ARALING PANLIPUNAN 7 1st QUARTER (Obj2).pptx

DAHLIABACHO 0 views 34 slides Oct 20, 2025
Slide 1
Slide 1 of 34
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34

About This Presentation

A LESSON IN ARALING PANLIPUNAN GARDE 7 SPECIFICALLY FOR QUARTER 1


Slide Content

Katangiang Pisikal ng Asya ( MGA REHIYON NG ASYA )

LAYUNIN : Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko . (AP7HAS-Ia-1.1)

Alam mo bang ang kontinente ng Asya ay binubuo ng limang rehiyon . Ang bawat rehiyon ay nagtataglay ng iba’t ibang katangiang pisikal na nagbubunsod sa pagkakaroon ng iba’t ibang yamang taglay . Nais mo bang malaman ang mga bansang bumubuo sa bawat rehiyon sa Asya ? Ang mga ito ay ang sumusunod : West Asia ( Kanlurang Asya ) Southeast Asia ( Timog Silangang Asya ) South Asia ( Timog Asya ) Central/North Asia ( Hilagang Asya ) East Asia ( Silangang Asya )

Kanlurang Asya (Western Asia)

KANLURANG ASYA Asya : Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba , pp29 Nakalatag sa pangkontinenteng bahagi ng Asya at sa hilagang-Silangang bahagi ng Africa. Mabuhangin at mabato ang karaniwang lugar , madalas ang pagkatuyo ng mga ilog at lawa dahil sa sobrang init at walang masyadong ulan ang nararanasan dito . Nahahati ito sa tatlong rehiyong pisikal : NORTHERN TIER na lupain ng kabundukan at talampas . Ay matatagpuan ang ANATOLIAN PLATEAU na may matabang lupa . Kabaliktaran naman nito ang IRANIAN PLATEAU sa Silangang bahagi ng Northern Tier na may lupaing tuyo . Sa kanluran ng Northern Tier ARABIAN PENINSULA na isang malawak na tangway na napaliligiran ng iba’t ibang anyong tubig ngunit ang loob na bahagi ay salat sa tubig dahil disyerto ang malaking bahagi nito . At ang FERTILE CRESCENT na nagtataglay naman ng matabang lupa at saganang suplay ng tubig .

Bansa Kabisera Monetary Unit Land Area Turkey Ankara Turkish Lira 779,452 sq.km 2. Cyprus Nicosia Cyprus Pounds 9,251 sq. km 3. Lebanon Beirut Lebanese Pound 10,452 sq. km 4. Syria Damascus Syrian Pound 185,180 sq. km 5. Iran Tehran Iranian Rial 1,648,000 sq. km 6. Iraq Baghdad Iraqi Dinar 438,317 sq. km 7. Israel Jerusalem Shekel 21,946 sq. km 8. Jordan Amman Jordanian Dinar 89,556 sq. km 9. Saudi Arabia Riyadh Saudi Rial 2,240,000 sq. km 10. Kuwait Kuwait City Kuwaiti Dinar 17,818 sq.km 11. Yemen Sana'a Yemeni Rial 527,970 sq.km 12. Oman Muscat Rial Omani 309,500 sq.km 13. Qatar Doha Qatari Rial 11,427 sq.km 14. United Arab Emirates (UAE) Abu Dhabi UAE Dirham 83,600 sq.km 15. Bahrain Manama Bahraini Dinar 707 sq.km MGA BANSA SA KANLURANG ASYA

Southeast Asia ( Timog Silangang Asya )

TIMOG –SILANGANG ASYA Asya : Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, p.30 Ang kahabaan ng Timog-Silangang Asya ay makikita sa Timog ng China at Japan. India sa Hilagang kanluran at Pacific Ocean sa Silangang bahagi . Mayroon itong magubat na kabundukan sa may gawing hilaga ng rehiyon at mga lambak ilog naman sa Timog dahil kaaya-aya ang klima nito . May matabang lupa ang mga kapatagan

Mayroon itong dalawang bahagi : ANG PANGKONTINENTENG TIMOG SILANGANG ASYA o Mainland Southeast Asia ito ay isang tangway na nasa pagitan ng South China Sea at Indian Ocean. Ang malaking bahagi ng lupain ay kabundukan at manaka-nakang nagtataasang talampas mula sa Himalayas hanggang sa katimugang bahagi ng China na siyang naghihiwalay sa bahaging ito ng South East Asia sa ibang rehiyon . Ang lupaing ito ay dinadaluyan ng mga ilog ng Irrawaddy, Salween, Chao Phraya at Red River.

