EKONOMIKS Grade 9 Aralin 1 Ekonomiks

JoyAnnJusay1 111,330 views 30 slides Apr 23, 2023
Slide 1
Slide 1 of 30
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30

About This Presentation

Ekonomiks ay isang agham panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang kakapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong yaman.


Slide Content

Magandang umaga  Ms. Joy ann jusay

AGHAM PANLIPUNAN LIMITADONG YAMAN KAGUSTUHAN NG TAO MATALINONG PAGGAMIT EKONOMIKS

EKOnomiks Ito ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag- aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman . Hango sa salitang griyego na oikonomia (oikos- tahanan , nomos- pamamahala ) na nangangahulugang pangangasiwa ng sambahayan (household management)

EKOnomiks Bakit may pagkakatulad ang Ekonomiya at Sambahayan ?

EKOnomiks Nakapaloob kung paano tutugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa lipunan . Ang kabuhayan o material na pangangailangan ng lipunan o pamayanan ang paksa o diwa nito . Unang nakilala bilang political economy na sentral na paksa ng mga philosopher o pilosopo .

EKOnomiks Economic Goods- mga bagay na may katumbas na halaga o presyo tulad ng pagkain , damit , at bahay . Free Goods- mga bagay na nakakamit ng tao nang walang bayad tulad ng init ng araw at hangin .

2 Dibisyon ng pag - aaral ng ekonomiks 1. Maykroekonomiks - nagmula sa salitang griyego na mikro na ang ibig sabihin ay maliit . -Ito ay sumusuri sa kilos at gawi ng maliit na yunit ng ekonomiya tulad ng mamimili , prodyuser , at pamilihan na kumakatawan sa mga konsepto ng demand, supply, at pagnenegosyo ng mga indibidwal na tuhan sa iba’t ibang estruktura ng pamilihan .

2 Dibisyon ng pag - aaral ng ekonomiks 2. Makroekonomiks - nagmula sa salitang griyego na makro na ang ibig sabihin ay malaki . -Ito ay sumusuri sa ekonomiya sa kabuoan nito . Saklaw nito ang pag-aaral sa pambansang antas ng pag eempleyo , galaw ng presyo , at mga polisiya o patakarang ipinatutupad ng pamahalaan . Halimbawa : Pambansang kita , GDP at GNP, utang panlabas , palitan ng piso sa dolyar at iba pang currency.

Mga pilosopong nagpalaganap ng kaisipan ng ekonomiks Mga Pilosopo Kaisipang Itinataguyod Xenophon Mabuting pamamahala at pamumuno . Oeconomicus Plato Espesyalisasyon at division of labor. The Republic Aristotle Pribadong pagmamay-ari . Topics and Rhetoric Mercantilist Paglikom ng mga likas na yaman tulad ng lupa , ginto , at pilak Francois Quesnay at Phusiocrats Pagbibigay-halaga sa kalikasan at paggamit nang wasto sa mga likas na yaman . Tableau Economique-nagpapakita ng apaikot na daloy ng produkto at serbisyo sa ekonomiya .

Ekonomista - isang tao na nag- aaral ukol sa pagpili at pagdedesisyon ng mga tao at lipunan at ang epekto nito sa buong ekonomiya . Adam Smith- Ama ng Makabagong Ekonomiks -Laissez-Faire o Let Alone Policy -An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations -Ang espesyalisasyon ay paghahati ng mga gawain sa produksiyon ayon sa kapasidad at kakayahan sa paggawa .

David Ricardo- yumaman dahil sa stock market - Law of Diminishing Marginal Returns, isinasaad nito na ang patuloy na paggamit ng tao sa mga likas na yaman ay nagiging dahilan ng pagliit ng pakinabang na nakukuha mula sa mga ito . - Law of Comparative Advantage, isa itong prinsipyong nagsasaad na mas nakalalamang ang mga bansa na nakagagawa ng mga produkto sa mas mababang halaga (production cost) kompara sa ibang bansa .

Thomas Robert Malthus- binigyang-diin ang mga epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon . -Malthusian Theory, ang populasyon ay mas mabilis lumaki kaysa sa supply ng pagkain na nagdudulot ng labis na kagutuman sa bansa . Paraang positibo - taggutom , salot at peste at malalaking digmaan . Preventive na paraan - matagal na pag-aasawa hindi pag-aasawa , sexual abstinence, at moral restraint.

