Activating Prior Knowledge Pamantayan bago magsimula ang klase . Tumahimik Umupo nang maayos Makinig sa nagsasalita Sumali sa mga gawain
Activating Prior Knowledge Bahay- kubo Bahay- kubo , kahit munti Ang halaman doon ay sari-sari Singkamas at talong Sigarilyas at mani Sitaw , bataw , patani Kundol , patola, upo't kalabasa At saka mayro'n pang Labanos , mustasa Sibuyas , kamatis , bawang at luya Sa paligid-ligid ay puno ng linga
Activating Prior Knowledge
Lesson Purpose/ Intention Ngayong araw , pag-aaralan natin ang mga salitang naglalarawan sa mga bagay, makikilala ang mga salitang naglalarawan at m agagamit ang mga salitang naglalarawan sa bagay sa pangugusap .
Laki - malaki maliit Lesson Language Practice
Kulay pula lila berde Lesson Language Practice
Hugis b ilog bilohaba Lesson Language Practice
Bilang isa dalawa tatlo Lesson Language Practice
Reading the Key Idea/ Stem Oras na ng Kuwentuhan !
Reading the Key Idea/ Stem Mahilig si Aiden sa Pinakbet Umaga ng Sabado, masayang gumising si Aiden. Tutulungan niya ang kanyang nanay na si Aling Ailyn na mamimitas ng gulay sa kanilang taniman . Magluluto si Aling Ailyn ng paborito ni Aiden na pinakbet. “ Nanay, samahan na po kitang mamitas ng gulay para sa lulutuin mong pinakbet,” sabi ni Aiden. “ Salamat, anak ,” sabi ni Aling Ailyn.
Reading the Key Idea/ Stem Namitas si Aiden ng tatlong mapupula at mabibilog na kamatis , apat na lilang talong , at sampung mahahabang sitaw . Nakapitas naman si Aling Ailyn ng isang malaking kalabasa , limang berdeng okra at apat na maiikling ampalaya . Masayang-masaya sina Aling Ailyn at Aiden dahil sa mga gulay na kanilang napitas .
Reading the Key Idea/ Stem Tanong : 1. Sino- sino ang mga tauhan sa kuwento ? 2. Saan nangyari ang kuwento ? 3. Kailan nangyari ang kuwento ? 4. Ano ang gagawin nina Aling Ailyn at Aiden sa taniman ? 5. Kung ikaw si Aiden, tutulungan mo rin ba ang iyong nanay sa pamimitas ng gulay ? Bakit?
Reading the Key Idea/ Stem Tanong : 6 . Ano- ano ang mga gulay na napitas ni Aiden? Ilan lahat ang gulay na kanyang napitas ?
Reading the Key Idea/ Stem Tanong : 7 . Ano - anong gulay ang napitas ni Aling Ailyn? Ilan lahat ang gulay na kanyang napitas ? 8 . Kung pagsasamahin natin ang bilang ng gulay na kanilang napitas , ilan lahat ang kabuuan nito ?
Basahin ang mga gulay at prutas na napitas nina Aiden at Aling Ailyn: - tatlong mapupula at mabibilog na kamatis , - apat na lilang talong - sampung mahahabang sitaw - isang malaking kalabasa - limang berdeng okra - apat na maiikling ampalaya . Developing Understanding of the Key Idea/ Stem
Ang salitang naglalarawan ay ginagamit upang magbigay ng karagdagang impormasyon sa mga bagay tulad ng mga gulay . Maaaring gumamit ng mga salitang tumutukoy sa kulay , laki , hugis at bilang upang ilarawan ang mga bagay.
Deepening Understanding of the Key Idea/ Stem E-game time! Panuto : Piliin ang salitang naglalarawan sa bawat pangungusap .
Deepening Understanding of the Key Idea/ Stem Pangkatang Gawain
Deepening Understanding of the Key Idea/ Stem Ano- ano ang mga dapat gawin kung may pangkatang gawain ?
KRITERYA 5 3 1 Naipapamalas ang galing sa paggawa ng gawain Walang mali o mahusay ang pagkagawa sa gawain May mali o hindi gaanong mahusay ang pagkagawa sa gawain Nangangailangan ng karagdagang pagsasanay o 2 lamang ang tamang sagot na nakuha sa gawain Pagganap sa nakaatang na gawain Ang lahat ng miyembro ay nagkaisa o nagtulungan ay paggawa ng gawain Hindi lahat ng miyembro ay nagkaisa o nagtulungan ay paggawa ng gawain Isa o dalawa lamang sa miyembro ang gumawa sa gawain Oras na ginugol Natapos ang gawain bago o sakto sa itinakdang minuto ng paggawa Natapos ang gawain lagpas sa itinakdang minuto ng paggawa Nakagawa ngunit hindi natapos ang gawain at lagpas sa itinakdang minuto ng paggawa
Deepening Understanding of the Key Idea/ Stem Pangkat 1 – Iugnay Mo! Iugnay ang larawan sa angkop na salitang naglalarawan . . Pangkat 2 – Ikahon Mo! Basahin ang mga pangungusap at ikahon ang mga salitang naglalarawan . Pangkat 3 – Ilarawan Mo! Buksan ang regalo. Sumulat ng dalawang salitang maglalarawan sa regalo.
Deepening Understanding of the Key Idea/ Stem Pagprisinta sa ginawa ng bawat pangkat
Making Generalization Kumpletuhin ang Concept Map
Evaluating Learning Panuto : Bilugan ang salitang naglalarawan sa bawat pangungusap . 1. Ang mga dilaw na mais ay malalaki . 2. May mga malalaking petsay sa aming taniman . 3. Maliliit pa lamang ang mga bunga ng mangga . 4. Mapupula na ang mga bunga sili . 5. May apat ng bunga ang tanim ni tatay na pakwan .
Gumuhit o gumupit ng isang larawan at sumulat ng isang pangungusap na naglalarawan dito.