edukasyong pantahanan at pangkabuhayan dlp q3week 4

supercellcodes17 66 views 11 slides Feb 01, 2025
Slide 1
Slide 1 of 11
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11

About This Presentation

dlp q3w4


Slide Content

SCHOOL AMPARO ELEMENTARY SCHOOL GRADE 4
TEACHER NENA P. DELGADO SUBJECT EPP
DATE QUARTER Q3
12:00 - 12:40 Galileo Galilei 12:40-1:20 Bienvenido Niebres 1:20-2:00 Fe Del Mundo
I. NILALAMAN, MGA PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO NG KURIKULUM
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa mga
tungkuling pantahanan.
B. Pamantayang Pagganap Ang mga mag-aaral ay naisasagawa ang mga gawaing pantahanan
nang may pag-iingat.
C. Mga Kasanayang
Pampagkatuto
Mga Kasanayan
1.Natutukoy ang mga kagamitan at consumables sa paghuhugas ng
pinaglutuan at pinagkainan.
2.Naisasagawa ang mga hakbang sa paghuhugas ng pinaglutuan at
pinagkainan nang may pag-iingat.
D. Mga Layunin Natutukoy ang mga kagamitan at consumables sa paghuhugas ng
pinaglutuan at pinagkainan.
II. NILALAMAN/PAKSA ARALIN-16-•Mga Kagamitan at Consumables sa Paghuhugas ng
Pinaglutuan at Pinagkainan
•Mga Hakbang sa Paghuhugas ng Pinaglutuan at Pinagkainan
III. Integrasyon SDG 2: Zero Hunger
SDG 6: Clean Water and Sanitation
III. MGA KAGAMITANG
PANTURO AT
PAMPAGKATUTO
PowerPoint presentation
Food Network Kitchen. (2021). How to Cook Rice: A Step-by-Step Guide.
https://www.foodnetwork.com/how-to/articles/how-to-make-perfect-rice-
a-step-by-step-guide
Segal, D. (2021). Cooking 101: How to Cook Rice.
https://www.webmd.com/food-recipes/features/cooking-101-how-to-
cook-rice
IV. MGA PAMARAANG
PANTURO AT PAMPAGKATUTO
A. Pagkuha ng dating
kaalaman ( Activating Prior
Knowledge) (Minds and
Moods)
1. Pang-araw-araw na kasanayan
2. Awit
3.Balik-aral
1. Maikling Balik-aral
Ipakita ang larawan ng kaldero at rice cooker. Itanong sa mga mag-aaral
ang pagkakaiba nito sa isa’t isa.
Tanong – Tugon: Humanap ng kapareha at ibigay ang tugon sa tanong
na:Ano ang mas gusto mong gamitin sa pagsasaing ng bigas, kaldero o
rice cooker? Bakit?
B. Gawaing Paglalahad ng
Layunin ng Aralin/
(Establishing Lesson Purpose)
(Aims)
1.Panghikayat na Gawain
Pagmasdan Mo: Tingnang mabuti ang mga larawan na ipapakita ng
guro. Sikaping sagutin ang mga tanong na ibibigay.

