Araling Panlipunan MODULE 6 lesson for quarter 2.pptx

hildamapanao1 1 views 83 slides Oct 05, 2025
Slide 1
Slide 1 of 83
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65
Slide 66
66
Slide 67
67
Slide 68
68
Slide 69
69
Slide 70
70
Slide 71
71
Slide 72
72
Slide 73
73
Slide 74
74
Slide 75
75
Slide 76
76
Slide 77
77
Slide 78
78
Slide 79
79
Slide 80
80
Slide 81
81
Slide 82
82
Slide 83
83

About This Presentation

to be used in AP class


Slide Content

ARALING PANLIPUNAN 6

MUSIC Module 6

5 Minutes Reading

nagsilikas

kahilingan

pagmamalupit

Mahistrado

pinaparusahan

mailigtas

collaborator

DAY 3

Mga Patakaran at Resulta ng Pananakop ng mga Hapones

Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ito ay totoong nangyari sa pananakop ng mga Hapones at MALI naman kung hindi . SIMULAN

1. Masaya ang mga Pilipino noong panahon ng mga Hapones sa Pilipinas . 2. Sagana sa pagkain ang mga tao noong panahon ng mga Hapones sa Pilipinas . 3. Natamasa ng mga Pilipino ang kanilang mga karapatan . MALI MALI MALI

4. Takot ang namayani sa mga Pilipino noong panahon ng mga Hapones dahil sa pagpapahirap sa kanila . 5. Tinawag na Panahon ng Kadiliman ang pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas. 6. Maraming Pilipina ang inabuso at naging Comfort Women ng mga Hapones . TAMA TAMA TAMA

7. Marami ang ipinatayong mga tulay , daan , gusali , at mga bahay noong panahon ng mga Hapones . 8. Dahil sa kalupitan ng mga Hapones , nagpalipat-lipat ng tirahan ang maraming Pilipino. 9. Nagkaroon ng tag- gutom sa Pilipinas sapagkat napalitan ng bulak ang tanim na palay sa mga sakahan . 10. Bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas . MALI TAMA TAMA TAMA

Pamamahala ng mga Hapones sa Pilipinas

Sa gitna ng labanan ay nagsilikas patungong Bataan ang mga pinunong Amerikano at Pilipino. Ibinilin ni Pangulong Quezon kina Jose P. Laurel at Jorge B. Vargas ang pangangalaga sa pamahalaan , gayundin ang pagbibigay ng anumang kahilingan ng mga Hapones maliban sa panunumpa ng katapatan dito .

Marami sa mga pinunong Pilipino ang nakaranas ng pagmamalupit sa kamay ng mga Hapones dahil sa hindi pagsunod sa mga ito . Isa na rito si Punong Mahistrado Jose Abad Santos na pinarusahan ng kamatayan dahil sa hindi pakikipagtulungan sa mga pinunong Hapones .

Sa panahong ito , nahati ang mga pinunong Pilipino: yaong mga nakipagtulungan sa mga Hapones upang mailigtas ang sarili sa mga maaaring kaparusahang ipataw sa kanila ng mga mananakop

b. yaong nakipagtulungan upang hindi na higit pang pahirapan ng mga Hapones ang mga mamamayang Pilipino. Tinagurian silang mga collaborator .

Reorganisasyon ng Pamahalaan - Itinalaga ni Heneral Masaharu Homma noong Enero 23, 1942 si Jorge B. Vargas bilang tagapangulo ng Philippine Executive Commission (PEC) . Ang PEC ay itinatag bilang pansamantalang katiwalang pamahalaan ng Maynila, at nang lumaon ay ng buong Pilipinas .

Kasunod ang pagkilala sa pambansang pamahalaan bilang pamahalaang sentral o Central Administrative Organization . Sa ilalim ng Central Administrative Organization ay anim na kagawaran ang pinamumunuan ng mga Pilipino. Ang mga hinirang na kalihim ay mula sa rekomendasyon ni Vargas na inaprubahan ng Commander-in-Chief ng imperyo ng bansang Hapon .

