlad ng teknolohiya Pangunahin sa salik ng pagsasakatuparan ng motibo ng eksplorasyon ay ang pag-unlad sa teknolohiya , partikular ang pag-unlad sa paggawa ng sasakyang pandagat at instrumentong pangnabigasyon . Caravel Ay isang sasakyang pandagat na may tatlo hanggang apat na poste na pinagkakabitan ng layag .

Pag-unlad ng teknolohiya Astrolabe Sa pamamagitan ng astrolabe, nalalaman ng manlalayag ang kanyang latitude sa pamamagitan ng pagtingin ng posisyon ng araw , buwan , at mga bituin . Compass Ito ay nakatulong upang malaman ang direksyon ng hilaga nang sa gayon ay maitakda ang direksyon ng barko sa gabi o sa maulap na panahon .

Prince Henry Siya ay mas kilala bilang Henry the Navigator na nagpamalas ng interes sa paglalakbay kaya sinuportahan niya ang mga manlalakbay na Portuguese.

Mga nanguna sa Eksplorasyon

Portugal Ang Portugal ay matatagpuan sa kanlurang baybayin ng Iberian Peninsula kung kaya nakapagpaunlad ito ng tradisyong pandagat .

Portugal Vasco Da Gama Inikot niya ang CAPE OF GOOD HOPE sa timog na bahagi ng Africa hanggang sa marating niya ang India noong 1498. Bartolomeu Dias Inatasan ni King John II na maglayag ng pasilangan sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa. Narating niya ang dulo ng Africa at tinawag itong Cape of Storms  Pinalitan ng CAPE OF GOOD HOPE ni King John II.

Narating ni Christopher Columbus ang America na isang Italyanong Manlalayag. Spain 1492 October 12, 1492 Narating ni Christopher Columbus ang Caribbean Islands na inakala niyang Asya .

Treaty of Tordesillas Sa pamamagitan ng kasunduang ito noong 1494, hinati ang daigdig sa Spain at Portugal. Ang hatian ay batay sa line of demarcation na 370 leagues sa kanluran ng Azores.

Nasakop ni HERNANDO CORTES ang Aztec (Mexico ngayon) 1519 1532 Nasakop ni Francisco Pizzaro ang Inca (Peru ngayon ) Conquistador- mananakop na Espa ñol .

1565 Ang Pilipinas ay napasailalim din sa kapangyarihan ng mga Espa ñol simula noong 1565 bagama’t una nilang narrating ang Pilipinas sa pamamagitan ni Magellan noong 1521.

Netherlands Inagaw nila ang Moluccas mula sa Portugal at nagtatag ng bagong sistemang tinawag na Sistemang Plantasyon . Ang sistemang Plantasyon ay isang Sistema na kung saan ang mga lupain ay pinatamnan ng mga tanim na mabili sa pamilihan .

England Sa kabuuan , 13 kolonya ang naitatag sa silangang dalampasigan ng North America. Ito ay ang mga sumusunod : Virginia Maryland North Carolina South Carolina Georgia Delaware New Jersey Pennsylvania New York Rhode Island Connecticut Massachusetts New Hampshire

Merkantilismo Isang sistemang pang- ekonomiya kung saan nakabatay ang kapangyarihan at yaman ng bansa sa dami ng ginto at pilak na naipon nito . Paniniwala : “Mas maraming ginto at pilak = mas makapangyarihan ang bansa .”

Epekto ng Eksplorasyon

 Pagkontrol sa Kalakalan  Sistemang Kalakalan ng Kolonyalismo  Pagbubuwis at Pang- aabuso  Pagkawasak ng Tradisyunal na Lipunan  Pagpapalaganap ng Kristiyanismo at westernisasyon  Paglipat ng mga Tao  Pagpapakilala ng Bagong Teknolohiya  Pagbuo ng Kolonyal na Imperyo

Kalakalan ng Alipin Pinasimulan ng mga Portuguese ang kalakalan ng alipin sa Atlantic Ocean noong ika-15 siglo at tumagal hanggang sa ika-19 siglo . Tight Packing Paraan ng pagsasagawa ng pagsakay sa mga alipin sa barko . Sa sistemang ito , binibigyan ang alipin ng espasyo na na kasya lamang sa kanya kung nakahiga siya na parang fetus o gaya ng sanggol sa loob ng tiyan ng ina ..