C. Paglinang at
Pagpapalalim
(Developing and
Deepening Understanding)
(Tasks and Thought)
2.Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin
Ibabahagi ng mga mag-aaral sa klase ang kanilang sagot sa mga
sumusunod na tanong.
Gabay Tanong
a. Anu – ano ang ipinapakita sa mga larawan?
b. Sino ang dapat magligpit at maghugas ng mga pinagkainan ng mag-
anak?
c. Bakit dapat iligpit at hugasan kaagad ang mga pinagkainan
pagkatapos kumain?
d. Bakit mahalagang magtulungan ang lahat sa pagliligpit at paghuhugas
ng mga pinagkainan?
3.Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin
Isusulat ng guro ang mga sumusunod na salita sa pisara o sa manila
paper.pag-aayos paglilinis
kutsara at tinidor nauubos na mga gamit
Ayusin Mo: Itatapat ang nabuong salita sa kasingkahulugan nito na
nakasulat sa pisara/PPT/flashcards
D. Pagbasa sa
Mahahalagang
Pag-unawa/Susing Ideya
Kaugnay na Paksa 1: Mga Kagamitan at Consumables sa Paghuhugas ng
Pinaglutuan at Pinagkainan
1.Pagproseso ng Pag-unawa
Pangalanan Mo: Magpapakita ang guro ng mga aktwal/larawan na
kagamitan sa paghuhugas ng pinagkainan at pinaglutuan. Ibibigay ng
mga bata ang pangalan ng bawat gamit.
Halimbawa: dishwashing liquid sponge o scouring pad
dish towel maliit na dish rack
maliit na palanggana apron
2. Pinatnubayang Pagsasanay
Gallery Walk: Gumawa ng apat na istasyon sa silid-aralan kung saan
ilalagay ang ilang mga kagamitan at consumable sa paghuhugas ng
pinagkainan. Igrupo ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Bigyan ang
bawat grupo ng activity sheet na kanilang sasagutan habang umiikot sa
bawat istasyon. Bigyan ang mga mag-aaral ng sapat na oras para
makapag-ikot.
Sa bawat istasyon ay makikita nila ang isang aktwal na gamit sa
paghuhugas ng pinagkainan at pinaglutuan. Sasagutin ang mga
sumusunod sa kanilang activity sheet:

E. Pagpapaunlad
ng Kaalaman at Kasanayan
sa Mahahalagang
Pag-unawa/Susing Ideya
F. Pagpapalalim ng
Kaalaman
at Kasanayan sa
Mahahalagang
Pag-unawa/Susing Ideya
G. Paglalapat at Paglalahat
(Abstraction)
Bakit mahalagang magtulungan ang lahat sa pagliligpit at paghuhugas
ng mga pinagkainan?
IV. Ebalwasyon ng Pagkatuto:
Pagtataya at
Pagninilay/Evaluating
Learning (Test)
A. Pagtataya Tukuyin ang mga kagamitan at consumables sa paghuhugas ng
pinaglutuan at pinagkainan.
_______1. Ito ay consumable na ginagamit para linisin ang mga pinggan,
kubyertos, at iba pang kagamitan.
_______2. Ito ay ginagamit sa pagbubulto na lalagyan mga
kasangkapang huhugasan.
_______3. Ito ay gamit para linisin ang mga pinggan, kaserola, at iba pang
kagamitan.
_______4. Ito ay ginagamit para itabi o iayos ang mga pinggan, baso, at
kubyertos pagkatapos hugasan.
_______5. Ito ay ginagamit para linisin ang mga lutuan, kawali, at iba pang
kagamitang kusina na may matitigas na natirang pagkain o labis na
langis.
B. Pagbuo ng Anotasyon
(Teacher’s Remarks)
(Annotations)
C. Pagninilay (Refelctions)
(Gains)

