araling panlipunan q2 week 3.pptx lesson in AP for week 3
ClaireDaduaDudas
1 views
79 slides
Oct 14, 2025
Slide 1 of 84
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
About This Presentation
Lesson in araling panlipunan Q2 week 3
Size: 2.77 MB
Language: none
Added: Oct 14, 2025
Slides: 79 pages
Slide Content
ARALING PANLIPUNA 4 Mga Gawaing Pangkabuhayan sa Iba’t ibang Lokasyon ng Bansa QUARTER 2 WEEK 3 DAY 1
Pagkuha ng Dating Kaalaman Ano ano ang mga likas na yaman ng ating bansa ? Tumawag ng mga mag- aaral na magbibigay ng mga halimbawa ng mga likas na yaman ng bansa .
Paglalahad ng Layunin Tingnan ang mga larawan na nasa ibaba .
Ano anong uri ng pangkabuhayan ng mga taong naninirahan sa unang larawan ? Ano anong uri naman ng pangkabuhayan ng mga taong naninirahan sa ikalawang larawan ?
Paglinang at Pagpapalalim Mga gawaing Pangkabuhayan sa ibat ibang lokasyon ng bansa Pagsasaka- angkop sa gawaing pagsasaka ang maraming lokasyon sa Pilipinas dahil sa pagkakaroon nito ng klimang tropical at matabang kalupaan na binubuo ng
ibat ibang anyong lupa. Mahalaga ang lupain sa Pilipinas sapagkat ang kabuhayan ng bansa ay halos nakasalig sa pagsasaka. Sa kabuuang lawak ng Pilipinas, 28.3 bahagdan nito ay binubuo ng lupang sakahan.
Mga lugar sa Pilipinas na angkop sa Pagsasaka : • Ang rehiyon III bahagi ng palay na panustos sa pangangailangan ng bansa • Rehiyon ng Ilocos, ang Hagdan –Hagdang Palayan sa Ifugao
• Talampas ng Bukidnon sa Rehiyon ng Hilagang Mindanao • Lambak ng Trinidad sa benguet sa Cordillera Administrative Region at Lambak ng Cagayan
Pangingisda – isa sa mga itinuturing na pangunahing pinagkukunan ni ikanabubuhay ng maraming Pilipino. • Ang kanlurang bahagi ng bansang malapit sa Dagat Tsina ang itinuturing na isa sa
pinakamalawak at pinakamayamang pinagkukunan ng yamang tubig o yamang dagat . • Ang Dagat ng Sulu naman ang itinuturing na pinakaproduktibong pangisdaan sa buong bansa . • Narito pa ang iba pang mga nangungunang palaisdaan sa bansa :
Dagat Visayas, Dagat Bohol, Look ng Lamon, Look ng Maynila, Dagat Samar, Lawa ng Lanao, Baybaying Batangas, Golpo ng Davao, Golpo ng Lingayen, Golpo ng Ragay , golpo ng Moro, Lawa ng Laguna.
Paglalahat Bakit mahalaga ang mga magsasaka at mangingisda sa ating bansa ? Magbigay ng dalawang halimbawa ng produktong nakukuha sa pagsasaka .
Paano makakatulong ang mga bata sa pangangalaga ng ating yamang-dagat ? Ang gawaing pangkabuhayan ng Pilipinas ay halos nakaugnay sa mga likas na yamang matatagpuan dito . Ang mga gawaing pangkabuhayan
sa bansa ay nakaangkop sa ating kapaligiran upang matugunan ang ating mga pangangailangan .
. Pagtataya: Isulat lamang ang letra ng tamang sagot. 1.Ano ang tawag sa taong nagtatanim ng mga halaman at nag-aalaga ng mga hayop? a) Mangingisda b) Magsasaka c) Karpintero d) Guro
. 2.Saan nanghuhuli ng isda ang mga mangingisda? a) Sa bundok b) Sa kalye c) Sa dagat d) Sa palengke
. 3.Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagsasaka? a) Pagtatanim ng palay b) Pag-aalaga ng manok c) Panghuhuli ng isda d) Pagtatanim ng gulay
. 4.Bakit mahalaga ang pagsasaka at pangingisda sa Pilipinas? a) Dahil nagbibigay ito ng pagkain b) Dahil nakakatawa ito c) Dahil mahirap gawin d) Dahil walang ibang trabaho
. 5.Ano ang tawag sa mga bagay na makukuha sa dagat? a) Yamang-lupa b) Yamang-tao c) Yamang-dagat d) Yamang-hangin
ARALING PANLIPUNAN 4 Mga Gawaing Pangkabuhayan sa Iba’t ibang Lokasyon ng Bansa QUARTER 2 WEEK 3 DAY 2
Pagkuha ng Dating Kaalaman Sa mga lugar na may malaking kapatagan o taniman , Ang ang pangunahing kabuhayan ? Sa lugar na napapaligiran o may anyong tubig ay ano naman ang pangkabuhayan ng mga nakatira dito ?
