Layunin : Sa araling ito inaasahan Nakapagpapadama ng malasakit sa kapwa na may karamdaman sa pamamagitan ng mga simpleng gawain pagtulong at pag-aalaga , - pagdalaw , pag-aliw , at pagdadala ng pagkain o anumang bagay na kailangan .
Ang mga pagkain , gamot , tubig , kard at drawing ay halimbawa ng mga materyal na bagay na maaaring ihandog sa mga may sakit . Sa pamamagitan ng pagdalaw , pakikipagkwentuhan , pagaalaga , pagbibigay-aliw at pagdarasal ay mga di- materyal na bagay.
Nagkaroon ng palatuntunanang mga special education children sa inyong paaralan . Unang nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang hearing impaired child na si Jano . Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang tula ng bigla niyang makalimutan ang susunod na linya . Ano ang dapat mong gawin ?
Panuto : Basahin ang maikling kwentong , “ Natatanging si Ben” at sagutan ang mga sumusunod na tanong .
Ang pantay-pantay na pagtingin ay pagpapakita rin ng paggalang sa kapwa . Ito ay nagpapaalala sa atin na walang mayaman o walang mahirap sa lipunang ating ginagalawan . Nararapat nating pahalagahan ang taglay na mga kakayahan ng bawat isa may kapansanan man o wala . Wala tayong k arapatan upang husgahan ang ating kapwa sa panlabas na kaanyuan .
Panuto : Suriin ang sumusunod na sitwasyon . Ano ang iyong dapat gawin ?
Tandaan Ang mga may kapansanan ay dapat nating mahalin at igalang . Ipakita nating sila ay kabahagi ng ating lipunan . Suportahan natin ang anumang programa meron ang ating pamayanan para sa kanila . Atin ding ipagpasalamat sa Poong Maykapal na tayo ay biniyayaan ng kumpleto at malusog na pangangatawan .
Panuto : Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon . Piliin ang titik ng nararapat mong gawin upang matulungan ang mga may kapansanan sa iyong pamayanan .