Maikling Kuwento isang anyo ng tuluyang panitikan na may banghay na kinasasangkutan ng ilang mga tauhan at kadalasang umiikot sa isang suliranin .
Banghay ng Maikling Kuwento I. Simula - paglalahad o paglalarawan sa tauhan , tagpuan o maaaring mailahad agad ang suliranin .
II. Suliranin - ang nagsisilbing dugo ng bawat kuwento . Ito ang nagpapadaloy at nagbibigay ng interes sa istorya .
III. Papataas na Aksyon - dito nagaganap ang paglalahad sa suliranin . Isinasaad ang mga nagiging reaksiyon o hakbang ng mga tauhan sa inilahad na suliranin .
IV. Kasukdulan - pinakamataas na bahagi ng kuwento . Masasabing dito sa bahaging ito ang pinakakapana-panabik na bahagi ng kuwento .
May mga kuwentong ang kasukdulan ang nagiging wakas ng kuwento .
V. Pababang Aksyon - Dito makikita ang kakalasan . Sa kakalasan , sa mga kumbensyunal o tradisyonal na kuwento , madalas maglagay ng ganito ang mga manunulat .
Dito binibigyang kasagutan ang suliraning inilahad sa kuwento . Maaaring masagot sa bahaging ito ang lahat ng tanong na nasa isip ng mga mambabasa .
VI. Wakas - Maaaring ang wakas ay masaya , malungkot , o nagbubukas sa iba pang ideya o tinatawag na open-ended .