Paglalahad ng Layunin Tingnan ang mga larawan
Ano anong gawain ang maiuugnay natin sa unang larawan ? Ano ano naming Gawain ang maiuugnay natin sa pangalawang larawan ?
Paglinang at Pagpapalalim Mga gawaing Pangkabuhayan sa ibat ibang lokasyon ng bansa Panggugubat – pinakamahalagang likas na yaman ng Pilipinas kaya naman laganap sa Pilipinas ang pangangahoy at iba pang
hanapbuhay na nakukuha sa mga yamang gubat . Pangatlo ang Pilipinas sa pinakamalaking kagubatan sa Asya . • Mindanao ang kinikilalang may pinakamalaking sukat ng kagubatan
Pagmimina - isa sa pinakamahalagang industriya ng Pilipinas ang pagmimina . Ang ating bansa ay nagluluwas ng ginto , pilak , chromite, bakal at asoge
• Ang ating bansa ang may pinakamalaking deposito ng chromite na matatagpuan sa Zambales.
• Ang Pilipinas din ang pinakamalaking prodyuser ng ginto at tanso sa buong Asya. Matatagpuan ang malaking mina ng ginto sa lalawigan ng Benguet, Camarines Norte, Masbate, Surigao, Sulu at Zamboanga.
• Nasa Romblon at Zamboanga del Norte naman ang pinakamalaking deposito ng marmol .
Pang- industriya at Pangkomersiyo - isa sa pangunahing pangkabuhayan ng bansa ang industriya ng paggawa at komersiyo . Madalas makita ang ganitong uri ng mga gawain sa mga urban na lugar .
• Nakasentro ang mga ito sa siyudad ng National Capital Region, Metro Davao at Metro Cebu. • At maging sa mauunlad na probinsya sa bansa tulad ng Cavite kung saan makikita ang Philippine Export Processing Zone.
• Sarangani Economic Development Zone sa South Cotobato • Freeport Area of Bataan sa Bataan. • Clark Freeport Zone sa Pampanga • Subic Bay Freeport Zone sa Zambales.
Ang mga gawaing pangkubahayang ito ay binubuo ng mga industriya at pabrikang lumilikha ng mga produkto na hindi lamang tinatangkilik sa loob ng bansa kundi maging sa ibang panig ng mundo.
Paglalahat : Sa mga lungsod o sa pamayananng urban anon gang makikita pangkabuhayan ng mga tao ? Sa mga lugar na mabundok at magubat , Ano naman ang pinagkikitaan ng mga tao dito ?
Paano mo maipapakita ang tamang pangangalaga para mapanatili ang lahat ng likas na yaman na tinatamasa mo sa ngayon ?
Pagtataya : Basahin ang sitwasyon . Tukuyin kung anong uri ng hanapbuhay ang naayon sa sitwasyon , isulat ang titk ng tamang sagot sa inyong notbuk . 1. Ang mag- anak na Ilagan ay nakatira sa kapatagan.Marami silang nakahandang pananim sa darating na tag- araw . Ang lugar nila ay angkop sa : A. Pangingisda C . Pagkakaingin B. Pagmimina D. Pagsasaka
2. Malapit sa dagat o katubigan ang tirahan ng mag- asawang Ana at Ruben. Karamihan sa kanilang mga kapitbahay ay may mga sariling bangka . Anong angkop na hanapbuhay ang lugar nila ? A. Pangingisda B. Pangangaso C. Pagmimina D. Pagsasaka
3. Sina Mang Mario at Mang Roman ay naninirahan sa kabundukan . Marami silang pananim na kamote , kamoteng kahoy , mani at gabi. Ito ang pinagkakakitaan ng kanilang mag- anak . A. Pagkakaingin B. Pangingisda C. Pangangaso D. Pagmimina
4. Malawak ang kagubatan sa Palawan. Marami ritong malalaking puno at malalawak na taniman . Dito mabibili ang ibat-ibang klase ng muebles na gawa sa magagandang klase ng kahoy . A. Panggugubat B. Pangangaso C. Pagmimina D.Pagsasaka
5. Sina Rodel ay nakatira sa Laguna. Siya ay empleyado ng isang pagawaan ng sapatos at ang kaniyang mga kapatid ay empleyado naman sa pagawaan ng teal. A.Pag eempleyo B.Paglililok C. Pagmimina D.Pangingisda
ARALING PANLIPUNA 4 Produkto ng Bawat Rehiyon QUARTER 2 WEEK 3 DAY 3
Pagkuha ng Dating Kaalaman Kilalanin mo kung ano ang ikinabubuhay ng mga taong makikita mo sa larawan .
