EsP-10-_-Quarter-1-_-Modyul-2-_-Week-2-Version-2.pdf

PaulineHipolito 278 views 16 slides Mar 17, 2025
Slide 1
Slide 1 of 16
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16

About This Presentation

VE10


Slide Content

10 10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip
at Kilos Loob
(Linggo: Ikalawa)

NegOr_Q1_EsP10_Modyul2_v2

Edukasyong Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1.b: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng isip at Kilos
Loob


Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio



Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Amancio M. Gainsan Jr.
Editor: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagasuri: Conchita T. Caballes Cita J. Bulangis
Tagaguhit: Edyl Kris B. Ragay
Tagalapat: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira Nilita L. Ragay

ii

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mataas na Gamit at
Tunguhin ng Isip at Kilos Loob
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag -aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang -alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:






Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag -
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.


Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

iii

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos
Loob
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong -aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik -aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iv


Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain nanaglalayong matasa o
masukat ang ant as ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang
Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag -iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

v

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang -unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

1


Ang Mataas na Gamit At Tunguhin ng Isip at Kilos Loob




MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap
ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. EsP10MP-lb-1.3

Nakakagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap
ang katotohanan at maglingkod at magmahal. EsP10MP-lb-1.4




Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:

1. Natutukoy ang angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap
ang katotohanan, maglingkod at magmahal
2. Nasusuri kung tama ang kilos sa pagpapakita ng kakayahang mahanap ang
katotohanan, maglingkod at magmahal
3. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin
4. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
mahanap ang katotohanang maglingkod at magmahal









Alamin
Mga Layunin
NegOr_Q1_EsP10_Modyul2_v2

2


Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa
iyong kuwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod ang may kakayahang magnilay o magmuni-muni?
A. Isip
B. Kilos-loob
C. Mata
D. Tao
2. Ano ang dahil kung bakit ang tao ay nakabubuo ng kahulugan at kabuluhan
ng bagay (man is meaning maker)?
A. Dahil sa kakayahang magmuni-muni.
B. Dahil sa kakayahang kumuha ng buod o esensya sa mga particular na
bagay na umiiral.
C. Dahil sa kakayahang impluwensiyan ang kilos-loob
D. Wala sa mga nabanggit
3. Kailan nagkaroon ang isang tao ng tawag (calling) na dapat nitong tugunan?
A. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon
B. Kapag nasaktan ang tao at natoto
C. Kapag naging mataas ang pinag-aralan ng tao
D. Kapag naging mayaman ang tao.
4. Kailan tayo napaaalalahanan na walang anumang bagay sa buhay na ito ang
nagtatagal maliban sa ugnayang nabuo natin sa ibang tao?
A. Kapag pinaglingkuran natin ang iba.
B. Kapag may nagmahal sa iyo.
C. Kapag ikaw’y nagmahal
D. Lahat ng nabanggit
5. Ano ang pinaka mabuting paraan upang makipag-ugnayan sa iba?
A. Mag karoon ng kontrata sa lahat ng bagay
B. Dapat tumulong lamang pagmaykapalit
C. Magmahal sa taong mahal ka
D. Pagtutulungan lamang para sa kabutihang panlahat
6. Alin sa mga sumusunod ang esensya ng pagkatao na tayo ay kawangis ng
Diyos?
A. Pag labag sa utos ng Diyos
B. Pagsawalang bahala sa mga nangyayari ssa paligid
C. Pag pili ng tama at kabutihan
D. Pagpili kung ano ang nababagay lamang sa sarili
7. Ano ang ibig sabihin sa katagang “ ang isip ang nagdidikta kung paano mo
aksiyunan ang isang gawain o mga gampanin na kailangan mong gawin”.
A. May kaalaman ka sa kung alin ang mga dapat na gawain para sa
kabutihan at mga masamang bagay na dapat iwasan
B. May kalayaan ang tao na gawin kung ano ang gusto niyang gawin.
C. Gagawin ng tao kung ano ang gusto niyang gawin
D. Wala sa mga nabanggit
Subukin

