ang pagaarl tungkol sa kontemporaryong isyu ng lipunan
Size: 2.18 MB
Language: none
Added: Oct 03, 2025
Slides: 38 pages
Slide Content
Aralin 1 ANG KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MGA KONTEMPORARYONG ISYU
Maraming isyu , hamon at suliraning kinakaharap ang ating bansa sa kasalukuyan . Ang ilan sa mga suliraning nararanasan sa bansa ay maituturing na mga kontemporaryong isyu . PANIMULA
SURIIN ANG MGA LARAWAN
ANO ANG KONTEMPORARYONG ISYU? Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari , ideya , opinyon , o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon . lto ay napag-uusapan, nagiging batayan ng debate, at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.
Ang mga isyung ito ay maaaring may kaugnayan sa mga temang tulad ng lipunan, karapatang pantao , relihiyon , ekonomiya , politika,kapaligiran , edukasyon , o pananagutang pansibiko at pagkamamamayan .
Hindi lahat ng isyu ay negatibo at nagiging suliranin ; may ilang isyu rin na may positibong epekto at nagkakaroon ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan TANDAAN!
KONTEMPORARYONG ISYU PERSONAL NA DAMDAMIN MGA MAAARING GAWIN PINAGMULAN EPEKTO KAHALAGAHAN IBA’T IBANG PANANAW MGA PAGKAKAUGNAY MGA SANGGUNIAN
KAHALAGAHAN Bakit mahalaga ang isyu ? Sino anq tumuturing na mahalaga ang mga ito ? Sino ang naaapektuhan ng isyu ? Sino ang nakikinabang sa isyu? Sino ang napipinsala ng isyu? Kailan / Saan / Paano nagsimula ang isyu ?
MGA SANGGUNIAN pahayagan Saksi magasin Dokumento radyo Telebisyon Babasahing artikulo aklat Internet impormal na talakayan ( sa bahay o sa komunidad ) pormal na talakayan (sa paaralan o sa pamayanan )
PINAGMULAN Gumamit ba ito ng iba’t ibang sanggunian , kabilang ang mga pangunahing sangggunian o primary sources, upang mapag-aralan ang isyu ? Mapagkakatiwalaan ba ang mga sangguniang nagpapaliwanag ng isyu ? Paano itinuturing ng media ang isyung nabanggit ?
PERSPEKTIBO/PANANAW Paano nagkakaiba ang mga pananaw sa isyung ito ?( Halimbawa:perspektibong pangkapaligiran , pang- ekonomiya , politikal , panlipunan , at iba pa) Aling mga pananaw ang maipaglalaban sa isyu ? Bakit ? Kaninong mga pananaw ang hindi napakikinggan ? Ano ang papel ng media sa paglikha o pagpapalaganap ng isyung ito ?
PAGKAKA-UGNAY Paano nabago ang isyung ito sa paglipas ng panahon ? Ano-ano ang maaaring maging konsiderasyon sa hinaharap? Paano maiuugnay ang isyung panlipunan , o pang- ekonomiya sa iba pang mga isyung pangkapaligiran ? Ang isyu bang ito ay bahagi ng isa pang mas malawak na isyu o suliranin ? Paano naaapektuhan ng isyung ito ang kapaligiran ? Ekonomiya ? Lipunan ? Kalidad ng buhay ? Bakit nananatiling suliranin ang isyung ito ?
PERSONAL NA DAMDAMIN Ano ang pakiramdam tungkol sa isyu matapos ang pagsusuri tungkol dito ? Paano kaya naiwasan o napigilan ang isyung ito ? Ano-ano ang maaaring ibang nagawa ? Ano-ano pang tanong ang kailangang masagot?
EPEKTO Pangkapaligiran , Panlipunan , politikal , pang- ekonomiya Ano ang nagaganap sa lokal , pambansa , at pandaigdigang lebel tungkol sa isyu ? Ano - anong pagkilos ang isinasagawa ng mga mamamayan . negosyante , at iba pang mga pangkat tungkol sa isyu? Ano-ano ang posibleng pangmadalian at pangmatagalang epekto ng mga pagkilos tungkol sa isyu ?
MAAARING GAWIN Ano ang magagawa o dapat gawin tungkol sa isyu ? Sino ang dapat kumilos tungkol sa isyu ? Ano-ano ang balakid o pagtataya sa pagkilos tungkol sa isyu? Ano ang maitataya tungkol sa isyu ? Paano kikilos tungkol sa isyu? Paano mahihikayat ang ibang tao na kumilos tungkol sa isyu ?
MGA KONTEMPORARYONG ISYU SA BANSA AT SA MUNDO
Abortion Age Discrimination AIDS Animal Rights Anti Muslim Discrimination Chemical Weapons Chemical Waste Child Abuse Child Labor Climate Change/ Global Warming B
Balanced Budget Birth Control Bullying Capital Punishment/ Death Penalty Civil War/ Ethnic Conflict/Religious Conflict Computer Hacking Corporal Punishment I
Cyberbullying Disaster Relief Discrimination Domestic Violence Drinking and Driving Freedom of Religion and Belief Gambling Gay Rights Genetic Engineering Genetically Modified Food I
Drug Abuse/Drug Addiction Economic Integration Environmental Pollution Euthanasia/Mercy Killing/Assisted Suicide Globalization Global Health Pandemics Graft and Corruption N
Gun Control Hazing Homelessness Human Rights’ Violations Human Rights and Equality for Women Minimum Wage and Equal Pay Minorities Multiculturalism Organ and Body Donation N
Population and Migration Trends Prostitution Pornography Poverty Racism Sexual Harrasment Sexual Orientation and Gender Identity Single Parenting Sustainable Development G
Rape Reproductive Health Right to Work Same-Sex Marriage Sex Trade Teen Pregnancy Territorial Dispute Terrorism Texting while Driving Torture O
Unemployment Union Busting Vigilantism Violence in Video Games Voter Disenfranchisement Wife Abuse Weapons of Mass Destruction World Hunger O
GAWAIN 1: BINGO BONANZA Ang mga mag- aaral ay gagawa ng BINGO ng mga kontemporaryong isyu na makikita sa mga naunang slides. Ang guro ay pipili ng random ng mga kontemporaryong isyu at lalagyan naman ito ng tanda ng mga mag- aaral . Ang unang tatlong mag- aaral na makabubuo ng straight at diagonal na pattern ay BINGO at magkakamit ng premyo mula sa guro .