Paglalahad ng Layunin Ano anong produkto ang makikita natin sa ibaba ?
Ang bansang Pilipinas ay sagana sa yamang lupa, yamang tubig at yamang mineral. Bawat rehiyon ay may kanyang produkto at ang bawat produktong ito ay may malaking ambag sa pag-unlad ng ating ekonomiya.
Paglinang at Pagpapalalim Mga Produkto sa Pagsasaka • Gitnang Luzon- makikita dito ang malawak na taniman ng Palay. Ang Isabela din ay tinaguring “Rice Granary of the North”At ang Isla ng Panay ang tinaguriang “ Kamalig ng Kanlurang Visayas” Sa Cotobato
naman, ay tinaguriang “Rice Granary ng Mindanao” dahil sa produkto nilang palay. • Cebu- nangunguna sa pagtanim ng Mais • Quezon- dito makikita ang malawak na Niyugan
• Kabikulan - malawak ang taniman ng Abaka sa lugar na ito ’ • Tagaytay, mga lalawigang bulubundukin tulad ng Baguio- kilala sa taniman ng mga gulay , mga prutas at mga bulaklak .
Maraming lalawigan pa sa bansa ang kilala bilang nangungunang tagatustos ng mga produktong Agrikultural . Sa Ilocos makikita ang bawang at tabako , gayundin sa Cagayan, tabako at mani naman ang
produkto nila doon. Isa din ang Batangas , Cavite at Quezon sa tagapagluwas ng kape sa bansa . Dahil sa ibat ibang uri ng prutas at gulay na inaani
sa La Trinidad, Benguet, tinagurian itong “Salad Bowl ng Pilipinas ” at Sugar Bowl naman ang Negros Occidental dahil ito ang pinakamalakas mag-ani ng tubo sa bansa . Ang Bukidnon naman ay tinaguriang “Pineapple Capital of the Philippines” sapagkat ito ang nangunguna sa pag-aani ng Pinya sa buong mundo .
Mga Produkto sa Pangingisda Dahil isang kapuluan ang Pilipinas , ang pangingisda ang isa sa mga pinagkukunan ng ikinabubuhay ng maraming Pilipino. Ang kanlurang bahagi ng bansa na malapit sa Dagat Tsina ang itinuturing na isa sa pinakamalawak
at pinakamayamang pinagkukunan ng yamang dagat . Ang Dagat ng Sulu naman ang pinakaproduktibong pangisdaan sa buong bansa .
Narito ang iba pang mga nagungunang palaisdaan sa bansa Dagat Visayas Baybaying Batangas Dagat Bohol Golpo ng Davao Look ng Lamon Golpo ng Lingayen Look ng Maynila Golpo ng Ragay Dagat Samar Golpo ng Moro
Lawa ng Lanao Lawa ng Laguna Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources [ BFAR] noong 2010, ang Pilipinas ay pang- anim sa mga nangungunang bansa ang nagluluwas ng mga yamang dagat . Binubuo ito ng isda , hipon , alimasag , mga mollusk, halamang
dagat tulad ng seaweeds. Pangatlo naman ang bansa natin sa nagtutustos ng halamang dagat sa buong mundo .
Ilan sa mga isda na makikita sa ating bansa ay bangus , tilapia, alumahan , tambakol , galunggong at karpa . May mga produktong dagat na ginagawang ng mga maliliit na industriya tulad ng bagoong, patis, tilapia at daing .
Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARRM] ang may pinakamataas na produksiyon ng yamang dagat sa Pilpinas . Sinundan ng Rehiyon IX [ Tangway ng Zamboanga] at ang pangatlong produksiyon ay ang MIMAROPA.