NegOr_Q1_EsP10_Modyul2_v2

3

8. Ano ang magdadala sa atin upang mahanap natin ang katotohanan at ang
kabutihan?
A. Ang pagligkod na may kapalit
B. Ang paglingkod na may pagmamahal
C. Ang paglingkod lamang kapang may kailangan sa pinaglingkuran
D. Lahat ng nabanggit
9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na ang tao ay may kakayahang
magbigay-kahulugan at maghanap ng katotohanan?
A. Nagbigay ang tao ng tulong sa kapwa tao
B. Minahal ng tao ang lahat na nasa paligid nito
C. Tumulong ang tao sa mga nangangailangan
D. Nahuhulog ang mga bagay at tao sa isang kahulugan o katotohanan
at humingi ang tao na maging saksi, maging tapat sa katotohanan.
10. Bakit magagawa ng taong magpakatao at linangin ang mga katangian ng
kaniyang pagkatao?
A. Dahil sa kaniyang isip at kilos-loob.
B. Dahil sa kanyang kalayaang mag isip
C. Dahil siya ay mas mataas sa lahat ng mga nilalang
D. Wala sa mga nabanggit






Magbigay ng mga salita o kilos na nagpapakita ng
pagkamakatotohanan sa paggamit ng isip at kilos -loob na
nagpapakita ng pagmamahal sa paggamit ng kilos -loob gamit
ang nasa ibaba.








Balikan
ISIP
KILOS-LOOB
NegOr_Q1_EsP10_Modyul2_v2

4


Basahin at sagutin ang mga tanong.

1. May mga pagkakataon na ikaw ay nasa labis na pangangailangan at ikaw ay
walang-wala sa oras na iyon ni wala kang isang piso o pambili ng isang kilong
bigas. Nagkataon na may isang taong sinundan mo sa paglalakad at nakita
mo na nahulog ang kanyang limang daang piso sa daan.
Ano ang iyong gagawin sa pagkakataong iyon?

2. Kung mayroon kang matalik na kaibigan na gumawa ng isang bagay na hindi
mabuti, paano mo maipakita ang iyong totoong pagmamahal sa kaniya?














Ilan sa mga dahilan na ang tao ay bukod tangi kaysa ibang mga nilalang ay
ang pagkakaroon ng isip para sa pagpili ng katotohanan at kilos-loob upang gawin
ang tama. Kapag ito ay piniling gawin ang tama at kabutihang ito ay esensiya ng
ating pagkatao na tayo ay kawangis ng Diyos. Nararapat lamang na tayo ay
manindigan palagi sa pagpanig ng katotohann upang sanayin ang ating sarili sa
paggawa ng mabuti, at ang paglilingkod at paggawa natin sa ating tungkulin na
kaakibat ang pagmamahal ay siyang mahalagang sangkap upang tayo ay gumawa
ng ayon sa kabutihan at ayon sa kagustuhan ng Panginoon para sa ating kapwa.
Ayon kay Dy, ang isip ay may kakayahang magnilay o magmunimuni kaya’t
nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan. May kakayahan ang tao na lumayo o
humiwalay sa sarili at gawing abito ng kamalayan ang sarili tungo sa pagsasaibayo
sa sarili (Self-transcedence). Dahil dito, kaya niyang pigilin ang sarili, ang udyok ng
damdamin at pagnanasa. Halimbawa, maaring sabihin siya sa sarili na “ Ok lang ako
Tuklasin
Suriin
n
NegOr_Q1_EsP10_Modyul2_v2

5

lumabas sa gitna ng Pandemya ngayon basta’t hindi mahuhuli ng mga Pulis”, ngunit
mapagtanto niya na maaring mahawaan siya ng sakit at ang kanyang pamilya kapag
ginawa niya ito.
Isa pa sa nagagawa ng tao dahil sa kaniyang isip ay ang kakayahang
kumuha ng buod o esensiya sa mga partikular na bagay na umiiral (mag -
abstraksiyon). Dahil sa kakayahang ito ng isip, ang tao ay nakabubuo ng kahulugan
at kabuluhan ng bagay (man is a meaning maker). Nahuhulog ang mga bagay at tao
sa isang kahulugan o katotohanan at humingi sa tao na maging saksi, maging tapat
sa katotohanan. Samakatuwid, ang tao ay may kakayahang magbigay-kahulugan at
maghanap ng katotohanan.
Ang tao ay may kamalayan at may kakayahan itong kumuha ng buod o
esensiya sa mga bagay na umiiral, maaring ang emosyon at ang kilos-loob ay
magkakaroon ng magkaibang pagkilos. Halimbawa, maaring piliin ng kilos-loob na
hindi lumabas sa gitna ng GCQ (General Community Quarantine) ngunit ang
kanyang emosyon ay naakit na lumabas. Kaya’t maari niyang sabihing “ Gusto ko,
subalit ayaw ko sapagkat bawal at maaring makakasama sa aking kalusugan”.
Ibinigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan
ang kilos-loob. Mahalaga ito sa moral na pagpili, sapagkat kailangang kilalanin ang
pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon at ang paghuhusga at pagpapasiya
sapagkat may kakabit itong moral na tungkulin. Kapag nabigyan ng kahulugan ang
isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag sa tao (Calling) na dapat niyang
tugunan. Maaring ang tawag na ito ay ang tumulong sa kapuwa ayon sa sitwasyon.
Ang tumugon sa obhektibong hinihingi ng sitwasyon ay katarungan, mna minum ng
pagmamahal. Ang pagmamahal ay maipakikita sa pamamagitan ng paglilingkod sa
kapuwa na siyang pinagmulan ng tunay na kaligayahan na hinahanap ng tao sa
kaniyang sarili.