Layunin ng mga role play na ito na ilarawan ng mga mag- aaral ang mga makasaysayang pangyayari , tunggalian , at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo . Ang bawat sitwasyon ay hango sa mga mahalagang aspeto ng aralin . Hatiin ang klase sa apat na pangkat . Ang bawat pangkat ay mayroon nakaatas na sitwasyon na ipakikita sa pamamagitan ng role play. Bigyan ng 15 minuto ang bawat pangkat upang maghanda . Basahin ang panuto at rubrik sa pagmamarka ng gawain . Pangkatang Gawain

Rubric para sa Role Play Kategorya 4 (Napakahusay) 3 (Mahusay) 2 (Katamtaman) 1 (Kailangang Pagbutihin) Pagganap ng Tauhan Ganap na nailarawan ang karakter, gamit ang naaangkop na emosyon, kilos, at boses. Nailarawan ang karakter nang maayos, bagamat maaaring may kaunting kakulangan. Nailarawan ang karakter ngunit kulang sa emosyon, kilos, o boses. Hindi malinaw ang paglalarawan sa karakter ; walang emosyon o tamang kilos. Kaangkupan sa Kasaysayan Napakahusay na naipakita ang mga makasaysayang detalye at konteksto ng sitwasyon. Maayos na naipakita ang mga makasaysayang detalye ngunit may kaunting kulang. May maling impormasyon o kakulangan sa pagpapakita ng mga detalye. Hindi malinaw o maling paglalarawan ng mga makasaysayang detalye. Pakikipag-ugnayan Epektibo ang pakikipag-ugnayan sa ibang tauhan ; maayos ang daloy ng eksena . Maayos ang pakikipag-ugnayan ngunit may ilang bahaging kulang sa koordinasyon. May ilang hindi malinaw na bahagi ng interaksyon sa ibang tauhan. Hindi epektibo o magulo ang pakikipag-ugnayan sa ibang tauhan. Kreatibidad Napakahusay na ginamit ang mga props, costumes, o dialogue upang magbigay-buhay sa eksena. Gumamit ng sapat na creativity upang gawing mas makatotohanan ang eksena. Limitado ang creativity; hindi lubos na nagbigay-buhay sa eksena. Walang paggamit ng creativity; hindi nakatulong sa presentasyon. Kabuuang Presentasyon Malinaw, maayos, at organisado ang eksena; lubos na naiparating ang layunin ng role play. Maayos ang presentasyon, ngunit may ilang aspeto na maaaring pagbutihin. Hindi lubos na malinaw ang presentasyon; may mga aspeto ng eksena na magulo. Magulo at hindi organisado ang presentasyon ; hindi naiparating ang layunin .

Sa iyong pananaw , paano nakaapekto ang unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo sa kasaysayan ng mundo , at ano ang mga aral na maaari nating matutunan mula rito na mahalaga sa kasalukuyang panahon ? Paglalahat ng Aralin :

Multiple Choice Panuto : Basahin at unawain ang bawat tanong . Isulat ang titik ng tamang sagot . Pagtataya

1. Ano ang pangunahing dahilan ng mga Europeo sa pagsisimula ng kolonyalismo sa Asya? A. Pagnanais na magkaroon ng kasunduan sa mga katutubo B. Paghahanap ng kayamanan , pagpapalaganap ng Kristiyanismo , at paghahangad ng katanyagan C. Pagtuturo ng kanilang wika sa ibang mga bansa D. Pagpapalaganap ng sistemang demokrasya sa ibang mga bansa   2. Anong aklat ang nagsilbing inspirasyon sa mga Europeo upang galugarin ang Asya? A. The Travels of Marco Polo B. Wealth of Nations C. The Prince D. The Art of War    

3. Anong bansa ang nanguna sa eksplorasyon at pagtuklas ng bagong lupain sa pamumuno ni Prinsipe Henry “The Navigator”? A. Espanya B. Portugal C. Netherlands D. France 4. Ano ang naging epekto ng unang yugto ng kolonyalismo sa mga bansang sinakop ? A. Pag- unlad ng kanilang sariling industriya nang walang impluwensya mula sa mga dayuhan B. Pagkakaroon ng ganap na kalayaan mula sa mga mananakop C. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo , pagkawasak ng tradisyunal na lipunan , at kontrol sa kalakalan D. Mas malayang pakikilahok sa pandaigdigang kalakalan nang walang panghihimasok ng mga dayuhan

5. Ano ang pangunahing itinakdang kasunduan sa pagitan ng Espanya at Portugal upang hatiin ang kanilang nasasakupan ? A. Kasunduan sa Paris B. Kasunduan sa Versailles C. Kasunduan sa Tordesillas D. Kasunduan sa Westphalia

Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa kung paano natin nagagamit ang mga natuklasan ng mga manlalayag sa ating kasalukuyang panahon .   Rubriks sa Pagmamarka : Nilalaman – 45% Kaayusan – 15% Pagpapaliwanag – 40% Kabuuan : 100% Takdang Aralin

-Libro; ’ Kasayasayan ng Daigdig ’-Abbey Rose A. Celada ’- Kasayasayan ng Daigdig ’-Celia D. Soriano -Internet (google.com-for pictures/youtube.com) Slidesgo.com - Gabay sa Pagtuturo ng Guro Sanggunian

Inihanda ni : Bb. Lyka T. Del Rosario AP 8 Teacher
Tags