Sa kabila nito , ang kanilang pamumuno ay nasa ilalim ng masusing pagmamatiyag ng mga tagapayong Hapones . Ang lahat ng kautusan at pagpapatupad ng mga batas ay kailangan munang may pagsang-ayon mula sa mga pinunong mananakop .

DAY 4

5 Minutong Pagbabasa

Corregidor

impluwensiya

pansibiko

propaganda

Co-Prosperity Sphere

ehekutibo

Pambansang Asamblea

Pagtatatag ng KALIBAPI Sa pagbagsak ng Bataan at Corregidor, nagpatuloy pa rin ang sunud-sunod na labanan sa iba-ibang panig ng Pilipinas . Patuloy din ang pagbabalangkas ng mga Hapones sa pamahalaan upang tuluyang maalis ang bakas ng kapangyarihan at impluwensiya ng mga Amerikano sa bansa .

Isang hakbang tungo sa pagbabagong ito ay naganap noong Disyembre 4, 1942 nang buwagin at ipagbawal ang lahat ng partidong politikal sa bansa . Dahil dito , itinatag ang pansibikong samahan na tinawag na Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas o KALIBAPI sa bisa ng Proclamation No. 109 na ipinalabas ni Vargas noong Disyembre 8. Ito ang tanging lapian o partidong pinahintulutan noong panahong iyon .

Naging malaking tulong ang KALIBAPI sa pagsusulong ng pananakop ng bansang Hapon sa Pilipinas . Sila ang punong-tagapalaganap ng mga patakaran ng mga Hapones sa bansa . Gamit ang islogan na “ Pilipinas para sa mga Pilipino,” sinundan nila ang propaganda ng bansang Hapon bilang kasapi ng Co-Prosperity Sphere .

Nagsilbi itong tagapangalap ng manggagawa para sa bagong pamahalaan . Itinalaga bilang Direktor-Heneral si Benigno S. Aquino Sr.; si Pio Duran bilang Kalihim-Heneral ; at si Benigno Ramos (ng dating partidong Ganap , isang makabansang Hapon na lapian ) bilang pangalawa sa komando .

Ang tatlong pinunong ito ay umikot sa buong Pilipinas upang himukin ang mga mamamayan na magtatag ng kanilang lokal na lapian habang itinataguyod ang mga bagong patakaran ng mananakop na Hapones .

Opisyal na naging partido ang KALIBAPI noong Mayo, 1944 at higit na naging malinaw ang pakikibahagi nito sa usaping pampamahalaan . Ilan sa mga pinakamahahalagang ambag ng lapian sa Pilipinas sa panahon ng mga Hapones ay ang sumusunod :

1. pagtatatag ng Preparatory Commission for Philippine Independence at paghahalal ng 20 kasapi nito ; 2. pagratipiko ng Saligang Batas ng 1943, sa tulong ng PCPI; 3. pagkakahalal ng mahigit kalahating kasapi ng Pambansang Asemblea ;

4. pagtataguyod ng wikang Pilipino bilang opisyal na wika ng bansa; at 5. pagiging instrumento upang mahirang na unang pangulo ng Ikalawang Republika si Jose P. Laurel.

Ang Preparatory Commission for Philippine Independence Bilang patunay na tapat ang kanilang pangakong kalayaan at upang makuha ang tiwala ng mga Pilipino ay naisip ng mga Hapones na maghirang para sa isang mataas na posisyon ng isang pinunong Pilipino na susundin at paniniwalaan ng mga mamamayan .

Una itong inalok kay Manuel Roxas ngunit tinanggihan niya ito dahil sa kaniyang humihinang kalusugan . Inalok naman ito kay Jose P. Laurel at agad namang tinanggap nito . Sa bisa ng kautusan ng iperyong Hapon sa KALIBAPI ay itinatag nito ang Preparatory Commission for Philippine Independence o PCPI noong Hunyo 20, 1943.