Ang apat na pangkat sa klase ay bubuo ng isang tableau ng mga sumusunod na kontemporaryong isyu . Ang mga mag- aaral ay bibigyan ng marka batay sa rubrik ng pagmamarka na makikita sa ibaba : Kaugnayan sa paksa at layunin – 10 puntos Pagkamalikhaan – 5 puntos Kooperasyon – 5 puntos GAWAIN 2: TABLEAU
ANIMAL RIGHTS TABLEAU
TEEN PREGNANCY TABLEAU
CHILD LABOR TABLEAU
ABORTION TABLEAU
Ano ang kahalagahan ng pagiging maalam at handa sa mga kasalukuyang pangyayari sa ating kapaligiran ? Ipaliwanag . Ano ang kaugnayan ng mga isyu at hamon panlipunan sa inyo bilang isang mag- aaral ? Sa paanong paraan kayo naapektuhan nito ? Magbigay ng mga mungkahing solusyon upang matugunan ang mga ito . PAGPAPAHALAGA
PAGLALAHAT
1. Ang kontemporaryong isyu ay mga napapanahong usapin na nangangailangan ng agarang pagtugon upang maging matiwasay at maayos ang pamumuhay ng mga tao . Isa sa mga isyung pambarangay ay ang tambak na basura sa paligid dahil sa hindi regular na pagdaan ng trak ng basura . Paano agarang matutuguanan ang problema sa basura ? (analysis) A. sa pamamagitan ng araw-araw na pag-iikot ng trak upang maghakot ng basura B. sa pamamagitan ng pagbili ng malalaking basurahan na ilalagay sa bawat bahay C. sa pamamagitan ng organisadong pagtatapon upang malimitahan ang ituturing na basura D. sa pamamagitan ng pagtitipid sa mga bilihin upang walang masyadong basura sa bahay PAGTATAYA
2. Si Roman ay isang tipikal na kabataan na madaming pangarap sa buhay at nagnanais iahon sa hirap ang pamilya . Siya ay madaming kaibigan at mahilig sa paglalaro ng basketbol . Dahil dito , madalas syang lumiliban sa klase na nagiging sanhi sa kawalan ng sapat na kakayanan upang makabasa at makasulat na naaayon sa kanyang baitang . Bakit nararapat na bigyan ito ng agarang pansin A. upang maiwasan ang pagdami o pagtaas ng bilang ng mga kabataang walang trabaho sa hinaharap B. upang maiwasan na maging modelo sya ng madaming kabataang mahilig din maglaro ng basketbol C. upang siya ay muling mahikayat na sipagin pumasok kahit na naglalaro ng basketbol D. upang maging inspirasyon nya ang mga pangyayari sa kanyang buhay at maging inspirasyon sa iba PAGTATAYA
3. Ang problema sa ating kapaligiran ay isang malaking isyu na kinahaharap sa ating bansa . Ang matinding polusyon sa lupa , hangin at tubig na nagdudulot ng matinding pagbaha , matinding tagtuyot at pagguho ng lupa ay ilan lamang sa nararanasan sa ating bansa . Alin ang posibleng maapektuhan ng mga nabanggit na problema ? A. kapayapaan at kalusugan B. kalakalan at kabuhayan C. kultura at kabuhayan D. kalikasan at kapayapaan PAGTATAYA
4. Ang mga Pilipino ay kilalang masiyahin sa kabila ng madaming problemang kinahaharap . Bagaman problemado , alerto sa pagtanggap at muling pagbangon sa mga hamon at nagaganap sa kapaligiran . Mahalaga bang maging maalam at handa sa mga kasalukuyang nangyayari sa ating kapaligiran ? A. Hindi, sapagkat maaga kang mamumulat sa kasamaan ng madaming tao sa paligid mo B. Oo , sapagkat maaari mo itong maging basehan upang iwasan ang mga posibleng panganib C. Hindi, sapagkat bilang mag- aaral wala pa ding saysay ang mga opinyon mo sa mas nakatatanda D. Oo , sapagkat marapat lamang na madami kang masabi sa mga talakayan ninyo sa silid-aralan PAGTATAYA
5. Si Abigail bilang isang tipikal na kabataan ay nagnanais na maging huwaran sa lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng may katwiran . Siya ay nag- aaral ng mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan . Darating ang panahon siya ay magiging kabahagi nito . Kung ikaw si Abigail, ano ang bahaging gagampanan mo bilang mamamayan sa pagharap sa isyu at hamong panlipunan ? A. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan B. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan PAGTATAYA
SANGGUNIAN Araling Panlipunan 10 – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2017