CAOYONG-PANAYAM-O-INTERBYU.pptx education

jangjangcabundoc 0 views 11 slides Sep 14, 2025
Slide 1
Slide 1 of 11
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11

About This Presentation

Educational purposes and also for the reporter


Slide Content

Panayam o Interbyu

Panayam o Interbyu Ang Panayam o Interbyu ay mabilisang pagkuha ng impormasyon sa taong kausap sa pamamagitan ng pag tatanong-tanong. Layunin nito ang makakuha ng makabuluhang impormasyon sa kinakapanayam. Ayon kay simbulan (2008), and Panayam o Interbyu ay isang paraan ng pagkuha ng impormasyon sa lipunang ginagalawan natin sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga tao tungkol sa kanilang buhay. Ang mga gabay sa pakikipanayam ay nakabatay sa pagbibigay-diin sa daloy ng tema at mapagkatiwalaang impormasyon habang binabawasan ang mga pinipilit o binabaluktot na katotohanan mula sa kalahok.

Nangangahulugan na ang pakikipanayam ay instrument sa mabisang pangangalap ng datos higit sa lahat, sa pananaliksik. Sa Libro nina Alcantara-Malabuyoc, et al. (2013) na makabuluhang Filipino sa iba’t ibang pagkakataon, may iba’t ibang uri ng Panayam. Ang uri ng Panayam ay batay sa anyo at batay sa layunin.

(Batay sa Anyo)

Pormal - Ang pinakalayunin ng tagapanayam ay makakalap ng impormasyon mula sa kakapanayamin para sa paksang sasaliksikin. Kalimitang kinakapanayam ang mga propesyonal, nagkamit ng karangalan, lider ng grupo, at mga taong may kaukulang karanasan sa napiling disiplina. 2. Di-Pormal – Ang tagapanayam lamang ang tanging may alam sa layuning makakuha ng impormasyon para sa paksang sinasaliksik. Ang tagapanayam at kinakapanayam ay tila nagkukuwentuhan o nagtatalakayan. Itinatala ng tagapanayam ang mga pahayag at karanasan ng kinakapanayam. Maaaring ordinaryong tao lamang ang kinakapanayam.

(Batay sa Layunin)

Interbyu na Nagbibigay Impormasyon (Informative Interview). Ito ay pagkuha ng datos mula sa isang taong may kinalaman sa mga pangyayari, bagong konsepto, at mga bagaybagay na lubos na magbibigay ng tiyak na impormasyon. 2 . Opinyon (Opinion Interview) - Ito ay pagkuha ng komentaryo mula sa sikat o kilalang awtoridad. 3. Lathalain (Feature Interview) - Pakikipanayam sa isang bantog na tao o sa isang taong may makulay na buhay upang makakuha ng kaalaman mula sa kanyang karanasan na kawili-wili sa kapwa. 4. Pangkat (Group Interview) – Pakikipanayam ng mga reporter sa kilalang personalidad ng bansa tulad ng pangulo at mga senador at iba pang mga pulitiko. Maaari ring magkakaugnay na nagtatanong sa bawat kapanayam na dalubhasa sa napiling ang mga reporter.

Ayon pa rin kina Alcantara-Malabuyoc, al. (2013). ay may mga dapat isaalang-alang sa panayam. Paghahanda para sa Panayam Pumili ng kakapanayamin. 2. Makipagkasundo sa oras 3. Pag-isipang mabuti ang mga katanungan na naaayon sa paksa. Itala ito ayon sa pagkakasunod-sunod. 4. Ihanda ang kagamitan tulad ng panulat, papel, tape, recorder, camera at video. 5. Ihanda ang kasuotan na bagay sa sitwasyon.

Pagpili ng Kakapanayamin 1. Malawak ang kaalaman at karanasan sa paksa. 2. Mapagkakatiwalaan. 3. May oras para makipagpanayam.

Mga Dapat Gawin sa Mismong Panayam 1. Dumating nang maaga sa lugar na pagdarausan. 2. Maging magalang at sensitibo sa kinakapanayam. 3. Gawing kasiya-siya at kapana-panabik ang usapan. 4. magpaligoy-ligoy sa katanungan. Tumbukin agad ang nais malaman. 5. Ipakita ang kawilihan sa pakikinig. Huwag pigilan ang pagsasalita ng kausap. 6. Itala ang mga napag-usapan. I-video at kuhanan ang pag- uusap . 7. Magpasalamat sa kinapanayam.

Mga Dapat Gawin Pagkatapos ng Panayam Kung naka-video o recorder, i -transcribe o itala ang mga ideya na napag-usapan. ipaliwanag at suriin ang resulta. bigyan ng kopya ng output ang kinakapanayam
Tags