Inihalal na pangulo ng komisyon si Laurel, at sina Benigno Aquino Sr., at Ramon Avanceńa ang mga pangalawang pangulo . Tungkulin ng PCPI ang magbalangkas ng bagong Saligang Batas para sa itatatag na bagong republika .

Ang Saligang Batas ng 1943 Gamit ang Saligang Batas ng Pamahalaang Komonwelt bilang huwaran , binalangkas ng PCPI ang bagong Saligang Batas ng Pilipinas . Nilagdaan ito noong Setyembre 4, 1943 ng 20 kasapi ng PCPI, at pinagtibay noong Setyembre 7.

Sa bisa ng mga Executive Order ay nagkaroon ng halalan para sa mga kasapi ng Pambansang Asamblea na batay sa ipinag-uutos ng bagong Saligang Batas. Pinasinayaan ito noong Setyembre 23, 1943. Ayon sa Saligang Batas ng 1943, ang Pilipinas ay isa ng Pamahalaang Republika kung saan ang kapangyarihan ehekutibo ay nasa kamay ng Pangulo .

Binuwag ang posisyon ng pangalawang pangulo kung kaya’t nabigyan ng labis na kapangyarihan ang pangulo . Ang pangulo ng bansa ay ihahalal ng mga kasapi ng Pambansang Asamblea ( na karamihan ay mula sa lapiang KALIBAPI) sa halip na ng mamamayan . Ang mga gobernador naman ng mga lalawigan ay itatalaga ng pangulo ng republika sa halip na ihahalal ng mga maninirahan dito .

Sa kabila ng labis na kapangyarihan iniatang sa Pangulo , nanatiling sunud-sunuran ito sa dikta ng pamahalaang Hapon . Ang Saligang Batas ng 1943 ay kinilala at pinairal lamang sa mga lugar na kontrolado ng mga Hapones . Hindi ito kinilala ng Amerika at ng Pamahalaang Komonwelt .

DAY 5

5 Minutong Pagbabasa

Corregidor

impluwensiya

pansibiko

propaganda

Co-Prosperity Sphere

ehekutibo

Pambansang Asamblea

Ang Pagkakatatag ng Ikalawang Republika Hindi kaila sa pamunuang Hapones ang matagal na mithiin ng mga Pilipino na matamasa ang kasarinlan . Kaya ginamit nila ang mithiing ito ng mga Pilipino upang akitin at pasunurin ang mga Pilipino sa kanilang layunin .

Sa ilalim ng bansang Hapon , ay pinasinayaan ang Ikalawang Republika at hinirang si Laurel bilang unang pangulo nito noong Oktubre 14, 1943. Kasabay nito ay ang deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas . Pagkatapos hinirang si Laurel bilang pangulo ay agad siyang pinaglagda sa isang kasunduan na pahihintulutan ng Pilipinas ang mga puwersang Hapones na manatili sa Pilipinas at pakinabangan ang mga likas na yaman nito .

Hinangad ni Pangulong Laurel na kilalanin ng Amerika ang bagong-tatag na Republika . Sa halip ay tinagurian ito ni Pangulong Roosevelt bilang isang “ puppet government ” kung saan ay itinuturing si Laurel na tau- tauhan lamang ng mga mananakop na mga Hapones .

Para din sa pamahalaang Amerikano , ang Komonwelt pa rin ang tunay na pamahalaan sa Pilipinas . Dahil dito , ipinangako ni Roosevelt na muling maibabalik ang tunay na demokrasya at ang kalayaan sa Pilipinas .

