LAYUNIN: Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento na may katutubong kulay. Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento. Nailalarawan ang sariling kultura sa anyo ng maikling salaysay.
BUUIN MO Panuto : Isulat ang iyong mga kalakasan sa unang hanay , ang iyong mga kahinaan sa ikalawang hanay , at ang iyong gagawin upang mabigyang-solusyon ang kahinaang ito .
Kalakasan Kahinaan Ang aking gagawin upang masolusyunan ang kahinaan
TALAS-SALITA Panuto: Piliin ang maaaring maging simbolo ng mga salitang nasa kaliwa. Maaaring higit sa isa ang mapiling sagot. Isulat ang iyong sagot at sa loob ng dalawa hanggang tatlong pangungusap , ipaliwanag kung bakit mo napili ang nasabing simbolo. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.
5. Katatagan bato maso papel palay Paliwanag: Paliwanag: Paliwanag: Paliwanag: Paliwanag:
TALAS-SALITA Sagutan Natin
TALAS-SALITA bituin bahaghari gabi puso bato
BASAHIN NATIN Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang Hashnu, Ang Manlililok Ng Bato sa Pahina 165 hanggang 167.
SAGUTIN NATIN Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Ano ang kaniyang naramdaman at ninais niyang mabago ang takbo ng kaniyang buhay?
2. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang kanyang pagnanais na mabago ang kaniyang buhay?
3. Anong pangyayari ang bumago sa kaniyang buhay bilang isang manlililok?
4. Naging ganap ba ang kaniyang kaligayahan bilang hari? Ipaliwanag ang iyong sagot.
5. Ano ang nagpabago ng kaniyang isip at ninais naman niyang maging araw?
6. Naging masaya ba siya sa kapangyarihan niya bilang araw? Ipaliwanag ang iyong sagot.
7. Bakit ninais niya pang maging ulap sa kabila ng kaniyang kapangyarihan bilang araw? Ano-anong mga katangian at kalakasan ng ulap ang kaniyang nakita na naging sanhi upang naisin niyang maging katulad nito?
8. Ano-ano naman ang mga naging kahinaan niya bilang isang ulap na naging dahilan upang ayawan niya ang kalagayang ito?
9. Ano-ano naman ang mga pangyayaring nagbunsod sa kanya para naisin niyang maging isang bato? Bakit nasabi niyang higit na malakas ang bato kaysa sa hari, araw, at ulap?
10. Matapos ang maraming pangyayari sa buhay ni Hashnu, bakit muli niyang ninais na magbalik sa pagiging isang manlililok ng bato?Kung ikaw ang nasa kaniyang kalagayan, ganito rin kaya ang mararamdaman mo? Bakit?
11. Sa lahat ng pagbabago na kaniyang nararanasan, ano ang ugaling nagtulak sa kaniya upang maghangad palagi ng pagbabago? Nakabuti ba ito sa kaniya? Ipaliwanag ang iyong sagot.
12. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mabuhay sa ibang katauhan o kalagayan, ano kaya ito at bakit?
13. Bilang kabataan, paano mo maipakikita na pinahahalagahan mo ang mga katangian at kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos?
PAGSASALAYSAY isang uri ng pagpapahayag na may layuning ikuwento ang mga kawil ng pangyayari na maaaring pasalita o pasulat.
Isa sa mga pinakagamitin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ng tao sa kaniyang kapuwa. Maaaring ibatay sa sariling karanasan, nasaksihan, napakinggan, nabasa, o kathang-isip lamang.
May-akda - Malikhain, magtaglay ng malawak na imahinasyon sa paglikha ng bisa ng simula at wakas.
KATANGIAN NG ISANG TALATANG NAGSASALAYSAY 1.May maganda o mabuting pamagat- Ito ay dapat na maging maikli lamang, hindi katawa-tawa at lumilikha ng pananabik.
KATANGIAN NG ISANG TALATANG NAGSASALAYSAY 2. May Mahalagang Paksa o Diwa- Kinakailangang ito ay kapupulutan ng aral at maging kapaki-pakinabang sa babasa. Ito rin ay dapat na nagbibigay ng mga bagong kaalaman sa mga babasa, naiuugnay sa kanilang karanasan o kalagayan na makatutulong sa pag-unlad ng kanilang pagkatao.
