Buhay ni Moises Bible Story Lesson for Kids Paksa: Ang Pagtawag ng Diyos kay Moises Batayan: Exodus 1:15–22, 2:1–10, 3:1–17
Layunin ng Aralin - Maunawaan ng mga bata na may layunin ang Diyos sa bawat isa. - Matutunan na kahit bata pa tayo, puwedeng gamitin tayo ni Lord. - Malaman na si Moises ay iniligtas at tinawag ng Diyos para sa isang mahalagang misyon.
Ipinapatay ang mga sanggol (Exodus 1:15-22) - Nagalit ang hari ng Egipto (Pharaoh) dahil dumarami ang mga Israelita. - Inutusan niya ang mga midwife at ang mga tao na patayin ang lahat ng sanggol na lalaki. - Pero may mga midwife na may takot sa Diyos kaya hindi sila sumunod. Lesson: Kahit sa gitna ng panganib, puwedeng tayong gamitin ni Lord para gumawa ng tama.
Moises sa Basket (Exodus 2:1-10) - Isinilang si Moises at itinago siya ng kanyang nanay sa loob ng tatlong buwan. - Nilagay siya sa basket at pinapaanod sa ilog. - Nakita siya ng anak ng Pharaoh at inampon bilang anak niya. Lesson: Si Lord ang nagplano ng lahat para mailigtas si Moises. May plano rin Siya para sa atin.
Nagliyab na Puno at Pagtawag (Exodus 3:1-17) - Habang nagpapastol si Moises, may nakita siyang nagliliyab na puno pero hindi nauubos. - Doon kinausap siya ng Diyos at tinawag para iligtas ang Israelita mula sa pagkaalipin. Lesson: Gamitin tayo ni Lord kahit simpleng tao lang tayo.
Mga Natutunan Natin - Si Lord ay may plano. - May purpose ka, bata ka man o matanda. - Si Lord ay tumatawag at nagbibigay ng lakas para sumunod.
Memory Verse "Tulad ni Moises, ginagamit ng Diyos ang mga handang sumunod."
Reflection Questions - Ano ang natutunan mo sa buhay ni Moises? - Paano mo gustong gamitin ka ni Lord?