Mona Lisa, Leonardo da Vinci (1503) Ang Mona Lisa ay kilalang-kilala sa buong mundo dahil sa kakaibang ekspresyon ng babae sa painting. Napaka -precise ng paggamit ng kulay , liwanag , at shadow ni Leonardo da Vinci. Ang obra maestra ay nagpapakita ng naturalismo at realism na makikita sa detalyado nitong pagguhit ng muka at background. The Creation of Adam, Michelangelo (1512) Ang The Creation of Adam ay isang napakagandang fresco na makikita sa Sistine Chapel. Kamangha-mangha ang paraan ng pagpapakita ni Michelangelo ng koneksiyon sa pagitan ng Diyos at tao gamit ang komposisyon , kulay , at galaw ng katawan . Makikita rito ang malalim na relihiyosong tema ng pagpapanganak ng sangkatauhan . The School of Athens, Raphael (1509–1511) Ang The School of Athens ay obra maestra na punong- puno ng katalinuhan . Ipinapakita rito ang mga dakilang pilosopo at siyentipiko ng sinaunang Grecia. Napakaganda ng perspektibo , detalye , at iba't-ibang ekspresyon ng mga tao . Pinapakita dito ang pagpapahalaga sa edukasyon , pilosopiya , at agham .