KATANGIAN NG ISANG TALATANG NAGSASALAYSAY 3. May Wasto o Maayos na Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari- Ang karaniwang pagsasalaysay ay nag-uumpisa sa simula ng mga pangyayari na sinusundan ng mga gitnang pangyayari at pagkatapos ay wakas ng pangyayari.
KATANGIAN NG ISANG TALATANG NAGSASALAYSAY 4. May Kaakit-akit na Simula- Ang unang pangungusap ng salaysay ay dapat na makalikha ng pananabik sa babasa o makikinig upang makuha ang atensiyon at interes nito hanggang sa matapos niya ang pagbabasa o pakikinig.
KATANGIAN NG ISANG TALATANG NAGSASALAYSAY 5. May Kasi-siyang Wakas- Kinakailangang ang wakas ay nagkikintal ng isang impresyon sa isip ng babasa upang magkaroon ito ng bisa.
MGA KATANGIAN NG MABISANG PAGSASALAYSAY 1.Kinakailangang ang mga kaisipan nito ay nagtataglay ng kaisahan. 2.Kinakailangang ito ay nagbibigay-diin sa mahahalagang pangyayaring isinasalaysay.
3.May paglalarawan upang magkaroon ng kulay at buhay ang mga pangyayari. 4.May kasukdulan na siyang lumilikha ng pananabik sa bumabasa o nakikinig.
TATLONG URI NG PANANAW SA PAGSASALAYSAY
Gumagamit ng panghalip na panaong “Ako” Ang nagsasalaysay (ako) ay isa sa mga tauhan ng kuwento o maaari ring mga awtor mismo. 1.UNANG PANAUHANG PANANAW (FIRST PERSON POINT OF VIEW)
Gumagamit ng panghalip na panaong “Siya” Limitado sa nakikita ng tagapagsalaysay ang nailalahad Hindi nababasa ang iniisip at damdamin ng tauhan. 2.IKATLONG PANAUHANG PANANAW (THIRD PERSON POINT OF VIEW)
Gumagamit din ng panghalip na panaong “Siya” o “Sila” Hindi lamang limitado ang kaniyang pagsasalaysay sa nakikitang panlabas na kilos ng mga tauhan . Nababasa ang isipan at matutukoy ang damdamin ng mga tauhan . 3. MALA-DIYOS NA PANANAW (OMNIPOTENT POINT OF VIEW)
BALIKAN MO Panuto: Basahin muli ang akda. Ipaliwanag ang nahihinuha mong pag-uugali, paniniwala, at pamumuhay ni Hashnu na kakikitaan ng kultura ng mga Tsino. Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap sa pagpapaliwanag.
SAGUTAN MO Panuto: Tukuyin ang tamang kahulugan ng mga imahen o simbolo na ginamit sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1.Tila nagdilang anghel naman si Hashnu sa kaniyang sinabi. Parang isang panaginip ang naganap sa kaniyang buhay.
a.Ang pagkakaroon ng kaniyang mga sinambit ay tila isang himala o panaginip. b.Isang anghel ang napaliwanag at nagbigay-katuparan sa kaniyang mga panaginip. c.Nakatanggap ng isang pahayag si Hashnu mula sa anghel na siya ay magkakaroon ng kakaibang panaginip.
2. Sana ay mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho para hindi na magdala ng paet at maso rito araw-araw.
a. Napapagod at nagsasawa na si Hashnu sa paulit-ulit na ginagawa. b. Nangangarap siya ng buhay na perpekto kung saan ang tao ay mabubuhay sa mundo kahit na magtrabaho. c. Ayaw na niyang gamitin ang paet at maso sapagkat para sa kaniya ang paggamit nito ay isang nakababagot na gawain.
3. Mayabang siya sa paglakad kaya’t ang kaniyang mga tauhan ay talagang gumagalang sa kaniya.
a. Iginalang ng kaniyang mga tauhan si Hashnu sapagkat sa paraan pa lamang ng kaniyang paglalakad ay masasabing siya’y isang ganap ng hari. b. Sa kaniyang pagiging hari ay naging mapagmataas siya kung kaya’t ang kaniyang mga tauhan ay talagang gumagalang sa kaniya. c. Ang paggalang ng kaniyang mga tauhan sa kaniya ay bunga ng kanilang labis na paghanga sa kaniya dahil sa husay niyang maglakad.
