4.3 Nabibigyang-halaga ang mga batayang pagsasaalang-alang ng karapatan ng iba
ALAMIN NATIN Tungkol sa ano ang inyong napanood na video ? Bakit kaya sila nandoon ? Sa palagay ninyo , dapat na bang magtrabaho ang mga batang nasa ganung edad ? Bakit ? Ano ang inyong naramdaman sa video inyong napanood ? Anong karapatan ng isang bata ang nalalabag o nawawala sa video inyong napanood ? Kung ikaw ay kaibigan ng mga batang iyon , ano ang iyong maipapayo sa kanila ? Bakit ?
Ano-ano ba ang mga karapatan ng isang batang tulad mo ? PAALALA : Ang edukasyon ay mahalaga . HIkayatin natin an gating kapwa na pumasok sa paaralan .
IKALAWANG ARAW ISAGAWA NATIN Balik-aral . Tungkol saan ang ating napanood na video kahapon ? Ano ang pagpagpapahalagang iyong natutuhan tungkol sa aralin ?
Paano ito nakaimpluwensiya sa iyong upang umunlad ?
GAWAIN 1: Thumbs Up, Thumbs Down Panuto : Basahin ang sitwasyong nka flash sa projector. Ipakita ang “Thumbs Up” kung wasto ang kaisipang ipinapahayag at “Thumbs Down” kung hindi .
Ang edukasyon ay isang karapatan na dapat makamit ng isang bata para sa kanyang pag-unlad . Sa batang edad , nararapat na maghanapbuhay ang bata upang matustusan ang kanyang pag-aaral . Isaalang-alang ng magulang ang karapatan ng anak katulad ng edukasyon . Nararapat igalang ang karapatan ng iyong kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay payo sa kahalagahan ng pag-aaral . Maituturing na mahalaga ang edukasyon upang umunlad ang isang bata .
GAWAIN 2: FESTIVAL OF TALENTS Pangkatin ang klase sa apat na grupo . Hayaang pumili ang bawat grupo ng larawang nagpapakita ng mga karapatan ng mga bata na nais nilang pag-usapan . Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon .
KRAYTERYA NAPAKAHUSAY (3 Puntos ) MAHUSAY (2 Puntos ) KAILANGAN PANG AUNLARIN (1 Puntos ) Nilalaman Lahat ng konseptong nakapaloob sa output ay tumpak at may kinalaman sa paksa Isa hanggang dalawang konseptong nakapaloob sa output ay tumpak at may kinalaman sa paksa Tatlo o higit pang konseptong nakapaloob sa output ay tumpak at may kinalaman sa paksa Kahusayan ng pagganap Napakahusay at masining na nagampanan ang nakaatang na gawain na naipakita sa output Mahusay at masining na nagampanan ang nakaatang na gawain na naipakita sa output Hindi gaanong lumabas ang husay at sining sa pinakitang output/ pagganap Pagtutulungan ng Pangkat Lahat ng miyembro ay aktibong nakibahagi mula sa proseso hanggang sa matapos ang output Isa hanggang tatlong miyembro ay hindi gaanong aktibong nakibahagi mula sa proseso hanggang sa matapos ang output Apat o higit pang miyembro ay hindi gaanong aktibong nakibahagi mula sa proseso hanggang sa matapos ang output
Tandaan na ang rubrics ay magmumula sa pagsang-ayon ng mga mag- aaral at guro sa paggagrado ng gawain . Maaari rin naming ito ay galing sa guro ngunit dapat ay may konsultasyon sa mag- aaral upang lalong mapaganda ang rubrics.
Tema : “ Isaalang-alang ang karapatan ng bawat bata ”.
IKATLONG ARAW Isapuso natin Balik-aral sa nakaraang talakayan .
Ipanood sa mga mag- aaral ang videoclip The Good Experiment Magbigay ng mga katanungan tungkol sa videoclip .
Mga tanong . Tungkol saan ang videoclip na iyong napanood ? Bakit kaya marumi ang mga kasuotan ng mga bata ? Bakit kaya umiiyak ang mga nanay sa bidyu ? Mahalaga ba na nasa paaralan ang mga batang katulad ninyo ? Bakit ? Sa inyong palagay , mas mahalaga bang nag- aaral ang mga bata o hindi . Pangatwiranan . Kung may nakita kang mga bata na nasa kalye at hindi pumapasok sa paaralan , ano ang iyong gagawin ?
Gumawa ng komitment kard na nagpapahayag ng pananagutan upang ipaunawa ang kahalagan ng edukasyon sa bawat isa.
TANDAAN: Ang bawat isa ay may pananagutan sa sarili at sa kanyang kapwa na ipaunawa ang kahalagan ng pag-aaral .
IKAAPAT NA ARAW ISABUHAY NATIN Bilang isang mag- aaral , paano mo mahihikayat ang mga kapwa mo bata na pumasok sa paaralan ?
Gamit ang Concept Map sa ibaba , isulat ang mga gawaing makahihikayat sa mga bata upang pumasok sa paaralan .
TANDAAN: Ang bawat isa ay may magagawa sa pag-unlad ng kapwa . Hikayatin natin silang mag- aral , magsumikap at magtagumpay .
IKALIMANG ARAW Subukin natin Gumawa ng isang slogan na binubuo ng sampung salita na nagpapakita ng kahalagahan ng edukasyon .
Pagbati ! Natapos mong muli ang isang aralin . Naniniwala akong kaya mo ng isaalang-alang ang karapatan ng iba sa pamagitan ng pagbibigay ng iyong sariling opinion. Nawa’y maging gabay mo ng iyong natutunan .
Takdang-aralin Gumawa ng kard na nagaanyaya upang makahihikayat ang isang bata na pumasok sa paaralan .