Halimbawa Tao Sino’t anuman s a aklat at tinapay d apat mabuhay. Walang Klase Sabado, umaga ang mga batang kalye ay maaga .
Halimbawa Mangmang Sa mata’y dilim at hindi po liwanag ang tumatabing . Buhay Paikot-ikot s a karera ng mundo t uldok ang wakas.
Haiku Ang haiku ay maikling tula na pumapaksa sa mga bagay,tao o pangyayari na nagaganap sa paligid . Binubuo ito ng labimpitong na hinati sa tatlong linya .
Haiku I sang tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong pantig sa bawat taludtod . Ang unang taludtod ay may limang pantig , ikalawa’y pito at sa ikatatlo ay lima (5-7-5).
Haiku Noon ay tinatawag itong bokku . Ang nagbigay sa Haiku ng pangalan nito ngayon ay isang manunulat na hapones na si Masaoka Shiki sa katapusan ng ika-19 na siglo .
Senryu A ng senryu ay may katulad na porma ngunit pumapaksa lamang sa mga tao at relasyon nila sa mga bagay sa paligid .
Tanaga Samantala ang tanaga naman ay isang uri ng tula na may apat na taludtud . Binubuo ng pitong pantig sa bawat taludtud at naglalaman ng diwa ng makata . Kadalasan itong nagtataglay ng isang tugmaan ( a-a-a-a ).
Tanaga Ngunit ang mga makabagong tanaga ngayon ay kakikitaan na rin ng mga tugman na inipitan (a-b-b-a), salitan (a-b-a-b-a) at sunuran (a-a-b-b).
Tanaga I to ay bunga ng pagiging malikhain ng mga Pilipino at pagnanais na mapaunlad at madagdagan ang ating mayaman nang kultura , sining at literature.
Halimbawa Sipag Magsikhay nang mabuti sa araw man o gabi hindi mamumulubi mabubuhay na Hari