cardio pulmonary resuscitation hands only cpr technique
MaricelAquino6
0 views
10 slides
Oct 09, 2025
Slide 1 of 10
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
About This Presentation
cardio pulmonary resuscitation hands only cpr technique
Size: 1 MB
Language: none
Added: Oct 09, 2025
Slides: 10 pages
Slide Content
M unicipal D isaster R isk R eduction and M anagement C ouncil
M unicipal D isaster R isk R eduction and M anagement C ouncil Ang CPR (Cardiopulmonary Resuscitation) ay isang pamamaraan na ibinibigay sa isang taong nawalan ng malay dahil sa pagtigil ng tamang pagdaloy ng dugo sa puso at oxygen sa baga . Maari itong mangyari sa kahit kanino sa anumang oras , lugar o panahon .
M unicipal D isaster R isk R eduction and M anagement C ouncil Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang CPR, tinutulungan natin ang puso na magbomba ng dugo patungo sa utak at sa iba’t ibang mahahalagang organs sa ating katawan .
M unicipal D isaster R isk R eduction and M anagement C ouncil Mga dapat tandaan para sa mabisang pagbibigay ng CPR: Siguraduhing ligtas ang paligid bago lapitan ang pasyente . Tapikin ang balikat at kausapin kung may malay ang pasyente . Tumawag ng ambulansya o sa Emergency number sa inyong lugar at humingi ng karagdagang tulong . Suriin ang pasyente kung may Pulso o Hininga . Tamang posisyon ng mga kamay at bilang sa pagbibigay ng “compressions” at pagbuga ng hininga sa pasyente .
M unicipal D isaster R isk R eduction and M anagement C ouncil I. “Scene Safety” Siguraduhing ligtas ang paligid bago puntahan ang pasyente . Mga lugar na tulad ng kalsada na daanan ng mga sasakyan , mga nakatumbang poste ng kuryente at lugar na may singaw ng mga delikadong kemikal .
M unicipal D isaster R isk R eduction and M anagement C ouncil II . S uriin kung may malay ang pasyente . Tapikin ang balikat ng pasyente upang masuri kung siya ay may malay . Kung walang reaksiyon tumawag agad ng tulong o Ambulansya sa inyong lugar .
M unicipal D isaster R isk R eduction and M anagement C ouncil III . Pagsuri ng Pulso at Hininga ng pasyente . Una ng tignan kung may pulso ang pasyente , na maaring maramdaman sa may baba ng leeg sa ibaba ng tainga . Kasabay din nito ang pagtingin sa dibdib ng pasyente kung meron itong paghinga . Hindi dapat lalagpas ng 10 segundo ang prosesong ito .
M unicipal D isaster R isk R eduction and M anagement C ouncil IV . Cardiopulmonary Resuscitation. Isagawa agad ang pagbigay ng CPR pagkatapos masuring walang pulso at paghinga ang pasyente .
M unicipal D isaster R isk R eduction and M anagement C ouncil “Compression” Sa pagbibigay ng tamang “compression”, siguraduhing nasa patag at matigas na sahig ang pasyente . Pumosisyon sa gilid ng pasyente ng nakaluhod at hanapin ang gitnang bahagi ng dibdib kung saan ilalapat ang magkapatong na kamay . Huwag baluktutin ang dalawang kamay at magbigay ng 100-120 “compressions” sa loob ng isang minuto . Hayaang bumalik sa normal na posisyon o pagangat ang dibdib sa bawat “compression”.
M unicipal D isaster R isk R eduction and M anagement C ouncil “Rescue Breathing” Magbigay ng 2 buga sa bibig ng pasyente pagkatapos ng 30 “Compressions” gamit ang “Head-tilt-chin-lift maneuver”. Ginagamit ang prosesong ito (30:2 CPR) kung may karanasan at training ang isang rescuer. Kung walang karanasan sa pagbibigay ng CPR maaring gamitin ang “Hands-only Technique CPR” kung saan magbibigay ng tuloy - tuloy na “compressions” sa pasyente hanggang sa dumating ang tulong .