John Maynard Keynes- Father of Modern Theory of Employment, ipinakilala niya ang Keynesian Economics kung saan binigyang-diin niya ang pamumuhunan at pagkonsumo ay lilikha ng employment.

Karl Marx- Ama ng Komunismo - naniniwala sa pagkakaroon ng pagkakapantay ng tao sa lipunan . - Isinulong na ang rebolusyon ng mga proletariat ( manggagawa ) ang magpapatalsik sa mga kapitalista . - Naniniwala na ang estado ang dapat na nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon at distribusyon ng yaman ng bansa .

Mga batayang gawaing pang- ekonomiya Produksiyon Lupa Paggawa Kapital o Puhunan Entrepreneurship INPUT PROSESO OUTPUT Pagsasama-sama ng materyales , paggawa , kapital , at entrepreneurship Kalakal o serbisyo pangkonsumo Kalakal o serbisyo na gamit sa paglikha ng ibang produkto

Mga batayang gawaing pang- ekonomiya 2. Pagkonsumo (Consumption)- tumutukoy sa pagbili , paggamit o pag-ubos ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan sa pagtamo ng kasiyahan ng tao . 3. Pagpapalitan (Exchange)- paglipat ng produkto at serbisyo mula sa isang tao patungo sa ibang tao . Sistemang Barter

Mga batayang gawaing pang- ekonomiya 4. Pamamahagi (Distribution) Salik ng Produksiyon Natatanggap na Bayad sa Ginawang Serbisyo Lupa Renta o upa Paggawa Sahod o suweldo Kapital Interes Entreprenyur Tubo

Mga batayang gawaing pang- ekonomiya 5. Pagtustos o Pampublikong Pananalapi (Public Finance) Pagbibigay ng subsidiya , pampublikong paaralan , ospital at marami pang iba-dahilan kung bakit mahalagang makalikom ng salapi tulad ng buwis .

GAWAIN BILANG 1.1 Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks .

Kaugnayan ng ekonomiks at iba pang Larang ng pag-aaral KASAYSAYAN SOSYOLOHIYA ETIKA HEOGRAPIYA NATURAL SCIENCES BIYOLOHIYA KEMISTRI PISIKA MATEMATIKA

mga mahalagang konsepto sa pagpili at pagdedesisyon Ang pagpili at pagdedesisyon ay magkaugnay . Ang tao na nakapili ng isang bagay na bibilhin o gagawin ay tanda na siya ay Nakagawa ng pagdedesisyon . Individual Choice- ang paggawa ng pagpili at pasya ng indibidwal upang matugunan ang kanyang pangangailangan dahil sa limitadong pinagkukunang yaman . Social Choice- pinagsama-samang pagpapasiya ng mga indibidwal , pangkat , organisasyon at pamahalaan ukol sa mga hakbangin upang matugunan ang mga pangangailangan ng buong lipunan . -Ito ay isang pagpapasiya ng pamahalaan kung saan gagamitin ang kita ng bansa upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga mamamayan

mga mahalagang konsepto sa pagpili at pagdedesisyon Economic Choice/Economic Decision- may kinalaman sa desisyon ukol sa iba’t ibang gamit ng limitadong pinagkukunang-yaman . -Ang pagpili ng pagkain na kakainin , mga damit na isusuot , bahay na titirhan at ng iba pang bagay na kailangan ng tao upang tugunan ang kaniyang pangangailangan sa buhay ay bahagi na kaniyang economic choice at economic decision.

Opportunity cost Ito ay ang isinakripisyong halaga ng isang bagay upang bigyang-daan ang higit na mas makabuluhang paggagamitan nito .

Trade off Ang pagpili batay sa mga alternatibong kapalit ng mga bagay na isinakripisyo o pagpapaliban ng pagbili ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay .

Benepisyo Ito ay may kinalaman sa pakinabang na natamo sa nagawang pagpili .

ALTERNATIBO A 6 na Jollibee buko pie xP35.00 =P210.00 1 1pc Chicken with rice xP95.00 =P95.00 _____________________ P305.00 ALTERNATIBO B 1 na Jollibee buko pie xP35.00 =P35.00 3 1pc Chicken with rice xP90.00 =P270.00 _____________________ P305.00

GAWAIN BILANG 1.2 Gumawa ng isang collage na nagpapakita ng benepisyo ng tao sa ginawang pagpili at desisyon sa mga bagay na gagawin .

Pamantayan sa pagmamarka Kaangkupan ng Paksa 5 Kaayusan ng Presentasyon 5 Kabuuan 1