GRACEZELCAMBEL1
2,108 views
39 slides
Aug 28, 2023
Slide 1 of 39
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
About This Presentation
KAHALAGAHAN NG PAGIGING KONTENTO SA BUHAY
Size: 43.88 MB
Language: none
Added: Aug 28, 2023
Slides: 39 pages
Slide Content
ARALIN 1. 4 : MAIKLING KWENTO mula sa France “Ang Kwintas ” -PANGHALIP NA ANAPORA AT KATAPORA
Hulaan Mo kasuotang Ipinakikita rito !
T_ _ I_ _ N _ THAILAND
_ _ A_ _ E FRANCE
G _ _ _ C _ GREECE
_ U _ _ _ A RUSSIA
S _ _ _ N SPAIN
V _ _ T _ _ _ VIETNAM
I _ _ _ A INDIA
Para sa iyo , ano-ano ang mga katangian ng isang huwarang babae at lalaki ? Magbigay ng tatlong katangian ?
Pangngalan Mo, Palitan Mo! Ang natural na kagandahan ni Ana ay lalong tumingkad nang ( siya’y , ito’y , nito’y ) magdalaga . Idagdag pa ang taglay na talino ( niya , kaniya , siya ). Kaya naman alagang-alaga ni Aling Girlie ang anak . Inaako ( nito , niya , siya ) ang lahat ng gawaing bahay para hindi masira ang magagandang hubog ng daliri ng ( niyang , kaniyang , siyang ) anak .
ANG BANSANG FRANCE
A ng kultura ng France ay naimpluwensiyahan ng Celtic at Gallo-Roman Culture, gayundin ang Franks , isang tribong German . Ang France ay una nang tinawag na Rhineland subalit noong panahon ng Iron Age at Roman era ay tinawag na Gaul . WIKA NG FRANCE - wikang French ang kanilang naging opisyal na wika . - Ti natayang 3% ng populasyon ay nagsasalita ng wikang German, - Italian naman ang ikalawang wika ng mga nakatira sa hangganan ng Italy, at Basque na ginagamit ng mga nakatira sa French-Spanish Border. - Arabic ang ikatlong pinakamalaking wikang ginagamit .
RELIHIYON NG FRANCE -KATOLIKO ang pangnahing relihiyon sa France. -Ang iba pang relihiyon ay Islam, Protestante at Judaism. PAGPAPAHALAGA NG MGA TAG A FRANCE - Chauvanism -male dominated culture -Egalite na nangangahulugang pagkakapantay-pantay -Motto ng bansang France; Liberte , Egalite at Fraternite .
LUTUIN - Pagkain at alak a ng sentro ng buhay sa lahat ng antas . - palaging may tinapay sa bawat oras ng pagkain . - keso ang pangunahing sangkap sa lahat ng lutuin . - Mataas na uri ng pagkain : boeuf bourguignon at coq au vin
PANANAMIT - Kilala ang Paris sa matataas na uri ng fashion houses Karaniwang damit ay mahahabang amerikana , terno , bandana at berets at malambot na sombrero.
SIN ING - naimpluwensiyahan ng Gothic, Romanesque Rococo, at Neoclassic
Dutch-born Vincent Van Gogh Mga Kilalang artist PABLO PICASSO - Sila ang nagpasimuno ng IMPRESSIONISM MOVEMENT
Louvre M useum ang pinakamalaking museum at tahanan ng mga kilalang gawang sining , kasama na ang Mona Lisa at Venus de Milo -
Mga Piyesta at Pagdiriwang Nagdiriwang ng pasko , at Mahal na araw , inaalala din nila ang May Day na kilala rin bilang Araw ng mga Mangagawa tuwing Mayo 1 at Araw ng Tagumpay sa Europa tuwing Mayo 8 bilang pag-alaala sa pagtatapos ng pakikipaglaban sa Europa. At Araw ng Bastille tuwing Hulyo 14.
MAIKLING KUWENTO - ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng maikling salaysay na kayang basahin sa iisang upuan lamang at nag- iiwan ng isang kakintalan sa mga mambabasa . DEOGRACIA S A. ROSARIO – ang itinuturing na “Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog. EDGAR ALLAN POE – ang maikling kuwento ay likha lamang ng guniguni na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap .
Mga Bahagi at Elemento ng Maikling Kwento A. SIMULA TAUHAN – sila ang gumaganap ng mahalagang papel sa kwento . TAGPUAN – ito ang lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari sa akda , kabilang ang oras o panahon . SULIRANIN- ang mga problemang kahaharapin ng mga tauhan sa akda .