Ang paghahanap ng katotohanan ay ang magpapalaya sa iyo at ang
pagpanig sa tama ang magpapalaya sa atin.

 Sa pagtupad ng iyong tungkulin ay laging isaisip ang paggawa ng
mabuti.
 Palaging pumanig sa katotohanan sa lahat ng pagkakataon.
 Maglingkod nang may pagmamahal sa iyong tungkulin upang laging
makagawa ng tama
Ang pagtupad nang may kaakibat na pagmamahal ang siyang nagpapagaan ng iyong
gawain at siyang nagtutulak sa iyo upang sundin

6

Napag-alaman ko na ____________________________________.

Napagtanto ko na _______________________________________

Ang aking gagawin ay ___________________________________



Dugtungan mo ng iyong sariling ideya ang pangungusap sa ibaba.

Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

Ang aking gagawin upang maipakita ko ang kakayahang hanapin ang katotohanan
at maglingkod at magmahal ay
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________











Pagyamanin
Isaisip
NegOr_Q1_EsP10_Modyul2_v2
NegOr_Q1_EsP10_Modyul2_v2

7


Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan,
Pamatayan sa Pagmamarka
Katiyakan ng sagot 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

1. Gaano kahalaga ang isip at kilos-loob sa tao?
2. Bakit mahalagang gamitin ag isip at kilos-loob sa katotohanan?




I. Suriin ang bawat pangungusap. Lagyan ng T ang patlang kung
angkop ang kilos at paglilingkod ng may pagmamahal at M naman kung
hindi.

______1. Tinutulungan ang isang matanda na tumawid sa daan.
______ 2. Nakikibahagi sa mga gawain ng paaralan at sa pamayanan.
______ 3. Tumutulong sa mga kaklase upang matulungan ang mga mag-aaral na
hindi gaanong mabilis matuto sa asignatura.
______ 4. Ang pagtupad mo ng iyong tungkulin ay magagawa na walang kaakibat
na pagmamahal.
______ 5. Tumulong sa mga gawaing bahay na labag sa kalooban.
______ 6. Laging nag-iisip ng paghihiganti sa taong nakagawa sa kanya ng
kasalanan.
______ 7. Sumusunod sa mga batas at polisiya ng kaniyang pamayanan tulad ng
pagtapon ng basura sa tamang lugar.
_____ 8. Sumisingit sa pila para makauna sa iba.




Isagawa

Tayahin
NegOr_Q1_EsP10_Modyul2_v2

8

II. Magtala ng limang angkop na mga gawain upang maipakita mo ang
kakayahang hanapin ang katotohanan at patunayan.

Mga hakbang na nagawa Ipaliwanag
1.
2.
3.
4.
5.





Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan,
Pamatayan sa Pagmamarka
Katiyakan ng sagot 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

1. Paano mo sanayin ang iyong isip at kilos-loob upang laging manindigan sa
katotohanan at pagmamahal?
Karagdagang
Gawain
NegOr_Q1_EsP10_Modyul2_v2

Sanggunian

et.al, Mary Jean B. Brinzuela. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung
Baitang. 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600.

Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated
EncylopediaBritanica, https://www.britannica.com/biography/Mother-Teresa,
December 14, 2021

Susi sa
Pagwawasto
Panimulang pagtataya:
1. a
2. b
3. a
4. a
5. d
6. c
7. a
8. b
9. d
10. a

Gawain1. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
Pagsusuri: Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
Gawain 2. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
Gawain 3. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-
iba.Pangwakas na pagtataya:
1.T
2.T
3.T
4.M
5.M
6.M
7.T
8.M
I.
Ang sagot ay maaring magkaiba-iba


NegOr_Q1_EsP10_Modyul2_v2

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental
Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
Email Address: [email protected]
Website: lrmds.depednodis.net
Tags