Compas – Ang pangunahing gamit nito ay ang pagtukoy ng direksyon kung saan ang north, south, east, at west. Astrolabe – Ginagamit din sa paglalayag at ang pangunahing gamit nito ay pagtukoy ng oras . Sextant - Ginagamit sa mga barko upang sukatin ang anggulo sa pagitan ng isang celestial body ( tulad ng araw , buwan , o isang bituin ) at ang horizon. Ang pagsukat na ito ay ginagamit upang matukoy ang latitude at longitude.
Kolonyalismo – isang Sistema kung saan ang isang bansa ay sumasakop at nagtatayo ng mga paninirahan sa isang dayuhang teritoryo .
Imperyalismo – Isang patakaran o ideolohiya ng pagpapalawak ng kapangyarihan at impluwensiya ng isang bansa sa pamamagitan ng pananakop , pampulitikang control, o ekonomikong dominasyon .
Neokolonyalismo – Isang hindi direktang paraan ng pagkontrol sa isang bansa sa pamamagitan ng ekonomikong , pampulitika , o kultural na impluwensiya , kahit na ito ay mayroon nang pormal na kalayaan .
Mga Layunin : Kolonyalismo – Upang kontrolin ang likas na yaman , lakas-paggawa , at merkado ng ng kolonya para sa kapakinabangan ng mananakop .
Imperyalismo – Upang palakasin ang kapangyarihan at prestihiyo ng imperyong bansa .
Neokolonyalismo – Upang patuloy na pakinabangan ang yaman at lakas-paggawa ng isang bansa nang hindi kinakailangan ang direktang pananakop .
Concession - ay ang pagbibigay ng pahintulot sa mananakop na gamitin ang teritoryo at likas na yaman ng mahinang bansa na may eksklusibong karapatan para sa kanilang pansariling interes . Ang extra-territoriality ay kasunduan sa pagitan
ng mananakop at mahinang bansa kung saan paiiralin ang batas ng mga mananakop sa sa mga piling teritoryo na kabilang sa concession.