Paglalahat Ano anong mga produkto ang nakukuha natin sa pagsasaka at pangingisda ? Saan saang lugar naman sa ating bansa ang mga lupang sakahan ?
Paano kaya natin mapapakinabangan ang lahat ng produkto na nakukuha natin sa lahat ng likas yaman ng ating bansa ng hindi ito tuluyang masira o mawala ?
Pagtataya Piliin ang pinakatamang sagot at isulat ang titik lamang sa sagutang papel . 1. Saan matatagpuan ang pinakamalawak na taniman ng palay? A. Gitnang Luzon B. Laguna C. Negros Occidental D. Quezon
2. Sa lugar na ito matatagpuan ang taniman ng Abaca, anong lugar ito ? A. Abra B. Kabikulan C. Mindoro D. Samar
3. Ang Negros Occidental ay may malawak na taniman ng__________. A. Kape B. Kahel C. Tubo D. Tabako
4. Ano ang mga produktong makukuha sa karagatan ? A. Daing , Pusit , Bulak B. Kabibe , Perlas , Isda C.Sugpo , Alimango at Pili D. Tuna, gulay at tubo
5. Anong lugar sa Mindanao ang kilala sa pag-aani ng mga natatanging prutas tulad ng Marang at Durian? A. Cotobato B. Davao C. Misamis D.Zamboanga
ARALING PANLIPUNAN 4 Produkto ng Bawat Rehiyon QUARTER 2 WEEK 3 DAY 4
Pagkuha ng Dating Kaalaman Saan matatagpuan ang pinakamalawak na taniman ng palay? Saang lugar nagmumula ang produktong mais sa ating bansa ?
Saan ang Tinaguriang “Salad Bowl ng Pilipinas ”?
Paglalahad ng Layunin Magpakita ng mga larawan ng produkto sa pagmimina at iba pang produkto .
Ano anong produkto ang makikita sa larawan? Saang lugar ito makikita ?
Paglinang at Pagpapalalim Mga Produkto sa Pagmimina Mayaman din ang bansa sa mineral. Isa ang Pilipinas sa mga nangunguna sa produksiyon ng tanso , ginto at chromite. May matatagpuan ding mina ng pilak , petrolyo , apog at platinum.
• Ginto – namimina ito sa Baguio, Camarines Norte at Davao • Tanso - ang malalaking minahan naman ng tanso naman ay matatagpuan sa bulubunduking lalawigan ng Surigao, Cebu, Pangasinan, Isabela at Zamboanga.
• Pilak - makikita ang minahan sa Batangas • Chromite- Misamis Oriental • Karbon- Quezon, pulo ng Batanes, Antique, Surigao del Sur at Isabela • Petrolyo - Palawan at Cebu.
• May nakukuha ring platinum sa Bulacan at Caraga, Apog sa Rizal, Abra at Pulo ng Guimaras , Bakal sa Samar.At asin sa Pangasinan.
Iba pang Produkto • Hinabing Banig ng mga Taga Bisaya, Sumbrerong Buntal ng Lucban Quezon • Biskotso ng Iloilo, Piyaya ng Bacolod, Pinatuyong Mangga ng Cebu
• Ang Mindanao ay kilala naman sa paggawa ng alahas mula sa perlas at paghabi ng tela . • Bag at sapatos sa Marikina, gawang lilok na makikita sa Paete , Laguna at Mountain Province
Ang mga produkto ng bawat rehiyon ay naayon sa kaniyang kapaligiran . Pinapaunlad ng mga tao ang mga hilaw na materyal na ito batay sa kanyang pangangailangan para matugunan ang mga ito .
Paglalahat Bakit mahalaga ang mga produkto ng bawat rehiyon sa Pilipinas ? Paano nakakatulong ang pagmimina sa ekonomiya ng Pilipinas ?
Pagtataya : Isulat lamang ang letra ng tamang sagot . 1.Saan namimina ang ginto ? a) Baguio b) Cebu c) Batangas d) Rizal
2. Ano ang produkto na kilala sa Lucban, Quezon? a) Piyaya b) Biskotso c) Sumbrerong Buntal d) Pinatuyong Mangga
3. Saan makikita ang minahan ng chromite? a) Misamis Oriental b) Quezon c) Batanes d) Antique
4. Ano ang kilalang produkto ng Mindanao? a) Biskotso b) Alahas mula sa perlas c) Bag at sapatos d) Gawang lilok
5. Saan ginagawa ang bag at sapatos ? a) Cebu b) Iloilo c) Marikina d) Bacolod