4. Namumutla at napagod siya dahil sa matinding sikat ng araw. Naisip niyang kaya palang panghinain at talunin ng Araw ang makapangyarihan at iginagalang na hari.
a. Ito ay patunay lamang na ang lakas at kapangyarihan ng tao ay may hangganan kahit ano pa ang kalagayan niya sa buhay. b. Ang matinding sikat ng araw ay maaaring makapuksa sa kalusugan ng tao. c. Ang tao at ang hari ay madalas magpaligsahan kung sino ang higit na malakas sa kanilang dalawa.
5. Nagmuni-muni siya. Natanto niyang walang ibang pinakamalakas kundi siya. Mulat sa katotohanan, muling humiling si Hashnu na ibalik siya sa pagiging manlililok.
a. Ipinahihiwatig nitong bawat tao ay may kani-kaniyang kalakasan ang kailangan lamang ay tuklasin at pagyamanin ito. b. Ipinahihiwatig nitong ang manlililok ang maituturing na pinakamalakas na nilalang sa mundo. c. Ipinahihiwatig nitong kung nais ng isang taong maging malakas piliin niya na maging manlililok.
I-KUWENTO MO Panuto: Balikan ang kulturang nahinuha mo sa Pagsasanay B. Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap patungkol sa isang karanasan sa iyong buhay na ipinakita mo ang nasabing pag-uugali. Humandang ibahagi ito sa klase.
MAKINIG KA Panuto: Makinig nang mabuti sa guro. Isulat ang katanungan na kaniyang babanggitin at sagutan ito.
MAKINIG KA 1. Paano mo maisasabuhay ang gintong aral na tinuran ni Confucius na “Huwag mong gawin sa kapuwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo”?
ISALAYSAY MO Panuto: Sumulat ng isang maikling salaysay tungkol sa kultura sa inyong bayan o probinsya na patuloy na isinasabuhay sa inyong tahanan. Siguraduhing malinaw, makabuluhan, at gumagamit ng wasto at maayos na wika.
Filipino 9 “Pamagat ng Maikling Kuwento” Pangalan: Baitang at Seksyon: Petsa: Guro:
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO Katangian Paglalarawan Puntos Napakahusay Ang salaysay ay malinaw, masining, at makabuluhan; mahusay ang pagkakaugnay ng ideya at tama ang gamit ng wika; nagpapakita ng malalim na pag-unawa sa kultura. 91–100 puntos
Mahusay Ang salaysay ay malinaw at may sapat na detalye; maayos ang daloy ng ideya at halos walang pagkakamali sa wika; nagpapakita ng pag-unawa sa kultura. 81–90 puntos
Katanggap-tanggap Ang salaysay ay may ideya ngunit kulang sa detalye at lalim; may ilang pagkukulang sa organisasyon at paggamit ng wika; bahagyang naipapakita ang pag-unawa sa kultura. 71–80 puntos
Nangangailangan ng Pagpapabuti Ang salaysay ay hindi malinaw at kulang sa ugnayan; maraming pagkakamali sa nilalaman at paggamit ng wika; hindi gaanong naipapakita ang pag-unawa sa kultura. 70 pababang puntos
I-TSEK MO Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang tamang kaisipan o gawain sa pagsasalaysay o ng ekis (x) ang hindi. Isulat a ng iyong kasagutan sa iyong kuwaderno.
1. Maaaring maging basehan ng pagkukuwento ang isang bagay na iyong nabasa o narinig.
2. Mahirap makabuo ng kuwento o pagsasalaysay ang isang taong hindi palabasa o palanood.
3. Kailangang maghanda ng balangkas sa pagsusulat ng kuwento.
4. Sa pagsisimula ng kuwento ay maaaring gumamit ng mga tuwirang pahayag o tanong upang maging kawili-wili ito.
5. Ang simula ng kuwento ay higit na mahalaga kaysa sa wakas nito.
Maraming Salamat sa Pakikiisa! Mayroon pa bang katanungan? Maghanda sa susunod na talakayan.