LAYUNIN: natatala ang mga mahahalagang taglay ng aspeto sa wika , relihiyon , lahi , at pangkat-etniko sa ibat ibang bahagi ng daigdig ; nalalahad ang mga saklaw ng heograpiyang pantao sa pamamagitan ng concept map; at nahihinuha ang kahalagahan ng wika , relihiyon , lahi , at pangkat-etniko sa ibat ibang bahagi ng daigdig ;
BALIK-ARAL Sa nakaraang paksa ay napag-aralan mo ang pisikal na heograpiya ng daigdig . Paano mo mailalarawan ang daigdig na iyong ginagalawan ?
ACTIVITY 1: VIDEO-SURI Kumpletuhin ang concept map na nasa ibaba .
Saklaw ng heograpiyang pantao o human geography ang pag-aaral ng wika , relihiyon , lahi , at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig .
WIKA Gaano nga ba kahalaga ang wika ? Ang wika ay itinuturing bilang kaluluwa at salamin ng isang kultura . Ito ay nagbibigay pagkakakilanlan sa mga taong kabilang sa isang pangkat . Ang wika ay ipinagkaloob ng Diyos sa atin at ipinamana pa sa mga sinaunang tao sa mundo at ito ang ginagamit natin upang magkaunawaan at magkaintindihan ang bawat tao sa mundo .
WIKA Batay sa datos mula sa aklat ng “ Kasaysayan ng Daigdig ” na sinulat ni Blando et al (2014), tinatayang may 7,105 buhay na wika sa mundo ng mahigit 6,200,000,000 katao . Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan . May 136 language family sa buong daigdig . Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig .
Mga Katangian ng Wika Dinamiko – nagbabago ito kasabay ng pagbabago ng panahon at pandaigdigan na pagbabago . May sariling kakanyahan – hindi mahahanap sa ibang wika ang mga katangian ng isang wika . Kaugnay ng wika ang kultura ng isang bansa – ang sining , panitikan , karunungan , kaugalian , kinagawian , at paniniwala ng mga mamamayan ang bumubuo ng kultura . Ang pangkat ng mga taong may angking kultura ay lumilinang ng isang wikang naaangkop sa kanilang mga pangangailangan sa buhay .
RELIHIYON Ang relihiyon ay nagmula sa salitang religare na nangangahulugang “ pagsasama sama o pagkakabuklod-buklod .” Ito ay kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng tao . Bawat relihiyon ay may kaniya-kaniyang kinikilalang Diyos na sinasamba . Kadalasan ang mga paniniwalang nakapaloob sa mga aral at turo ng relihiyon ay naging basehan sa pagkilos ng tao sa kaniyang pamumuhay sa araw-araw .
RELIHIYON Kung matatandaan ang ating mga ninuno ay mayroon din sariling paniniwala na naging gabay sa kanilang pang- araw - araw na pamumuhay . Hindi organisado at sistematiko ang paniniwala nila noon. Ang mga relihiyon sa kasalukuyan ay organisado at may doktrinang sinusunod .
RELIHIYON
LAHI AT PANGKATETNIKO Ang mga tao sa daigdig ay nahahati sa iba’t ibang pangkat . Isa sa mga batayan ay ang pangkat-etniko na kaniyang kinabibilangan . Ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Samantala , ang race o lahi ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat . Ayon sa mga eksperto may iba’t ibang klasipikasyon ng tao sa daigdig na nagdulot ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita ng iba’t ibang uri ng diskriminasyon .
GRUPONG ETNOLINGGWISTIKO Ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura
Dalawang Batayan ng Paghahating Etnolinggwistiko 1. Wika – sumasalamin sa pangunahing pagkakakilanlan ng isang pangkat 2 . Etnisidad – ang pagkakapareho ng isang pangkat batay sa wika , tradisyon , paniniwala , kaugalian , lahi at saloobin .
ACTIVITY 3: Unang Pangkat : GUMAWA NG TIMELINE Panuto : Isulat sa kahon ang mga pangyayaring naging dahilan ng pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig . Pangalawang Pangkat : TALKING MAP Panuto : Tuntunin at bilugan sa mapa ang ilang lugar na naapektohan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig . Isalaysay ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa lugar . Pangatlong Pangkat : VENN DIAGRAM Panuto : Buuin ang graphic organizer. Isulat sa bilog ang mahahalagang pangyayaring naganap sa mga tinutukoy na lugar . Pang- apat na Pangkat : I-GRUPO Panuto : Piliin at idikit sa manila paper ang mga sanhi ng ikalawang digmaang pandaigdig .
