ANG MAGKAPATID NA SI ESAU AT JACOB
Ang kwento nina Esau at Jacob ay puno ng mga aral na makikita sa ating
sariling buhay. Isa sa mga pangunahing mensahe ng kwentong ito ay
ang mga kahihinathan ng hindi tamang hakbang sa buhay. Si Jacob ay
nagplanong agawin ang karapatan ng kanyang kapatid sa pamamagitan
ng panlilinlang,at bagamat nakuha niya ang layunin,nagdulot ito ng
matinding hidwaan at galit sa kanilang pamilya. Sa ganitong paraan,
ipinapakita ng kwento na ang mga maling desisyon, bagamat may
panandaliang tagumpay, ay may mga kasamang paghihirap at sakit.