B. ANG PANGKAPULUANG TIMOG-SILANGANG ASYA o Insular Southeast Asia ay binubuo ng mga kapuluang nakalatag sa karagatan kabilang ang mga isla ng Pilipinas , Indonesia at East Timor. Ang ilan sa mga kapuluang ito ( kabilang ang Japan) ay kabilang sa rehiyong PACIFIC RING OF FIRE hitik sa mga bulkan ang lugar . Maari itong magdulot ng paglindol dahil sa kanilang pagsabog ,

MGA BANSA SA TIMOG SILANGANG ASYA Bansa Kabisera Monetary Unit Land Area 1. Philippines Manila Philippine Peso 300,000 sq.km 2. Indonesia Jakarta Indonesian Rupiah 1,904,443 sq. km 3. Malaysia Kuala Lumpur Ringgit or Malaysian Dollar 329,758 sq. km 4. Thailand Bangkok Baht 513,115 sq. km 5. Singapore Singapore City Singapore Dollar 648 sq. km 6. Vietnam Hanoi Dong 331,690 sq. km 7. Laos Vientiane New Kip 236,800 sq. km 8. Cambodia Pnom Penh Cambodian Riel 181,085 sq. km 9. Myanmar (Burma) Rangoon Kyat 676,552 sq. km 10. Brunei Darussalam Bandar Seri Begawan Brunei Dollar 5,765 sq.km 11. Timor Leste Dili US Dollar 18,900 sq.km

South Asia ( Timog Asya )

TIMOG ASYA Asya : Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, p29 Ito ay may anyong hugis tatsulok . Ang Timog Asya ay may hangganang Indian ocean at Kabundukan ng Himalayas sa hilaga . Sa kanlurang bahagi g rehiyon nakalatag ang mga bansang Afghanistan, Pakistan at India, sa Silangan ay Bangladesh, sa dakong hilaga at ang mga bansang Nepal at Bhutan at ang mga pulo ng Sri Lanka at Maldives sa Timog . Mabundok ang topograpiya ng rehiyong ito . Sa hilagan bahagi ay makikita ang hanay na mga bundok ng Hindu Kush ng Afghanistan, Karakoran Range sa Pakistan at China at ang Himalayas sa Nepal.

Sa Hindu Kush makikita ang kilalang landas ng Khyber Pass. Sa katimugang bahagi nito nakalatag ang Indo- Gangentic Plain at ang Deccan Plateau. Ang Thar Desert sa gawing kanluran . Sa kanluran at Silangan ng Hindu Kush makikita ang kabundukan ng Ghats (Western side: ay nasa panig ng Arabian Sea at ang Eastern Ghats ay nasa panig naman ng Bay of Bengal. Ang Indus Ganges at Brahmaputra na ilan sa malalaking ilog sa daigdig ay nasa Timog Asya . Mainit ang rehiyon na ito maliban sa mga kabundukan na nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo .

MGA BANSA SA TIMOG ASYA Bansa Kabisera Monetary Unit Land Area India New Delhi Indian Rupee 3,195,596 sq.km 2. Pakistan Islamabad Pakistani Rupee 796,095 sq. km 3. Afghanistan Kabul Afghani 652,225 sq. km 4. Bangladesh Dacca Taka 147,570 sq. km 5. Nepal Kathmandu Nepalese Rupee 147,181 sq. km 6. Bhutan Thimphu Ngultrum 47,000 sq. km 7. Sri Lanka Colombo Sri Lankan Rupee 65,610 sq. km 8. Maldives Male Rufiyaa 298 sq. km

Asiatic Russia ( Hilagang Asya)

HILAGANG ASYA Asya : Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,p.28 Ang kabundukan ng Ural na nasa rehiyong iyo ang humahati sa mga continent ng Europe at Asia. Ang Bering Sea ang nag- uugnay sa Hilagang Asya at Alaska. Ang rehiyong ito ang may pinakamahabang Panahon ng taglamig at napakaikling tag- init hindi kayang tumubo sa kalakhang bahagi nito ang anumang punong kahoy . Sa ilang bahagi ng rehiyong ito ay may malalawak na damuhan na may iba’t ibang anyo (steppe, prairie at savanna) at may kaunting bahagi ng boreal forest o taiga na may kagubatang coniferous. Bunsod ito ng malamig na klima sa rehiyon .