Mga Batas, Patakaran at Programa Sa pagtatatag ng pamahalaang sentral , hinangad ng mga Hapones na iwaksi sa lipunang Pilipino ang anumang bakas ng impluwensiya mula sa mga Amerikano . Upang maisakatuparan ito , naglunsad ang mga Hapones , sa tulong ng pamahalaan ni Laurel, ng mga patakarang nagpabago sa lipunan , kultura , sistema ng edukasyon , at ekonomiya ng Pilipinas .

Mga Pagbabagong Panlipunan at Pangkultura Sa ilalim ng mga Hapones , ipinatupad ang curfew sa mga lalawigan . Naging mahigpit din sila sa paglalathala ng mga pahayagan . Hinikayat ng pamahalaan ang mahuhusay na Pilipinong manunulat na mag- ambag ng kanilang mga lathalain at sanaysay hinggil sa pagtatatag ng bagong Pilipinas .

Sa kabila nito , isinailalim sa kontrol ng mga Hapones ang mga pahayagang gaya ng Manila Tribune , Taliba , at La Vanguardia . Di naglaon ay nagtatag ng sarili nitong palimbagan ang mga Hapones na tinawag na Manila Newspaper Company .

Naging mahigpit din ang mga Hapones maging sa pag-eere ng mga balita sa radyo . Kinumpiska nila ang mga radyo na sumasagap ng balita mula sa Australia, San Francisco at sa Amerika.

Sa halip ay inutusan ang mga mamamayan na makinig sa lokal na himpilan kung saan ay madidinig ang mga mapanghikayat na talumpati tungkol sa dapat na pakikiisa ng mga Pilipino sa mga patakaran ng mga Hapones . Nakatulong sa mga Hapones ang kahusayan nina Claro M. Recto at Jose B. Vargas sa pagtatalumpati .

Upang makatulong sa propaganda ng mga Hapones ay nagpalabas din sila ng mga pelikulang nagpupugay sa kagalingan ng kanilang mga kasangkapang pandigma . Liban dito ay naging talamak din ang mga itinatanghal na dula na karamihan ay adaptasyon sa Tagalog ng mga dulang Ingles sa pamamagitan ng Dramatic Philippines Inc . na binubuo ng mga mag- aaral sa kolehiyo .

Itinanghal sa Metropolitan Theater ang “ Passion Play ”, “ Applesauce ”, “ The Husband of Mrs. Cruz”, “Julius Ceasar ”, gayundin ang adaptasyon ng likha ni Julian Cruz Balmaseda na “Isang Kuwaltang Abaka ” na nakilala sa entablado bilang “Sa Pula, Sa Puti ”. Kahaliling nagtatanghal sa Metropolitan Theater ang Musical Philippines, Inc . na nagdadaos ng mga konsiyerto , pinakatanyag dito ay konsiyerto ng marimba.

Mga Pagbabago sa Edukasyon Sa bisa ng Military Order No. 2 ay ipinatupad ng mga Hapones ang mga pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas noong Pebrero 17, 1942. Pangunahin sa mga pagbabago ay ang pagtataguyod sa Tagalog at Nihongo bilang mga opisyal na wika ng bansa .

Ipinalaganap din ang pag-aaral sa kulturang Pilipino bilang bahagi ng prinsipyo ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere . Dagdag dito ay ang pagpapahalaga sa bokasyonal at primaryang edukasyon na mahalaga upang mabigyang-diin ang ideolohiyang pagmamahal sa paggawa .

Marami rin sa mga mag- aaral na Pilipino ang ipinadala sa bansang Hapon upang makita nila ang kaunlarang tinatamasa ng bansa .

Mga Pagbabago sa Ekonomiya Nalipat ang pamamahala ng mga ari-arian sa mga Hapones . Kinumpiska ang mga pagmamay-ari ng mga kalaban ng pamahalaan ng bansang Hapon lalo na yaong sa mga Amerikano . Bunga nito ay ang pagkaantala sa produksiyon lalo na sa sektor ng agrikultura kung kaya’t bumagal ang pag-usad ng maraming industriya . Umiiral ang war economy sa bansa sa panahong ito .

