JieAnnMarfegabia
2,846 views
17 slides
Jan 09, 2025
Slide 1 of 17
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
About This Presentation
fggvnfg
Size: 2.24 MB
Language: none
Added: Jan 09, 2025
Slides: 17 pages
Slide Content
EL FILIBUSTERISMO Sa Kubyerta Kabanata 1 Jie Ann M. Gabia
Umaga ng Disyembre, hirap na hirap ang bapor Tabo sa pagsalunga sa agos ng paliko-likong Ilog Pasig. Naghahatid ang bapor ng maraming manlalakbay patungo sa lalawigan ng Laguna. Sakay ng bapor sina Don Custodio, Benzayb, Padre Salvi, Padre Sibyla, Padre Camorra, Padre Irene, Simoun at si Donya VIctorina. Kabanata 1
Bapor Tabo Isang sasakyang pandagat kung saan may mga iba’t ibang bahagi sa loob na naghahati sa bawat mga tao
Isang bapor ngunit di ganap na bapor, di nagbabago, may kapintasan, ngunit di matuligsa. Tinitingala sa pook na iyon dahil marahil sa kanyang pangalang Tagalog o kaya’y sa taglay nitong mga pag-uugaling katutubo sa bayan. May karumihan bagama’t nagpapanggap na maputi at maharlika. Matatawag din itong Daong ng Pamahalaansa kadahilanang ito ay niyari sa pamamahala ng mga Reverendos at Ilustrisimos
Kabanata 1 Sa itaas ng Kubyerta ay naguusap-usap sila na kung saan ang paksa ng kanilang usapan ay patungkol sa pagpapatuwid ng ilog Pasig at ang mga gawain ng Obras . Nagmungkahi si Simoun na “Ang lunas lamang diyan na kung saan walang magugugol kahit isang sentimo ay humukay ng isang tuwid na kanal mula sa lawa hanggang sa Maynila at magbukas ng bagong ilog at isara ang dating ilog Pasig gamit ang mga lupang hinukay. Mapapadali ang paglalakbay at maiiwasan ang pagtaas ng buhanging babara sa Ilog. Maaring ang mga bilanggo ang pagtrabahuin nito at kung hindi sapat ay patatarabahuin ng sapilitan hanggang tatlo o limang buwan ang buong bayan.”
Halos lahat ay namangha at sumang-ayon sa paraan na iminungkahi ni Simoun, maliban lamang kay Don Custodio. Iginiit ni Don Custodio na maari itong magsimula ng himagsikan o lilikha ng kaguluhan. Iminungkahi ni Don Custodio ang paraan na pilitin na mag-alaga ng itik ang mga bayang malapit sa gulod-guloran dahil ang pagkain ng mga itik ay mga suso kahalo ng mga buhangin at kapag sisirin ng mga itik ang mga suso ay mapapalalim nito ang gulod-guloran ng buhangin. Hindi sumang-ayon si Donya Victorina sa iminungkahi ni Don Custodio sapagkat dadami raw ang magtitinda ng balot na pinandidirihan niya.
Katanungan Patungkol sa anong paksa ang kanilang pinaguusapan? Sino sa mga nagtalo sa tingin mo ay makatwiran? Manindigan.
Katanungan Ipahiwatig ang Iminungkahi ni Simoun at bakit hindi sumang-ayon si Don Custodio dito. Maganda ba ang iminungkahi ni, Don Custodio? Bakit? Ipahiwatig ang dahilan ni Don Custodio bakit hindi siya sang-ayon sa iminungkahi ni Simoun
Pagsusulit 1. Sa anong lalawigan patungo ang bapor upang ihatid ang mga manlalakbay ? a. Sa lalawigan ng North Cotabato b. Sa lalawigan ng Pasig c. Sa lalawigan ng Laguna
Pagsusulit 2. Sino-sino ang mga nasa ilalim ng kubyerta? a. Mga manlalakbay na nakasuot-Europeo, mayayaman, mga prayle, at mga opisyal. b. Mga artista c. Mga kayumanggi at maitim na buhok, mga Indio, mga Instik at mga mestiso.
Pagsusulit 3. Ano ang naging dahilan ng pagyanig ng bangka at ang mga sakay? a. Dahilan nito ay ang pagkasayad sa malaking bato b. Dahilan nito to ay ang pagkasayad sa isang mababaw na putik c. Dahilan nito ay ang mga kahoy na palutang-lutang sa tubig
Pagsusulit 4. Sino ang nag-iisang ginang sa pangkat ng mga Europeo na naguusap-usap? a. Si Donya Consolacion b. Si Donya Victorina c. Si Pepay
Pagsusulit 5. Ano ang paksa ng kanilang usapan? a. Paksa sa kanilang usapan ay patungkol sa mga gawain o batas na ipapatupad para mapaunlad ang kanilang bayan. b. Paksa sa kanilang usapan ay patungkol sa pagpapatuwid ng ilog Pasig at ang mga gawain ng Obras. c. Paksa sa kanilang usapan ay ang pagbabago sa wangis ng bapor
Pagsusulit 6. Ano ang dahilan bakit maitatawag din ang bapor na Daong ng Pamahalaan?? a. Trip lang nila. b. Kase wala ng pagpipilian. c. Dahil niyari ito sa pamamahala ng mga Reverendos at Ilustrisimos
Pagsusulit 7. Bakit nais ni Donya Victorina magpunta ng Laguna? a. Upang kalimutan ang masakit niyang karanasan. b. Upang humanap ng bagong lalake na ipapangasawa. c. Upang sundan at akitin si Don Tiburcio
Pagsusulit 8-10. Saan mo maihahantulad ang bapor? Ano ang sinisimbolo nito?