Bansa Kabisera Monetary Unit Land Area 1. Kyrgyzstan Bishkek Som 198,500 sq. km 2. Uzbekistan Tashkent Sum 447,400 sq. km 3. Tajikistan Dushanbe Tajik Ruble 143,100 sq. km 4. Kazakhstan Astana Tenge 2,717,300 sq. km 5 . Turkmenistan Azqabat Turkmen Manat 488,100 sq. km 6. Georgia T’bilisi Georgian Lari 69,700 sq. km 7. Armenia Yerevan Dram 29,800 sq. km 8. Azerbaijan Baku Manat 86,600 sq.km MGA BANSA SA HILANGANG ASYA

Far East (Silangang Asya)

Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng rehiyong ito partikular na ang China na sumasakop ng 20% na sukat ng kontinente ng Asya . Ang mga bansang Japan at Korea ay halos 5% ng lupain ng rehiyong ito . Ang rehiyon ay may mga pisikal na hangganan tulad ng Gobi Desert, Mongolian Tibetan Plateaus at ang Himalayas. Nasa Silangan naman ng rehiyon ang Pacific Ocean. Sa pangkalahatan , matataba ang mga kapatagan dito , malalalim ang mga lambak at matataas ang mga bundok . Bagamat malawak ang China, ang mga naninirahan dito ay nagsisiksikan sa silangang bahagi ng bansa na isang kapatagan hindi tulad ng kanlurang bahagi nito na binubuo ng mga kabundukan at talampas . . FAR EAST (EAST ASIA) Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,p.30

Ang mga Ilog Huang Hu, Yang Tze at Xi Jiang ay ang tatlong pinakamahahalagang ilog sa pamumuhay ng mga Tsino dahil sa nagpapataba ito ng lupain at ginagamit na ruta sa pakikipagkalakalan . Samantala , sa pamamagitan ng Sea of Japan at Korean Strait, ang bansang Japan ay nahihiwalay sa mismong lupain ng Silangang Asya . Nasa maliit na bahagi lamang ng Japan ang malaking populasyon nito sapagkat mahigit na 80% ng lupain ng Japan ay kabundukan .

Bansa Kabisera Monetary Unit Land Area Mongolia Ulaan Bator Tugrik 1,566,500 sq. km 2. China Beijing / Peking Yuan 9,571,300 sq. km 3. South Korea Seoul South Korean Won 99,268 sq. km 4. North Korea Pyongyang North Korean Won 120,538 sq. km 5. Japan Tokyo Yen 377,837 sq. km 6. Taiwan Taipei New Taiwan Dollar 36,000 sq. km MGA BANSA SA SILANGANG ASYA

Gawain 1: Kaya Ko To! Panuto : Tukuyin mo kung saang rehiyon napapaloob ang sumusunod na bansa . Isulat ang HA para sa Hilagang Asya , SA sa Silangang Asya , TSA sa Timog Silangang Asya , KA sa K anlurang Asya at TA para sa Timog Asya . Isulat ang sagot sa sagutang papel . ________1. Kazakhstan _________6. Maldives ________2. India _________7. Japan ________3. Saudi Arabia _________8. Thailand ________4. Vietnam _________9. Lebanon ________5. China _________10. Tajikistan

Q U I Z

Gawain 2: Fact o Bluff Panuto : Suriin ang sumusunod na pangungusap kung ito ay TAMA o MALI tungkol sa paghahating heograpikal ng Asya . Isulat ang FACT kung ang pahayag ay TAMA at BLUFF kung ang pahayag ay MALI. Isulat ang sagot sa sagutang papel . Ang kontinente ng Asya ay binubuo ng limang rehiyon . 2. Ang Hilagang Asya , Timog Silangang Asya , Kanlurang Asya , Timog Asya at Kanlurang Asya ang mga rehiyong bumubuo sa Asya .

3. Ang bansang Pilipinas , Thailand, Vietnam at Myanmar ay matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Asya . 4. Ang Timog Silangang Asya ay binansagang Farther India at Little China dahil sa impluwensiya ng mga nasabing bansa sa rehiyong ito . 5. Ang Hilagang Asya ay kilala rin sa katawagang Central Asia o Inner Asia.

6. Isinaalang-alang sa paghahati ng mga rehiyon sa Asya ang aspektong pisikal , kultural at historikal . 7. Ang Insular Southeast Asia ay binubuo ng mga bansang Pilipinas , Indonesia, Malaysia at Brunei.

8. Ang mga bansang Nepal, Bhutan, Maldives at Sri Lanka ay bahagi ng Timog Asya . 9. Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng dalawang subregions: Ang Mainland at Insular Southeast Asia. 10. Sa rehiyon ng Timog -Silangan napapabilang ang bansang Pilipinas .

Gawain 3: Concept Organizer Panuto : Punan ng tamang kasagutan ang concept organizer. Ilagay ang mga rehiyong bumubuo sa Asya . Gawin ito sa sagutang papel .

GAWAING BAHAY:

Gawain 6: Bayan Mo, Ilista Mo! Panuto : Sa gawaing ito , ililista mo lamang ang mga Bayan na napapaloob sa iyong lalawigan . Maaari mong ilista lahat ng Bayan. Ilagay ang iyong kasagutan sa iyong sagutang papel .
Tags