Ilan sa mga pagbabagong naganap sa ekonomiya ng Pilipinas ay ang sumusunod : 1. pagbagsak ng produksiyon sa mga sektor ng agrikultura ; 2. kakulangan ng trabaho ; 3. kawalan ng kalakalang panlabas ; at 4. kakulangan sa pagkain at iba pang pangangailangan.

Upang makasabay sa nasabing mga pagbabago , nakiangkop dito ang mga Pilipino sa pamamagitan ng: 1. pagbaba ng sukatan ng pamumuhay ; 2. pagbalik ng mga mamamayan sa mga lalawigan upang makaiwas sa panganib sa mga lungsod ; 3. pag-usbong ng impormal na palitan o kalakalan ng mga personal na pag-aari ng mga mamamayan (“ buy-and-sell” trade ); at 4. pagtatanim ng mga mamamayan upang magkaroon ng makakain .

Naging napakalaking suliranin ding kinaharap ng pamahalaan ni Laurel ang mataas na antas ng kahirapan sa bansa , gayundin ang malaking kakulangan sa pagkain at pagtaas ng presyo ng mga bilihin . Bilang tugon , binuo ang ilang ahensiyang tutulong sa paglutas ng mga suliraning ito . Noong Nobyembre 25, 1943 ay itinatag ang Food Administration Office . Kasunod nito ay ang pagbuo ng Bigasang Bayan (BIBA) na siyang mangangasiwa sa pagkuha ng suplay ng bigas mula sa mga lalawigan ng Gitnang Luzon at pagkakalakal nito sa Maynila.

Sa pagsakop ng bansang Hapon sa Pilipinas ay inisyu nila ang tinatawag na fiat money o Japanese government issued Philippine fiat peso . Ito ay uri ng salapi kung saan ang pamahalaan ang siyang nagtatalaga ng halaga nito . Halos walang halaga ang mga salaping ito dahil sa napakataas na presyo ng mga bilihin . Dahil dito , mas kinilala ito sa Pilipinas bilang Mickey Mouse money .

GALUGARIN Suriin ang pahayag kung Patakaran o Resulta . Isulat sa sagutang papel ang P kung ito ay patakaran ng mga Hapones at R naman kung ito ay resulta .

1. Naging mapamaraan ang mga Pilipino upang magkaroon ng pantawid - gutom . 2. Ipinagbawal ang paggamit ng Ingles. 3. Nalinang ang paggamit ng Tagalog. 4. Maraming Pilipino ang walang trabaho. 5. Bumaba ang moralidad ng mga Pilipino. R P P R R

PALALIMIN Isulat sa sagutang papel ang Fact kung ang pahayag ay wasto at Bluff naman kung ito ay hindi wasto .

1. Itinatag ng mga Hapones ang Philippine Executive Commission (PEC) noong Enero 23, 1942 at hinirang si Jose P. Laurel bilang pangulo nito . 2. Upang makasabay ang mga Pilipino sa mga pagbabagong nagaganap sa panahon ng Hapones ay ibinaba nila ang sukatan ng kanilang pamumuhay . BLUFF FACT

3. Ang Mickey Mouse money ay laking tulong sa mga Pilipino sapagkat malaki ang halaga nito sa merkado . 4. Ang pangunahing patakaran ng mga Hapones ay ang pagtataguyod ng Tagalog at Nihongo, at pagwawaksi ng anumang bakas ng impluwensiya ng mga Amerikano sa bansa . BLUFF FACT

5. Naging napakalaking suliranin ding kinaharap ng pamahalaan ni Laurel ang mataas na antas ng kahirapan sa bansa , gayundin ang malaking kakulangan sa pagkain at pagtaas ng presyo ng mga bilihin . FACT

PAGTATAYA Panghuling Pagtataya : Panuto : Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot . Nasa modyul 6 sa pahina 11-12
Tags