Mga Batayan 10 Puntos 8 Puntos 5 Puntos Nilalaman Naibigay ng buong husay ang hinihingi ng paksa sa pangkatana gawain May kaunting kakulangan ang nilalaman na ipinakita sa pagkatang gawain Maraming kakulangan sa nilalaman na ipinakita sa pangkatang gawain Presentasyon Buong husay at malikhaing naiulat at naipaliwanag ang pagkatana Gawain sa klase Naiulat at naipaliwanag ang pagkatang Gawain sa klase Di gaanong naipaliwanag ang pangkatang Gawain sa klase. Kooperasyon Naipamamalas ng buong miyambro ang pagkakaisa sa paggawa ng pangkatang gawain Naipapamalas halos lahat ng miyambro ang pagkakaisa sa paggawa ng pangkatang Gawain Naipapamalas ang pagkakaisa ng iilang miyembro sa paggawa ng pangkatang Gawain. Kabuuan 30 Puntos 24 Puntos 15 Puntos
MGA TANONG: Ayon sa inyong nakita at narinig , ano ang inyong naobserbahan sa mga naganap noong ikalawang digmaang pandaigdig ? Base sa mga Gawain na inyong iprenesenta , ano ang impluwensya o epekto nito sa pangkasalukuyang pamumuhay natin , lalo na sa ating mga katutubong Sama ?
MGA SANHI NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Pag-agaw ng Japan sa Manchuria (1931) Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa (1933) Pagsakop ng Italy sa Ethiopia (1935) Digmaang Sibil sa Spain (1936-1939) Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss ) Paglusob sa Czechoslovakia (1938) Paglusob ng Germany sa Poland (1939)
BOLO English: DAGGER Tagalog: BOLO Bisaya : SUNDANG Sama Tribe: KAKANA/PUDANG
ATOMIC BOMB Atomic bomb, weapon with great explosive power that results from the sudden release of energy upon the splitting, or fission, of the nuclei of a heavy element such as plutonium or uranium.
ACTIVITY 3: TULA Panuto : Gumawa ng maikling tula (poem) na naglalaman ng iyong adbokasiya upang mapanatili ang kapayapaan sa sanlibutan . Gawing gabay ang rubriks na nasa ibaba sa paggawa ng tula .
Bilang isang mag- aaral , bakit mahalaga ang pagkakaroon ng katiwasayan at kapayapaan ng mga bansa ?
Panuto : Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot . 1. Anong paraan ang ginamit ng mga Nazi nang lumusob sila sa Poland? A. paggamit sa Maginot Line B. paggamit ng taktikang blitzkrieg C. paggamit ng estratehiyang trench warfare D. paggamit ng weapons of mass destruction
2. Sino ang pinuno ng National Socialist German Workers’ Party o Nazi Party? A. Adolf Hilter C. Joseph Stalin B. Benito Mussolini D. Vladimir Lenin
3. Anong ideolohiya ang isinulong ni Benito Mussolini ng Italy? A. Communism C. Democracy B. Fascism D . Socialism
4. Ano-anong bansa ang bumuo sa Axis Powers? A. Germany , Italy, Japan B. Great Britain, USSR, USA C. France, Germany, Japan D . France, Great Britain, USA
5. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging mitsa sa pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ? A. paglusob sa Czechoslovakia B. paglusob ng Germany sa Poland C. pagsasanib ng Austria at Germany D. pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa
1. Anong paraan ang ginamit ng mga Nazi nang lumusob sila sa Poland? A. paggamit sa Maginot Line B. paggamit ng taktikang blitzkrieg C. paggamit ng estratehiyang trench warfare D. paggamit ng weapons of mass destruction
2. Sino ang pinuno ng National Socialist German Workers’ Party o Nazi Party? A. Adolf Hilter C. Joseph Stalin B. Benito Mussolini D. Vladimir Lenin
3. Anong ideolohiya ang isinulong ni Benito Mussolini ng Italy? A. Communism C. Democracy B. Fascism D . Socialism
4. Ano-anong bansa ang bumuo sa Axis Powers? A. Germany , Italy, Japan B. Great Britain, USSR, USA C. France, Germany, Japan D . France, Great Britain, USA
5. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging mitsa sa pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ? A. paglusob sa Czechoslovakia B. paglusob ng Germany sa Poland C. pagsasanib ng Austria at Germany D. pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa
TAKDANG-ARALIN: PICTO-ANALYSIS Tulad ng nangyari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig , ang digmaan sa Marawi ay nagdulot ng kagimbal -gimbal na karanasan . Ito ay ipinapakita ng mga larawan na nasa ibaba . Isulat ang iyong hinuha tungkol sa epekto nito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na katanungan .
TANONG: 1. Ano ang ipinapakita ng larawan ? 2. Ano ang mararamdan mo kapag nangyari ito sa iyong bayan ? 3. Bilang mag- aaral , paano ka makatutulong upang maiwasan ang ganitong pangyayari ?