SCHOOL AMPARO ELEMENTARY SCHOOL GRADE 4
TEACHER NENA P. DELGADO SUBJECT EPP
DATE QUARTER Q3
12:00 - 12:40 Galileo Galilei 12:40-1:20 Bienvenido Niebres 1:20-2:00 Fe Del Mundo
I. NILALAMAN, MGA PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO NG KURIKULUM
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa mga
tungkuling pantahanan.
B. Pamantayang Pagganap Ang mga mag-aaral ay naisasagawa ang mga gawaing pantahanan
nang may pag-iingat.
C. Mga Kasanayang
Pampagkatuto
Mga Kasanayan
1.Natutukoy ang mga kagamitan at consumables sa paghuhugas ng
pinaglutuan at pinagkainan.
2.Naisasagawa ang mga hakbang sa paghuhugas ng pinaglutuan at
pinagkainan nang may pag-iingat.
D. Mga Layunin Natutukoy ang mga kagamitan at consumables sa paghuhugas ng
pinaglutuan at pinagkainan.
II. NILALAMAN/PAKSA ARALIN-17-•Mga Kagamitan at Consumables sa Paghuhugas ng
Pinaglutuan at Pinagkainan
•Mga Hakbang sa Paghuhugas ng Pinaglutuan at Pinagkainan
III. Integrasyon SDG 2: Zero Hunger
SDG 6: Clean Water and Sanitation
III. MGA KAGAMITANG
PANTURO AT
PAMPAGKATUTO
PowerPoint presentation
Food Network Kitchen. (2021). How to Cook Rice: A Step-by-Step Guide.
https://www.foodnetwork.com/how-to/articles/how-to-make-perfect-rice-
a-step-by-step-guide
Segal, D. (2021). Cooking 101: How to Cook Rice.
https://www.webmd.com/food-recipes/features/cooking-101-how-to-
cook-rice
IV. MGA PAMARAANG
PANTURO AT PAMPAGKATUTO
A. Pagkuha ng dating
kaalaman ( Activating Prior
Knowledge) (Minds and
Moods)
1. Pang-araw-araw na kasanayan
2. Awit
3.Balik-aral
Tukuyin ang mga kagamitan at consumables sa paghuhugas ng
pinaglutuan at pinagkainan.
_______1. Ito ay consumable na ginagamit para linisin ang mga pinggan,
kubyertos, at iba pang kagamitan.
_______2. Ito ay ginagamit sa pagbubulto na lalagyan mga
kasangkapang huhugasan.
_______3. Ito ay gamit para linisin ang mga pinggan, kaserola, at iba pang
kagamitan.
B. Gawaing Paglalahad ng
Layunin ng Aralin/
(Establishing Lesson Purpose)
(Aims)
Paglalapat at Pag-uugnay
Pinoy Henyo: Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Mamimili ang pangkat
ng isang miyembro na siyang uupo sa harap ng pangkat at huhulaan ang
salitang nakasulat sa papel at nakadikit sa kaniyang noo. Tutulungan siya
ng pangkat sa pamamagitan ng pagtugon sa kaniyang mga tanong ng
OO, HINDI at PUWEDE hanggang mahulaan niya ang salita sa loob ng
inilaang oras.
Mga salitang maaaring hulaan na nakasulat sa papel na may kaugnayan
sa aralin

C. Paglinang at
Pagpapalalim
(Developing and
Deepening Understanding)
(Tasks and Thought)

Kaugnay na Paksa 2: Mga Hakbang sa Paghuhugas ng Pinaglutuan at
Pinagkainan
1. Pagproseso ng Pag-unawa
Pag-ugnayin: Iuugnay ng mga mag-aaral ang mga pangungusap sa
tamang larawan. Isusulat ng mga mag-aaral ang titik ng larawan sa
kaugnay nitong pangungusap.
Mga Pangungusap:
_____ 1. Malinis na lababo.
_____ 2. Binabanlawang pinggan.
_____ 3. Inaalis ang mga tirang pagkain.
_____ 4. Ang mga kagamitan sa pagkain ay nasa patuyuan.
_____ 5. Ang pinggan ay pinupunasan.
_____ 6. Ang mga pinagkainan ay nasa lababo.
_____ 7. Sinasabon na pinggan.
_____ 8. Mga kaserola at palayok na ginamit sa pagluluto
D. Pagbasa sa
Mahahalagang
Pag-unawa/Susing Ideya
Mga Larawan
E. Pagpapaunlad
ng Kaalaman at Kasanayan
sa Mahahalagang
Pag-unawa/Susing Ideya
F. Pagpapalalim ng
Kaalaman
at Kasanayan sa
Mahahalagang
Pag-unawa/Susing Ideya
2. Pinatnubayang Pagsasanay
Manood at Matuto: Ang mga mag-aaral ay manood sa demostrasyon ng
guro sa pagsasagawa ng wastong mga hakabang sa paghuhugas ng
pinaglutuan at pinagkainan. Manood ng mabuti at pag-aralan ang mga
hakbang bilang paghahanda sa gagawing pangkatang return
demonstration.
Reading Resources
1.Simulan ang paghuhugas ng pinagkainan sa mas malinis na
kasangkapan. Ilagay ang mga huhugasang pinagkainan sa dakong
kanan ng lababo ayon sa pagkasunod-sunod:
a. baso o glassware
b. kubyertos o silverware
c. plato o chinaware
d. sandok at siyansi
e. kaldero, kaserola, kawali, at iba pa
2. Sabunin ang mga ito gamit ang maliit na palanggana na may sabon o
dishwashing liquid at espongha o sponge. Tiyaking malinis ang mga ito
bago gamitin. Sundin ang pagkasunod-sunod sa pagsasabon.
3. Banlawang mabuti. Kuskusin ang mga binabanlawan upang maalis ang
dumikit na sabon o panghugas at maalis ang amoy. Kapag ang ulam ay