Mga Bahagi ng Maikling Kwento B. GITNA 4. SAGLIT NA KASIGLAHAN- ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang kasangkot sa suliranin . 5. TUNGGALIAN- ang paglalaban ng mga tauhang kasangkot sa suliranin na maaaring laban sa sarili , sa tao , sa lipunan o kalikasan 6. KASUKDULAN – ang bahaging kapana-panabik sa akda .
Mga Bahagi ng Maikling Kwento C. WAKAS 7. KAKALASAN – ang bahaging unti-unting pagbaba ng tensiyon ng mga pangyayari mula sa kasukdulan . 8. KATAPUSAN – ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng akda na maaaring masaya , malungkot , pagkatalo o pagkapanalo ng pangunahing tauhan .
KWENTO NG TAUHAN - ang higit na binibigyang-diin ang paglalarawan sa pangunahing tauhan sa kuwento sa kaniyang kilos, paraan ng pagsasalita , kung paano siya mag- isip at kaniyang nararamdaman . TALASALITAAN Alindog = K_ _ _ _ _ _ _ _ N Lumbay = _U _ _ _ O _ Kahabag-habag = _ A _ _ _ - A_ _ Balintataw = I _ _ _ A _ Nagulumihanan = N _ _ _ L _ _ _ _
Mga Pangunahing Tauhan ; G. Loisel – asawa ni Mathilde Loisel - isang mabait , masipag , mapagmahal at mapagbigay na asawa ni Mathilde. Mathilde – asawa ni G. Loisel, na hindi kontento sa buhay na ibinibigay ng asawa . Madame Forestier – matalik na kaibigan ni Mathilde na hiniraman niya ng kwintas .
HALINA’T IBUOD NATIN
SAGUTIN NATIN ANG MGA TANONG: Bakit hindi masaya si Mathilde sa piling ng kaniyang asawa ? Ano ang ginawa ni G. Loisel upang mapapayag ang asawa na dumalo sa kasayahan ?
3. Ano-ano ang mga nais ni Mathilde sa kaniyang buhay ? 4. Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin mo upang matupad ang mga pangarap mo sa buhay ? 5. Ano ang dapat na ginawa ni Ma- thilde nang mawala ang kwintas ?
6. Ano ang suliraning inilahad sa akda ? 7. Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin mo matapos mong mala- man na imitasyon lamang ang hi- niram mong kwintas ? 8. Ibigay ang aral ng akda .
Panghalip na Anapora at Katapora ANAPORA- mga panghalip na ginaga - mit sa hulihan bilang panimula sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap . Halimbawa : Si Bonifacio ay isa sa mga bayaning Pilipino. Siya ay dakilang tunay .
Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang kulturang Pranses sa Paris. Ito ang sentro ng moda , pagluluto , sining at arkitektura . Ang France ay una nang tinawag na Rhineland. Kalaunan ito ay tinawag ding Gaul.
Si Mathilde ay kahali-halinang ba -bae na nagnanais ng marangyang buhay . Siya ay tunay na larawan ng babaeng hindi kontento sa buhay . Mabait at mapagbigay na asawa si G. Loisel para kay Mathilde. Naghaha -nap buhay siya ng mabuti upang mabili ang nais na damit ng asawa .
KATAPORA- mga panghalip na gina - gamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan . Halimbawa : Ito ay isang dakilang lungsod . Ang Maynila ay may makulay na kasaysayan .
Sila ay sopistikado kung manamit . Mahilig din sila sa masasarap na pag-kain at alak . Ang mga taga France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga kasayahan . Labis ang kaniyang kaligayahan nang maging tampulan siya ng paghanga sa sayawan.Nakadama si Mathilde ng lubos na tagumpay nang gabing iyon .
Para sa Awtput bilang 3 STORY BOARD- isang grapikong repre-sentasyon ng mga pangyayari sa pama-magitan ng mga larawan na inayos sa wastong pagkakasunod-sunod sa layu-ning buhayin sa isipan ang mga larawan .
Halimbawa ng Story Board
Pamantayan sa Pagmamarka : Makabuluhan at naiibang wakas -20 Pagkamalikhain -15 Daloy ng kaisipan -15 50 “ O kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon lamang , puwit lamang ng baso . Ang pinakamataas na maihahalaga roon marahil ay limang daang prangko .