PINAGSAMANG BANGHAY-ARALIN SA WIKANG ARABE AT EDUKASYONG PAGPAPAHALAGA NG ISLAM I Inihanda ni : Fatima L. Valguna
Naiisa -isa ang katangian ng isang batang Muslim sa paraan ng pananamit . LAYUNIN Natutukoy ang ibat ’ ibang kasuotang panlalaki at pambabae . Nabibigyang halaga ang sarilli sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang paraan ng pananamit bilang batang Muslim.
Kailan ginagamit ang “Maa Ismuka ?’’ Ginagamit ang “Maa Ismuka ?’’ sa pagtatanong ng pangalan kung ang kausap ay lalaki . Kailan ginagamit ang “Maa Ismuki ?’’ Ginagamit ang “Maa Ismuki ?’’ sa pagtatanong ng pangalan na ang kausap ay babae . Kailan ginagamit ang “Ismi”? Ginagamit ang “Ismi” sa pagsagot sa tanong na “Maa Ismuki ?’’ at “Maa Ismuka ?’’.
Mga bata, pagmasdan nating mabuti si Dalia. Ano ang masasabi niyo sa kaniyang kasuotan ? Ilarawan ang batang babae . Si Dalia ay nakadamit pambabae . Mahaba ang damit . Maluwag ang damit . Nakatago ang buhok . Siya ay Muslimah.
Ilarawan naman si Dalal. Si Dalal ay nakadamit panglalaki . Siya ay may sumbrero Nakadamit siya ng mahaba Siya ay Muslim.
PANUTO: Kilalanin ang larawan sa ibaba . Bilugan ang tamang ngalan ng larawan ( Tutob , Hijab) ( Tutob , Hijab)
(Kimon, Abaya) (Kimon, Abaya)
"O MGA ANAK NI ADAM, KAMI AY NAGKALOOB SA INYO NG MGA KASUOTAN UPANG ITAGO ANG INYONG MGA KAHIHIYAN AT BILANG PALAMUTI.”
Ang Kuwento ni Dalia (Para sa mga mag- aaral sa Baitang 1) Ang batang si Dalia ay bagong mag- aaral sa mababang paaralan ng San Vicente Elementary School. Unang araw ng pasukan , pumasok si Dalia sa paaralan na nakasuot ng Hijab Siya ay mabait , mahiyain , at palangiti , Pagpasok niya sa kanilang silid-aralan ay napansin siya ng kanyang mga kaklase , dahil nakabalot ng isang belo ang kanyang ulo. “Bakit may panyo sa ulo si Dalia?” bulong ng ilan . Si Daima isang kamag-aral ni Dalia ay lumapit at ngumiti .
“Magandang umaga , anong pangalan mo ? “Dalia ang pangalan ko sabay na ngumiti at nagtanong , maaari bang umupo sa iyong tabi?” “Oo naman” sagot ni Daima. “Ako nga pala si Daima.” “Ang ganda ng suot mo !” sambit ni Daima. “Salamat. Ang tawag dito ay hijab. Isinusuot ito ng mga batang Muslim tulad ko. Tinuturuan kami ng aming relihiyon na maging magalang at magpakumbaba sa pananamit .” “Ang galing naman! “Kami man ay mabuting bata din. Magka-iba man ang ating kasuotan pareho tayong mabuting bata!” sambit ni Daima. Mula noon nagging magkaibigan sina Dalia at Daima
Gawain 1: Pag- usapin Natin! Panuto : Matapos ang pagbabasa , magtatanong ang guro ng ilang mga katanungan . 1. Sino ang bagong mag- aaral sa kuwento 2. Ano ang tawag sa suot ni Dalia 3. Bakit naka Hijab si Dalia? 4. Ano ang kaibahan ng kanyang kasuotan sa ibang mag- aaral ? 5. Kung ikaw ang kaklase ni Dalia, kakaibiganin mo rin ba siya ? Bakit?
Pangkat 1: Anong Pananamit ito ? PANUTO: Tukuyin ang mga kasuotan sa loob ng kahon , kulayan ng Pula ang kasuotang Panlalaki at Rosas naman ang kasuotang Pambabae .
Pangkat 2: Sining at Gawang kamay PANUTO: Gumuhit ng Hijab( pambabae ) Tutob ( panlalaki ) sa Papel at idikit ito sa makulay na papel . Kagamitan : Puting papel Makulay na papel Gunting Pandikit
Pangkat 3: PANUTO: Isulat ang Letrang (daal) kung ito ay damit na pambabae at letrang (Khaa) kung ito ay damit panlalake.
Pangkat 4: PANUTO: Pakinggan ang mga sumusunod na tanong . Isulat sa sagutang papel ang harf na kung tama ang pangungusap . Isulat ang harf na , kung ang pangungusap ay hindi tama . ___1. Ang kimon ay damit panlalaki . ___2. Ang abaya ay damit pambabae . ___3. Ang tutob ay ginagamit sa ulo ng lalaking muslim . ___4. Ang Hijab ay pantakip sa buhok ng babaeng Muslim. ___5. Ang nikab ay gamit ng lalake at babae na Muslim.
A.Paglalapat PANUTO: Lagyan ng tsek (/) kung ginagawa mo ang sumusunod at lagyan ng ekis (X) kung paminsan minsan . ___1. Isusuot ko ang damit bilang isang Muslim sa lahat ng panahon . ___2. Gagamitin ko ang ang aking kasuotan ng may kababaang - loob . ___3. Isusuot ko ang aking hijab paminsanTutob sa tuwing ako ay pap- minsan lang. ___4. Palagi akong nagsusuot ng asok sa paaralan . ___5. Bilang batang lalaking Muslim nagsusuot ako ng kimon
B. Paglalahat Paano nakikilala ang isang batang Muslim? Nakikilala ang batang Muslim sa pamamagitan ng kanyang kasuotan Ang Hijab at Abaya ang damit ng babaing Muslim Ang kimon at tutob ang damit ng lalaking Muslim
VI. Pagtataya ng Natutuhan PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot . 1. Ano ang tawag sa suot ni Dalia sa kanyang ulo? a. Belo b. Hijab c. Panyo 2. Sino ang mag- aaral na nagpakilalang batang Muslim? a. Ana b. Dalia c. Karima
3. Ano ang ugali ni Dalia? a. Maingay at makulit b. Masungit at mabait c. Mabait , mahiyain , at palangiti 4. Sino sa mga mag- aaral ag nakasuot ng Hijab sa unang araw ng pasukan ? a. Ana b. Belina c. Dalia 5. Saan paaralan pumasok si Dalia? a. Batasan Elementary School b. Commonwealth Elementary School c. San Vicente Elementary School.
VII. Takdang Aralin PANUTO: Magdala sa klase ng sariling larawan (printed) na nakasuot ng tamang kasuotan . Idikit sa inyong kwaderno .