masebo o mamantika gaya ng adobo, gumamit ng mainit na tubig sa
pagbabanlaw ng mga pinggan at kubyertos.
4. Ilagay sa dish rack at pabayaang tumulo ang tubig.
5. Patuyuin ang mga ito gamit ang malinis na pamunas.
6. Ang mga baso ay hindi pinupunasan upang hindi lumabo.
7. Iligpit o ilagay ang mga ito sa dapat kalagyan, pagkatapos hugasan at
patuyuin ang lahat ng pinagkainan at pinaglutuan.
8. Tiyakin na ang mga lalagyan ay malinis at walang amoy, bago iligpit
ang mga kasangkapang ginamit. Sa ganitong paraan hindi ito
pupuntahan ng ipis o daga.
9. Ilagay sa bandang unahan o sa lugar na madaling makuha ang mga
kasangkapang karaniwang ginagamit.
G. Paglalapat at Paglalahat
(Abstraction)
Bakit mahalagang magtulungan ang lahat sa pagliligpit at paghuhugas
ng mga pinagkainan?
IV. Ebalwasyon ng Pagkatuto:
Pagtataya at
Pagninilay/Evaluating
Learning (Test)
A. Pagtataya Magdala ng mga kagamitan na kakailanganin sa gagawing return demo
bukas sa tamang paghuhugas at pagliligpit ng pinagkainan.
B. Pagbuo ng Anotasyon
(Teacher’s Remarks)
(Annotations)
C. Pagninilay (Refelctions)
(Gains)

SCHOOL AMPARO ELEMENTARY SCHOOL GRADE 4
TEACHER NENA P. DELGADO SUBJECT EPP
DATE QUARTER Q3
12:00 - 12:40 Galileo Galilei 12:40-1:20 Bienvenido Niebres 1:20-2:00 Fe Del Mundo
I. NILALAMAN, MGA PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO NG KURIKULUM
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa mga
tungkuling pantahanan.
B. Pamantayang Pagganap Ang mga mag-aaral ay naisasagawa ang mga gawaing pantahanan
nang may pag-iingat.
C. Mga Kasanayang
Pampagkatuto
Mga Kasanayan
1.Natutukoy ang mga kagamitan at consumables sa paghuhugas ng
pinaglutuan at pinagkainan.
2.Naisasagawa ang mga hakbang sa paghuhugas ng pinaglutuan at
pinagkainan nang may pag-iingat.
D. Mga Layunin Naisasagawa ang mga hakbang sa paghuhugas ng pinaglutuan at
pinagkainan nang may pag-iingat.
II. NILALAMAN/PAKSA ARALIN-18-•Mga Kagamitan at Consumables sa Paghuhugas ng
Pinaglutuan at Pinagkainan
•Mga Hakbang sa Paghuhugas ng Pinaglutuan at Pinagkainan
III. Integrasyon SDG 2: Zero Hunger
SDG 6: Clean Water and Sanitation
III. MGA KAGAMITANG
PANTURO AT
PAMPAGKATUTO
PowerPoint presentation
Food Network Kitchen. (2021). How to Cook Rice: A Step-by-Step Guide.
https://www.foodnetwork.com/how-to/articles/how-to-make-perfect-rice-
a-step-by-step-guide
Segal, D. (2021). Cooking 101: How to Cook Rice.
https://www.webmd.com/food-recipes/features/cooking-101-how-to-
cook-rice
IV. MGA PAMARAANG
PANTURO AT PAMPAGKATUTO
A. Pagkuha ng dating
kaalaman ( Activating Prior
Knowledge) (Minds and
Moods)
1. Pang-araw-araw na kasanayan
2. Awit
3.Balik-aral
Mga Hakbang sa Paghuhugas ng Pinaglutuan at Pinagkainan
B. Gawaing Paglalahad ng
Layunin ng Aralin/
(Establishing Lesson Purpose)
(Aims)
Ngayong araw ay ang inyong Returm demo sa mga Mga Hakbang
sa Paghuhugas ng Pinaglutuan at Pinagkainan

