Kung kailan mo pinatay , saka pa humaba ang buhay .
kandila
Maliit na bahay , puno ng mga patay
posporo
ang anak ay nakaupo na , ang ina ay gumagapang pa
kalabasa
Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig
asin
Isa ang pasukan , tatlo ang labasan
kamistea o damit
palda ni santa maria, ang kulay ay iba-iba
bahag-hari
araw-araw nabubuhay , taon-taon namamatay
kalendaryo
hindi hari , hindi pari , nagdadamit ng sari-sari
Paro- paro
baston ng kapitan , hindi mahawakan
ahas
bulak na bibitin-bitin , hindi puwedeng balutin
ulap
malambot na parang ulap , kasama ko sa pangarap
unan
palaisipan
Mayroong tandang sa ibabaw ng bubong na piramido ang hugis . Nagtatalo-talo ang mga kapitbahay kung saan babagsak ang itlog ng tandang . Saan babagsak ang itlog ng tandang ?
walang babagsakan ang itlog ng tandang kasi hindi nangingitlog ang tandang
Nasa isang karera ka. Ikaw ay nasa ikaapat na puwesto . Nahabol mo ngayon ang nasa ikatlong puwesto . Anong pwesto mo na ngayon ?
ikatatlong puwesto ka pa rin
Ano ang laging parating pero hindi naman talaga dumarating ?
Bukas/tomorrow
Kapag tumalon ka sa ikatlong palapag na gusali, saan ang bagsak mo?
Sa ospital
Anong bagay ang nasisira na , hindi pa man naisasakatuparan ?