C. Paglinang at
Pagpapalalim
(Developing and
Deepening Understanding)
(Tasks and Thought)

PAgbibigay ng pangkatang panuto.
D. Pagbasa sa
Mahahalagang
Pag-unawa/Susing Ideya
E. Pagpapaunlad

ng Kaalaman at Kasanayan
sa Mahahalagang
Pag-unawa/Susing Ideya
F. Pagpapalalim ng
Kaalaman
at Kasanayan sa
Mahahalagang
Pag-unawa/Susing Ideya
G. Paglalapat at Paglalahat
(Abstraction)
1. Paglalapat at Pag-uugnay
Kayo Naman: Papangkatin ang mga mag-aaral at sila ay magsasagawa
ng return demonstration sa paghuhugas ng pinaglutuan at pinagkainan.
Panuto:
1. Bumuo ng triad para sa gawaing ito.
2. Ihanda ang mga kagamitan at consumables sa paghuhugas.
3. Isagawa ang wastong hakbang sa paghuhugas ng pinagkainan at
pinaglutuan.
4. Gamitin ang score card bilang gabay sa gawaing ito.
IV. Ebalwasyon ng Pagkatuto:
Pagtataya at
Pagninilay/Evaluating
Learning (Test)
A. Pagtataya Pag mamarka sa bawat pangkatang Gawain.
B. Pagbuo ng Anotasyon
(Teacher’s Remarks)
(Annotations)
C. Pagninilay (Refelctions)
(Gains)

SCHOOL AMPARO ELEMENTARY SCHOOL GRADE 4
TEACHER NENA P. DELGADO SUBJECT EPP
DATE QUARTER Q3
12:00 - 12:40 Galileo Galilei 12:40-1:20 Bienvenido Niebres 1:20-2:00 Fe Del Mundo
I. NILALAMAN, MGA PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO NG KURIKULUM
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa mga
tungkuling pantahanan.
B. Pamantayang Pagganap Ang mga mag-aaral ay naisasagawa ang mga gawaing pantahanan
nang may pag-iingat.
C. Mga Kasanayang
Pampagkatuto
Mga Kasanayan
1.Natutukoy ang mga kagamitan at consumables sa paghuhugas ng
pinaglutuan at pinagkainan.
2.Naisasagawa ang mga hakbang sa paghuhugas ng pinaglutuan at
pinagkainan nang may pag-iingat.
D. Mga Layunin 2.Naisasagawa ang mga hakbang sa paghuhugas ng pinaglutuan at
pinagkainan nang may pag-iingat.
II. NILALAMAN/PAKSA ARALIN-19-20•Mga Kagamitan at Consumables sa Paghuhugas ng
Pinaglutuan at Pinagkainan
•Mga Hakbang sa Paghuhugas ng Pinaglutuan at Pinagkainan
III. Integrasyon SDG 2: Zero Hunger
SDG 6: Clean Water and Sanitation
III. MGA KAGAMITANG
PANTURO AT
PAMPAGKATUTO
PowerPoint presentation
Food Network Kitchen. (2021). How to Cook Rice: A Step-by-Step Guide.
https://www.foodnetwork.com/how-to/articles/how-to-make-perfect-rice-
a-step-by-step-guide
Segal, D. (2021). Cooking 101: How to Cook Rice.
https://www.webmd.com/food-recipes/features/cooking-101-how-to-
cook-rice
IV. MGA PAMARAANG
PANTURO AT PAMPAGKATUTO
A. Pagkuha ng dating
kaalaman ( Activating Prior
Knowledge) (Minds and
Moods)
1. Pang-araw-araw na kasanayan
2. Awit
3.Balik-aral
B. Gawaing Paglalahad ng
Layunin ng Aralin/
(Establishing Lesson Purpose)
(Aims)


C. Paglinang at
Pagpapalalim
(Developing and
Deepening Understanding)
(Tasks and Thought)
1.Pabaong Pagkatuto
Tanong-Tugon: Sagutin ng mga mag-aaral ang sumusunod na tanong.
a. Anong kagamitan ang dapat unang huhugasan, pangalawa,
pangatlo, at iba pa?
b. Bakit kailangang sundin ang ganitong pagkasunod-sunod?
c. Pagkatapos mahugasan ang lahat ng pinagkainan at pinaglutuan, ano
na ang inyong gagawin?
d. Ano ang kabutihang dulot ng kalinisan at kaayusan sa kusina?
D. Pagbasa sa
Mahahalagang
2.Pagninilay sa Pagkatuto

Pag-unawa/Susing Ideya Bilang pagsasabuhay sa natutunan sa araling ito, sabihin sa iyong nanay,
tatay, lola, lolo, o kasama sa bahay na gusto mong magpatalaga na
maghuhugas at magliligpit ng pinagkainan at pinaglutuan tuwing agahan
/ tanghalian / hapunan. Pumili ng isa sa iskedyul na gusto o akma sa iyo.
Papirmahan sa magulang ang kasunduan sa loob ng isang linggo.
______________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang
Sagutin: Ano ang iyong naging damdamin sa pagsasagawa ng gawaing
ito?Ipaliwanag.
E. Pagpapaunlad
ng Kaalaman at Kasanayan
sa Mahahalagang
Pag-unawa/Susing Ideya
F. Pagpapalalim ng
Kaalaman
at Kasanayan sa
Mahahalagang
Pag-unawa/Susing Ideya
G. Paglalapat at Paglalahat
(Abstraction)
IV. Ebalwasyon ng Pagkatuto:
Pagtataya at
Pagninilay/Evaluating
Learning (Test)
A. Pagtataya 1.Pagsusulit
Ayusin ang pagkasunod-sunod ng paghugas ng mga pinagkainan at
kasangkapan sa kusina.
A. Isulat ang bilang isa (1) hanggang lima (5) sa patlang ayon sa
pagkasunod-sunod ng paghuhugas.
_____ a. mga plato, platito, tasa, at mangkok o chinaware
_____ b. mga kubyertos o silverware
_____ c. mga baso o glassware
_____ d. palayok, kaldero, kawali, at iba pa
_____ e. sandok at siyansi
B. Isulat ang bilang isa (1) hanggang lima (5) sa patlang ayon sa
paghuhugas ng mga kasangkapan.
_____ a. Banlawang mabuti.
_____ b. Patuyuin sa pamamagitan ng malinis na basahan.
_____ c. Sabunin ang mga kasangkapan.
_____ d. Ilagay sa patuyuan at hayaang tumulo ang tubig.
_____ e. Ilagay ang mga huhugasan sa kanang bahagi ng lababo.
B. Pagbuo ng Anotasyon
(Teacher’s Remarks)
(Annotations)
C. Pagninilay (Refelctions)
(Gains)
2.Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin
Sagutin ang mga tanong.
1. Bakit inuunang hagasan ang mga baso, tasa, at kutsara?
2. Paano ang wastong paraan ng paghuhugas at pagliligpit ng
pinagkainan?
3. Ano ang dapat tandaan sa paghuhugas at pagliligpit ng pinagkainan?
Tags